下載應用程式
94.2% Trying Again (Tagalog) / Chapter 65: Nothing More, Nothing Less (5)

章節 65: Nothing More, Nothing Less (5)

"Totoo na 'to, Risa. Nagpagupit ka?"

Nagulat ako dahil napansin niya. Pagkatapos kasi namin mag-ayos ng gamit ni ate, binawasan niya ng konti ang buhok ko. Hindi ko sinagot si Stan kundi nilagay ko na lang din ang braso ko sa likod niya at ang kamay ko ay nasa bewang niya. Naglakad na kami papunta sa kubo at hindi maiwasan nina Aya at Mia lingunin kami pero nginitian ko lang sila.

Pagkatapos namin kumain saka tinanong ni Aya kung nasaan ang girlfriend niya. Napatigil ako ng saglit pero dahil nangako akong hindi na ako magseselos, sinundan ko agad ang tanong ni Aya. "Oo nga. Bat hindi mo isinama?"

Parang nagduda pa ng konti si Stan noong ako ang nagtanong pero sumagot din siya. "Nahihiya daw siya kasi hindi naman daw siya close sa ate mo."

"Sus, yun lang? Dapat pinilit mo na," sabi ko.

Halos puriin ko ang sarili ko dahil sa sobra kong galing umarte. Hindi na sumagot si Stan at iniba na niya ang usapan. Nang medyo lumilom na, bumalik na sa pool ang mga kaibigan ni ate. Niyaya naman kami ni Tommy at Chester. Papunta na kami ng pool ng biglang lumapit sa amin si Patrick.

Nakita kong ngumiti si Aya ng may halong malisya at mas lalo naman akong nailang. Pero naisip ko na okay na din 'to para mas lalong makumbinsi si Stan na pwede talagang bumalik sa dati. Niyaya ako ni Patrick na sumama sa kanila.

"Pero Kuya Pat hindi ako marunong maglangoy eh," sagot ko sa kanya.

Sa totoo lang doon ko lang naisip na tawagin siyang Kuya Pat kasi naririnig ko kay ate na Pat ang tawag niya kay Patrick, ginaya ko na lang. Halos mapa-face palm ako ng nakita ko ang reaksyon ni Aya. Parang gusto niyang sabihin sa akin na good job at mas lalong lumaki ang ngiti niya nang sinabi ni Patrick na siya na daw ang bahala sa akin.

Tatanggihan ko pa rin sana siya at sina Tommy sana ang gagawin kong dahilan pero mukhang nabasa nina Mia ang nasa isip ko dahil nagpresinta na sila na daw ang bahala doon sa dalawa. Wala na akong nagawa kundi sumama.

Pakiramdam ko ay lalamunin na ako ng hiya nang nakarating na kami kung nasaan yung ibang kaibigan ni ate lalo na noong tinukso si Kuya Pat na keso pasimple daw siya. Pero gumaan ang loob ko nang nakita ko sina Tommy at Chester na pumunta sa malaking pool kasama yung tatlo. Habang naglalaro sila ng pasahan ng bola, nasa gilid naman ako kasama si Kuya Pat. Nag-uusap lang kami tungkol sa maliit na bagay hanggang sa nagkayayaan na kami naman daw dalawa ang magpares para doon sa tulakan.

Kahit ayoko, nahirapan akong tumanggi. Si ate at Lance ang kalaban namin. Sobrang kinabahan naman ako pero sabi ni Kuya Pat na hindi daw niya ako pababayaan. Bukod sa takot akong malunod, nakakahiyang sumaklang sa balikat ng taong hindi ko pa naman talag ka-close lalo na't wala siyang suot na t-shirt at sa may hita niya ako hawak.

Yung mukha lang ni ate na sobrang naka-ngiti ang natandaan ako. Syempre, natalo kami at nalalag ako sa balikat ni Kuya Patrick. Nataranta naman kaagad ako dahil hindi na abot ng paa ko ang ilalim ng pool pero tinupad naman niya ang pangako niya na hindi niya ako pababayaan. Dinala niya kaagad ako doon sa gilid kung saan may hadgan at hawakan paahon.

Inalalayan niya ako hanggang sa nakatungtong at nakahawak na ako ng ayos. Nagulat na lang ako ng may humigit sa kamay ko. Pagtingin ko, si Stan pala.

"Sige Kuya, kaya ko na 'to," sabi niya kay Kuya Patrick.

Nilingon ko si Kuya Pat at mukhang nagdalawang isip siya pero umalis na din siya. Nakahinga na ako ng maluwag at sa sobrang kampante ko, nadulas ako ng itataas ko na ang isa kong binti. Napalipat ang bigat ko sa kabila kong paa at nawalan na ako ng balanse. Napabitaw din ako sa hawakan at nahila ko si Stan pababa.

Splash!


創作者的想法
wickedwinter wickedwinter

Merry Christmas everyone! Stay safe.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C65
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄