下載應用程式
27.27% Tanging Ikaw / Chapter 3: The Deal

章節 3: The Deal

EDWARD'S POV

"Edward, we agreed that you will tell me everything thats happening to you" dad said.

Hindi ako sumagot. I just went straight to my room pero sinundan pa rin nya ako.

"Edward, kinakausap kita"

"Can we just do this later? Im tired. I want to rest" sagot ko.

"No. Lets talk right now. Since when did you discover you can do extraordinary things??"

"I dont know what youre talking about" sagot ko.

"You know what Im talking about"

"Please, dad. I want to rest" sagot ko habang papasok ng kwarto ko.

Dad followed me.

"Im trying to help you, alright? But how can I help you if youre not telling me whats happening?" he said.

I stopped walking and turned to face him.

"Help me? Its been 5 years. You promised youll help me get my memory back but until now, nothing has changed! I still dont know who I am and now youre telling me youre trying to help me??" I said.

"Edward, since when did you discover you can do---"

I cut him off. "Why?! Whats in it with you?!"

"Because youre not supposed to use your powers!!!" sigaw nya sa akin.

Natigilan ako.

"What????... Y--you know I have powers? Alam mo but you never tell me anything about it??!" hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya.

"Listen to me Edward, the more you know, the sooner theyll come to get you" dad answered.

"What??!" sagot ko.

Mas lalo na akong naguguluhan ngayon.

"Trust me. Please" pakiusap ni dad sa akin.

"Who will come to get me?!" I asked.

Dad didnt answer. He just stared at me. I stared back.

"Please, I want to know. Im begging you" I said as tears starts to roll down my cheeks.

Hindi pa rin sya sumagot sa akin.

"Please. Im sorry if I disobeyed you. I just saved the girl" paliwanag ko.

"Girl?" he asked.

"The girl in the hospital. Shes the girl in my dreams that Ive been telling you. Dalawang beses ko na syang iniligtas. The first time was when she was about to fall from a 2 storey building. I dont know what happened. I just ran to her. Thats when I discovered that I can be at one place to another in just a split second. Yung pangalawa ay yung nangyari kanina. I just felt something bad is going to happen. Tumakbo ako pabalik sa kanya. And again, in just a split second, I was on stage and I saw a huge LED wall... about to fall on her. I just tried to stop it from crashing her" I said.

Lumapit si dad sa akin. Itinaas nya ang isa nyang kamay at ipinatong yun sa aking balikat.

"Please, Edward. Promise me. This will be the last time you are going to use your powers. Madali ka nilang mahahanap. I cant let that happen" sagot nya.

"Okay, I promise, but you have to tell me everything you know. Please. I want to know who are my parents? Why I dont remember anything from my past? Why I have powers? Who am I? And... the girl... does she has anything to do with me? With my past?" sunud sunod na tanong ko.

Dad didnt answer. Umupo sya sa dulo ng kama ko. I immediately followed and sat beside him. He was quiet for a while. I remained looking at him. Patiently waiting.

After a minute of silence, dad faced me and looked straight into my eyes.

"Youre right. Youre about to turn 18 next month. Its been 8 years. Im sorry if I kept everything from you. Its the only way I know I can protect you" he said.

"Sino sila? What do they want from me?" tanong ko.

"You very well know that Tanner and Marco are different, right?" he asked.

"Yes. They are... vampires" I answered.

"Hilberto Devas. He is the chief vampire of the Balkan Peninsula. Tanner, Marco and my family are from his empire. But our clan refused to be under his power. The Devas are very greedy. They use their people to get what they want. Thats why our family left Balkan and chose to live a normal life here in the Philippines. Pero sinundan kami ni Hilberto and thats when he found out about your father and mother... and you. He wants you Edward"

"Why? Anong meron sa akin?" tanong ko.

Dad paused for a while. Apparently trying to hold back from spilling the beans. I heard him took a deep breath a couple of times.

"Dad, please" I pleaded once again.

"Because youre the first of your kind" he blurted out.

"What do you mean?" I immediately asked.

He paused again. I can sense that this is not the kind of conversation he wants to have with me. Pero I kept on insisting.

"Please. I want to know. Why are they hunting me down? What do the Devas want from me?" I asked.

Dad remained looking at me. I am on the verge of freaking out. His worried face is bothering me like hell.

And then, finally, he opened his mouth and uttered... "Edward, you are the very first half vampire and half fallen angel."

***

LORNA'S POV (MAYMAY'S MOTHER)

1am na. Dilat na dilat pa rin ako. Nakatitig lang ako kay Maymay na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Tahimik kong pinagmamasdan ang kanyang mukha. Hindi ko maiwasan ang hindi maluha sa nangyari. Muntik nanaman mawala sa akin ang kaisa isa kong anak. Ang tanging kasama ko sa buhay.

"Panginoon, salamat po at hindi ninyo pinahintulutan na may mangyaring masama sa anak ko. Mahal na mahal ko po si Maymay" bulong ko sa aking sarili.

Nakasandal ako sa pader sa may bandang ulunan ng kama at dahan dahan kong hinahaplos ang ulo ni Maymay habang nakahilig sya sa aking tiyan.

Maya maya ay  bahagya syang kumilos at pagkatapos ay nagsalita habang nakapikit.

"Mmm.... E..d...ward" narinig kong sabi nya.

"Edward?" bulong ko.

Nitong mga nakaraang araw, madalas ko syang naririnig na parang may binabanggit na pangalan habang tulog. Ngayon ko lang ito narinig ng buo at malinaw.

Edward pala.

Sya yung binatilyo kanina. Ang sabi sa akin ni Maymay, kung hindi daw dahil sa kanya, napuruhan na sya ng bumagsak na LED wall.

Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko.

Hindi ito ang unang beses na nalagay sa panganib ang buhay ni Maymay. At hindi rin ito ang unang beses na may naglitas sa kanya.

Malinaw na malinaw pa sa ala ala ko ang mga nangyari labing walong taon na ang nakakaraan. Hinding hindi ko iyon makakalimutan sapagkat utang ko sa taong yun ang buhay ng aking anak.

1 month pa lang nun si Maymay nang dapuan sya ng malubhang sakit. Kapos na kapos ako sa pera at wala akong ibang matakbuhan.

Malubha na nuon ang kalagayan ni Maymay ng makilala ko ang isang lalaki. Nagmagandang loob sya na tulungan ako sa pinansyal kahit hindi nya ako lubusang kilala.

Naawa siguro sya sa akin ng makita nya akong tulala habang nasa tapat ng pharmacy. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng ipangbibili ng mga kailangan na gamot at gamit ni Maymay. Kinapalan ko na lang ang mukha ko.

Wala naman akong ibang mapagkukunan ng pera kaya tinanggap ko ang tulong na inaalok nya para lang mabuhay ang aking anak.

Walang hininging kapalit sa akin ang lalaki. Napakabusilak ng kanyang puso. Pero nang malaman ko na manganganak na pala ang kanyang asawa at nangangailangan daw ito ng dugo ay hindi ako nag atubiling ialok sa kanya ang sarili kong dugo. Iyon lang ang tangi kong maigaganti sa kanyang kabutihan.

Matapos akong kuhanan ng dugo ay agad ding umalis ang lalaki. Kailangan na kailangan daw kasi ito ng kanyang asawa at anak.

Kinagabihan ay inilipat na si Maymay sa ICU. Nang mga oras na iyon ay talagang napakahina na ng katawan ng anak ko. Kitang kita ko na ginawa ng mga doktor ang lahat mailigtas lang sya.

Ng mga oras na iyon, nagulat ako nang muli kong makita ang lalaki. Bumalik daw sya para magpasalamat sa akin dahil ang laking tulong daw ng dugo na ibinigay ko. Paalis na sana sya uli nang malaman nyang nag aagaw buhay na ang aking anak.

Nakakagulat na hindi ako iniwan ng lalaki. Nasa tabi ko lang sya kahit ng mga oras na yun ay napag alaman nya na kasalukuyan nang iniluluwal ng asawa nya ang kanilang anak. Minabuti nya paring manatili para damayan ako.

Hanggang sa... tuluyan na ding bumigay si Maymay.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng tumigil na sa paghinga ang aking anak.

Halos magunaw ang mundo ko habang yakap yakap ko ang walang buhay nyang katawan. Kami nalang ng mabait na lalaki ang nasa kwarto nun nang bigla nalang syang lumapit sa akin at hiningi ang kamay ni Maymay.

Tandang tanda ko pa ang mga nangyari. Hinawakan nya sa kamay ang walang buhay na si Maymay at taimtim syang nagdasal...

Hanggang sa nagdilim ang buong silid. Namatay ang mga ilaw. Sobrang dilim. Lalabas na sana ako ng biglang may kumislap na liwanag.

Kitang kita ko na nagsimula iyon sa kamay ng lalaki na nakahawak sa kamay ni Maymay. Hindi ako makapaniwala habang pinagmamasdan ko ang unti unting pag akyat ng liwanag na iyon. Hanggang sa buong katawan na ng lalaki ang nagliliwanag. Nakapikit sya.

At nang ipatong nya ang isa nyang kamay sa dibdib ni Maymay ay biglang nagliwanag nang muli ang buong silid. Kasabay nun ay muli kong nakita ang pagtaas at pagbaba ng linya sa heart beat monitor na nakakabit sa aking anak.

Hindi ako makapaniwala. Muling tumibok ang puso ni Maymay!

Nagsisigaw na ako nun palabas para tawagin ang doktor. Maging sila ay hindi makapaniwala sa nangyari. Nagmamadali akong bumalik sa kwarto pero wala na dun ang lalaki.

Ang naabutan nalang namin ay si Maymay na iyak ng iyak habang naka upo.

Wala akong pinagsabihan kung ano ang totoong nangyari. Hindi ko rin naman alam kung paano ko ipapaliwanag ang aking nasaksihan. Kung ano man ang lalaking iyon, naniniwala ako na mabuti syang nilalang.

Hindi ko alam pero malakas ang aking kutob na kung nasaan man sya ay naririnig nya ang sinasabi ng puso at isip ko. Hindi biro ang kanyang ginawa. Buhay ng anak ko ang ibinalik nya.

Kaya nagbitaw ako nuon ng isang pangako na sa kahit anong paraan ay nais kong gantihan ang kanyang kabutihan.

***

MAYMAY'S POV

"Maymay? Bat nandito ka? Bakit ka pumasok?" gulat na tanong sa akin ni Fenech.

"Okay nako" matipid kong sagot.

"Sure ka? Bakit parang tulala ka. Wala ka bang galos o sugat? Wala bang masakit sayo?" tanong nya habang chinecheck ang braso, likod at hita ko.

"Wala. Okay lang talaga ako" sagot ko.

"Eh kasi naman ang bilin sayo ng doktor 3 days pahinga. Tapos biglang nandito ka"

Hindi na ako kumibo. Okay naman kasi talaga ako kaya pumasok nalang ako.

"Kumusta na kaya si Edward? Alam mo ba kung saang ospital sya dinala?" tanong nya.

Agad akong napatingin kay Fenech.

"Ha? Bakit? Anong nangyari sa kanya?" tanong ko.

"Di ba kasama mo sya? Sya ang humarang kaya hindi ka nabagsakan. Siguradong sya ang napuruhan kaya wala sya ngayon" sagot ni Fen.

"Te-- teka. Absent sya?" tanong ko.

"Oo. Nakita ko kanina sila Marco at Tanner. Hindi nila kasama si Edward. Tapos narinig kong nagtanong si Hannah sa kanila kung nasaan sya at ang sabi nila absent daw. Obvious naman kung bakit" sagot ng kaibigan ko sa akin.

Hindi na ako nagsalita. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala na nasaktan si Edward. Pinuntahan nya pa ako bago sya umalis ng ospital. Nakakatayo sya, walang pilay o galos. Para ngang walang nangyari eh. Pero... bakit absent sya?

Magsasalita pa sana si Fen pero biglang pumasok ng room ang prof namin. Nagpalabas ito agad ng papel, may long quiz daw kami. Mabuti nalang at nagawa kong magbasa ng notes kanina. Mejo kampante ako dahil kahit papaano ay hindi ako mangangamote.

Makaraan ang ilang oras ay natapos na rin ang unang klase namin ni Fen. Late na kami natapos kaya pagdating namin sa canteen para maglunch ay puno na ito ng tao. Wala na kaming mapwestuhan. Naisip nalang namin na maghanap ng ibang pwedeng matambayan.

May nakita si Fen na bakanteng bench sa ilalim ng malaking puno malapit sa football field. Doon kami naupo.

"Mas okay pa dito. Mahangin at tahimik" sabi ni Fen habang nilalabas ang baon nyang sandwich para sa aming dalawa.

"Oo nga eh. Dito nalang tayo mag lunch lagi. Kapag walang baon, bili tayo sa canteen tapos dito natin kainin" sagot ko.

"Good idea. Pero mas good idea kung papayag kana na itreat kita mamaya. Lets watch a movie" sabat ni Fen sa akin habang nakangiti.

"Treat?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nagmamaang maangan pa to. Tinext kita kahapon pa. Sabi ko ililibre kita kasi birthday mo!" sabi nya.

"Naku hindi na kailangan---"

"Sige na. I-celebrate naman natin ang 18th birthday mo" giit ni Fen.

"Diba sinabi ko na sayo, hindi naman talaga ako sanay ng nagsecelebrate. Nagsisimba lang kami ng mama ko. Tapos nagpapaluto lang si Doña Pina ng isang masarap na ulam. Ayos na kami. Okay na ako doon" sagot ko.

"Ha? Seryoso? 18th birthday mo?" si Fenech uli.

"Oo. Seryoso. Sobra sobra na ang utang ng loob namin kay Doña Pina. Pinatuloy nya kami sa bahay nya tapos pinapakain nya pa kami. Sya pa ang dahilan kaya nakapasok ako dito. Magdedemand pa ba ako ng celebration? Abuso na yun no." paliwanag ko.

"Ikaw ang first friend ko dito. Gusto ko lang naman for once mafeel mo na special ang birthday mo" katwiran ni Fen sa akin.

"Thank you Fen pero hindi na talaga kailangan. Nakakahiya na sayo. Madalas mo na nga ako idinadamay sa baon mo. At saka diba kadalasan ang may birthday ang nanglilibre, bakit ikaw ang manlilibre? Hayaan mo. Kapag nakahanap ako ng sideline. Unang sahod ko, ililibre kita" sagot ko sa kanya.

"Maymay, 18th birthday yun. Sobrang special nun kasi legal age ka na. Pwede ka na ngang mag asawa eh" biro nya.

Asawa? Bigla akong natahimik. Napansin agad ni Fenech yun.

"Joke lang ha. Ang seryoso mo naman. Nag 18 ka lang eh" biro nya uli.

Hindi na ako kumibo. Ngumiti nalang ako pero nahalata pa rin ni Fen na pilit ang ngiting yun.

"Uhm... may problema ba? Natahimik ka bigla" tanong nya.

Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kaibigan ko ang ipinagtapat sa akin ni mama nung gabi ng  aking ika-labing walong kaarawan, isang linggo bago ang aksidente sa atrium.

"Hmm... kahit isang buwan palang tayo magkakilala. Mejo kilala na kita. I know theres something bothering you... ano yun?" tanong nya.

"Hindi naman ako masyadong bothered. Tanggap ko naman. Kaya lang---"

"Ano nga yun? Sabihin mo na" biglang sabat ni Fen.

Muli akong natigilan habang nakatingin kay Fen. Bukod kasi kay Tita Jin na bestfriend ni mama, ngayon lang ako uli nakatagpo ng tao na magaan ang loob ko at nasasabi ko halos lahat ng iniisip at nararamdaman ko.

"Kung super secret yan... okay lang. Pero gusto kong malaman mo na nandito ako for you, ha"

Ikinatuwa ko ang sinabi ni Fen. Sa loob loob ko, bahala na. Kaibigan ko sya at may tiwala ako sa kanya kaya naisip ko na sabihin nalang din.

"Diba nabanggit ko na sayo yung laging kinukwento sakin ni mama tungkol sa pagkakasakit ko nung baby palang ako?"

"Oo. Sabi mo second life mo na ngayon to" sagot ni Fen.

"Nung gabi ng 18th birthday ko. Bago kami matulog. May ipinagtapat sakin ang mama ko"

"Ano yun?" tanong ni Fen.

"Dahil daw malaki ang utang ng loob namin dun sa mabait na lalaking tumulong sakin, nangako daw si mama na susuklian nya ang kabutihan nung lalaki"

"Huh? Pano? Eh diba hindi na nya nakita sa hospital yung tumulong sayo?"

"Oo pero.. limang taong gulang daw ako nuon nung magpakita daw sa kanya uli ang lalaki. Nakiusap daw sa kanya ang lalaki na tulungan ang anak nya na mailayo sa kapahamakan"

"Anong klaseng danger? At saka, akala ko ba mabait yung lalaki, bakit parang sa kwento mo, involve sya sa dangerous activities?"

"Hindi naman siguro. Ang sabi daw ng lalaki kay mama, meron daw gustong kumuha sa anak nya. Hindi daw maganda ang motibo nito at hindi daw ito titigil hanggat hindi nito nakukuha ang anak nya"

"Eh... paano naman kayo makakatulong sa kanya at sa anak nya?"

"Feeling ko may kulang pa rin ang kwento sa akin ni mama. Hindi nya naidetalye sakin ang lahat. Pero isa lang ang malinaw. Nangako sya sa lalaki na tutulungan ang anak nito. At ang tulong na iyon ay ang ipagkasundo ako sa anak nya"

Nanlaki ang mga mata ni Fen.

"What?! You mean... parang arranged marriage? Ikaw at yung mysterious son ni mysterious savior mo??" tanong nya.

Napa buntung hininga ako sa sinabi ni Fen. Hindi na ako nagsalita. Tumango nalang ako.

"Hindi ko maintindihan... paano makakatulong kung ikakasal ka sa anak nya?"

"Hindi ko rin alam. Basta ang sabi ni mama. Kaya daw sya na papayag, kasi mabuting tao daw ang lalaki. Nakita at naramdaman daw nya na may busilak itong puso. Kaya nasigurado daw nya na mapupunta ako sa mabuting kamay. At isa pa, tumatanda na rin daw si mama. Maigi na daw ito at alam nya na anak ng mabuting tao ang makakatuluyan ko"

"Ang weird pero at the same time.. kinikilig ako. Imagine... ang ibang parents todo higpit sa anak na wag mag asawa agad tapos ikaw 5 years old palang naipagkasundo na" natatawang sagot ni Fenech sa akin.

"Hindi naman ako tutol. Gusto ko rin tumanaw ng utang ng loob sa lalaki pero gusto ko rin maunawaan sana kung bakit ako ang solusyon. Marami naman jang iba. Bakit ako?"

Sasagot pa sana si Fen sa akin nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Nandito lang pala ang damsel in distress"

Mukhang alam ko na kung sino ito. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali. Si Hanna nanaman.

Tumayo agad si Fen. Kinuha nya ang bag nya sabay hila sa akin palayo pero hinawakan naman ako ni Hanna sa kabila kong kamay.

"Kinakausap pa kita" sabi nya.

Bumitaw ako kay Fen at pagkatapos ay hinarap ko si Hanna.

"Ano nanaman ang kailangan mo sakin?" tanong ko.

"Oooww... Im so scared.... sino kaba sa akala mo? Pretending to be matapang pero lampa naman pala" sabi nya.

"Lampa?" sagot ko.

"So you think close kana kay Edward kasi sinave ka nya?" mataray na sagot ni Hanna sa akin.

"Ah... okay. Tungkol nanaman pala kay Edward. Alam mo, walang may gusto ng nangyari. Pero kung naiingit ka at gusto mong isave ka rin nya. Go ahead Hanna. Magpadagan ka sa isang malaking LED wall. Ako pa mismo ang tatawag kay Edward para sagipin ka" sagot ko habang nakangiti ng pilit. Ipinahalata ko talaga yun.

"Ow... you dont have to do that... coz Im pretty sure hes right beside me when that happens" sagot ni Hanna habang nakataas ang kilay.

"Eh di wow" sagot ko sabay talikod.

Pero hinatak nanaman nya ang kamay ko. Napilitan nanaman tuloy akong harapin sya.

"Im not yet done with you!" sabi nya.

"Kulang ka talaga sa pansin no?" sabi ko.

Nakita kong nagsalubong ang kilay nya.

"Hanna... tama na. Aalis na kami. Tigilan mo na si Maymay" narinig kong sabi ni Fen.

"Shut up you little twit!" sagot ni Hanna kay Fen sabay tulak nya dito.

Napa atras tuloy si Fen at muntik nang mapaupo sa lupa. Dito na ako nainis ng tuluyan. Lumapit ako kay Hanna. Buo na sa isip ko na ibigay ang away na hinihingi nya. Mejo matagal na rin akong nagtitimpi.

"Gusto mo talaga ng away no?! Hindi lahat titiklop sayo" sabi ko.

"Ow please... hindi mo gugustuhing kalabanin ako.. kaya if I were you... Id rather back off!" sagot nya sabay tulak ng malakas sa akin.

Napa atras ako. Hindi ko na-control ang balance ko. Dire diretso akong bumagsak.

"Maymay!!!" narinig kong sigaw ni Fen.

Pero....

Hindi ako sa lupa bumagsak. May taong sumalo sa akin.

Napansin ko agad ang pagkagulat sa mukha ni Hanna. Kasunod nun ay biglang nagsalita ang tao sa likod ko.

"Are you okay?" bulong nya.

Agad akong napatayo at nilingon ko kung sino ito.

Maging ako ay nagulat ng makita ko sya. Akala ko ba absent sya? Hindi tuloy ako agad nakasagot sa kanya.

Tumingin sya kay Hanna.

"Why did you do that?" tanong nya.

"She started it. I was just defending myself" sagot ni Hanna.

Tumingin sakin si Edward. Sa loob loob ko. Aba! Mukhang naniwala naman sya agad sa drama ng pabebeng to.

"Naniwala ka naman? Alam nyo, wala akong panahon sa inyong dalawa. Magsama kayo!" sabi ko sabay hila kay Fen at naglakad na ako palayo sa kanila.

Mejo nakalayo na kami sa kanila ng magsalita si Fen.

"Maymay... bakit mo naman tinarayan si Edward. Sinave ka na nga nung tao tapos---"

"Eh naniwala sya agad sa babaeng yun eh. Hindi man lang nya ako pinagsalita" sabat ko.

"Paano mo nalamang naniwala sya agad eh di pa naman sya nagsasalita?"

"Nakita mo yung tingin nya sakin? Sigurado ako na mas paniniwalaan nya yung Hanna na yun dahil close sila. Samantalang ako, lagi syang galit at nakasimangot sakin.. kaya magsama sila!" sagot ko.

Hindi na kumibo si Fen. Inabutan nalang nya ako ng tubig. Obvious kasi na nanggagalaiti na ako. Pero sa kabilang banda, mabuti na rin siguro at hindi ko na ituloy ang pagpatol kay Hanna. Kapag nagkataon, baka maipatawag pa si mama sa guidance. Nakakahiya sa kanila ni Doña Pina.

***

Hapon na ng matapos ang ikatlo at huling klase ko para sa araw na ito. Nagmamadaling lumabas ng room si Fen kasi nasa parking lot na daw ang Mommy nya. Ihahatid sana nila ako kaya lang tumanggi nalang ako kasi nahihiya na ako. Ayoko maka abala. May lakad kasi silang mag ina. Since hindi naman ako pumayag na manood kami ng sine ni Fen, sumama nalang tuloy sya sa mommy nya.

Ako ang pinaka huling lumabas ng room namin. Inayos ko pa kasi ang bag ko. Tatlong libro ang hiniram ko sa library kanina. Paglabas ko ng room ay ikinagulat ko ang lalaking nakasandal sa tabi ng pinto.

Agad nagkasalubong ang mga mata namin. Itim na itim ang mga mata nya habang diretso itong nakatitig sakin.

"Can we talk?" tanong nya.

Hindi pa ako nakakasagot nang bigla nalang nya akong hinawakan sa kamay at hinila papuntang fire exit stairs paakyat sa roof top. Saka nya lang ako binitawan nung makarating na kami sa itaas.

Hingal na hingal ako habang nakasandal sa tabi ng isang poste.

"Are you okay?" tanong nya.

"Ano.... (hingal) sa.... (hingal) palagay.... mohh (hingal)" sagot ko.

"Wait here. Im gonna get you something to drink" sabi nya.

"Wag na. Diretsuhin mo nalang ako. Ano bang kailangan mo sakin?" tanong ko sabay lapit sa kanya.

Sandali syang natahimik. Nakatingin nanaman sya ng diretso sa aking mga mata. Pakiwari ko ay binabasa nya ang iniisip ko.

"Kung tungkol ito kay Hanna... wala akong oras. Magsama kayo ng kaibigan mo---"

"I heard what you said while you were walking away. Its not true" sabat nya.

"Anong narinig mo? Eh ang layo na namin sa inyo... pwede ba huwag mo nang ipagtanggol yang kaibi---"

"I just want you to know that I dont believe her. I know you didnt start the fight"

Natigilan ako. Akala ko kasi ay pagbabantaan nya ako tungkol kay Hanna. Akala ko ipagtatanggol nya ang babaeng yun sa akin.

"Ive known her for quite sometime but Im just trying to be nice to her" pagpapatuloy nya.

"Alam mo, wala akong paki alam kung close kayo or kung nagiging mabait ka lang sa kanya. Huwag nyo na akong idamay sa getting to know each other stage nyong dalawa. Paki sabi nalang sa kaibigan mo na tigilan na nya ang pang bubully nya dahil sa susunod na magkaharap kami. Papatulan ko na talaga sya" sagot ko.

"If theres someone I want to get to know more... its not her" sagot ni Edward habang papalapit sya sa akin.

Mejo nabigla ako kasi dire diretso syang naglakad. Napa atras tuloy ako pero ilang hakbang palang ako, pader na pala ang nasa likuran ko. Hanggang sa sobrang lapit na ni Edward sa akin.

Magka face to face nanaman kami. Diretso syang nakatingin sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya.

"And if theres someone I want to be friends with... its definitely not Hanna" pabulong na sabi ni Edward sa akin.

Hindi ako nakasagot. Napalunok nalang ako habang nakatitig sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ganito ako sa tuwing nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.

"Im sorry for being rude to you. I hope we can start over. I want to know you. I want to know what youre thinking. I want us to be... friends" sabi nya.

"F... friends?" gulat na tanong ko.

"Yes" matipid nyang sagot at pagkatapos ay napansin kong inabot nya ang kamay nya sa akin.

Muli akong napalunok. Napatingin ako uli sa mga mata nya.

"Can you tell me what youre thinking?" tanong nya.

Biglang naglaho ang inis ko. Para akong nakalutang habang nakatingin sa isang pares ng itim na itim na mga mata. Parang wala na akong ibang nakikita kundi sya.

"Tell me what youre thinking" narinig ko uli na sabi nya.

Parang wala ako sa sarili na sumagot. Hindi na ako nakapag isip. Diretso kong nasabi ang kasalukuyan kong iniisip habang magkalapit ang aming mga mukha.

"Ang.... gwapo mo" bulong ko.

Nakita kong kumunot ang noo nya.

"What?" tanong nya.

Umiwas ako agad ng tingin. Bakit ko ba nasabi yun?!

"Uh... eh... ano... wala..." palusot ko.

Inabot uli ni Edward ang kamay nya sa akin.

"Friends?" sabi nya.

Sa kamay nalang nya ako tumingin. Baka mawala na naman ako sa sarili at kung ano nanaman ang masabi ko.

"Please?" sabi nya uli habang inaabot pa rin ang kamay nya sa akin.

"Wow. May pa please na sya ngayon. Bigla atang bumait ang masungit na to" sabi ko sa isip ko.

Inabot ko nalang din ang kamay nya.

"Sige. Friends" sagot ko sabay tingin uli sa kanya.

Para akong matutunaw. Bakit ba ang ganda ng ngiti nya sa akin? Nakaka panlambot tuloy ng tuhod ang sobrang kagwapuhan nya. Kaya naman pala patay na patay sa kanya si Hanna at ang ibang mga babae dito. Ngiti palang nya, nakakamatay na.

Mukha naman pala talaga syang mabait. Tama si Fen. Mali ang first impression ko sa kanya. Gusto ko rin sya makilala ng husto. Pagkakataon ko na rin ito para malaman ang totoo tungkol sa pagkatao nya.

Alam kong may kakaiba sa kanya at aalamin ko yun.

***


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C3
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄