Blood XVIII: Kiss of Death and Awakening
Zedrick's Point of View
"Zedrick!"
Napamulat ako nang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napahawak ako ro'n habang hindi makapaniwalang napatingin kay Savannah. Nakapatong siya sa akin. "Masakit 'yon!" Bulyaw ko.
Tiningnan naman niya ako na para bang wala siyang ginawa. "Ah. Buhay ka na?" Bakit parang ayaw pa n'ya akong magising?!
Umalis na siya sa pagkakapatong niya sa akin. Umupo naman ako't inilibot ang tingin salugar. Nandito ako sa Prison of Atlante.
Kumunot-noo ako. "Ano'ng nangyari?" Walang ideya kong tanong saka ako tinulungan ni Vermione tumayo. Nandito kami sa checkpoint kung sa'n kami iniluwa sa pamamagitan ng Fusion Gate.
"Bigla ka kasing nawalan ng malay. May sakit ka ba?" Pagsagot and at the same time ay tanong ni Vermione. Teka, ang alam ko kasi nakapagsimula na kami sa paglalakad, eh? Huh?
Ngumiwi si Savannah. "Kung hindi maganda ang pakiramdam mo" she paused. I was surprised when Savannah put her forehead on mine. "You can go back." Sabi niya dahilan para mamula ako.
She's so damn close!
"May lagnat ka nga." Walang gana niyang sabi kaya kaagad naman akong lumayo't pilit na natawa.
Iwinagayway ko ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib. "You gotta be kidding me, sadyang ganito lang talaga ang body temperature ko 'no?" Rason ko naman.
Natawa rin si Vermione at ipinutok ang Pistol Gun sa bampirang nag surprised attack. "Masayang ma in love, ano?" Pang-aasar niya kaya pinandilatan ko ng mata si Vermione.
Nagtaka naman si Savannah kaya siniko ko itong si Vermione. "Shh! Maririnig!" Pabulong kong sita na nginitian lang nito.
Sinipa ko ang bato sa aking harapan. "Tara na lang, ituloy natin 'yong gagawin natin." At gaya nga ng sinabi ko ay nagpatuloy kami. Bawat area na napupuntahan namin ay may nakakasalubong kaming bampira. Medyo hindi pa rin ako gano'n sanay na makipagpatayan sa kanila pero ginawa ko pa rin. Madali nga lang maka-drain ng energy.
"Ugh! Stink!" Sigaw ni Savannah nang muntik na siyang maduraan ng isa sa Class-A. Bastos 'to, ah?
Tumawa ang Class-A kaya sa inis ko ay kinuha ko ang isa sa baril ni Savannah at ipinutok iyon sa mismo niyang ulo. "I appreciate it pero mas kumalat 'yong dugo." Daing ni Savannah noong tumalsik sa kanya 'yong kaunting dugo. Ibinigay ko na lamang ulit 'yung hiniram kong baril.
Bigat pala 'non?
Humarap ako sa kanya. "Wala namang pinagkaiba kapag pinaghihihiwa mo mga katawan nila, ah? Tatalsik pa rin sa 'yo." Katwiran ko naman.
"There's a difference between shooting and slashing the target, idiot." why can't I understand girls? Ano ba'ng pinagkaiba no'n?
"Hey, papuntang Dark Woods na 'to." Turo ni Vermione sa harap kaya tiningnan namin iyon. Gubat, puno ng mga uwak na nakatingin sa amin. Why am I familiar with this?
"Let's proceed." Naunang naglakad si Savannah kasunod si Vermione. Nasa likuran lang nila ako't nagmamasid masid. May kakaiba rito. Hindi ko alam kung ano iyon pero mayroon akong pakiramdam na alam ko ang susunod na mangyayari. Ilang oras na kaming naglalakad nang makarinig na 'ko ng hikbi ng babae kaya huminto na ako't nilingon sina Savannah na nasa tabi ko lang kanina.
"Vermione, Savannah?!"
May anino na mabilis tumakbo sa aking harapan. Hindi ko kaagad ito nakita dahil sa lumubog na ang araw. Kumakapal na rin ang hamog at nakakaramdam na ako ng lamig. "Save me." Ume-echo na paghingi ng tulong ng babae sa hindi kalayuan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon at sigurado ako na hindi maganda kung pupunta pa 'ko roon. Tulad lang din ito sa napapanood ko sa ibang mga horror movies.
If you near, you'll die.
Umatras ako at muling tinawag ang pangalan nila Savannah. Ngunit wala na 'kong narinig mula sa kanila. Sa halip ay may babaeng lumitaw bigla sa mismo kong harapan. Itim at mahahabang buhok, napaka ganda rin niya dahil sa paraan ng kanyang pag ngiti. Pero makikita pa rin ang pagiging mapanganib niya.
"Checkmate." Ngiti niyang sambit. Napaawang bibig ako, handang magsalita nang bigla nito akong halikan. Naramdaman ko na lang ang paninigas ng paa ko, unti-unting umaakyat iyon hanggang sa hindi ko na lang namalayan.
She already took my soul.
"ZEDRICK!"
Singhap akong napamulat at napahawak sa mukha nang maramdaman ko ang hapdi sa aking pisngi. Eh?
"Ah. Buhay ka na?" Ibinuka ko na ng buo ang mata ko at tiningnan ang nakadikit-kilay na si Savannah. "What are you looking at? Hindi ka pa ba tatayo d'yan?" Tanong pa niya at inilapit ang mukha sa 'kin.
Hindi ako kumibo at iginala lang ang tingin sa paligid, nandito ako sa area kung saan kami iniluwa ng Fusion Gate. Sa Checkpoint. "Tell me, how many times did I go back here?" Tanong ko na tila parang pagod.
Napatingin na sa akin si Vermione, hindi man niya sabihin pero parang nagtataka siya sa sinasabi ko. Kumunot ang noo ni Savannah. "What are you talking about?" Naguguluhan niyang tanong at binuhat ako sa kwelyo. "Nauntog ba 'yang utak mo at kung anu-ano na sinasabi mo?" Bakas sa mukha niya 'yong pagtataka.
There's something wrong with this place.
I can't explain what it is but this scenario, atmosphere and sound...
...They're pretty the same. Deja vù?
Muli kong ibinaling ang tingin kay Savannah. "Savannah, nakaka turn on ka kung ipagpapatuloy mo ang pagpatong mo sa akin." Litanya ko sabay baba ng tingin. Muli nanaman akong nakatanggap ng sampal, pero sa kabilang pisngi naman.
"Let's go, Vermione." Yaya ni Savannah at pinitik ang kanyang mahaba't itim na buhok.
"Y-yes."
Masakit.
Umikot ako upang dumapa saka pa-push-up na tumayo. Pa-simple kong tiningnan ang paligid. Ginamit ang vampire instinct para kahit mula rito ay nakikita ko ang nangyayari 2-3 kilometers.
May dalawa akong nakikitang bampira. Pareho nilang iniinum ang dugo ng isa't isa. Sa kaliwang bahagi naman, nagha-hunt sila ng kung anong p'wedeng makakain. Sa kanan naman ay may nag-aaway na ilan sa mga bampira.
Dineactivate ko na ang vampire instinct ko at naglabas ng hangin sa ilong. Edi wala talaga kaming choice kundi ang dumaan sa madalas naming puntahan--?
Madalas naming puntahan...?
May tumulak sa akin bago pa man ako matusok ng matulis na patalim.
Nagpagulong gulong ako sa lupa't inangat ang balikat para makita ang taong tumulak sa akin.
Laking gulat na imbes na ako ang matusok sa mismong sikmura ay si Savannah ang sumalo no'n. Umubo siya ng maraming dugo't nanginginig ang katawan. Dahan-dahan niya akong nilingunan. "R-Run..."
No, no...
Muling nanumbalik ang mga alaala na hindi ko na gugustuhin mang maalala pa. My mom got killed because of my father And she wants me to run away without her. "Zedrick..." Nanghihina niyang tawag niya sa akin. Why do I have to see the same scenario again?
Dahil sa pagiging pre-occupied ko sa nangyayari, hindi ko na lang din napansin na sinaksak na rin ako ng makapal at matulis na patalim. Inalis din naman nito kaagad pero hindi na ako makahinga. Unti-unti kong tiningnan ang sikmura kong tumatagos hanggang likod.
Paulit-ulit ko ba itong mararanasan?
Tumawa ang pamilyar na boses na iyon. "Check... Mate" At muli nanaman siyang nagpakita sa aking harapan. Hinawakan ang aking pisngi kasabay ang pabagsak kong pagluhod sa lupa. Bago pa man niya ilapat ang kanyang labi sa akin, sumulyap ako sa isang itim na uwak na naroon sa punuan.
Pinapanood ako habang unti-unti nanamang kinukuha ang aking kaluluwa
I see. This is the kiss of DEATH.
I am inside of that girl's illusion.
"ZEDRICK!"
Bago pa man dumapo ang mga palad sa pisngi ko, kaagad ko ng nahawakan ang pulso ng babaeng 'yun. Iminulat ko ang mukha ko't nakita ang gulat na gulat na si Savannah. Ngumisi ako. "Imbes na sampalin mo 'ko, halikan mo na lang ako" Turo ko pa ang pisngi ko.
Kaso nakatanggap pa rin ako ng sampal mula sa kanya. Tumayo na s'ya saka nagpameywang.
Umalis na siya sa pagkakapatong sa 'kin. "Zedrick, wala kaming oras para makipagbiruan sa 'yo." Suway nito sa akin kaya tumayo na ako't pinagpagan ang likuran at pwet-an. "Talaga bang nahimatay ka o sadyang joke lang 'yon?" naiiritang tanong ni Savannah.
Ngumiti ako at kinindatan siya. "Nag-aalala ka ba sa 'kin, Savannah?" pang-aasar ko.
Tumalikod siya at humawak sa noo. "Sumasakit na ulo ko sa 'yo." Tila parang nakukunsume nitong wika.
Inilipat ko na lang ang tingin kay Vermione na nasa tabi lang at nakangiti.
Umabante ako para lapitan siya, pagkatapos ay kinuha ang isa sa baril ni Savannah na naroon sa hita niya saka itinutok iyon sa kanya para iputok.
Ngunit mabilis siyang nakaiwas. Hinawakan ako ni Savannah para ako'y pigilan, "What are you doing?!" singhal niya. Nagulantang siya sa ginawa ko.
Hindi ko s'ya sinagot at ngisi lang na nakatingin sa pekeng Vermione. "Who in the world are you?" mainahon kong tanong.
Nakangiti pa rin s'ya, walang balak na alisin iyon sa kanyang labi. "Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo, bigla bigla ka na lang namumutok ng baril." aniya at humawak sa labi. "May nagawa ba 'ko sa 'yo, Zedrick Olson?" pag kumpleto niya sa pangalan ko.
Umismid ako, "Acting dumb, huh?" Mabilis akong pumunta sa kanyang likuran at balak sanang baliin ang leeg niya pero kaagad n'yang nahawakan ang paa ko't malakas akong inihagis paharap.
Subalit nagawa ko pa ring maka-landing ng normal. Nasa harapan ako ngayon ni Savannah. "What's going on?" Naguguluhang tanong ni Savannah habang nanatili lang ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko.
Wala ako masyadong maalala sa paulit-ulit na pangyayaring 'to, pero lahat ng mga 'to. Sigurado ako. Mali.
The answer?
Instinct. My instinct is always right.
"I'm just wondering why you're here." Panimula ko saka inilagay ang isang kamay sa beywang. "Kung hindi mo alam, umuwi sa bahay si Vermione noong lunch" Dugtong ko.
Kumunot ang noo ng pekeng Vermione. "Talagang umuwi ako sa bahay dahil may Dysmenorrhea ako. Pumunta lang ako rito dahil nawala naman na." Kibit-balikat niyang sagot at kinuha ang pistol gun niya. Handa akong labanan.
"Edi nagsisinungaling ka na may aasikasuhin ka? Iyon ang paalam mo sa amin, eh."
Ngumiti lang siya. "Zedrick, alangan namang sabihin ko sa 'yo na mayroon akong period?"
"Bakit? Mayro'n ba?" Tanong ko na may confident na ngiti.
Nanlaki ang mata niya tapos na-realized ang sinabi ko kaya napatingin ito sa ibaba. "Kahit sabihin nating halo-halo ang dugo sa lugar na ito, alam mong maaamoy ko pa rin kung may dugo akong naaamoy mula sa tao." Itinabingi ko ang ulo ko. "At isa pa, binanggit mo ang salitang bampira sa akin."
"Does vampire like you supposed to get tired easily?" Naalala kong sabi niya kanina habang naglalakad kami papunta sa area of Dark Woods.
Naglabas ako ng hangin sa ilong. "Kung hindi ka na-orient, Vermione doesn't know I'm a vampire." Wika ko na may pagkibit-balikat. "Too bad, you can't use the same simple trick again."
Nakabuka lang ang bibig niya nang isara na n'ya ito at mas ngumiti kaysa kanina. "Fascinating." unti-unting nawawala ang itsura niya bilang Vermione at nagpakita ang totoong siya. Naka dress itong pula, mahaba ang buhok at sobrang puti ng balat na pati ang mga ugat niya ay nakikita ko na. "Binasag mo 'yung spell. Hindi pala dapat kita minaliit masyado."
Naglaho na si Savannah habang napunta naman ako sa blankong lugar. Walang ibang makikita rito kundi itim at ang bampirang ito.
Mas nginisihan ko s'ya at siya'y itinuro. "I can't read your minds after all. So, it means, you have the Mind Barrier. Sa tao lang gumagana ang ability ko."
Tumawa naman siya tapos unti-unting lumulutang sa ere. "I see, I see... If that's the case, maybe I'll give you the prize of passing my test." Napataas ang kilay ko sa nabanggit. Test?
"What I gave to you is a test of how to overcome your fear." Itinaas niya ang kanang kamay na nakayukom at itinaas ang tatlong daliri para ibilang ang tatlong bagay na kanyang ipinakita na illusion sa akin.
"First, you don't want the darkness to consume you in the near future. Second, body locked in ice... It shows that you have been frightened and have denied a part of your memories"
Napasingkit ang mata ko, "And third, you saw that girl died before your very eyes. And that is exactly what happened to your past mother. You don't want to lose her just like what happened to the past." sagot niya na nagpa-trigger sa akin.
Isa-isa silang bumalik sa utak ko. I'm trying to move forward, bakit kailangan nanaman bang bumalik ng mga 'yon sa akin?!
"You don't know anything!" Bigla kong pagsigaw nang hindi namamalayan na lukot na ang aking mukha.
"That's true. But I know what you feel.
I know the dark side in your heart, I could see your sufferings just by observing you." Pumikit siya at ngumiti. "But that is not the only pain that'll come to you. Hopefully, you'll overcome that."
"What's your intention?" I asked her.
Sandali siyang nakatitig sa akin nang bigyan lang niya ako ng bahagyang ngiti. "To hear what people's heart says." Sagot niya at binuksan ang pamaypay para takpan ang kalahating mukha. "When you wake up, maituturo sa 'yo ng instinct mo kung nasaan ang hinahanap niyo sa Dark woods, nando'n ang bampirang may abilidad makapag summon ng spirits. That's my prize."
Ibinaba ko nang kaunti ang ulo ko, pero nakatingin pa rin ako sa kanya. "Why are you telling me these things?"
"Because someone like me doesn't want to have war, obviously. Saka kung kayo ang mag-aasikaso no'n, walang problema" Litanya niya at lumapit sa akin. "Now..." Hinawakan niya ang pisngi ko. "Return to your world where you belong." At inilapat na n'ya ang labi sa akin.
She used the Kiss of AWAKENING.