>Sheloah's POV<
Oh I release my soul so you feel my song
Sa linya ng kanta na 'yan, alam ko ang ibig sabihin ni Josh. Sinakripisyo niya ang buhay niya para lang kay Dannie. At sa sakripisyo niyang 'yon, gusto ni Josh na maramdaman ni Dannie na mahal na mahal niya siya.
Tapos na akong umiyak pero pag naaalala ko ulit yung nangyari kay Josh, iiyak nanaman ako. Sa lahat ng nangyari ngayon, nawalan pa kami ng kaibigan. Nawalan kami ng bestfriend. Sa grupo namin, siya yung handing mag sakripisyo para lang masaya ang mga kilala niya.
Nag babyahe na kami papunta sa bahay nina Dannie. Katatapos lang namin ilibing si Josh. Simple lang yung ginawa namin, pero it's enough to make him feel happy and rested. Hindi namin siya makakalimutan. Yung mga tawanan namin, yung mga pinagsamahan namin na lahat kami masasaya… hindi namin 'yon makakalimutan.
Basang-basa kaming lahat dahil sa ulan. Nakasakay na kami ng kotse at lahat kami tahimik habang nag babyahe. Nasa harapan yung kotse nina tito at kasama nila si Sir Erick, at yung tatay ni Dannie para siya ang mag lead sa'min papunta sa bahay nila. Yung bus nasa harapan namin at yung kotse ni Veon ang nasa likod. Magkasama kaming dalawa at sinusundan namin yung kotse at yung bus na nasa harap. Umuulan parin at nakatingin ako sa labas ng bintana. Nilalamig kami dahil sa panahon ngayon.
"Sheloah…" sinabi ni Veon yung pangalan ko pero nakatingin parin ako sa bintana. Wala ako sa mood ngayon para makipag usap. I heard him sigh tapos nagulat na lang ako nung naramdaman ko ang jacket niya sa balikat ko at tiningnan ko siya. Ginulo niya yung buhok ko at nag pout ako. Inayos ko yung buhok ko.
Alam ko kung bakit ito ginagawa ni Veon. Gusto niya na kahit malungkot yung pangyayari ngayon, ngingiti parin ako kahit paano. Ang caring talaga ni Veon. Siya yung nag papatawa sa akin kapag malungkot ako. Napapangiti niya ako pag malungkot ako. Corny pakinggan, pero ito talaga ang nararamdaman ko.
Nginitian ko siya at binalik ko yung tingin ko sa bintana. "Sorry, Veon… wala lang ako masyadong masabi dahil sa nangyari kanina. Sa totoo lang, medyo galit ako kay Dannie." Sabi ko sa kanya at tiningan niya ako from the corner of his eye. "Oo nga, mahal ni Josh si Dannie. Pero kung hindi dahil sa kanya, edi buhay pa sana si Josh hanggang ngayon." Dagdag sabi ko pa at patuloy parin ang pag mamaneho niya papunta sa cabin ng tatay ni Dannie.
"Wala kang magagawa. Mahal talaga ni Josh si Dannie. Kaya niya gusting isakripisyo ang buhay niya para sa kanya." Sabi naman ni Veon at nag pout ako.
"Kinakampihan mo si Dannie." Sabi ko na lang sa kanya at binatukan niya ako. Hinawakan ko yung ulo ko dahil sa sakit ng batok niya sa'kin.
"Wala akong kinakampihan." Sabi niya at kinurot niya ako sa pisngi ko. "Sinasabi ko lang ang totoo kaya 'wag kang mag tanim ng galit." He said finally at nag sigh ako and I nodded slowly to what he said.
Tama nga si Veon na 'wag akong magtanim ng galit since walang kasalanan si Dannie. Si Josh mismo yung kusang nag sakripisyo para sa kanya pero kahit gano'n… hindi ko parin masyado mapigilan ang galit ko. Nawala kasi ang bestfriend ko.
Thanks for reading! Do comment, leave a review, rate my chapters, add to your library, and do recommend my story. ^^