>Sheloah's POV<
Nakarating na kami sa harap ng gate nila at sa labas palang, pansin naming lahat na Malaki talaga ang bahay ng tatay ni Dannie na nag sabi sa amin na rito muna kami para mag plano at mag pahinga. Lumalabas kaming lahat at hinihintay namin bumukas yung gate. Sa sobrang taas ng gate, walang zombie ang nakakapapsok sa loob pero kailangan pa naming mag ingat kasi pag marami sila, they can invade the place.
Kinuha ng tatay ni Dannie ang susi niya at binuksan niya yung gate. Lahat kami pumasok at binubuksan naman niya ang main door. Hinihintay namin siyang matapos. Pinuntahan ni Dannie yung tatay niya at nauna na siyang pumasok.
Nilapitan ako ni Isobel at Shannara. Nagkapit-bisig kami at sabay kaming lahat pumasok sa loob ng bahay nila. Sinara ng tatay ni Dannie yung pinto at lahat kami napa tameme sa bahay nila. Sa sobrang lawak, 40+ kami, nagkasya kami sa waiting room. Hindi kami masyadong naglalakad sa loob ng bahay dahil nahihiya kaming maglakad kasi hindi naman sa amin itong bahay na ito.
"Sheloah…" bumulong sa akin si Isobel. "Alam kong galit ka kay Dannie. Pati rin ako. Pero kahit galit tayong dalawa sa kanya, 'wag tayo mag tanim ng sama ng loob." Sabi ni Isobel sa akin at tiningnan ko siya.
"Aalam ko. Sinabi na rin sa akin 'yan ni Veon." Sagot ko kay Isobel at binigyan niya ako ng thumbs up.
"And besides… kung naglabas ka ng sama ng loob, wala sa lugar." Dagdag sabi ni Shannara at tiningnan namin siya ni Isobel. "Bahay kasi ito nina Dannie." She said finally at tumango na lang kami ni Isobel sa sinabi niya.
Tumahimik kaming lahat nung tumaas yung tatay ni Dannie sa stairs para makita namin siya ng mas maayos. Halatang mag a-announce siya ng importanteng impormasyon kaya tumahimik kaming lahat para pakinggan siya.
"Malaki yung bahay na ito para sa lahat. At gusto ko lahat tayo comfortable kaya make yourselves at home." Sabi niya at nakatingin parin kami sa kanya. "Mayroon kaming 10 rooms sa first floor, at may 12 na rooms sa 2nd floor. Share muna ang mga students at ang ibang parents. Sa tingin ko kasya naman tayo all inall sa 22 rooms dito. Kung hindi kasya, pwede kayo sa living room ng 1st or 2nd floor. Kausapin niyo na lang ako kung ano ang gusto niyo." Dagdag sabi pa ng dad ni Dannie at napa tango kaming lahat.
Ang yaman nila! Cabin ba talaga ang tawag dito o mansion? Well… narinig ko nga kay Dannie rati na successful soldier at business man ang tatay niya. Nung nabaril ang tatay niya, natakot ang anak at asawa niya na mamamatay siya ng maaga kaya he took up business na lang and sure enough, umusbong nga kaya mayaman na sila.
"Dannie…" tinawag siya ng tatay niya at agad lumapit si Dannie sa kanya. "Ipupunta ko yung half ng klase at ng ibang parents sa room at ikaw rin, i-lead mo ang natitira." Utos ng dad niya sa kanya at napatango si Dannie.
"Classmates, at yung iba pong parents, sunod po sa akin at ihahatid ko po kayo sa rooms. 11 rooms ang pupuntahan naming at 11 rooms rin po ang pupuntahan ni daddy." Sabi ni Dannie sa aming lahat and the whole group was divided into two at yung half sinundan yung tatay ni Dannie, at yung half sinundan si Dannie mismo. Kami ni Isobel, Shannara, Tyler at Veon sinundan si Dannie.
Napunta sa mga rooms yung ibang classmates at parents namin at dalawang rooms na lang ang natitira. Tumigil kami sa isang room at tiningnan kami ni Dannie.
Thanks for reading! Do comment, leave a review, rate my chapters, add to your library, and do recommend my story. ^^