下載應用程式
60.25% Dear Future Boyfriend / Chapter 94: Entry #51

章節 94: Entry #51

Dear Future Boyfriend,

Tinawagan ko sya! Tinawagan ko si Mr Creeper! Ang tagal ko nag-ipon ng lakas ng loob para tawagan sya. Ilang oras kong tinitigan ang cellphone ko. Nakatutok ang mga mata ko sa number nya. Sa sobrang pagtutok ko nakabisado ko na nga eh! Matutuwa ang math teacher ko nito! Ilang tampal sa pisngi ang inabot ko para lang matauhan! Ilang beses kong nasabunutan ang sarili ko para lang magising mula sa pagkakatulala. Nagtataka na nga sina Mama kung bakit hindi ako nalabas ng kwarto ko. Ang sabi ko nalang sa kanila kanina, napuyat ako dahil nag-usap pa kami ni Ashleen! Nagsinungaling ako! Alam mo ba yung feeling na nagsinungaling ako kay Mama?! Si Ashton ang kausap ko hindi si Ashleen!

Si Ashton ang kasama ko na nagpuyat kagabi! Pero dahil nga sya si Mr Creeper eh biglang nabuhol ang dila ko! Hindi ko kayang sabihin kina Mama na si Ashton ang kasama ko kagabi. Kahit na alam kong wala lang yun sa kanila, pero kasi iba na ngayon. Kanina sa wakas nagawa ko na rin syang tawagan. Dinial ko ang number nya at nag-hintay. Pero lahat ng efforts ko ay nauwi sa wala! Alam mo kung bakit?! Kasi 'the subscriber cannot be reached'. Muntik na akong mapasigaw sa sobrang tense, alam mo ba yon?! Kaso hindi ko nagawa kasi baka mapagkamalan akong baliw ni Lola. Kaya dito ko nalang ibubuhos lahat!

Ang tagal kong inipon ang lakas ng loob ko para harapin ang katotohanan! Alam mo yung feeling na wala kang mapagsabihan kasi... hindi mo masabi sa iba?! Bakit sa dinami-dami ng oras ngayon pa naka-off ang cellphone nya? Saan ba sya pumunta? Sa lugar na walang signal? Hindi kaya na-lowbat ang cellphone nya habang nasa byahe? Pwedeng mangyari yon! So, si Ashton nga si Mr Creeper dahil wala syang charger?! Ganon ba yon?! Tulungan mo akong mag-isip dito! Mababaliw na yata ako!

Love,

Kayleen


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C94
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄