Ano pa bang magagawa ko? Ang nag-iisa kong ate ang kakumpentesya ko sa bago kong pag-ibig. Syempre, hindi na ako sumama sa kanila. Wala akong partner, si Stan naman kasi! May Denise pang nalalaman. Papunta tuloy ako ngayon sa lessons ko, three hours pa naman yun. Yung mga may lakad nagjeep na papuntang mall pero ako naglalakad dahil walking distance lang naman yung building at kahit pilitin naman nila akong sumama sa kanila, hindi din nila ako mapipilit dahil ayoko talaga at paano ako sasama sa kanila eh maoout of place lang ako dun kaya dumaan muna ako sa favorite kong cd shop na katabi lang ng Mcdo.
Nung tapos na ko magtingin ng cd at papunta na ng counter, may bumangga sakin. Sympre napaganito ako, "Ano ba? Wala ka bang mata at nangbubunggo ka?"
Wala na ako sa mood kaya ang bilis uminit ng ulo ko lalo na ngayong nararamdaman ko na ang pagvivibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Si Ms. Martha siguro yung natawag kasi late na ko sa lesson.
"Sorry miss, I was just preoccupied" sabi nung lalaking nakabangga sakin.
"Alyssa?" tanong nung lalaki sakin.
Napatingin naman ako, si Lance lang naman ang natawag sakin ng ganun. Siya nga! May hawak siyang brown na blazer pero parang akin ata yun.
Inabot niya sakin, "Ito nga pala, nalaglag mo kanina."
Kinuha ko yung blazer at sinabit sa brown kong body bag. Tanggal na din necktie ko at nasa bag ko na. Tiningnan ko naman ng matagal si Lance bago magpasalamat. Hindi ko talaga maitatanggi ang pagkakahawig nilang dalawa. Ang ayos ng itim niyang buhok na medyo mahaba, ang paling ng bangs niya na halos matakluban na ang kanyang mga mata, ang pula niyang labi at lalo na ang itim nyang mata. Magkaiba lang talaga sila ng personality at amoy, iba siguro sila ng perfume na gamit. Matangkad din siya at part din ng basketball team.
"Sige Alyssa, may bibilhin pa ako," paalam ni Lance.
"Teka," tawag ko sa kanya bago pa siya makalayo, "Nililigawan mo ba ang ate ko?"
Napalingon siya sakin at ang tingin niya hindi ko maipaliwanag kung awa ba o pagkagulat lang. "Kung okay lang sayo, pwede ba?"
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Nagtapat ako sakanya kanina lang tapos ngayon ipinagtatapat niya sakin yung pag-ibig niya para sa ate ko. Malas talaga ako sa pag-ibig. Hay, baka mamaya mapaiyak pa ko nito buti na lang andyan pa si Stan, hindi pa ako magiging lonely.
"Oo naman, bakit hindi? Kung yung kanina ang inaalala mo, okay lang yun." Sinabi ko sa kanya ng may halong pagsisinungaling.
"Sigurado ka? Sorry talaga Alyssa," sabi niya ng mahina.
"Yep, Lance. I'm sure. Sige una na ko, babayaran ko pa to," inangat ko yung cd nahawak ko.
"At tsaka nga pala, Risa na lang. Ang weird kasi pakinggan ng Alyssa," habol ko bago magpunta ng counter.
Pagkabayad ko dun sa cd saka ko lang napagtanto na nasa mcdo sila. Kaya pala nakita ko si Lance dito. Paglabas ko ng shop at ng dumaan ako sa mcdo, nakita ko sila. Masayang sila lahat lalo na yung best friend kong mabilis magpalit. Katabi niya yung Denise, nakaakbay pa din siya. Ano yun girlfriend niya? Bakit hindi ko alam? Bahala na nga sila, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko.
Nang dumating na ako sa room ko para sa lessons andoon na si Ms. Martha. Nakaupo na siya sa may tapat ng isang grand piano.
"Risa, risa, bat na naman late ka?" tanong niya sakin na may halong galit na pabiro.
"Miss, dumaan lang ako saglit sa shop. Bumili lang ako ng cd, gusto ko sanang tugtugin to," ipanakita ko sa kanya yung cd.
Nagsimula na yung lessons hanggang maubos na ang tatlong oras. Tumigil lang kami ng saglit para magmiryenda. May kumatok sa pintuan kaya kami napatigil.
"Siya Risa, sa susunod na lang ulit," wika ni Ms. Martha, "Gabi na, hindi ka ba dadaanan ng papa mo?"
"Hindi po, late po makakauwi si papa ngayon. Sige po, aalis na ako. Salamat po."
Pagkatapos ko magpalam kay Ms. Martha nakasalubong ko yung sunod na studyante. Lalaki siya at naka-gray na hoodie, matangkad din kaso hindi ko nakita ang itsura. Siya yung lagi ko kasunod sa lessons at hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakikila.
Nang nakalabas na ko ng building, madilim na at 7:30pm na . Kailangan ko na umuwi at maya-maya ay maghahapunan na kami. Sinuot ko na yung blazer ko kasi malamig na, pero hindi ko ibinutones. Magjjeep na lang ako pauwi pero dadaanan muna ko sa isang shop. Naglalakad na ako ng biglang nagdilim ang paningin ko.
"Stan, ano naman ang ginagawa mo dito?" sabi ko ng mahina at inalis na niya ang kamay na nakapatong sa mga mata ko.
"Ano pa nga ba? Syempre sinusundo ka." Sabay hablot sa kamay ko at ikinapit niya sa kanyang braso.
Natawa na lang ako. Wala talagang tatalo sa best friend kong to. Hinding hindi ako papabayaan. Hindi ko ata alam kung anong gagawin ko pag tong best friend ko na to ay nawala pa sakin. Suot pa din niya ang blazer pero pareho lang kami na walang necktie. Yung buhok niya medyo magulo na pero nakataas pa din.
"Nag abala ka pa? Kamusta nga pala panunuod ng sine? Ganda ba?"
"Syempre, bilin kaya yun ni-" napatigil siya at napatangin sakin, tiningnan ko lang siya ng masama. Nagpatuloy siya, "bilin ng mama mo," sabay tawa ng nakakailang.
Napailing na lang ako pero nakangiti pa din ako.
"Ano? Tara ng umuwi?" aya ni Stan, habang naglalakad kami.
"Teka, may bibilhin pa ako."
"Bukas mo na lang bilhin. Gabi na oh, nag-aalala na siguro sina Tita."
"Sanay na yung mga yun sakin," kontra ko habang naglilingon sa paligid.
"Hindi ka pa talaga nagbabago Mari Alyssa Reyes. Tara na magjeep ng madali tayo. Ang bagal mo pa naman maglakad para kang pagong."
"Aba Stanley, grabe ka manlait-" hinila na niya ko at pumara na siya ng jeep bago pa ako makasalita ulit.
Kukuha na ko ng pamasahe sa bag ng biglang nag-abot na ng pamasahe si Stan. "Hindi kita nailibre ng sine kanina kaya ito na lang muna ngayon," sabi niya ng nakangiti yung kamay ko isinabit niya ulit sa kanyang braso.
"Ang sweet talaga ng best friend ko, wag kang magbabago ha. Wag mo kong iiwan tulad ng ginawa niya," bulong ko sa kanya.
"Oo naman, nandito lang ako palagi para sayo Risa."
Napangiti ulit siya at lumabas ang kanyang mga dimples. Cute talaga ni Stan, parang si Tommy lang. Si Tommy nga pala ang aking baby brother, well hindi na siya baby, 6 na kasi siya.
Maya-maya lang pumara na si Stan at naglakad kami papunta saking bahay. Ganun pa din ang pwesto namin at tahimik kaming naglalakad, namiss ko tong ganito. Lagi kasing busy kaya minsan ko na lang makasama si bff ko.
Tumigil na kami sa tapat ng isang puting bahay na may green na gate.
"Pasok ka na Risa," utos ni Stan sakin habang nakahawak pa din ako sa braso niya.
"Dito ka na magdinner Stan," aya ko sa kanya. "Ako na ang tatawag kay Tita."
"Pero-" hirit pa niya.
"Wala ng pero pero. Tara ng pumasok at siguradong inaantay na ko ni Tommy," hinila ko na siya papasok ng bahay.
Pagkabukas ko ng pinto, hinubad naming dalawa ang aming sapatos at binuksan ko na ang pinto sa aking kaliwa papuntang salas. Bago ko tuluyan buksan ang pinto may tinanong muna ako kay Stan, "Nga pala Stan, sino yung kasama mo kanina? Yung Denise?"
Pagkabukas ko ng pinto, ang una kong nakita ay si Lance na katabi ng ate ko. Tumabi sakin si Stan at sinagot nya yung tanong ko, "Hindi ko pa nga pala nasasabi sayo, girlfriend ko siya Risa."