下載應用程式
77.77% I got reincarnated as a necromancer [Tagalog] / Chapter 14: Chapter 14: Forest 9

章節 14: Chapter 14: Forest 9

Agad naman kaming nakapunta sa may falls kung nasaan ang kampo ng mga kasama ni Fumiko.. genorous nga si Hiroshi.. nang ibibigay na sakanya ni Fumiko ang wand, tumangi sya dahil alam nyang mas kailangan iyon ni Fumiko.. hindi naman nakatangi si Kagome sa binibigay sakanyang tela! medyo may punit kasi ang pantalon at t-shirt ni Kagome.. saakin naman.. hinayaan nila akong mag pahinga dahil nga wala na akong mana! binigyan pa nga ako ng tinatawag nilang 'Mana Fruit' na nakakatulong daw mag dagdag ng mana! binigyan din nila ako ng bagong libro! tungkol naman ito sa spells na bibigyan ako ng mana at pwede akong i-heal..

Pagkatapos ng ilang araw.. malakas na ulit ako! nang aalis nakami, tinawag ako ni Fumiko at nagpunta kami sa silid nya

"Misaki ang pangalan mo diba? gusto talaga kitang hulaan! sige upo ka dito.." Sabi ni Fumiko

Umupo ako sa upuan malapit sa mesa.. umupo rin sya at may parang spell ang bumalot saakin.. at kapareho ito ng na sa ulo nya!

"Ahhhhh!! Binabago mo ang storya.. Hindi ka nararapat na nandito! hindi ikaw si-"

Bago nya matapos ang pagsasalita.. hinarangan ko na sya at umalis! natakot ako dahil nga baka malaman nya ang nangyari saakin!.. natatakot ako na mabunyag na hindi talaga ako si Misaki!

Paglabas ko nakita ko sina Kagome at Hiroshi na pumipitas ng mga prutas!

"Hhm? Misaki! ano aalis na?" Tanong ni Hiroshi

"Oo! malakas na ako ulit ohh"

Ang tahimik naman ni Kagome! sana naman kahit sandali ehh mag salita-salita sya!

"Sigurado ka bang kaya mo na?" Tanong ni Hiroshi

Nagsimula nanaman kaming maglakbay at buti naman wala kaming nakasalubong na kahit na anong problema! agad kaming nakarating sa bahay ni Hiroshi pero.. nagulat kami sa aming nakita, wasak na ang bahay ni Hiroshi! ang mga herb at mga bulaklak sa palibot ng bahay nya ay sira na!

Halatang malungkot at nagulat si Hiroshi.. tumakbo sya sa lugar at kita na ang luha sa kanyang mata. Nang subukan ko syang pakalmahin

"Hiroshi.. umm.. papagawaan kita ng panibagong bahay dito kung gusto mo dahil sa naga-"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil nagsisigaw na sya saakin

"Alam mo bang ang bahay na to nalang ang natitirang pamana saakin ng mga magulang ko!? kahit anong sabihin mo hindi maibabalik nyang ang bahay na ito! ahh alam mo bang ang mga herbs at bulaklak dito ay napaka Rare at hindi madalas makita!? sating-"

Hindi ko alam pero nakakalungkot at nagalit alo sakanya! ako ba ang may kasalanan at ako ba ang may gawa nyan!? sinusubukan ko lang pakalmahin pagaanin ang nararamdaman nya! tapos saakin sya galit na galit!? tumigil sya sa pagsasalita nang makita nyang lumuluha na ako! sino ba namang hindi magiging malungkot at galit!?

Tumakbo ako at sinigawan sya na

"Sinusubukan ko lang namang pagaanin ang loob mo! pero sinisigawan mo akong parang ako may gawa nyan!!"

Sinundan ako ni Kagome.. iniwanan namin si Hiroshi. Pagkatapos tumakbo ng mahabang panahon.. napagod na ang binti ko at nagpahinga ako sa puno. hindi ko alam pero hindi ko mapigil ang pagiyak ko, ang katawang to para talagang walang emotion pero ako! may emotion.. ang hirap umiyak at ilabas ang nararamdaman sa katawang to.. pa isa-isa lang kasi ang luha!

"Misaki.. huwag mo muna syang pansinin, satingin ko kailangan nya ng oras" Sabi ni Kagome

Marunong pala syang mag salita ahh?

"Alam ko yun! pero sana kahit ganon.. sabihin naman nya na hindi sumisigaw at sana yung tono ng boses nya baguhin nya! para kasing sinasabi nyang ako ang may gawa non!" Sabi ko

"Alam mo.. marami na akong nakilalang ganyang tao! pero emotional sila sa loob.. minsan lang nila ipakita ang nararamdaman nila dahil natatakot silang baka makasakit at pagtawanan sila ng mga tao.. maganda dahil nag mumukha silang matapang pag ganon ang ginagawa nila pero.. ang hindi alam ng karamihan kung gaano sila ka duwag! kung gaano sila katakot.. mababaw lang din ang kasiyahan nila.. kahit hindi mo sya madalas makitang nakangiti... nahahala kong masaya sya!"

Nakakapagtaka! kaya pala ang tahimik ni Kagome dahil inaaral nya kami! ang bilis nya makakilala ng tao!

"Bakit parang ang bilis mo makilala kami?" Tanong ko

"Magaling ako dyan.. kaya madalas humigiwalay ako sa grupojg tumatangap saakin dahil nga ang daming peke! palagi akong napapalibutan ng iba't ibang tao kaya madalas yung ibang paguugali nila ay agad kong namamaster"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C14
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄