THIRD PERSON POV
NAG ANGAT ng ulo ang lalaki matapos niyang makita ang pagbukas ng pinto na sinundan nang pagpasok ng mga tauhan niya.
Umaasa siyang may magandang balita na ang mga ito.
"Patay na ba si Parker?, " agad niyang salubong na tanong sa mga tauhan. Yumuko lang ang mga ito at tila nag uunahan kong sino ang magsasalita.
" Make it sure , na maganda ang ibabalita niyo sa akin " dagdag pa niya
"Hindi namin napatay si Parker boss, natakasan niya kami " saad ng isang tauhan niya.
Ibinato niya sa harapan ng mga ito ang basong hawak niya sa subrang galit.
"Mga walang silbi! Iisang tao lang ang iniutos ko sa inyo hindi niyo pa magawa gawa! Napaka inutil niyo talaga! " sigaw niya sa mga ito.
"Nag iingat lamang kami boss may kasama kase siyang babae!" Dadgdag pa nito.
"Wag ka nang magdahilan sa kapalpakan mo Rafar ! Kuyom ang kamo niya at madilim ang mukhang nakatitig sa nagngangalang Rafar. At alam niyo naman seguro ang mga ginagawa ko sa mga tauhan kong pumapalpak ".
Namutla ang mga tauhang kaharap niya nakikita niya sa mga mukha nito ang subrang takot at pagkataranta.
Siya may ay pigil sa galit na naramdaman.
"Mapakinabangan ko pa kayo, sa susunod wag na kayong mag ingat wala akong pakialam kong may madadamay sa gagawin niyo kay Parker magsilayas na kayo kong ayaw nyong pagbabarilin ko kayo!" Singhal niya sa mga ito.
Mabilis namang nagsialisan ang mga ito. Agad siyang tumayo saka kumuha ng panibagong baso at nagsalin nang alak. At ininum ito.
'Gaganti ako sa paraang gusto ko Parker , dadanasin mo ang lahat ng pagpapahirap mo sa Kapatid ko! Unti unti kong kukunin ang buhay mo hanggang sa magmamakaawa ka sa harap ko ! Dugo sa dugo Kinuha mona ang lahat sa akin Oras na para ako na naman ang maningil sayo Parker '
PARKER POV
SIRANG sira na ang kotse ko. Bumigay rin siya sa huli.
' Salamat sa Limang taon buddy kailangan na kitang palitan hindi na safe ang amo ko sayo '
Parang tao na ang turing ko sa sasakyan kona to ilang taon ko din kase itong ginamit.
"Parker?"
Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita si Anton ang matalik kong kaibigan.
" Buddy kamusta?," nakangiti nitong tanong sabay akbay sa akin. Namilipit ako sa sakit ng maipit ng braso niya ang nadaplisan kong sugat sa braso.
Napailing naman itong dumistansya sa akin.
" Ganon parin ba ang trabaho mo hanggang ngayon Parker?" Tanong nito habang pinatsadahan ng tingin ang sira kong sasakyan.
"Hindi na Anton, Limang taon narin akong tumigil at matino na ang trabaho ko ngayon yun nga lang habulin parin talaga ako ng gulo ,"tugon ko.
"Pumasok ka muna sa loob, Ipalinis mo yan kay Lera baka mainfected yan"
Pumasok naman ako sa loob at nadatnan ko ang asawa niya na nagluluto sa kusina.
"Parker?,hey how are you its been while?" Nakangiti nitong saad sabay yakap sakin.
Napangiwi ako ng maipit na naman ang sugat sa braso ko. Napatingin naman sya sa braso ko na dumudugo parin.
"Hindi ka parin ba tumigil jan sa trabaho mo Parker?, baka sa susunod di kana makailag sa bala at matuluyan kana , paninimula nito. Maupo ka muna kukunin ko lang yung first aid kit ko para magamot natin yang sugat mo "
Matagal na rin na hindi ako nakabisita kina Anton. Kaya ang alam nila ay ganon parin ang trabaho ko hinahire para pumatay. Matagal na akong nagtatago dahil binabalikan ako ng mga pamilyang pinatay ko. At ito na ang pino problema ko ngayon dahil ang humahabol sa amin kanina ay nga tauhan ni Alcazar. Alam kong gumaganti na sa akin ang gagong yun.
Isa kaseng drug dealer at notorious killer ang kapatid niya hinahire ako ng ahensya para patayin ang kapatid niya. Hindi ako tumatanggap ng bayad sa mga ginagawa ko noon.
Hindi kaya ng sikmura ko na iyong bayad ang ipapakain ko sa pamilya ko. May iba naman akong trabaho bukod dun kaya nairaos ko rin ang mag iina ko.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang nangyari kong bakit humantong kami humantong sa hiwalayan ni Dona Salvie.
FLASHBACK
MADILIM na ang bahay pagkauwi ko galing sa trabaho. Mas doble ang pagod ko dahil may ipinatumba na naman sa akin dalawa kanina lang.
Ramdam ko ang pananakit ng braso , hita at katawan ko dahil di din basta basta ang nakalaban ko.
Pumanhik na ako sa loob at inon ang switch. Nagulat ako ng makita si salvie na nakaupo sa sofa at halatang galit na naman ang mukhang nakatingin sa akin. Ano pa ba ang aasahan ko.
"Sweetheart, bakit gising ka pa?" Tanong ko dito.
"Hinihintay ko lang naman ang magaling kong Asawa dahil halos mamatay na ako sa pag aalala sa kanya!" Galit niyang sabi.
"Salvie bukas muna ako sermonan pagod ako ," tugon ko dito sabay salampak sa sofa ang pagod kong katawan.
"Pagod na ako sa ganitong sitwasyon natin Parker! Ayuko na! Wala ka nangang oras samin ng anak mo papatayin mopa ako sa pag alaala "
Naalarma ang sistema ko sa sinabi niya. Napatitig ako sa maganda niyang mukha. Namilibis ang mga luha na ako na naman ang may dahilan. Tumayo ako at niyakap siya.
"Im sorry sweetheart, alam kong hindi ganitong klase ng buhay ang ipinangako ko sayo noon patawad hayaan mo babawe ako sayo babawi ako sa inyo ni Lixx " seryuso kong saad.
Humagolhol siya ng iyak. Alam kong sakal na sakal na siya sa sitwasyon namin maski ako ay nahihirapan din.
"Maghiwalay na tayo Parker! Hindi kona kaya ang pakisamaha ka "
Parang pinagsaklupan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Hindi ako makagalaw at mistulang tumigil ang pagtibok ng puso ko.
'Maghiwalay na tayo Parker '
'Maghiwalay na tayo Parker '
'Maghiwalay na tayo Parker '
Nagpaulit ulit iyon sa pandinig ko. Kumalas siya sa akin saka pinahid ang mga luha.
"Hayaan muna ako , hindi kona kaya Parker sawa na ako sa ganitong klaseng pamumuhay natin, hindi ko alam kong uuwi ka pa ba buhay ka pa bang uuwi o bang kay na nahihirapan na ako , Im sorry "dagdag niya.
Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko ang hirap huminga. Wala ako sa sariling napaupo at hindi makapaniwala.
Ganito ba kabilis niya itapon ang lahat?
"Parker! Magsalita ka naman !"
Napatitig ako sa kanya, ano ba ang sasabihin ko? May dapat pa ba akong sabihin?
Nasapo ko ang sarili kong noo habang nakatukod ang magkabilang siko ko sa magkabilang hita ko.
Pagod na nga ako sa trabaho at ito pa ang madadatnan ko ito pa ang sasalubong sa akin. ?
"Anong sasabihin ko kay Lixx pag hinahanap ka niya? " iyon lamang ang tanging nasabi ko napatanong pa sa kanya.
Nawawalan ako ng lakas ng loob na magsalita pa dahil kasalanan ko rin naman pwede naman akong humindi sa trabaho kong yun pero diko magawa dahil sa letse kong paghahangad na mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Dady.
"Iyon lang ba ang sasabihin mo? Napakawalang kwenta mo talagang tao! Ni hindi ka manlang magalit sa sinabi ko? Wala ka man lang bang reaction?"
Napahilamos ako sa mukha ko. At inangat ang ulo ko sa kanya.
"Makipaghiwalay ka diba? Yun ang gusto mo , ano ba ang gusto mong sasabihin ko? Umalis ka kong gusto pero iiwan mo sa akin si Lixx , pagod ako galing trabaho salvie hindi ko lang inasahan na ito ang ibubungad mo sa akin kong nasasaktan ka pano nalang ako? "
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa aming kwarto. Dumirtso ako sa banyo para makaligo at makapag isip ng tama. Pero wala masydong magulo ang utak ko at hindi na ito nagfunction ng maayos.
PAglabas ko nakaempake na si Salvie nasa dalawang maleta na niya ang mga gamit. Nanatili akong nakatayo sa pintuan ng banyo at nakatingin sa kanya.
Parang pinunit ng pinong pino ang puso ko sa nakikita ko. Napakasakit.
Tumitig lang si Salvie sa akin bago tuluyang lumabas sa kwarto namin.
Naiwan akong mag isa. Nasasaktan. Pero kailangan pang Lumaban.
END OF FLASHBACK
"Mukhang napakalalim ng iniisip mo Parker ," puna ni Lera Diko manlang namalayan na ginagamot na niya ang sugat sa braso ko.
"May naalala lang Lera, kamusta kayo ni Anton dito?"
"Maayos naman kami, eh ikaw? Kamusta ka? Tagal mong nawala ".
"Nagtago Ako simula nong huli nating pagkikita Lera, "
"Sa susunod na dalaw mo isama muna si Lixx , namiss kona ang batang yun kamusta naman siya? Dalaga na seguro yun ngayon " nakangiti nitong saad.
"Nag aaral naman , pero palaging nakipagbasag ulo "
"Oh my God Parker, pagsabihan mo ang anak mong yan, "
"Ang hirap pala talagang magpalaki ng anak Lera," bumuntong hinga kong saad sinara na niya ang medicine kit. Matapos niyang gamotin ang sugat ko.
Napatingin naman kami sa pinto ng lumabas doon si Anton.
"Halika Parker may ipapakita ako sayo , Honey ipaghanda muna kami ng makakain " agad akong tumayo at naglakad palapit kay Anton.
"Anong ipapakita mo sakin Anton ?," medyo curious ako sa sinabi niya.
Naglakad na ito nauna sakin kaya sumunod nalang ako. Pumasok kami sa garahe niya.
Napakalawak nang garahe niya. Puro motorsiklo lang ang nakaparada dito.
Nahagip ng mga mata ko ang isang sasakyan na may takip pa. Lumapit si Anton dito at tinanggal ang telang bumalot sa kabuoang anyo ng sasakyan.
Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Hindi Ako makapaniwala na napatitig sa sasakyan na nasa harapan ko.
" Remember this Parker?, Ito ang sasakyan ng Dady mo pero renemodel ko , a bulletproof audi Rs5 suit for you "
Wala sa sarili akong naglakad na lumapit kay Anton saka niyakap siya grabe subrang saya ko.
Kumalas ako ng pagkayakap sa kanya at agad pinatsadahan ng tingin ang loob ng sasakyan. Ang astig ng sasakyan nato.
" Salamat Anton hindi ko alam na buhay pa pala tong sasakyan ni Dady " pumasok ako sa loob at inistart iyon. Walang pasidlan ng tuwa ang nararamdaman ko pakiramdam ko buhay si Dady sa sasakyang ito.
Pinaikot ikot ko pa itong sasakyan sa loob ng ilang ulit bago tuluyang Bumaba matapos akong anyayahan at makakain ay nagpaalam na ako sa mag asawa dahil susunduin ko pa si Summer.
Nasa loob na ako ng studio ng makita ko siyang nakasuot ng see through na damit kitang kita ko ang suot niyang panty at bra sa loob.
Ginala ko ang aking paningin puro babae naman ang sa loob kaya panatag narin ako.
Nakita kong nagulat siya ng makita niya ako. Napatapis pa siya sa dala niyang mahabang tela saka kumibot kibot ang bibig.
Napangiti ako dahil mukhang nag iimprove na ang ugali niya di na siya madalas nagsusungit.
"Tara na " napakurap ako , diko manlang namalayan na nasa harapan kona pala siya.
Nauna na itong naglakad at sumunod naman ako. Natigilan siya ng makalabas at luminga linga sa paligid. Mukhang hindi siya naniniwala na yan ang sasakyang susundo sa kanya.
Kunot noo siyang humarap sa akin with matching taas kilay pa napakamaldita talaga.
"Wala ka bang sasakyang dala?"
"Di ka narin ba makakita ?" Pang iinis ko.
Agad nagbago ang expression ng mukha niya galit na galit na ito at parang anytime bubuga na nang apoy namumula narin ang teynga at pisngi niya. Natawa tuloy ako.
"Pilit kong pinakisamahan ka ng maayos Parker sana ganon din ang gagawin mo ayaw ko pa namang maging killer "seryusong saad nito.
Nawala naman ang ngiti sa labi ko at sumeryuso ako saka nauna nang naglakad sa kanya at pumasok na sasakyan.
Tumingin lang ito sa sasakyan parang pinagaaralan.
'Ano na naman ang trip ng babaeng t0'
Inis akong bumaba ulit saka tumingin sa deriksyon niya na nagkasalubong ang kilay.
"Ano? Sasakay ka ba o hindi?" Pasigaw ko dito. Nag angat siya ng tingin saka nginusuan ako at sumakay na.
'Weirdong babae' naibulong ko nalang sa aking sarili.