下載應用程式
98.21% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 107: Kabanata 34

章節 107: Kabanata 34

LOUISE'S POV

Papunta ako sa Dyosa's Cafe dahil i-me-meet ko ngayon si Jameshin. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipagkita sa akin ngayon. Matagal ko na rin siya hindi nakikita sa personal dahil masyado siyang busy.

Nang makapagbihis na ako ay nagpahatid ako sa driver papuntang Dyosa's Cafe.

Hindi na ako nagpaalam pa sa asawa ko dahil nasa trabaho siya ngayon. Siguro naman ay hindi niya malalaman na kasama ko ngayon si Jameshin. Baka magselos lang siya at sumugod sa amin.

Pagkarating ko sa Dyosa's Cafe ay pumasok ako do'n at nakita ko si Jameshin na naghihintay sa akin.

"You're one minute late." bungad sa 'kin ni Jameshin.

"Parang one minute lang ay binibig deal mo na." sabi ko sa kanya at umupo na ako. Bale magkaharap kaming dalawa.

"Bakit mo pala ako pinapunta rito?" tanong ko sa kanya.

"Bago muna 'yan ay umorder muna tayo ng kape." sabi niya sa 'kin.

Pumila naman kami ni Jameshin sa counter para umorder ng kape.

Pero pagpila namin ay nagulat ako nang makita ko si Billy. Pati nga siya ay nagulat din nang makita niya ako. Nakalimutan ko palang dito siya nagtatrabaho. Patay na.

Ito pala ang sinasabi kong trabaho niya na 25K per week ang sweldo. Ang galante talaga ng may-ari nito. Siguro ay malaki ang kinikita niya rito.

Si Billy din ang mukha o model ng Dyosa's Cafe. Makikita niyo ang ad-poster niya sa tapat ng Cafe. Masyado akong nagmadali kanina kaya hindi ko napansin ang ad-poster niya. Hindi ko tuloy naisip na dito pala siya nagtatrababo.

"Anong ginagawa mo rito wifey ko?" tanong sa 'kin ni Billy.

"E-eh k-kasi ano..."

Hindi tuloy ako makasagot dahil sa kaba.

"Kasama ko siya Idol Billy." Nagulat ako nang magsalita si Jameshin na nasa likod ko.

"Ikaw pala bro. Ba't mo naman kasama ang asawa ko?" parang seryosong tanong ni Billy kay Jameshin.

"May sasabihin sana ako sa kanya pero sa aming dalawa lang 'yon, idol." sagot ni Jameshin sa asawa ko.

"Siguraduhin mo lang na kakausapin mo lang siya. Kung may nakita man akong hindi maganda ay pasa ang aabutin mo sa akin." kunwaring seryosong sabi ng asawa ko kay Jameshin. Pero alam kong hindi siya seryoso do'n. Alam kong pananakot lang niya 'yon kay Jameshin. Sinabihan ko ang asawa kong huwag manakit kapag mababaw lang ang dahilan.

"Idol, chill ka lang. Hindi ko naman type 'yang asawa mo. Masyadong maliit ang boobs niya para sa akin." - Jameshin

Hindi ko napigilang batukan nang malakas si Jameshin.

"Aray naman Louise! Nagsasabi lang naman ako ng totoo." sabi sa 'kin ni Jameshin.

"Yung bunganga mo kasi, ang bastos." sabi ko sa kanya.

Ngayon ko lang narinig sa kanya ang mga katagang 'yan.

"Buti naman at nagkaintindihan tayo bro." sabi ni Billy kay Jameshin.

Pagka-order namin ay bumalik na kami ni Jameshin sa inuupan namin.

"Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?" tanong ko kay Jameshin.

"Gusto ko sanang mag-sorry sa 'yo." sagot niya sa 'kin.

"Ha? Ikaw mag-so-sorry? Bakit naman?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta. Gusto ko lang mag-sorry sa mga oras na naging masungit ako sa 'yo. Naalala ko kasi sa 'yo yung babaeng nabuntis ko." ani Jameshin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa rebelasyong narinig ko mula sa kanya.

"Ano? Nakabuntis ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Sshhh! Wag kang maingay. Baka may makarinig sa 'yong ibang tao." sabi niya sa 'kin. Ay oo nga pala, celebrity pala 'tong kausap ko.

"Gosh! Parang gusto kong ma-meet yung girl. Where is she now?" mahina pero excited kong sabi.

"She's hiding from me. Ayaw niyang magpakita sa akin." tugon ni Jameshin.

"Ha? Bakit naman siya nagtatago sa 'yo?" tanong ko sa kanya.

"I don't know." sagot niya.

"Siguro ay may ginawa kang mali sa nabuntis mo." sabi ko sa kanya.

"Of course not. Ayaw lang niya ako makita." depensa niya. "Pero hinahanap ko na siya ngayon." dagdag pa niya.

"Sana ay mahanap mo siya. Malay mo ay siya na pala ang magiging forever mo. Yieeeee!" tukso ko pa sa kanya.

"Imposible 'yang sinasabi mo. Si Elena pa rin yung mahal ko. But she's gone." - Jameshin

Hindi ko alam kung anong 'gone' ang sinasabi niya. Yung patay na ba ang mahal niya o yung iniwan siya?

Hinawakan ko naman ang dalawang kamay ni Jameshin na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Mahahanap mo rin siya balang araw Jameshin. Basta kapag nahanap mo na ang babaeng nabuntis mo ay gawin mo ang responsibilidad mo bilang ama. Be a good father." sabi ko sa kanya.

"Thank you Louise." tugon niya sa 'kin.

"Tapos na ba kayong mag-usap?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Billy na katabi ko na pala. Kanina pa ba siya nakikinig sa amin?

Napabitaw naman ako sa kamay ni Jameshin.

"Mali ang iniisip mo Idol Billy. Nag-uusap lang kami." depensa ni Jameshin kay Billy.

"May mali ba akong iniisip?" kunwaring nagtatakang tanong ni Billy. Pero alam kong may naglalaro sa kanyang isip.

"W-wala. Sige, aalis na ako." sagot ni Jameshin at umalis na siya. Hindi man lang niya ininom ang inorder niyang kape.

"Ano yung nakita ko kanina? Hinawakan mo pa talaga ang kamay niya." nakasimangot niyang sabi.

"Selos lang 'yan hubby ko." pagbibiro ko sa kanya.

"Oo, nagseselos ako kaya humanda ka sa akin mamayang gabi." sabi niya na ikinalunok ko.

My god! Umaaktibo na naman ang wild side niya. Mukhang kailangan ko nang ihanda ang pearly shell ko mamayang gabi.


創作者的想法
AriadneWP AriadneWP

A/N: Final Chapter is up next.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C107
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄