下載應用程式
53.62% Trying Again (Tagalog) / Chapter 37: First, Second, or Third (1)

章節 37: First, Second, or Third (1)

Binitawan ko agad yung sigarilyo at hinayaan itong pumatak sa semento. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Ni hindi ko inapakan para patayin yung sigarilyo at naglakad ako ng dahan-dahan papunta kay Stan. Nanginginig ang buo kong katawan at tila hindi ako makahinga. Bukod sa magulang ko, si Stan lang ang ayokong makakita sa akin ng ganito. Siya lang ang taong alam kong sobrang magagalit at madidisappoint pag nakita niya ako dahil namatay ang lolo niya sa lung cancer.

Nakatayo pa din siya at hindi nagalaw. Hindi na siya naka-uniform. Itim na basketball shorts at puting t-shirt ang suot niya. Naka-tsinelas na lang din siya. Bakas pa din sa mga mata niya ang galit na may halong pagkagulat. Ang dalawa niyang kamay ay nakatikom ng mahigpit. Ramdam ko ang pintig ng puso ko sa bawat hakbang.

"Stan," tawag ko sa pangalan niya ng mahina.

Hindi siya sumagot; tumigil ako ng paglapit sa kanya.

Naglakad siya palapit sa akin, kinabahan lalo ako pero nilampasan lang niya ako. Habol ako ng tingin sa kanya. Pinuntahan niya yung nalaglag kong yosi at inapakan para patayin pagkatapos ay pinulot niya ito pati na din ang nauna kong upos ng sigarilyo at itinapon sa basurahan. Wala akong ginawa kundi panuorin siya. Bawat galaw niya ay tila kalmado pero hindi pa din nagbabago ang aura niya, parang itim at pula na naghahalo.

Pagkatapos niyang gawin yun, lumapit siya sa akin hanggang sa nasa harap ko na siya. Nagkatitigan kami at napalunok ako. Hindi na galit ang nangingibabaw sa mga mata niya, isang malaking pagkadismaya lang ang natira.

"Ano bang kalokohan na naman yang ginawa mo, Alyssa?" tanong ni Stan ng mahina pero madiin ang pagkakasabi niya ng bawat salita.

Hindi ko alam pero parang biglang lumayo siya sa akin kahit nasa harapan ko lang siya, tila hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko. Yun ang unang beses na tiniwag niya ako ng Alyssa lang. Laging Mari Alyssa o Risa, kahit noong magkagalit kami dati. Yung kabang naramdaman ko ay nasagot na. It was bitter regret mixed with sourness of lemon to be poured in a fresh cut that has yet to be completely opened.

Sino siya para magsalita ng ganun? Eh siya tong taong nagsinungaling ng paulit ulit sa akin. Even if I betrayed his expectation, he betrayed me first. My judgment was beginning to get clouded.

Hindi ko napansin, masama na pala ang tingin ko sa kanya at ang dalawa kong kamay ay nakatikom ng mahigpit pero nagulat ako nang napalitan ang ekspresyon niya ng pagtataka at tila hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng aking tingin. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin saka ko biglang nilagpasan niya at naglakad palayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Stan sabay higit sa kamay ko kaya wala akong nagawa kundi lumingon pabalik.

"Uuwi na," sagot ko na pabalang.

"Hindi ka man lang magpapaliwanag?" tanong pa ulit niya, ang boses niya ay lumakas ng konti at halatang naguguluhan siya sa ikinikilos ko.

"Anong kailangan kong ipaliwanag sayo?" Binawi ko ang kamay ko at tumalikod na ulit pero hindi pa man lang uli ako nakakahakbang ay hinila na niya ang braso ko at nagsimulang hatakin ako.

Ilang ulit akong pumalag pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa puntong hindi ako makapaniwala na si Stan ang taong may hawak sa akin. Mayamaya ay nakarating kami sa basket ball park ng compound namin. Bukas ang ilaw at may mga ilang kalalakihan ang naglalaro. Tumigil kami sa hindi kalayuan sa court. Nakatalikod pa din siya sa akin at hindi pa din niya ako binibitawan.

Hinigit ko muli pabalik ang braso ko. "Ano ba, Stan? Bitiwan mo na ako. Nasasaktan na 'ko."

At parang mga mahiwagang salita ang binigkas ko dahil biglang lumuwag ang pagkakahawak niya. Umihip ang malakas na hangin pero hindi ako naantala na baka tumaas ang aking palda o magulo ang buhok ko, napatingin lang ako sa langit. May mga ilang ulap pero kitang kita pa din ang buwan at mga bituin. At katulad ng kanina, tila biglang nag-iba ang atmosphere na namamagitan sa aming dalawa ni Stan.

Binitawan niya na ang braso ko saka siya humarap sa akin. Iba na ang ekspresyon ni Stan, hindi na ito nababalot ng galit o pagkadismaya at mukhang medyo kalmado na siya. Ganoon din naman ang naramdaman ko na medyo lumiwanag na ng konti ang pag-iisip ko.

"Bakit ka naninigarilyo?" tanong ni Stan ng mahinahon pero hindi siya nakatingin sa akin.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C37
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄