下載應用程式
56% Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 28: Happy place [1]

章節 28: Happy place [1]

UMUPO si Levi sa table dala ang tray na may laman ng isang mug ng mainit na tsaa. Nilapag niya ito sa harapan ko.

"Drink this, it can help you calm."

Suot-suot ko ang jacket niya bilang pangtakip sa nasira kong blouse. Pinagmasdan ko muna ng limang segundo ang mug bago ko ito kinuha gamit ang nanginginig ko pa ring mga kamay. Masarap sa pakiramdam ang init nito na dumidikit sa palad ko. Humigop ako at unti-unting kumalma matapos dumaloy ng mainit na likido sa lalamunan ko.

"Thank you Levi."

Bumutong hininga si Levi at lumipat sa tabi ko. Kinuha niya ang isa kong kamay at kinulong sa pagitan ng dalawa niyang palad. Mas mainit sa pakiramdam ang mga kamay niya kumpara sa tsaa.

"I'm sorry for what happened. I won't let them get through with this, I promise," nanigas ang bagang niya sabay ang pagdidilim ng mga mata.

Umiling ako, "Wag na Levi, nasaktan mo na sila, enough na yun. Ayokong mas makapanakit ka pa ng tao dahil sa'kin."

"I don't mind if I need to burn someone in hell. Hindi ko papatawarin ang kahit sinong mananakit sa'yo."

Natigilan ako sa sinabi ni Levi. Seryoso nakatitig sa'kin ang grayish niyang mga mata. Sumasalamin dun ang pag-a-alala at isang mainit na bagay ang humaplos sa puso ko. Sobrang nagpapasalamat talaga ako na nandito sa Levi sa tabi ko.

"Anu ba ang nangyari?"

Ako naman ang humugot ng hangin sa dibdib bago nagkuwento, "Pinakiusapan kasi ako ni Ms. Selena na kunin yung record book na naiwan niya sa room 414. Pero pagdating ko dun wala naman ako nakita, tapos dumating yung tatlong lalaki na under ng influence of drugs. Hindi ko alam bakit malakas ang loob nila na pumasok sa university ng sabog."

Bumigat ang aura ni Levi at napakunot ang noo, "Selena?"

"Oo, si Ms. Selena yung bagong professor namin."

Napansin kong malalim ang iniisip ni Levi. Sinandal ko ang ulo sa balikat niya at pumikit dahil nanghihina pa ako. Bahagyang nanigas si Levi.

"Ayoko munang umuwi. Hindi ako pwede makita nila mama na ganito. I don't know how can I explain everything to them, ayoko silang mag-alala pa."

Dahan-dahang pinatong ni Levi ang braso niya sa balikat ko at niyakap ako nang mahigpit, "Okay, where do you want to go?"

Mas siniksik ko ang mukha sa mabangong leeg ni Levi, nakakatulong ang init ng katawan niya para kumalma ang isip ko, "Kahit saan. Sa lugar na masaya."

"Hmm, kay."

Dinala ako ni Levi sa amusement park. Napakaraming tao sa paligid, buong pamilya, magkakabarkada, meron din matatanda. Makulay ang mga ilaw sa paligid gawa ng iba't ibang rides.

Nakaramdam ako ng excitement. Ngayon na lang ulit ako nakapunta ng amusement park. The last time was when I'm twelve.

"Saan mo gustong sumakay?" tanong ni Levi.

Tila bumalik ako sa pagkabata at namimilog ang mga mata sabay nilibot ang tingin sa paligid. Tinuro ko ang carousel, "Dun!"

Sumakay ako ng kabayo na umaangat-baba pero ayaw ni Levi kaya nandun lang siya sa labas ng ride at nakatanaw habang pinapanood akong umiikot-ikot. Pansalamantalang nawala sa isip ko ang masasamang nangyari kanina sa campus. Sa mga sandaling ito gusto kong lang i-enjoy ang lahat.

Sa pangalawang ikot ay natanaw ko ulit si Levi. Kumaway ako sa kanya at ngumiti siya. Nakapamulsa si Levi habang tila bituin ang mga mata niya sa repleksyon na gawa ng liwanag ng carousel. Sa pangatlong ikot ay ganun pa din, kumaway ulit ako sa kanya at mas lumaki ang ngiti niya. Sa pang-apat ay tumatawa na ako at dalawang kamay ko na ang kinakaway ko.

"Oh, saan naman tayo?" tanong ni Levi pagkababa ko ng Carousel.

Nag-isip ako sandali hanggang sa hinatak ko siya sa braso at kinaladkad patungo sa kabilang dulo.

"Dito!"

Nakita kong napalunok si Levi habang nakatingin sa unahan ng Haunted Mansion, "M-madaming pila, sa iba na lang muna tayo."

Ngumuso ako, "Huh? Wala ngang pila eh."

"Ah… eh, mamaya na lang unahin mo muna yung—"

"Tsk! Tara na! Wag kang KJ!" agad ko siyang hinatak sa braso.

Napakadilim sa loob pagpasok namin. Maririnig ang mga sigawan sa paligid. Na-excite ako lalo. Isa ang haunted mansion sa gustong-gusto kong pinupuntahan dahil gusto ko ang mga scary stuffs.

Dahan-dahan kaming naglalakad ni Levi. Makikita ang mga nakakatakot na display sa paligid, may violet light at may effect pa ng usok sa dinadaanan na nagsisilbing tila mga fogs habang maririnig sa speaker ang nakakatakot na tawa ng diablo.

Lumiko kami sa kaliwa nang biglang lumitaw ang isang zombie.

"Raaaaaaaaaaaaawwwwr!"

"Ahhhhhhhhhhhh!" napasigaw si Levi sabay suntok sa mukha ng zombie. Nasubsob ito sa sahig.

Nagulat ako sa ginawa niya. Agad kinuha ni Levi ang kamay ko at nagmamadaling naglakad palabas.

Tawa ako ng tawa nang makaalis kami.

"Hahahaha! Grabe Levi! Kawawa naman yung staff!"

Masama ang timpla ng mukha niya, "Hindi nakakatuwa."

"Takot ka pala sa zombie? Eh mas nakakatakot ka kaya dahil demon ka."

"Tsk! Don't compare an ugly and rotten zombie with my handsome face."

Natutuwa ako sa cute na reaction ni Levi. Nakabusangot ang mukha niya pero nagba-blush ang cheeks niya dahil sa hiya.

My sex demon is so cute.


創作者的想法
AnjGee AnjGee

Hello mga birheng maria! Dahil medyo masakit sa bangs ang previous chapters. Pangingitiin at pakikiligin ko naman kayo for tonight’s episodes!

Enjoy! Penge na rin si Author ng powerstones para ganahan mag-UD :)

We are featured in Filipino Originals Block together with MBIAGR! Yey! The best talaga kayo! Continue voting!

Salamuch sa mainit niyong pagsuporta sa mga nobela ni Anj Gee :)

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C28
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄