下載應用程式
80% The So-Called "Ex" / Chapter 16: TSCE: Trouble

章節 16: TSCE: Trouble

***

"Pinag-alala mo 'ko. Alam mo ba 'yon?" ang mahina kong sambit habang marahan kong hinahaplos ang kanyang buhok.

She gently groaned. Bahagya kong idinistansya ang aking kamay mula sa kanyang ulo. Mukhang naisturbo ko 'ata siya. Mula doon ay wala na akong ibang ginawa kundi ay ang pagmasdan na lamang siya habang natutulog at nagpapahinga. And then, natagpuan ko na lamang ang aking sarili ng nakangiti, lalo na nung aking naalala ulit ang kanyang mga sinabi kanina.

_________

"Ano ba? Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Naka-move on ka na 'di ba? 'Yun ang sabi mo!"

"Gusto mong malaman ang totoo? Oo unti-unti nang nawawala ang feelings ko kay Evo. Pero may kulang pa rin doon sa pag-move on na yun . . . AT IKAW 'YUN! I'm falling for you. . . Gusto na kita, Break, pero, damn, 'di ka pa rin pala nakapag-move on!"

__________

"Salamat sa paghahatid mo sa kanya dito..." napukaw bigla ang aking atensyon mula sa taong nagsalita.

At nang aking balingan ay isang nakangiting babae ang bumungad sa aking paningin.

"Ako nga pala si Mrs. Thompson, ang mommy ni Merlyn." aniya.

"Ah, ganun po ba? Hello po, magandang gabi."

"Pasensya ka na sa anak ko, ha? Actually, hindi naman siya ganoon eh. Hindi siya mahilig maglasing. Hindi ko lang maintindihan kung bakit na lamang siya nagkaganyan nitong nagdaang mga araw. Masyado na siyang malungkutin at tila ba nakatulala. Nag-aalala na nga ako sa kanya eh. Siya nga pala, paano mo natunton ang bahay namin dito?"

Habang pinakikinggan ko ang kanyang mga sinasabi ay bumalik-tanaw rin sa isipan ko ang mga nangyari.

"Ah, um..."

__________

"Hey, Ms. Thompson! Ms. Thompson!" patuloy ko pa ding marahan na tinatapik ang kanyang pisngi ngunit ay wala pa ring epekto. "Ano ba naman 'to?!" I complained to myself.

"Masakit..." sa wakas ay nadinig ko ang kanyang pagdaing habang hinahawakan niya ang kanyang ulo.

"Uy, ano ba? Tumayo ka na diyan!" sinusubukan kong tulungan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.

"Masakit. . . Umiikot. . ." iyun ang paulit-ulit na kanyang sinasambit.

"Talagang sasakit 'yang ulo mo sa dami ng nainom mo!"

"Isha pah!"

'Naluko na!' ang wika ko sa aking sarili.

"Magtigil ka nga!" ani ko.

Ngayon ay inaalalalayan ko na siyang maglakad.

"Sabihin mo sa akin, nasa'n ang bahay niyo at nang maihatid na lang kita doon?"

"'Wag muna... Dito lang muna tayo..." ang pakiusap niya, at bigla siyang napayakap sa akin.

Pagkaraa'y marahan ko siyang binuhat at kinarga sa aking mga bisig.

"Taxi!" ang tawag ko.

Mabuti na lang at huminto din 'yong sasakyan. Kaagad na lumabas ang driver at saka binuksan niya ang pinto sa may back seat.

"Salamat..."

Maingat na unang ipinasok ko sa loob ng sasakyan si Merlyn at saka pumasok na din ako.

"Saan po tayo sir?" ang pakli nung driver.

"Hey. No choice ka na. Nasa loob na tayo ng sasakyan. Mamili ka, iiwanan kita sa kalye o sa bahay mo ikaw magpapahinga?" ang sambit ko malapit sa tenga ni Merlyn.

She replied to me a soft moan.

"Sir?" ang tanong ulit ng driver.

__________

May gumuhit na ngiti sa aking mga labi nang nagbalik ako sa aking sarili.

"Sinabi niya po sa akin ang address niyo dito bago siya tuluyang nakatulog sa balikat ko habang papunta na po kami rito." ang tugon ko.

"Ah, ganun ba?" ang wika ng mommy ni Merlyn at saka napabuntong-hininga siya.

"S-Sige po ma'm. A-aalis na po ako..."

"Ah, halika, kumain ka muna---"

"Ah, okay lang po. Salamat na lang po. Tapos na po eh. Sige po, aalis na ako.Thank you ulit."

Napasulyap muna ako sa natutulog pa ding si Merlyn bago ko tuluyang nilisan ang kanilang bahay.

***

Pakiramdam ko ay ganado ako sa araw na iyon. Para bang buhay na buhay ang dugo ko na pumasok ng school. Malapit na palang matapos ang school year, at magsu-summer na naman. Wala naman akong ikina-eexcite sa summer, sadyang ma-mimiss ko lang siguro ang may pasok.

Maya-maya lamang ay napahinto akong bigla mula sa aking paglalakad nang aking napansin ang nagkukumpolang grupo ng mga kalalakihan. Hindi ko nais na maki-usyoso pa kung kaya ay nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad patungo sa gate ng campus.

Pagkaraa'y may nasalubong akong nagtatatakbohang mga estudyante. At nang aking sundan ng tingin ay patungo sila sa mga nagkukumpolang grupo ng mga kalalakihang nilagpasan ko kanina.

Doon na ako nagtaka.

"Hey-hey-hey! Hey Mark, sa'n kayo pupunta, ha?" ang kaagad na salubong ko ng isang tanong sa kaklase kong tumatakbo din, marahil patungo sa kung saan papunta ang iba ring mga estudyante kanina.

Humahangos na huminto si Mark.

"May--- May binubugbog doon." Ang sambit niya na itinuturo 'yong kumpol ng mga tao kanina.

"H-Ha?!"

"Jeyson!" umagaw kaagad sa aking atensyon ang pagtawag ng kung sinong iyon sa aking pangalan.

Si Gerald iyon, isa din sa mga kaklase namin, at huminto rin siya sa kanyang pagtakbo sa aming kinaroroonan.

"Oh, Gerald."

Humahangos na ipinatong ni Gerald ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Sina Evo..." aniya.

"Sina Evo? Bakit, ano'ng meron?" bigla tuloy akong kinabahan sa kanyang sinabi.

"May tumawag sa amin na napapaaway daw sila sa grupo ng gang sa kabilang school!" ang pagbabalita niya.

"Ano?!" kaagad na binalingan ko ang nakita kong grupo ng kalalakihan kanina.

Walang patumpik-tumpik na kaagad akong tumakbo papunta sa noo'y nagkukumpolan ng mga tao.

"Evo!!!" hindi pa man ako nakakalapit ng husto ay sigaw na ako ng sigaw. Kahit wala pa man akong tamang basehan na totoo nga ang sinasabi ni Gerald.

Buong lakas na hinawi ko ang mga taong nakaharang sa dinadaanan ko.

"Evo---"

Hanggang sa natigilan ako nang tumambad sa aking harapan ang hindi ko nanaising masaksihan. Gulat na gulat ako, naawa, at hindi makapaniwala.

Nakahandusay sa semento si Evo, habang nasaktan ng labis na marahang bumabangon sina Buns at Raw. Pare-pareho silang may mga pasa sa kanilang mukha at duguan ang mga ulo nila.

Mabilis kong nilapitan si Evo.

"Evo... Evo..." ang tawag ko.

Halos ay hindi na makakilos si Evo. Duguan ang bandang kaliwang kilay niya, at sabog na din ang ibabang bahagi ng labi niya. Marami din siyang pasa at galos sa katawan.

"Evo, ano ba ang nangyari, ha?" ang tanong ko nang may labis na pag-aalala para sa aking kaibigan.

"Tak..bo.. Uma...lis...ka.. na!" ang saad niya bagama't nahihirapan na siyang magsalita.

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"

"Baka.. idawit...ka... nila..."

"Nino? Pati sina Buns at Raw ay---"

"Sabihin mo... Kakilala mo din ang lalaking 'yan?" Natigilan akong bigla mula sa matapang na pagsasalita ng isang lalaki na noo'y huminto sa harapan ko.

Dahan-dahan ay ini-angat ko ang aking paningin. At gumulantang sa akin ang isang lalaki na pormang siga sa kanto sa tindig niya at tikas ng kanyang pangangatawan.

Bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding kaba at takot na din. Nakatingin pa rin ako kay Evo habang dahan-dahan akong tumatayo. At pagkatapos ay napalunok ako, habang ramdam ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

"O—opo. K-Kaibigan ko siya. At sila!" sina Buns at Raw ang aking tinutukoy.

Ngumisi ang lalaki habang panay ang nguya sa kanyang chewing gum.

"Ku-kung okay lang sanang matanong sa inyo kung ano ba ang nagawa nilang kasalanan at ginanito niyo sila?"

Pakiramdam ko ay tila lumiliit ang aking mundo dahil marami na silang nakapalibot sa akin.

"Boy, ano 'ka mo? itinatanong mo kung ano ang kasalanan ng hambog na lalaking 'yan?" ang matigas na wika nung lalaki.

Maya-maya lang ay mayroon siyang hinilang babae mula sa mga taong naroon. At nanlaki ang aking mga mata sa matinding pagkagulat nung nakilala ko ang babaeng iyon.

Siya ang babaeng bigla na lang brineakan ni Evo sa may coffee shop nung isang araw!

"Muntik nang mag-laslas ng kanyang pulso ang aking kapatid dahil lamang sa kagaguhan ng taong 'yan! Babasagin ko muna ang bungo niya bago pa man mapinsala ang aking kapatid. Ang tapang kung umasta, wala naman palang binatbat!"

Mukhang nakuha ko ang nais ipahiwatig ng taong ito. Naghihigante siya para sa kanyang marahil ay na-depressed na kapatid pagkatapos nung nangyari sa biglaaang pakikipag-break ni Evo rito doon sa coffee shop.

Biglang bumasag ang malakas na tunog ng pagpito marahil ay mula sa mga gwardiyang papalapit na sa kinaroroonan namin. Naalarma silang lahat.

"'Wag na 'wag na niyang malapit-lapitan ulit ang kapatid ko dahil pagpipirapirasuhin ko siya. Tandaan niyo 'yan!" ang pagbabanta niya. "Tayo na, Misan!" at hinila niya upang sumama sa kanila 'yong babae. At mabilis silang kumaripas ng takbo papaalis.

Para ba naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib mula sa aking kinatatayuan. Akala ko ay katapusan ko na. Ganito pala ka-dilikado magkaroon ng kaibigan na may atraso? Damay-damay na!

Unti-unti na ding nagsi-alisan ang mga nakiki-usyosong mga estudyante. Tinutulungan na din ng nagsilapitang mga gwardiya at crews ng Academy sina Buns at Raw.

Ini-abot ko ang aking kamay kay Evo. Dahan-dahan ay humawak naman si Evo sa kamay ko, at saka tinulungan ko siyang makatayo.

"Salamat, 'tol..." ang maikli niyang wika.

"Walang anuman..."

Nakaakbay ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Evo?"

Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad nang biglang umagaw sa aming atensyon ang pagtawag mula sa kung sino.

At nung aming balingan ay si Merlyn iyon!

Bakas ang labis na pag-aalala mula sa kanya. Hanggang sa patakbo siyang lumapit papunta sa amin at huminto siya sa malapitan. Nagtagpo ang aming mga mata, ngunit ay kaagad ko namang iniiwas ang aking paningin mula sa kanya.

Ilang sandali lang ay nagulat na lamang ako at gayundin si Merlyn dahil bigla na lamang siyang niyakap ng mahigpit ni Evo!

***


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C16
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄