Leo's Pov
Lumipas ang isang linggo at anniversary na nila mom and dad. Nakakatuwa kasi nakikita ko na very strong ang relationship nila mom and dad.
Naaalala ko nuon na may isang babae na gustong akitin si daddy. Pumunta kami sa office ni daddy at nadatnan namin si daddy na hinalikan ng babae. Agad naman na lumayo si daddy at nagpunas ng labi.
Nagulat ako ng sinampal naman ito ni mommy. Nang lumabas ang babae nakita ko na natulo ang luha ni mommy habang niyayakap ni daddy. Di naman sila nag away. Nasaktan lang si mommy sa nakita pero naintindihan nya si daddy. Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang trust nila sa isat isa. They got jealous pero nagkakasundo naman agad.
Proud ako sa parents ko dahil sobrang strong ng bond nila. Sabi ng ibang tao their perfect couple pero hindi. Pero para sa aming magkakapatid we love our parents because of their imperfections. Kaya nga ang strong ng bond ng family namin.
Nakarating na kami sa foundation. Maayos na ang lahat bago kami dumating. Andun na yung foods and everything. Pati na ang mga regalo na binili namin ay nakadisplay na. Nagpapalaro na sila tito V nang dumating kami.
Yes strong din ang bonding ng friendship nila tito V, tito Jimin at dad. Hindi naman nakarating ang mga asawa nito dahil may emergency. Bumaba sa stage si tito V at nakipaghandshake sa daddy ko. Ganun din si tito Jimin.
Lumapit naman ako kay Chrys, Lucas at Vincent. Magkakausap namansi Lily, Lala, Vanna and Venice. Mukhang wala si ate Dahlia. Si Liam naman nakikipaglaro na sa mga bata.
Abala kami sa pag aasikaso ng mga maliliit na bata. Bumukas ang opisina ni sister Micah at lumabas ito kasama si Angel na bestfriend ni Lucas at 3 babae. Napangiti ako ng makita ko ang isa sa babae. Si clumsy girl.
Lumapit sila kina daddy at mommy at nagsalita si sister Micah.
"Sya nga pala Lisa at Jk, sila ang mga volunteer dito sa foundation. Siya si Kisses, Maui at si Blessy at syempre di mawawala si Angel natin." narinig ko na sabi ni sister Micah.
"Kamusta kayo. Salamat sa pagvovolunteer para sa mga bata." sabi ni mommy.
"Wala pong anuman. Masaya po kami na nakakatulong." sabi ni Blessy ang clumsy girl.
"Oo nga pala di ko pa pala napapakilala sa inyo si Blessy. Siya ang madalas na nagbibigay ng donations dito." sabi ni sister Micah.
"Sister naman eh. Sabi ko po secret na lang po natin yun eh. Nakakahiya po." sabi ni Blessy. Bakit naman kaya ito mahihiya?
"You should be proud iha na nakakatulong ka sa mga bata. Your young pero nakakapagdonate ka sa foundation." sabi ni daddy.
"Konti lang po yung naibibigay ko. Hindi naman po ganun kalakihan." sabi pa ni Blessy at ngumiti ito. Napatitig ako sa mukha nya. Mas lalo iyong gumanda nung ngumiti.
"Naku tara sa loob at ikukwento ko sa inyo ang tungkol sa mga batang iyan." pag aaya ni sister Micah kina mom at dad. Sumama din sila tito Jimin at tito V.
Lumapit ang mga volunteer sa mga bata at inalalayan ang mga ito sa pagkain. Nakatingin ako sa kabilang lamesa kung nasaan si Blessy. Napangiti naman ako nung makita ko na niyayakap nya ng mahigpit ang isang bata.
"Alam mo kuya Leo, you're creepy. Kanina ka pa nakatingin dun kay Blessy." sabi ni Lala.
"Kilala mo sya?" tanong ko kay kambal.
"Duh! Friends ko kaya sila. Classmates sila ni Angel. Pinakilala sila sakin ni Angel kaya friends ko na sila." sabi nya.
"Malay ko ba. Hindi naman kita nakikitang kasama sila." sabi ko.
"Oo nga noh. Kapag kasama ko sila, hindi kita nakikita hahaha." sabi naman ni Lala.
Nag uusap usap kami ni Lucas, Vincent, at Chrys tungkol sa school anniversary. Kasama kasi ako sa club na pinamumunuan ni Vincent. Napansin ko na tumayo si Blessy at sumama sa isang bata. Nacurious ako kung saan sila pupunta kaya sinundan ko sila.
Nakita ko na pumasok ito sa isang kwarto. Hindi naman nila sinara ang pinto kaya nakikita ko sila. Narinig ko na nag uusap ang dalawa.
"Okay ka lang ba talaga Abby? Gusto mo samahan kita magpacheck up bukas?" tanong ni Blessy.
"Okay lang po ako. Pakibigyan na po ako ng gamot ko para bumuti na ang pakiramdam ko." sabi nung bata.
"Bakit kasi pinatagal mo pa at hindi ka nagpatulong sa pagbibigay ng gamot sayo. Sabi ko naman sayo pumunta ka sa kahit sinong nakakatanda sayo dito. Mapagkakatiwalaan mo sila dito at hindi ka nila ipapahamak." sabi ni Blessy.
Binigyan nya ito ng gamot. Itinurok nya ito sa braso ng bata. Inihiga nya ito at nagpaalam sa bata.
"Labas na muna ako ha. Babalik balikan kita dito." sabi ni Blessy at tumango ang bata.
Lumabas si blessy at isinara konti ang pinto. Naglakad ito sa hagdan at bumaba. Sumunod ako sa kanya. Di man lang nito napansin na nandun ako sa gilid ng pinto kung saan sya lumabas.
Akala ko nakababa na ito pero nakaupo pala ito sa hagdan. Napansin ko na nakayuko ito at panay punas sa mukha nya. Naiyak ba ito? Tumabi naman ako sa kanya.
"Eto ang panyo oh punasan mo ang luha mo." sabi ko sa kanya. Nag angat naman ito ng tingin at kinuha sakin ang panyo para punasan ang luha nito.
"Salamat. Lalabahan ko na lang muna ang panyo bago ko isoli sayo." sabi nya.
"Its ok wag mo na isoli. Narinig ko ang usapan nyo nung bata. Bago lang sya dito tama ba? Ano yung ibinigay mong gamot. Actually kanina pa ako nakatingin sa inyo pero di mo ako napapansin." sabi ko.
"Sorry di kita napansin. Gamot yun sa diabetes nung bata. Nahihiya syang lumapit sa ibang tao. Nakikita ko sya sa simbahan. Namamalimos sya sa labas. Nung nakaraang linggo napansin ko na namumutla sya at matamlay. Dinala ko ito sa ospital at napag alaman na may diabetes ito. Binilihan ko muna sya ng gamot bago ko dinala sya dito. Napag alaman ko na inabandona na sya ng magulang nya dahil sa sakit nya. Paano natitiis ng mga magulang ang kanilang mga anak na iwan ito lalo na at maysakit." sabi ni Blessy. Patuloy pa din ang pagluha nito.
"Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo sa tanong mo pero para sa akin walang kapatawaran ang iwan mo ang anak mo na maysakit. Mukhang hindi nag iisip ang mga magulang nya ng tama. Pwede nila itong ilapit sa gobyerno o sa katulad nito. Pasalamat sila at natagpuan mo ang bata. Kung may nangyaring masama sa bata, baka hindi nila mapatawad ang mga sarili nila." sabi ko. Napatingin naman sa akin si Blessy at ngumiti ako.
"Tadhana siguro ng bata ang makilala ka." sabi ko at ngumiti naman sya sa akin.
"By the way ako nga pala si Blessy. Madalas ako dito." pagpapakilala nya. Kahit alam ko na ang pangalan nya at tumango ako. Inabot ko ang kamay ko para makipagshakehands.
"Ako naman si Leo. Mommy at daddy ko ang may ari nito." sabi ko.
"Alam ko. Kilala na kita. President ka ng student council di ba. At nakita na kita kasama si ate Lala. Tara na baka kailangan na tayo sa labas." pag aaya nya.
Gusto ko pa sana syang mkausap. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Tumayo ako at naunang bumaba. Lumingon ako sa kanya na kakatayo pa lang sa kinauupuan nya. Napansin ko na natanggal ang sintas ng sapatos nya dahilan para maapakan nya ito at matalisod.
Buti na lang at nasalo ko sya at buti na lang malakas lakas ang katawan ko at nakaya ko syang saluhin.
"Pwede mo na akong ibaba Leo. Salamat nga pala sa pagsalo mo sa akin." sabi ni Blessy. Ibinaba ko sya at inayos ang sintas ng sapatos bago ito maglakad. Pero bago makalayo narinig ko na nagsalita sya.
"Bakit kasi ang clumsy clumsy mo. Nakakahiya ka talaga." mahinang sabi nito sa sarili nya.
Pinagmasdan ko ito hanggang sa makalayo. Bumilis ang tibok ng puso ko kanina ng buhat ko sya. Ano ba itong nararamdaman ko. Makapagpatingin nga bukas sa doktor.