下載應用程式
22.98% Love To The Destiny / Chapter 20: 20 Letter from John

章節 20: 20 Letter from John

Nagising ang mga mata ni John sa sikat ng araw. Bumangon sya na parang walang nangyari. Naligo pagkatapos kumain ng mabilis. May appointment pa naman sya ngayon. Kaylangan niyang ipagpatuloy ang misyon sa sarili. Hindi naman sa babaeng lubos nyang minahal lang naikot ang mundo kailangan mo ring magising sa katotohanan.

" Hello Sidda? " tawag niya sa secretary sa Cellphone.

" Sir??? Good morning sir. Padating na po sila a few minutes " mahinahon na sagot nito.

" Ok wait for me. I'll be there just prepare my files on the table "

" Okay sir no problem " pinatay na niya ang Cellphone.

Nagbihis siya ng opisina. Pinalagay sa kanyang tauhan ang documents sa loob ng kotse. Nagsuot ng magarang sapatos at relo.

" Lim ihanda mo na ang kotse. Siguraduhin mong walang sira. Tingnan mo ang mga importanteng bagay sa loob. Ayokong malate dahil dyan " paalala niya.

" Yes sir " Ibinababa niya ang cellphone.

Lumabas siya ng bahay nilock ng mabuti ang silid ng kanyang kwarto. Kinandado ang lahat ng pintuan pati narin ang gate. Pamaya lamang dumating na si Lim ang pinagkakatiwalaan kong tauhan. Sumakay na ako sa kotse.

Sa ngayon pinagpaliban ko na ang pagpunta sa pagbisita kay Celine. Hindi ko kayang makaharap ang isang taong minahal ko sa bawat taon na lumipas. Pero hindi ko inaasahan na hindi sya naging loyal sa akin dahil lamang marami akong pagkukulang.

*Celine Pov

PATULOY akong nagpalakas ng katawan. Di rin nagtagal nakalabas na ako muli sa hospital. Mula nung nalaman ni John na may nangyari sa amin ni Ramos hindi na sya bumisita sa hospital hanggang ngayon na nadischarge ako. Wala na akong alam tungkol sa kanya.

Pinilit kong tawagan sya pero hindi ko kaya. Wala akong lakas ng loob para harapin sya o kausapin. Mahabang panahon ang nakalipas may natangap si kuya sa mailbox binasa ko kung sino ang nagpadala o anong mensaheng nakapaloob dito.

Dear Celine;

When I met you on highschool I'm amazed. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam kong sa panahon iyon wala pa tayo sa tamang edad. Kaya pinangako ko sa sarili ko na kapag naging girlfriend kita I always love you forever pero sa sarili kong pangarap, sa sarili kong intensyon na mas umangat pa sa buhay pumunta ako ng states. Ngunit sa kadahilanan na wag mong malaman na aalis ako wala na akong choice na wag nalang ipaalam ang tungkol dun. But I realized inaamin ko na napagod ako nun dahil wala akong maibigay na sapat na pera para mabigay ko ang gusto mo. Inubos ko ang sarili ko para sayo para sa ikakasaya mo. Kahit na wala na akong matira para sa sarili ko binigay ko sayo. Kaya umalis ako ng bansa para maghanap ng trabaho. Hindi ko na alam ang gagawin ko basta ang pinanghahawakan ko lang non na Mahal na Mahal kita gagawin ko ang lahat para sayo. Dahil ganun kita kamahal.

Sincerely yours; John

Humikbi ako sa yakap ni Kuya Henry. Mas umiyak ako ng umiyak. Umalis sa pagkakayakap si kuya sa akin.

" Kaylangan mo sya ng bigyan ng second chance minahal ka nya hindi dahil may ipapagmalaki na sya sayo. Minahal ka nya dahil Mahal ka nya " niyakap ko ulit si kuya.

" Salamat kuya you always there for me " umalis si kuya sa pagkakayakap sa akin.

Matapos kong matanggap ko ang sulat ni John. Pumunta ako sa bahay ni John ngunit ni isa wala nakarinig sa akin. Wala rin tao dun patuloy akong naghanap sa kanya hindi ako sumuko na hanapin sya.

Hanggang sa puntong parang nawalan na ako ng pag-asa na mahanap sya. Nakatayo ako sa gilid ng overpass patuloy nakatingin sa kalangitan kahit gabi na ang paligid. Ang naging ilaw ko lang isang poste na may kaunting ilaw na pati ang daan nabibigyan ng liwanag.

" Ako ba ang hinihintay mo? " isang pamilyar na tinig ang narinig ko. Humarap ako sa kanya. Nakita ko ang masaya nyang labi. Na nagbigay ng saya sa aking puso. Hindi ko rinig ang mga nagdaan na sasakyan basta ang rinig ko lang ang tibok ng puso ko. Habang ang mundo ko ay biglang tumigil.

©Love To The Destiny


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C20
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄