"Hep!" sabi agad ni Dan bago pa makalapit ng tuluyan sa amin sila Stan.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at ito namang si Denise todo kapit sa braso ni Stan. Takot ba siyang maaway ko? Napakawar freak ko talaga pero ayoko lang talaga ng may naagaw sakin lalo na kung yun na lang ang natitira.
Selfish na kung selfish pero ito ako.
"Risa," bulong sa kin ni Dan, "wag mo ng papatulan ha."
"Mas maganda ka naman dyan at tsaka kasama mo na nga si Lance," pahabol pa niya.
Nung nakalapit na sila samin kasama yung girl na date ni Dan, umiwas na ng tingin si Stan. Si Lance ang nilapitan niya.
"Tol," bati ni Stan kay Lance, "sino naman kadate mo? Si Liza?"
Natawa lang si Lance, yung medyo light na tawa. "Nah, si Risa ang kasama ko."
Medyo nagulat naman si Stan pero hindi niya masyado ipinahalata. Nilapitan na niya yung girlfriend niya at inakbayan saka lumapit sa akin.
"Risa," bati niya.
Yung mukha niya, seryoso pero nakasmirk naman. Halatang halata na naiinis siya.
"Stan," I hissed. Ako naman poker face.
"Bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko?" tanong niya sa akin, yung boses niya malumanay pa.
"Hindi mo ba alam na ang laking eskandalo ang ginawa mo kagabi?" patuloy pa niya, medyo tumataas na yung boses niya.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ako papatalo sa kanya.
"Bakit hindi ka masagot?" tanong pa ulit niya. This time hindi na niya tinatago yung galit niya sa akin.
Si Denise napahigpit na ang kapit kay Stan. Agad naman kami nilapitan ni Dan at Lance.
"Wag na kayong mag-away. Maliit na bagay lang naman yun," awat samin ni Dan.
Nabaling ang tingin ko kay Dan, "Hindi naman ako aawayin nan kung hindi affected tong girlfriend niya."
Nung sinabi ko yung girlfriend niya, tiningnan ko si Denise at talagang inemphasize ko pa ang pagkakasabi. Tapos bumalik na ang tingin ko kay Stan.
"Bakit inaaway ba kita?" sabi ni Stan in his mocking tone, "Affected ka din?"
Napakunot ang noo ko. Konti na lang at mawawalan na ako ng pasensya.
"Bakit siya ba ang tinutukoy ko?" dinuro ko si Denise.
Napaurong siya sa likod ni Stan. Mukhang natakot ata sa akin. Dapat lang, mangaagaw siya eh.
"Wag kang assuming. Sa daming flirt sa buong mundo, porke't nagpost ako ng ganun, ikaw agad yun?" sabi ko sa kanya, yung boses ko medyo tumataas na.
Lumapit sa akin si Stan at hinawakan niya ng mahigpit yung wrist ko, "Hindi ka ba nagsasawa Risa? Paulit-ulit na lang to, kada magkakagirlfriend ako, aawayin mo palagi?"
"Pang-ilan na ba to, apat? Lima? Anim? Kahit nililigawan ko pa lang, inaaway mo na," dagdag pa niya.
Hindi ako makasagot because I am guilty.
Nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko. I was expecting Dan but when Stan and I turned to look who it was. It was Lance.
"Pre, nasasaktan na yung best friend mo oh," sabi niya ng mahinahon.
Binitawan naman agad ni Stan yung kamay ko. Napaiwas siya ng tingin at bumalik na siya sa tabi ng dakila niyang girl friend na hindi pa naman natagal ng isang linggo.
"Una na kami ni Risa ha. May bibilhin pa kasi kami," paalam ni Lance sa kanila.
"Sige tol, kita na lang tayo sa laro sa Tuesday," sabi ni Dan.
Kinaladkad na ako ni Lance palayo sa kanila pero bago yun nakabulong pa ako na alam kong maririnig nila, "Ang hilig mo kasi sa flirt."
Hindi na ako lumingon pa ng may humablot sa kamay ko. Maldita na kung maldita pero naiinis talaga ako sa kanya.
"Kaya ka niya iniwan eh, masyado kang possessive. Kung ako nga na best friend mo lang ay nasasakal sayo, siya pa kaya."
Pagkatapos sabihin ni Stan yun bumalik na siya kung saan niya iniwan sina Dan at Denise. Nagecho yung sinabi niya sa akin at hindi din maalis sa isip ko ang itsura ni Stan nung sinabi niya sa kin yun. Seryoso at talagang tinitigan pa niya ako sa mata.
The world seemed to stop moving at all but the tears I was holding back began to fall. Hindi ko na mapigilan pa ang pagpatak nito at ang sakit ng lalamunan ko sa pagpigil nito. Nahihirapan na din akong huminga. Ang sakit. Ang sakit marinig ang katotohanan lalu na kung galing pa to sa taong akala mo naiitindihan ka.
Bumibilis na din ang paghinga ko at hindi na ako makakita ng ayos dahil blurred na ang paningin ko dahil sa luha.
Nabigla na lang ako ng hinigit ako ni Lance papunta sa kanya at niyakap.
Ang mukha ko ay nakaubob sa dibdib niya. Natigilan ako ng saglit pero tuloy pa din ang pagtulo ng luha ko. Gusto ko sanang makawala sa yakap niya kaso nanghihina ako at gusto ko lang umiyak ng umiyak.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, na ramdam ko na ang init ng katawan niya at ang amoy ng pabango niya.
Umiyak ako ng umiyak, hindi siya nagsasalita hanggang sa hinaplos niya ang buhok ko. "Tara, ihahatid na kita sa inyo."
Tumunghay ako at nagkatinginan kaming dalawa. Halata sa mga mata niya na naawa siya sa akin kahit hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Agad ko naman pinunasan yung mga mata ko at ilong. Tulo sipon ko eh, nakakahiya tuloy sa kanya.
Dali-dali akong napalayo sa kanya at napatungo ulit.
"Salamat," sabi ko ng mahina, "Pasensya na din nabasa ko yung shirt mo."
Hinawakan niya yung shirt niya at natawa. "Gabalde ba naman kasi ang iniiyak mo. Para tuloy natapunan ako ng isang basong tubig."
"Hindi naman nu, ang yabang mo talaga," tumingin na ako sa kanya, nakangiti siya. "Pero salamat talaga."
"Sus, para yun lang. Magkaibigan din naman tayo nu," sabi niya at naglakad na siya.
"Hindi mo naman kailangan ihatid ako," habol ko sa kanya.
Magaan na yung pakiramdam ko. Hindi ko na lang iisipin kasi maiiyak lang ako lalo. Kung nakaya ko dati ng iniwan niya ako, kakayanin ko kahit iwan pa ako ni Stan ngayon.
Nang malapit na kami sa bahay namin saka ko lang narealize na kaya pala ihinatid ako nitong si Lance ay gawa ng ate ko. Nawala sa isip ko yun ng saglit kasi akala ko gusto lang talaga niya ako ihatid at nagaalala siya sa akin. Gumagana na naman ang pagka-assuming ko.
Nasa may tapat na kami ng gate namin, "Ano? Gusto mo pumasok?"
Namula siya agad. Tumawa naman ako ng malakas. Nagdahilan ka agad siya, "Ha? Bat naman papasok pa ako eh hinatid lang naman kita."
"Palusot ka pa, alam ko naman na gusto mong makita si ate kaya hinatid mo ko."
"Hindi nu!" todo deny niya.
Natawa-tawa na lang ako ng binuksan ko yung gate. Nasa may pinto na ako at siya andun pa din sa may labas ng gate, tulala at mistulang estatwa na kaya sinigiwan ko, "Hoy! Wag ka ng mahiya. Pumunta ka na dito at baka magpakamalang stalker ka."
Pagkabukas ko ng pinto tumawag agad ako, "Ma, andito na po ako."
"Andito ako sa kusina," sagot naman ni mama.
"Andyan na po ba si ate?" tanong ko sa kanya habang nagtatanggal ako ng sapatos at ito namang si Lance, nakatayo at halatang kinakabahan.
"Wala pa," sigaw ni mama.
Mukhang nakahinga ng maluwag tong si loko ng narinig na wala pa si ate. Pero ito na yung chance para masimulan ko na yung ligaw plan ni Lance kay ate.
Tinawag ko si Lance at pinalapit sa akin. Bumulong ako sa kanya, "Lance ito na ang chance para mapalit kay ate."
Tumigil ako at nag-antay siya ng sasabihin ko. Napangiti ako, "Kausapin mo sina mama at magpaalam ka na liligawan mo si ate."
Napalayo siya sa akin bigla at napailing, "Ayoko nga. Ano ka ba? Gusto mo bang mamatay ako sa hiya sa harap ng magulang mo."
Natawa ako ng malakas. May namatay na ba dahil napagalam manligaw. Halatang walang alam tong lalaking to sa panliligaw. Sasagutin ko na sana siya ng bumukas ang pinto na papuntang kusina.
"Risa, san ka ba galing?" napatigil si mama at napatingin kay Lance, "Oh Lance, iho. Hinahanap mo ba si Liza?"
Tumayo na ako at nilapitan si mama, nagmano at inakbayan siya. "Mama, kayo po ang pinuntahan ni Lance. May sasabihin daw po siya sa inyo ni Papa."
Biglang sumama ang tingin sa akin ni Lance parang gusto niyang sabihin sa akin na 'Leche kang babae ka. Lagot ka sa kin mamaya. Tinilungan pa naman kita kanina.'
Well, panalo ako ngayon. Wala na siya magagawa para makatakas dito.
"Ano ba yun iho?" tanong ni mama sa kanya pero mukhang hindi siya makakasagot kaya tinulungan ko na.
"Ma, tawagin mo na lang si papa at antayin niyo na lang po kami sa salas. May sasabihin lang po ako kay Lance," sabi ko kay Mama.
Medyo nagdadalawang isip si Mama pero umalis din siya para tawagin si papa.
"Risa!" simula agad ni Lance. Natawa lang naman ulit ako.
"Lance," tawag ko sa kanya tapos tumawa ulit.
Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya at tiningnan siya ng seryoso, "Ito na ang chance mo Lance. Wag mong sasayangin kung gusto mo talaga si ate, kakayanin mo to."
Tumango siya at hindi na nakapagsalita pa kasi hinigit ko na siya papasok ng salas.
Nakaupo na sila mama at papa pagpasok namin. Natatawa na ako pero pinipigilan ko kasi naman namumutla na si Lance.
"Ma, nasaan po sila Tommy?" tanong ko pagkamano ko kay papa.
"Na kay na Chester. Okay lang ba sayo na sunduin mo sila since sabi mo kakausapin kami nitong si Lance?" sabi ni mama ng nakangiti.
"Opo, sure ma. Magbibihis lang po ako," paalam ko sa kanya.
Kinindatan ko muna si Lance bago ako lumabas ng salas. Siya naman parang gusto ng sumama sakin.
"Good luck," binulong ko sa kanya.
Pagkatapos kong magpalit ng puting shorts at navy blue plain shirt, bumaba na ako at nagpunta muna kay Nana para magmano. Paglabas ko, nagpunta na ako sa salas. Nakita ko sila na nagtatawanan at mukhang successful ang first step.
"Ma, pa, aalis na po ako," paalam ko at silang tatlo ay napalingon sa akin.
"Samahan na kita," sabi ni Lance sabay tayo.
"Sige iho para pagbalik niyo dito ay nandito na si Liza," sabi ni Papa. Si mama naman todo ngiti. Ano kayang nangyari?
Pagkaalis namin ng bahay, tinanong ko agad siya, "Anong nangyari?"
"Sa akin na lang yun. Iniwan mo ako mag-isa dun eh," sabi niya, habang naglalakad kami.
"Ang daya mo!" reklamo ko sa kanya habang nagtatali ako ng buhok ko.
"Malalaman mo din naman yun kasi for sure kkwento yun sayo ng mama mo mamaya," sabi niya habang busyng busy siya magkalikot ng phone niya, "San ba tayo pupunta?"
Tumigil ako at tinuro yung bahay sa kaliwa namin, "Dito."
Pagkasabing pagkasabi ko nun, biglang nagbukas ang pinto at lumabas si Stan at Denise.