下載應用程式

章節 538: Chapter 3

"Wow! Sapin-sapin! Nagpaluto ka kay Tita? Para ba sa akin iyan?" tanong ni Edmarie nang makita ang sapin-sapin na idinala niya sa klase nila kinabukasan.

"Bakit naman kita bibigyan ng sapin-sapin? Sa irog ko iyan, no?"

Tinuktukan nito ang noo niya. "Carmina Gabrielle Ongcuangco, huwag ka ngang hibang. Hindi nga kayo talo ng Hayden na iyon. Kita mo nga. Alaga na siya ng pinakamaarteng bading dito sa campus. Wala ka nang magagawa sa kanya."

"I believe in the power of love. Wala akong pakialam sa mga higad na iyon. Manliligaw ako kay Hayden at wala silang magagawa doon," taas-noo niyang sabi.

Nang nagdaang araw ay wala na siyang naiisip kundi si Hayden lang. Ang ngiti nito. Ang boses nito. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang bawat pagsasalubong ng mata nila. Kabisado pa rin niya ang bawat detalye ng pag-uusap nila. At nakabuo siya ng desisyon kinagabihan. Kahit na gaano pa kahirap ang pagdadaanan niya, ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig.

Umasim ang mukha nito. "Ano? Manliligaw ka? Palala ka nang palala."

"May lahi kaming Intsik. Okay lang manligaw ng tanghaling-tapat."

"Pagtatawanan ka ng mga tao. Hindi ka ba nahihiya?"

"Anong nakakahiya? Lalaki si Hayden. Kahit tanungin mo pa ang mga scientist, sasabihin nilang lalaki si Hayden."

"Hindi mo na ba naiisip ang sasabihin ng ibang tao. Alam mo naman na hindi nga babae ang type niya kundi mga lalaki."

"Read my lips. Wala akong pakialam. At tandaan mo! Sasagipin ko siya sa mga higad na iyon. Sa akin lang si Hayden." Hinawakan niya ang kamay nito at hinila. "Halika na!"

"Saan mo naman ako kakaladkarin?"

"Doon tayo sa Fine Arts Department. Pupuntahan natin ang irog ko."

Pumiglas ito. "Ayoko! Idadamay mo pa ako sa kahihiyan mo. Saka baka mamaya pagkukurutin pa ako ng mga bading na iyon at sabunutan."

Tumaas ang kilay niya. "Ayaw mo? O sige. Ako na lang."

Hindi siya natatakot sa mga bading na kaibigan ni Hayden. Manliligaw siya kay Hayden. Ipagkakalat niya sa buong mundo ang nararamdaman niya at wala siyang pakialam. Ipaglalaban niya ang pag-ibig niya.

"O, sige na. Sasamahan na nga kita," anito at sumunod sa kanya.

Nalaman niya mula sa isang source kung saan ang klase ni Hayden. Nang sumilip sa kuwarto nito ay hinarang agad sila ni Denzell, isa sa mga sikat na players ng basketball team di dahil magaling kundi dahil guwapo.

"Hi, Rei! Mabuti naman at dinalaw mo ako," anitong hinarangan ang pinto. "Wow! Para sa akin ba iyang dala mo?"

"Excuse me! Pero hindi tayo close so huwag kang feeling." Nagitla ito. Di inaasahan na susungitan niya. Sanay kasi ito na tinitilian ng mga babae. Sorry na lang ito. Sinamantala niya ang pagkakataon na makapasok ng room at hinagilap ng mata si Hayden. "Hayden! Hayden, my love!"

Gulat habang nakatitig sa kanya ang lahat ng tao sa room kabilang na ang lalaki na naglalagay ng facial chalk sa mukha. "Rei?"

"Hayden, anong ginawa nila sa mukha mo?" nag-aalala niyang tanong. Maputing-maputi kasi iyon.

"May play kasi kami sa drama club as Japanese geisha. Nagpa-practice lang kami na maglagay ng make up," paliwanag nito.

"At ano naman ang ginawa mo dito, babaeng amazona?" nakataas ang kilay na tanong ni Franzine na nagsisilbing leader ng grupo. At sa palagay niya ay numero-unong tinik sa lalamunan niya dahil binabantayan nito si Hayden.

"Manliligaw ako kay Hayden." Nakangiti siyang bumaling kay Hayden at inabot ang maliit na bilao ng sapin-sapin. "Para sa iyo iyan. Luto ng mommy ko."

"Nakakahiya naman. Nag-abala ka pa," sabi ni Hayden.

"Naku! Hindi abala iyon basta ikaw. Sabihin mo lang sa akin kung ano pa angm gusto mo at ibibigay ko," sabi niya.

"Ang gusto namin, mag-disappear ka sa buhay ni Hayden," masungit na wika ni Franzine. "Tingnan mo siya. Isa siyang prinsesa. Hindi kayo talo."

"Bakit ba nanggagalaiti ka sa akin?" singhal niya kay Franzine. "Masama bang ma-in love kay Hayden? Ang guwapo-guwapo niya."

"Shhh! Shhh! Insulto sa kagandahan niya na sabihan mong guwapo. At pwede ba, huwag ka nang magpapakita kay Hayden ever?"

Malungkot niyang sinulyapan si Hayden. "Ayaw mo ba akong makita?"

Ngumiti ito. "Siyempre, gusto kitang makita. Saka wala namang masama kung maging magkaibigan tayo, di ba?"

Niyakap niya ito. "Thank you. Kahit more than friends pa kung gusto mo."

Tinanggap siya nito. Ibig sabihin ay may pag-asa pa siya. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya.

"Hoy! Amazona number two, pakibitbit nga itong kaibigan mo palayo kay Hayden. Naaalibadbaran na talaga kami sa kanya. Saka kailangan pa naming mag-practice sa make up ni Hayden. So tsupi na!" utos ni Franzine. "Kapag di mo inalis iyan dito, ihahagis ko iyan palabas."

Hinila siya ni Edmarie mula sa pagkakayakap kay Hayden. "Tama na. Dadating na ang professor natin. Baka ma-late pa tayo."

"Teka, ang make-up ng irog ko," sabi niya.

"Bakit? Sasabihin mo na huwag magmake-up ang aming princess geisha? Gusto mo pang sirain ang play namin?" depensa agad ni Franzine.

"Hindi. Tiyakin mo lang na maganda ang make up na gagamitin mo. Kapag nairita ang balat ng irog ko, gugulpihin talaga kita. Saka gandahan mo ang pagkaka-make up dahil pipilipitin ko ang leeg mo oras na pumangit siya sa pagkaka-make up mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Shock na shock ang itsura ni Franzine at napilitang tumango. Nahuli niya ang nakangiting mata ni Hayden. "Sige na, Rei. Ayokong pagalitan ka ng professor mo."

"Aalis na ako dahil sabi mo." Siya pa ang humali kay Edmarie. "Halika na!"

Yukong-yuko si Edmarie habang naglalakad sila. "Nakakahiya talaga iyon, Rei. Malaki na talaga ang sira mo sa ulo. Baliw ka na!"

"Baliw dahil sa pag-ibig," paglilinaw niya. "I'm in love."

"I am pretty sure. Baliw ka na talaga! Patitingnan kita sa psychiatrist."

Baliw na nga siguro siya. Wala siyang pakialam kahit lagyan pa ng make up si Hayden. Lalaki pa rin kasi ito sa paningin niya. Kahit pa amoy pambabae ang pabango nito, napaka-manly pa rin nito para sa kanya. Ito pa rin ang pinakaguwapong lalaki sa mundo.


創作者的想法
Sofia_PHR Sofia_PHR

Guys, may donation drive po kami for the victims po Bagyong Tisoy sa Aroroy at San Jacinto, Masbate. Wash out ang mga bahay at sira pati schools. We accept used clothes, school supplies (kasi nabasa gamit ng kids), groceries, and cash donation.

Di kami natuloy nang December 27 dahil sa bagyo na naman. We are accepting donations this January.

Please PM this page on Facebook if you want to help: TEAM NORTE: AKYAT FOR A CAUSE. We are the same team na nagdadala ng donation sa lugar nila Carrot Man. Sana po makatulong po tayo. Salamat!

Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C538
    無法發佈。請再試一次
    • 寫作品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄