下載應用程式
60.86% Trying Again (Tagalog) / Chapter 42: Birthday (3)

章節 42: Birthday (3)

Nakataas pa din ang dalawa kong kamay nang nakita ko na si Stanley pala ang nagbukas ng gate. Agad ko itong binaba at nataranta ako ng konti. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Paano ako magrereact? Magsasalita ba ako? Siya naman, parang, oo parang, as in hindi ako sigurado kong nakita ko ba talaga na napangiti siya ng konti o guni-guni ko lang ang lahat.

Bago pa masagad ng todo ang pagka-ilang naman sa isa't isa, bumukas uli ang gate. "Gising ka na pala, Risa," sabi ni ate.

"Naihatid mo na si Denise?" tanong naman ni Lance kay Stan.

Ipinasok na ni ate yung dala nilang plastic ng ministop kaya kaming tatlo ang naiwan. Pinabayaan ko na magsmall talk si Lance at Stan at hindi na ako sumingit sa kanilang dalawa. Pero nalaman ko na kung saan sila galing at kung ano ang mga ginawa nila. Nang natapos na sila mag-usap, napatingin sa akin si Lance tapos kay Stan ng dalawang beses. Nakaramdam siguro na may iba saming dalawa ni Stan.

"Sina Aya?" tanong ko kay Lance.

"Nasa court pa siguro yung mga yun," sagot niya.

"Ah, sige, pupuntahan ko lang sila," paalam ko sa kanya kaso noong naglakad na ako papunta dun sa court ay pinigilan ako ni Lance.

Hinawakan niya ang kanang braso ko. "Napano yan?"

Tiningnan ko kung ano yung tinutukoy niya. Iginalaw niya ang kamay niya at idiniin ng konti ang pagkakahawak niya. Napangibit naman ako ng konti tapos hinatak ko agad ang kamay ko pabalik. Tinakluban ko ang braso ko gamit ang kaliwa kong kamay.

"Ito? Wala 'to, maliit na pasa lang," tangka kong pagpapaliwanag.

"Maliit? Paano naging maliit yan? At tsaka mukhang bago lang."

Nasa kulit mode si Lance. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, kung sasabihin ko ba ang totoo. Napatingin ako kay Stan na nasa likod lang ni Lance. Base sa ekspresyon ng mukha niya, napagtanto na niya na siya ang may gawa nun. Hinawakan niya sa balikat si Lance. "Tol, a-"

"Risa! Sa wakas! Buti naman at nagising ka na."

Wala ng iba kung hindi si Aya yun. "Ang bulok bulok ng hubby ko. Wala tuloy akong nahita kay Keith," dagdag pa niya.

Naintriga tuloy ako sa sinabi niya kaya ayun, hinigit na niya ako at nakatakas na ako kay Lance, pati na din kay Stan. Itong si Aya pala, hinamon si Keith gamit si Andy sa one on one. Pag natalo si Keith, sasagutin niya lahat ng tanong ni Aya at pag nanalo naman ay si Keith ang pipili ng movie na papanuorin namin. Ako naman ang kinulit ni Aya. May tinatago daw ako sa kanya. Buti na lang tumigil siya ng sinabi ko na saka ko na ikwekwento pag sigurado na ako.

Pagkatapos namin kantahan si Andy ay nagmovie na kami. Nakatulog ako ng hindi pa tapos yung movie. Aliens kasi ang pinili ni Keith at nakahiga ako habang nanunuod. Hanggang kinabukasan at mga sumunod na araw, hindi kami nagkikibuan ni Stan. Ni hindi na din siya sa amin sumasabay ng pagkain tuwing lunch at kahit sa practice ng play, nag-uusap lang kami pag kailangan. Syempre, hindi maiiwasang may magtaka.

Last day na ng practice para sa play noon at isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming nagkausap ng tino ni Stan, two weeks na lang kasi bago mag-final exams, naglakas loob ng magtanong si Mia. "Magkaaway ba kayo ni Stan? Itong si Aya sumuko na ng kakatanong kay Stan kung anong nangyari sainyo?"

Bigla akong napatingin kay Mia. Magkatabi kasi kaming nakaupo at nakasandal sa may dingding habang nanunuod ng practice. Mamaya pa kasi ulit ang part ko. Nang hindi ako sumagot, nagpatuloy pa si Mia. "Kababati niyo lang ah. Tungkol na naman ba kay Denise yan? O baka naman tungkol kay..."

Tumigil si Mia at tiningnan ko kung saan siya nakatingin, sa kabilang dulo ng room. Hindi na niya kailangan ituloy dahil nakuha ko na ang gusto niyang iparating, kay Keith kasi siya nakatingin.

"May masama lang akong nasabi tungkol sa girlfriend niya," sabi ko sa kanya.

Mukhang hindi naniwala si Mia. Tiningnan lang niya ako na parang may gusto pa siyang sabihing iba pero ito lang ang sinabi niya. "Basta ayusin niyo yan. Masasayang yang pinagsamahan niyo lalo na ngayon walang nag-eeffort sainyong dalawa para magkaayos baka mamaya hindi mo mamalayan na wala na pala kayo sa buhay ng isa't isa."


創作者的想法
wickedwinter wickedwinter

I'll upload one more chapter on Saturday if my other story, Ugly Little Feelings hit 55K views by 12pm on 11/23/19.

I'll upload two chapters if Ugly Little Feelings has 80 power stone votes by 12pm on Saturday too.

If not, I'll update on Monday 5pm as usual. Thanks for reading! Pardon me for marketing/advertising 101.

Don't worry. There's an update tomorrow and on Friday. And my other story is already at 48K views. I really want to hit 50K. Haha.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C42
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄