下載應用程式
63.35% The Actor that I Hate to Love / Chapter 121: After Party

章節 121: After Party

Shanaia Aira's Point of View

NAGING panatag naman ang loob ko kahit paano nung mga sumunod na araw. Nawala ng kusa yung issue tungkol sa akin dahil sa pagkakaalis nung video ko. Tinanong ko si daddy tungkol duon at umamin naman sya na sila ni tito Archie ang nagpatanggal nun.

Sumasama pa rin ako kay Gelo sa mga shooting nila. Kung ano-anong disguise na ang nagawa ko pero hindi ko na sya nilalapitan, nanonood lang ako na parang isang fan lang. So far, wala namang nakakapansin sa akin, humahalo kasi ako sa mga taong nanonood din.

Kapag pack up na sila, nagmamadali lagi syang umalis para hindi magkaroon ng pagkakataon si Gwyneth na yayain sya sa kung saan o sundan sya. Ang lagi nyang katwiran ay gusto na nyang magpahinga ng maaga dahil napapagod sya sa shooting.

Hindi ko alam kung kinakagat ba ni Gwyneth ang ganong katwiran ni Gelo. Hindi naman daw ito kumikibo pero iyon ang nakakatakot. Walang imik pero may binabalak. Alam naman ni Gelo yun kaya doble ang pag-iingat nya. Ultimong pagkain na binibigay sa kanya ni Gwyneth ay sine-share nya sa co-actors nya para kung may inilagay man itong kakaiba ay hindi sya nag-iisa.

Huling araw ng shooting nila dito sa Metro. Mayroon silang after party at kailangang kasama silang lahat. Yung producer ang nag-arranged nito kaya hindi na makatanggi pa si Gelo. Isa pa, siya ang lead star sa movie na ito kaya ang pangit nga naman kung siya pa ang wala.

" Bhi paano ka na bukas? Natatakot ako na baka doon na gawin ni Gwyneth yung plano nya sayo." tanong ko kay Gelo habang nagkakape kami sa veranda kasama si ate Shane at mommy. Maaga silang na-pack up ngayon dahil nagtuloy-tuloy yung ulan kanina, puro outdoor shots pa naman.

" Ako na ang bahala dyan bunso. May usapan na kami nitong si Gelo na pupuntahan ko sya sa after party nila. At ikaw naman doon ka lang sa kotse, naka-disguise na pang body guard. Short hair ka sis at all black ang outfit mo." pahayag ni ate Shane. Talagang all out na ang tulong na binibigay nya from day one.

" Siguraduhin mo lang besty na on time ka ha? Baka pag na-late ka, magawa na ni Gwyneth yung balak nya na hindi ko alam kung ano. " wika naman ni Gelo.

" Tiwala lang besty, magagawa natin yan. Solid tayo, di ba, di ba? di ba?" pangungulit pa ni ate. Natatawang tumango lang si Gelo.

Nakatingin lang sa amin si mommy. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Nitong mga nakaraang araw, sobrang busy sila ni tita Mindy sa pagtulong dun sa business ni daddy at tito Archie.

" Yes, mommy? Do you have any idea in mind?" tanong ko na tila nagpagising naman kay mommy.

" Ha? what is it anak?" tanong nya.

" Mom? Are you with us? Kanina ka pa po nag-space out dyan." turan ni ate Shane.

" Wala lang mga anak. Kasi mukhang walang alam si Senator Faelnar sa ginagawa nyang anak nya. Palagi syang kasama ng mga daddy ninyo pero mukhang wala naman syang binabanggit na kahit ano tungkol sa anak nya. " paliwanag ni mommy.

" Malamang mom hindi nya sasabihin kila dad. Baka nga hinahayaan lang nya yung anak nya dahil spoiled brat daw yun at maging siya napapasunod nito. " sagot ni ate Shane kay mommy.

" Ewan. Sa totoo lang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mag-ama na yan. Hindi ko lang alam kung bakit ganon. Mabait naman si Senator sa amin. Sana lang mali lahat itong pakiramdam ko. " medyo nag-aalala yung tono ni mommy.

" Tita nag-iingat naman po kami ni Aira. Hindi po tayo matitinag dahil nagtutulungan po tayo. " sabi naman ni Gelo.

" Oo nga anak. Basta manatili lang tayong nakakapit sa isa't isa at sa Diyos, hindi tayo matitinag." sagot ni mommy.

KINABUKASAN nasa amin na naman si ate Ritz. Inayusan nya ako na kunwari lalaki ako. Gusto ko na talaga siyang bigyan ng award sa sobrang galing nya. Sabi ko nung bago nya ako make-up-an gusto ko yung kamukha ni Iron Man, idol ko rin kasi si Robert Downey. Akalain ko bang, magaya nya yung itsura nito. Madali lang naman daw kasing gawin sa mukha ko yung transformation kasi medyo soft ang features ko. Isa nga daw ako sa mga paborito nyang ayusan.

Hindi rin naman ako nagtataka kung bakit magaling si ate Ritz sa make-up transformation kasi sa ibang bansa pa sya nag-aral. Walang nakakaalam dito sa bansa na marunong sya, maliban sa pamilya nya at sa amin. Isa syang matagumpay na interior designer at hobby lang nya ang pagme-make up.

Nilagyan ako ng wig ni ate Ritz na kamukha ng buhok ni Robert Downey, medyo kulot sa ilalim.

" OMG! Bunso is that you?"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C121
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄