下載應用程式
72.46% Trying Again (Tagalog) / Chapter 50: Tulong (1)

章節 50: Tulong (1)

"Yo!" bati ko sa kanya sabay tapik sa likod niya.

Tiningnan lang niya ako at hindi ko naiwasang isipin kung galit siya sa akin dahil sa nangyari noong gabi ng Lunes. Pagkatapos kong sabihin na 'wag na namin ulitin yun ay natigilan lang siya tapos tiningnan niya yung text galing sa girlfriend niya. Pagkalipas ng isang minutong katahimikan, nagsimula siyang mag-ayos ng gamit niya. At dahil sa takot ko na baka maging malamig na naman ang pakikitungo niya sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya sa likod.

"Hindi naman sa pinaalis kita. Ayoko lang na pag-awayan niyo 'to pag nalaman niya tapos ako naman ang makakaramdam ng pag-aaway niyo," paliwanag ko sa kanya tapos inalis ko din kaagad ang yakap ko sa kanya.

Half truth lang sinabi ko sa kanya dahil ang totoo, natatakot akong baka lumabas ang tunay kong nararamdaman at madulas ako't masabi ko sa kanya pag dumating sa punto na matatanong ako ng iba o ng girlfriend niya tungkol sa nararamdaman ko kay Stan. Hindi na ako confident na masasagot ko na hanggang best friend lang.

Hindi ko inaasahan na aakbayan niya ako. "Hindi mo alam kung gaano ko namiss 'to."

Kahit gusto ko man sagutin siya ng alam ko at sobrang namiss ko siya ay hindi ko na sinabi. Mabilis niyang naligpit ang gamit niya. Hinatid ko din siya hanggang sa may gate namin. Isang malamig na see you at babye ang naging palitan naming dalawa. Narealize ko na I just clearly draw the line between us as he did before and so that I could hide my true feelings.

Ngayon na lang ulit kami nagkita. Tapos na ang exams at may practice ng play sa room nila.

"Oh, as promise," sabi ni Stan sa akin habang inaabot niya sa akin yung PS Vita niya.

Hindi na tulad ng pagkasabik ko noong Lunes pero napangiti pa din ako. Bago ko kunin yung PS sa kanya, ipinatong ko ang bag ko sa bag niya na nakalagay sa ibabaw ng lamesa niya at naupo ako sa upuan niya. Mayamaya ay nagulat na lang ako ng may dumampi sa kaliwang tenga ko. Earpiece pala ng earphone ni Stan. Inayos ko muna ang pagkakalagay bago ko nilingon si Stan sa likod ko kaso nakatalikod na siya at abala ng makipagkwentuhan sa mga kaklase niya.

Nasa kanya ang kalahati at nakalagay sa bulsa ang kanyang cellphone. Lumipas ang kalahating oras na ganoon lang ang aming pwesto. Napaisip nga ako kung hindi siya nangangalay dahil nakatayo siya buong oras. Isang beses lang niya ako inabala sa paglalaro.

"Sinong pinili mo? Yung cool and gentle na naman? Favorite mo yun eh."

Pagbaling ko, sa laro siya nakatingin. Ibinalik ko din kaagad ang atensyon ko sa laro saka ko siya sinagot. "Hindi ah. Sa bad boy, rude type ako ngayon. Siya yung pinakagwapo oh."

Pinakita ko sa kanya yung PS niya pero bago pa siya makapagbigay ng opinyon, may tumawag sa kanya at pati ako napatingin sa babaeng kaklase niya. Akala ko ay pupuntahan niya ito at kukuhanin ko sana sa kanya ang cellphone niya dahil maganda yung kanta, Wonderwall ng Oasis. Nang nakita kong sinenyasan niya yung kaklase niya, bumalik na ako sa laro ko.

Hindi nagtagal, nagsimula na ang practice at nagpaalam na ako sa PS Vita ni Stan dahil kinuha niya ito sa kadahalinang baka makuha ni Ma'am Rodriguez kasi sigurado daw siya na lalaruin ko iyon pag tapos na ang parte ko. Hindi na ako kumontra dahil totoo naman.

Noong break, nagpunta kaming tatlo nina Aya at Mia sa cafeteria para bumili ng miryenda. Tungkol sa play ang aming pinag-usapan nang papunta kami pero nang pabalik na, napalipat na sa akin ang usapan.

"So bati na kayo ni knight and shining armor mo?" tanong ni Aya. "Daig niyo pa ang aso't pusa sa pag-aaway niyong yan."

Dahil alam kong sasabihin ko din naman kay na Aya, sinabi ko na sa kanila ang mga nangyari pero syempre hindi lahat ng detalye. Hindi ko binanggit ang tungkol sa pagyoyosi ko at ang mga mismong salitang binitawan ni Stan noong gabi ng kaarawan ko pati na yung nangyari noong isang gabi.

"Sabi na tungkol yun sa breakup niyo ni Keith." Ang reaksyon naman ni Aya.


創作者的想法
wickedwinter wickedwinter

Seems like 100 power stones for Ugly Little Feelings was a dream. Anyway, thanks for reading.

Btw, I'd be busy because it's almost yearend. Updates might be sporadic. I'm truly sorry about it. I promise to update 3-4 times a week.

Btw again, who's a fan of Super Junior?

Twitter: @wickedwinter3

Like my writing? Support me: https://www.ko-fi.com/wickedwinter

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C50
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄