Napatungo na lang ako at nagbuntong hininga. Wala na talaga akong takas. Siniko ko siya ng pabiro bago silipin kung anong itsura niya. Ang lapad ng ngiti niya. Akala ko tatanggalin niya yung pagkakaakbay niya pero hindi niya tinanggal, mas lalo pa siya hinigpitan. Napangiti na lang tuloy ako.
"Bakit nga pala ang bilis mo napapayag si Ma'am Rodriguez?" tanong ko sa kanya. Hindi na ako sa kanya nakatingin kundi sa hallway na. Halos wala ng estudyante.
"Ako pa," sagot niya.
"Tss. Yabang mo," sabi ko sabay tulak ng konti sa kanya gamit ang hips ko.
"Pero hindi nga, paano mo ginawa yun?" tanong ko uli pero ngayon, tiningnan ko na siya. Napatingin din siya sa akin.
"Si ma'am ang adviser namin at di hamak naman na mas mataas ang grade ko sayo sa subject niya."
Oo nga. Nakalimutan ko na si Ma'am Rodriguez ang adviser ng class a. I should have expected this. Wala na talaga akong chance makaalis pa sa play na yun. Napatigil ako at napaisip na lang. Dapat pala ipinilit ko na lang na dance presentation na lang. At least dun hindi na talaga ako makakasama. Hay. Sayang ang effort ko sa pag push through ng play.
"Risa," sabi sa akin ni Stan. Tiningnan ko siya. "Wag ka na magtampo diyan. It'll be fun."
"Whatever, Stan," umalis na ako sa pagkakaakbay niya at naglakad na uli, "Sumali ako sa piano competition kaya ayokong sumali sa play."
Hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan, nahabol na kaagad ako ni Stan. "Ihahatid at susunduin kita araw araw," sabi niya sabay akbay.
"Para naman pwede mong gawin yun."
"Bakit naman hindi?"
At dahil maganda ang timing namin, nakita na namin ang barkada na nag-iintay sa amin at ang girlfriend niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko saka ko siya tiningnan, "Oh, ayan na yang dahilan mo."
Bago pa man makapagsalita si Stan, umalis na ako. Hindi ko na din pinansin sila Aya na mukhang gustong malaman kung anong nangyari. Sinabi ko lang sa kanila na late na ako sa lessons ko at aalis na ako. Hindi naman ako galit. Hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin o magiging reaksyon ko dahil andun si Denise. Ayoko naman mag-away uli kami ni Stan dahil kababati lang namin.
Kaya nagulat ako pagkatapos ng lessons ko. Kagaya ng dati, natapos ako ng gabi na. Ang hindi ko inaasahan ay si Stan. Paglabas ko ng building, nakita ko ang brown blazer ng school namin. Nakatalikod siya pero nakilala ko ang bag ng best friend ko. Nilapitan ko agad siya.
"Hoy, anong ginagawa mo dito?"
Medyo napatalon si Stan at biglang nag-uubo, nasamid ata sa iniinom niyang coke float. Tinapik ko naman ang likod niya habang tumatawa. Maya-maya ay napatigil na din siya. Sinamaan niya ako ng tingin pero pabiro lang. "Bakit mo ba naman kasi ako ginulat, Mari Alyssa Reyes?"
"Ano ba kasing ginagawa mo dito Stanley?" tanong ko sa kanya habang hinablot ang coke float na hawak niya. Nakakalhati na siya. Tinanggal ko yung takip saka ako uminom.
"Diba sabi ko naman sayo susunduin kita," sagot niya. Nakatingin lang siya sakin habang iniinom ko yung coke float niya. Konti na lang ang natira ng inalis ko na din yung baso sa bibig ko.
Nagsimula na kaming maglakad habang ako busy pa din dun sa coke float niya. Kakasubo ko lang nung kabilang dulo ng straw na may chocolate syrup saka ko siya tinanong. "Anong nangyari sa girlfriend mo?"
"Hindi pa kami break kung yan ang tinanong mo."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi naman yun ang tanong ko." Pero yun ang gusto ko. Syempre, hindi ko sinabi. Tumingin na lang ako sa daan.
"Binilihan kita ng chocolate silvanas," pinakita niya yung kahon ng Brownies Unlimited.
Ngumiti naman ako, "Buti naman alam mo."
"Ako pa. Alam ko na kung anong isusuhol ko sayo."
"Hindi tayo magjjeep?" tanong ko ng medyo malayo na yung nalalakad namin. Tinapon ko na din yung baso ng coke float na inagaw ko.
"Nope," sagot niya pagkabalik ko pagkatapos kong magtapon dun sa malapit na basurahan. "Namiss ko 'to kaya wag ka muna magmadali diyan."
Hindi ko na pinigilan at napangiti na lang ako ng bongga. Pinisil na lang niya ang pisngi ko bago kami naglakad uli. Kahit itago pa niya, kitang kita ko ang ngiti niya na medyo parang nahihiya. Kahit gusto kong tuksuhin ang best friend ko, hinayaan ko na lang. I don't want to ruin the moment.
Habang naglalakad kami, inaabutan niya ako bigla ng isang chocolate silvanas. "Alam kong gutom ka na."
Tinitigan ko lang siya kaya itinuloy pa niya, "Gusto ko man yayain kang kumain muna. Alam kong mas gusto mo kumain sainyo."
Kinuha ko na at kumagat na. Hindi pa naman ako gutom talaga dahil nagmiryenda naman kami ni Ms. Martha pero hindi na kailangan malaman ni Stan yun. Naubos ko agad yung silavanas. Tinutupi ko yung papel na cover ng tinanong ulit ko siya, "Nasaan si Denise?"
Napalingon naman siya sa akin. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya dahil blangko ito kaya nagulat na lang ako ng inilapit niya ang kamay niya sa mukha ko. "Grabe, Risa, hindi ka pa din nagbabago. Ang amos mo pa din kumain."
Bigla naman ako napahawak sa bibig ko pero inalis lang ni Stan ang kamay ko at pinagpatuloy pa din niya ang pagpunas sa mukha ko gamit ang sleeves ng polo niya. Natigilan naman ako at pinanuod ko na lang ang best friend ko. Nang natapos siya, nakaharap na ako sa kanya.
"Hindi mo na ako kailangan sunduin, Stan," sabi ko sa kanya.
Medyo nagulat siguro siya dahil napakunoot ang noo niya. Nagbuntong hininga na lang ako saka ngumiti ng medyo pilit. "Stan, best friends na ulit tayo. Tanggap ko na na may girlfriend ka at alam ko na importante siya sayo. Hindi mo kailangan gawin 'to."
"Risa—"
Pinutol ko na yung sasabihin niya, "Sasali ako sa play. Aattend ako ng practice. At pwede naman akong sumabay kay papa."
"Pero—"
"At tsaka andyan naman si Jared."
Drop a comment or vote with powerstone (thank you for those, btw), or leave a review. Thanks for reading!