下載應用程式

章節 33: Chapter 30

PUNO ng mga guest ang Rider's Verandah pagpasok ni Miles. Napasabak agad siya sa trabaho. Ilang araw na rin siyang busy dahil sa pag-aasikaso niya sa menu para sa nalalapit na anniversary. Patapos na rin ang pag-aaral niya sa culinary art school kaya pahirap na nang pahirap ang lessons nila.

"Nandiyan ba si Sir Gino?" tanong niya kay Quincy nang masalubong ito.

Madalang na silang magkasarilinan ni Gino. Tulad niya ay busy ito. Bukod sa restaurant ay nagpa-practice pa ito dahil sasali ito sa dressage competition sa open tournament ng Stallion Riding Club. Nagbibiruan pa rin sila tulad nang dati at sweet pa rin ito. pero di niya ito makausap nang seryoso dahil walang oras.

"Nasa may function room. May meeting ang mga officers ng riding club at ang mga representative ng company na mag-I-sponsor sa event."

"Quincy, pakidala ang mga ito sa function room," utos ni Jhunnica.

"Ma'am, tutulong na po ako." Wala pa naman si Chef Rhea. Isa pa, ugali pa rin niyang tumulong kapag sobrang dami ng inaasikaso sa dining area lalo na't wala pa silang bagong recipe na ginagawa.

"O, sige!" anito at tumango.

Pagpasok ng function room ay nagsalubong agad ang tingin nila ni Gino. Nginitian nila ang isa't isa. Ganoon lang kasimple ang komunikasyon nila kapag sobrang busy ng araw nila pero kumpleto na ang araw niya.

Subalit nawala ang ngiti niya nang makita kung sino ang isa sa mga representative ng sponsor ng event nila. Si Alain. Natulala rin si Alain nang makita siya. Parang di inaasahan na makikita siya doon.

Nagmamadali siyang lumabas ng function room at di na nilingon si Alain. Ito kasi ang taong numero-unong nagpapakulo ng dugo sa kanya. Di niya makakalimutan kung paano siya nito pinagmukhang tanga.

Nasa counter na siya nang makatanggap ng text message mula kay Gino. Sorry if I can't cook 4 u 2day. Kailangan ako sa meeting.

Its OK. Just take care for me, reply naman niya dito.

Si Gino ang lalaking bumubuo sa araw niya. Hindi si Alain. Wala na siyang pakialam sa huli. Pero di niya maipaliwanag ang kaba kapag nakikita si Alain. Parang isang malaking disaster ang mangyayari sa pagtapak nito sa Stallion Riding Club.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C33
    無法發佈。請再試一次
    • 寫作品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄