下載應用程式

章節 453: Final Chapter

NANG humupa na ang emosyon ni Tamara ay lumabas siya ng lake cabin. Nakahalukipkip sa may gate si Reid. Animo'y hinihintay siya.

"Can we talk?" he asked.

Tumango siya. Wala namang masama kung bigyan nila ang sarili ng pagkakataon para mag-usap bago sila maghiwalay. "Sure."

Idinala siya nito sa dock. Doon ay may naghihintay na yate sa kanila. "Mas maganda siguro kung sa gitna tayo ng lake. Walang makakaabala sa atin."

Tahimik siyang umupo sa sahig ng yate habang naglalayag iyon patungo sa gitna ng lawa habang si Reid ang nagmamaniobra niyon.. Dati ay nagbibigay sa kanya ng kapanatagan ang lawang iyon. Ngayon ay di na niya iyon maramdaman. It was like a final resting place for her heart. Kailangan na niyang magpaalam kay Reid.

Maya maya pa ay tumigil na ang yate sa gitna ng dagat at tinabihan siya ni Reid. "Tell your parents that I will leave first thing tomorrow morning," she said formally. "Just let me stay here tonight so I can pack my things."

"Sino ang may sabi sa iyo na kailangan mong umalis?" tanong nito.

"You heard them. Gusto nilang maghiwalay tayo. May kahihiyan naman ako. I have no reason to stay here." Bakit ba pinipigilan nito ang nakatakda nang mangyari? They couldn't stay together ever since the beginning of their marriage.

"You have. Me."

Parang pinapatay siya habang nagtatagal pa siyang kasama ito pero alam naman niyang kailangan rin nilang maghiwalay sa huli.

"Reid, you can't have everything. Hindi mo ako pwedeng piliin habang nagbabanta ang Papa mo na sisirain ang riding club." Hindi ito pwedeng patuloy na maghari-harian. Sa palagay niya ay seryoso ang ama nito sa banta.

Nagkibit-balikat ito. "Wala akong pakialam anuman ang gawin niya sa riding club. Sirain niya kung gusto niya. I don't really care."

"Are you crazy?" galit niyang usal. "Nasa riding club na iyan ang lahat ng pangarap mo. Napilitan ka pa ngang magpakasal sa akin dahil lang diyan. Tapos pababayaan mo na lang."

He cupped her face lovingly. "Yes, I am crazy. Crazy in love with you. Akala ko hindi ako dadating sa buhay ko na kailangan ko isuko ang pinaghirapan ko para sa isang tao. But I did. At hindi kita ipagpapalit sa kahit ano."

"Reid?" She couldn't believe it. "This is not true, right?"

"Believe it!"

 Tears stung her eyes when he kissed her. Matagal na niyang pinangarap na sabihin ni Reid na mahal siya nito. It was the best thing she had ever heard. Pero hindi pa rin niya magawang magsaya.

"Ayokong mawala sa iyo ang lahat ng pinaghirapan mo, Reid. I know how much you love the riding club. I don't think I am worth it."

"Sinabi ko rin iyan sa sarili ko. Why should I choose you when I am about to lose everything I worked hard for? Pero aanhin ko naman ang lahat ng pinaghirapan ko kung wala ka? Nakuha ko nga ang lahat ng gusto ko pero wala ka naman. Mamatay ako sa pagka-boring ako sa riding club kapag wala akong kaaway. Wala akong kasigawan." Niyakap siya nito. "Matitiis mo ba akong mamatay sa pagka-miss sa iyo?"

"You know that I can't. Paano pa ako makakalayo sa iyo ngayong alam ko nang mahal mo ako? Dati nga, nato-torture ako nang iwan kita. I feel worse when you were gone. Hindi ko alam kung kaya ko pang mangyari ulit iyon."

"But you still decided to leave."

Yumuko siya. "Akala ko iyon ang mas makakabuti sa iyo. Ayokong magalit din ang parents mo dahil sa akin. After all, I was just a pest who ruins family traditions. Pinilit lang naman kita na pakasalan ako."

"Ang totoo, naiinis ako sa iyo nang pakasalan kita. Wala pang babae na nakapagpasunod sa akin sa gusto niya. I usually set the pace. I set the rules of the game. Pero pagdating sa iyo, kailangang ako pa ang sumunod."

"Ano ba ang gusto mo?"

"Kung pakakasalan kita, kailangang maging totoong mag-asawa tayo!" sentimyento nito. "Pero naunahan mo ako sa kontrata. Oh, how much I hate it!"

"Ah! Kaya pala nang humingi ako ng annulment, gumawa ka ng paraan para tuluyan tayong magkasama," naniningkit ang mata niyang sabi.

"No. Ibibigay ko naman talaga ang annulment sa iyo. Wala naman akong pakialam sa mga tradisyon ng pamilya namin. I set my own rules after all. Nang nilalabanan mo na ako sa lahat ng utos ko, lalo lang akong nanggigil na hawakan ka sa leeg at paamuin. Pero baligtad yata ang nangyari. Sa huli, ako pa rin ang sumusunod sa lahat ng gusto mo. Mas takot pa nga ang mga tauhan ko sa iyo kaysa sa akin. Bagay na bagay ka daw maging reyna ko."

She traced the collar of his shirt. "At wala ka nang balak na ibigay ang annulment dahil sa tingin mo, ako lang ang bagay na maging ina ng anak mo."

"Totoo naman. Saka di ko pa naman alam na mahal kita noon. Kung kailan nawala ka, saka ko na-realize na iyon nga ang totoong dahilan kung bakit ayokong maghiwalay tayo. Kaya nga ginawa ko lahat bumalik ka lang sa akin."

Yumakap siya dito habang nakasandig ito sa railing ng yate. "Pero hindi na Stallion Riding Club ang Stallion Riding Club kapag wala ka."

 "At this moment, I don't really care. Gusto ko lang na lumayo tayo dito. Hmmm… saan kaya tayo pupunta? Gusto ko sa malayo."

"Paanong pupunta? Ano bang plano mo?"

"Magtatanan tayo."

HINDI matapos-tapos ang pagtawa nina Engracio at Reichen nang humarap nang humarap sina Tamara at Reid sa pamilya nito. Maging si Allegria ay poised na poised sa paghagikgik. Ilang araw silang nawala ni Reid. They just explored different places. Hanggang nagdesisyon itong panindigan siya sa pamilya nito. Na magpapakasal pa rin sila kahit na bawiin ang pagiging Alleje nito.

"Anong nakakatawa?" walang kangiti-ngiting tanong ni Reid.

"Kayong dalawa. Sobrang tanda na ninyo para magtanan," kantiyaw ni Reichen. "Teenager lang ang gumagawa niyan, Kuya."

"Kasalanan ninyo ito!" paninisi nito sa magulang. "Kung hindi ninyo ipinagtabuyan si Tamara, hindi kami aalis."

"It is not our fault, hijo." Itinuro ni Allegria si Reichen. "It was his idea."

"Ikaw!" galit na wika ni Reid at dinuro ang kapatid.

Nalaman nila na di totoong tutol ang magulang ni Reid sa kanya. Gusto lang malaman ng mga ito kung ano ang gagawin ni Reid. Kung siya ang pipiliin nito o ang riding club at ang pamilya nito. Mukhang nakapasa ito sa pagsubok. Nang bumalik kasi sila ay mismong pamilya na nito ang may sariling plano sa kasal nila.

"Kasalanan mo iyan. Kahit minsan yata di mo pa nasasabi na mahal mo si Tamara. Minsan ka nang iniwan, di ka pa nadala," katwiran ni Reichen.

"Nasabi ko na sa kanya na importante ako," depensa ni Reid.

"Importante pero hindi mahal," kontra ni Engracio.

"Synonymous iyon, Pa! Kapag importante sa iyo, mahal mo."

"Iba pa rin kapag sinasabi sa aming mga babae na mahal kami," sabi ni Allegria. "Ang mga lalaki talaga."

"Tumulad ka sa akin, Kuya. Lagi kong ina-assure kay Saskia na mahal ko siya kaya hindi niya ako iniiwan," pagmamalaki ni Reichen.

"Di naman naniwala si Saskia na mahal mo siya sa dami ng mga babae mo."

"Sa kanya lang naman ako na-in love," nakasimangot na wika ni Reichen.

Nakangiting pinagmasdan ni Tamara ang Stallion Riding Club mula sa terrace ng grand villa. Niyakap ni Reid mula sa likuran. "Wala na tayong problema. Boto naman pala sa iyo sila Mama at Papa."

"At hindi na rin mawawala sa iyo ang riding club."

"Kumpleto na ang kaharian natin. Tagapagmana na lang ang kulang. Lagi mong tatandaan na di lang ako ang may karapatan sa riding club kundi pati ikaw."

"Kung di kaya dahil sa testamento ni Lolo, magkakasama kaya tayo? Magpapakasal rin kaya tayo at mamahalin mo ako?"

"Hindi ko alam. Bakit kailangan pa nating isipin iyon? Pasasakitin lang natin ang ulo natin sa isang bagay na di naman nangyari. We are together now, Tamara. Hindi ko na yata mai-imagine kung nasa ibang panahon o pagkakataon ako na di kita kasama at hindi ikaw ang babaeng mahal ko."

"Thank you for coming into my life and loving me, Reid. Kung hindi ka siguro dumating sa buhay ko, walang ibang magmamahal sa akin."

"No. I should thank you for bringing meaning to my life."

Habang yakap siya ni Reid, saka niya na-realize na di siya tuluyang pinabayaan ng lolo niya. Marahil ay instrumento lang ito para matagpuan niya ang lalaking mahal niya. Hindi na niya kailangang mag-isa. Di na rin siya matatakot magmahal.

Mas matapang na siya ngayon dahil may isang tulad ni Reid na handang isuko ang lahat para sa pagmamahal niya.


創作者的想法
Sofia_PHR Sofia_PHR

There you go. Sana nag-enjoy kayo sa kwento nina Tamara at Reid. At sana patuloy n'yo lang suportahan ang Stallion Series.

Salamat sa mga nagbibigay lagi ng gifts at ng spirit stones. Feel na feel ko ang appreciation. Thank you! Nakakagana na mag-post kapag nakikita ko ang mga gift ninyo.

Sa naghahanap ng Stallion Island, please be a patron on Patreon dahil doon ko po ipo-post pati ang Stallion Island 19.

https://www.patreon.com/filipinonovelist

Ready na ba kayo sa last batch ng Stallion Series?

Wag n'yo po akong hanapan ng Samaniego Twins. Di po ako ang writer. Kay Sonia po sila mag-request :)

Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C453
    無法發佈。請再試一次
    • 寫作品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄