下載應用程式
3.12% Breaking The Last Rule / Chapter 1: Prologue
Breaking The Last Rule Breaking The Last Rule original

Breaking The Last Rule

作者: envieve

© WebNovel

章節 1: Prologue

Breaking The Last Rule

Written by thatgirlinblackpink

~**~

P R O L O G U E

Umagang umaga ang lakas ng trip ni Lian. Pagpasok ko sa Grainch University, siya agad ang napansin ko. Pinagti-tripan niya ang mga nananahimik na estudyanteng nakaupo sa iba't ibang benches.

Nilagyan niya ng palaka ang nakabukas na bag ng babae. Hindi nito napansin dahil busy sa binabasang libro.

Naningkit ang mga mata ko. Mahirap ma-bore ang isang Liander Maniego. Kasi kung anong maisip niyang kalokohan, gagawin niya talaga. At malas mo kung ikaw ang makita niya dahil pagdi-diskitahan ka talaga.

Katulad ko, isang idol si Lian. Although hindi halata sa kilos niya. Siya ang bunsong miyembro ng Pentagon, one of the hottest boy groups in the Philippines that consists nine handsome guys.

Naturingang idol, bully si Lian. Isang napakadakilang bully. We were under the same Agency: Big Hit Entertainment. Kaya kilala ko na siya during trainee days. Napakatigas ng ulo niya. Sobrang pasaway.

Hinahangaan siya ng marami dahil sa talento niya, and at the same time kinatatakutan lalo na ng mga nakakakilala sa kanya. Lalong lalo na ang mga estudyante rito sa Grainch. Malakas kasi trip ng mokong na 'yan eh.

Sinara ng babae ang libro niya at mukhang ibabalik na sa bag. Tumakbo ako papunta sa kanya at pinigilan siiya sa balak niyang buksan ang bag.

"Xiana." Tulala siya nang makita ako.

Nginitian ko siya. Nilubos ko ang pagkakataong nakatingin siya sa akin at pasimpleng pinasok ang kamay ko sa loob ng bag niya. Kinapa kapa ko ang loob hanggang sa may mahawakan akong kakaiba. Yung palaka. Dinampot ko iyon at hinagis papunta sa direksyon ni Lian.

Nang masamang nakatingin sa akin, inilagan niya iyon. Kita sa mukha niya ang pagkairita dahil pinakialaman ko na naman ang trip niya.

"May alcohol ka ba?"

"Y-yes." Tumango tango siya at kinuha ang bag niya. Natataranta siyang hinanap ang alcohol. At nang makita niya, agad niyang inabot sa akin.

"Ubusin ko na 'to ah?"

Tumango naman siya kaya binuhos ko ang lahat ng laman sa kamay ko. Bwisit na Lian yun! Napahawak tuloy ako ng palaka ng wala sa oras. Ayoko kasi ng may pinagti-tripan lalo na kapag babae.

Nagpaalam na ako sa babaeng nakasalamin. Pinuntahan ko si Lian, na nanlaki ang mga mata nang mapansing papalapit ako sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at tumakbo. Hinabol ko naman siya.

"Malakas talaga tama mong lalaki ka, ano?" asik ko sa kanya nang maabutan. Kinwelyuhan ko pa siya.

"Ano ba, yung uniform ko nagugusot!" Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya.

"Diba sabi ko sa'yo kung wala kang magawa, sarili mo ang pagtripan mo wag ang iba?"

"Sorry na, Ate."

Pinanlisikan ko siya ng mga mata nang tawagin niya akong Ate. Lian is nineteen years old and I'm a year older than him.

"Pero anong feeling ng makahawak ng palaka? Isn't it gross? Ako nga gumamit ng gloves tapos ikaw barehands? Eww." Tumawa siya ng malakas.

Sinapak ko nga. Ayun, nanahimik.

"Napakabigat talaga ng kamay mo!" reklamo niya.

"Ulitin mo pa yun, di lang yan ang aabutin mo sa'kin." Sinamaan ko siya ng tingin bago siya iniwan.

Nung vacant ko, pumunta ako sa locker room para ilagay muna ang mga libro ko sa locker since tapos na namang gamitin kanina sa tatlong subject.

Pagkasara ko ng pinto ng locker, nakita ko si Lian na tumatawa. Pumasok siya sa loob ng isang locker.

Muli, naningkit ang mga mata ko sa pagkairita. Umatake na naman ang pagka-ADHD ng mokong.

Sumandal ako sa locker ko at naghintay sa gagawin niya.

May dalawang kikay na babae ang dumating. Ang isa ay bubuksan ang locker. And when she did, hinimatay siya sa gulat dahil may tao sa loob ng locker niya. Miski ako nagulat dahil ang galing manggulat ni Lian. Timing na timing.

Pero wait. Di ako sure kung dahil nga ba sa shock siya kaya siya nahimatay. Baka kasi dahil kay Lian mismo?

"Dalhin mo sa clinic yang bestie mo," tumatawang sabi ni Lian at tumalon pababa.

Yung kaibigan ng hinimatay, na-starstruck kay Lian. Tila nakalimutan na niya na nawalan ng malay ang kaibigan niya.

Di ko siya masisisi. Lian is really a good looking guy. Mas gwapo siya sa personal at lalo na sa malapitan.

Sinundan ko ng tingin si Lian. Namili siya ng isusunod na locker. At nang makapili, walang anu-ano'y pumasok siya sa loob.

Naglakad ako palapit doon. Naunahan akong makalapit ng isang lalaki. Hinawakan ko siya at pinigilang buksan ang locker. Kinatok ko ng isang beses ang pinto para makagawa ng ingay.

"BULAGA!" the autistic shouted, trying to startle me.

Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin tapos sinara ang pinto ng locker.

"Labas!" utos ko sa kanya habang nakikipaghilahan sa pinto. Gusto kong buksan para sapakin siya pero pinipigilan niya.

Ganyan ang role ko tuwing gumagawa ng kalokohan si Lian. Sabi ng marami para daw kaming mag-Ate. Sa akin lang "daw" natatakot kaya napapasunod at nasasaway ko siya sa mga kalokohan niya.

But because of a golden contract, nagbago iyon. Ako na ang napapasunod sa kanya. Hindi ko na siya masaway at lalong hindi ko na siya masaktan gaano man ako nanggigigil dahil sa kalokohan niya. It's like I became his slave... before we enter the 1hundred Days.

🌟🌟🌟🌟🌟


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C1
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄