下載應用程式
57.59% The Actor that I Hate to Love / Chapter 110: Apprehension

章節 110: Apprehension

Shanaia Aira's Point of View

THE news about Gelo being a cheater easily died down after the interview. Kasabay din noon ang kanya-kanyang opinyon ng mga fans na kumalat na sa social media. Iba-iba rin ang kanilang espekulasyon. May nagsasabi na nag-iilusyon lang si Gwyneth at may nagsasabi naman na nag-iingay lang ito at humahakot ng atensyon dahil mayroon na naman silang susunod na movie ni Gelo.

Ang pagkakasangkot ko sa issue at pagtawag sa akin na mang-aagaw ay dagli ring naglaho na parang bula. Marahil mas pinag-tuonan nila ng pansin ay yung sinabi ni Gelo na espesyal si Gwyneth sa kanya. Sa isang banda, mas naging pabor sa amin ni Gelo yun. May posibilidad kasi na hindi na mahahalukay ang totoong relasyon naming dalawa.

Ngunit sa kaibuturan ng aking puso, kahit na alam ko na hindi totoo sa loob ni Gelo yung sinabi nyang espesyal si Gwyneth sa kanya kundi for publicity lang, parang may kaunting kurot pa rin sa puso ko.

Nagseselos ba ako? Walang dahilan para magselos ako. Pero bakit ganon ang nararamdaman ko? Parang may kaba at pangamba na kasama yung bigat na nararamdaman ko.

" Baby!" tinig ni Gelo ang nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Lumapit siya sa akin at yumakap. Hinalikan nya ang gilid ng ulo ko.

" How's the interview?" tanong ko. May interview ulit sya sa isang talk show para pag-usapan muli yung issue. Ganoon naman talaga sa showbiz. Kapag may lumabas na issue sa isang artista, lalo na kung mainit ang balita at sikat ang artista, lahat halos ng talk show nais makakuha ng interview. Para sa rating.

" Just the same. Wala namang nabago sa statement ko. Kung ano yung sinabi ko sa mga nakaraang interviews sa akin, ganun din naman." malungkot akong tumango. Ibig sabihin lang non, paulit-ulit na lang nyang sinasabi on national television na espesyal si Gwyneth sa kanya. Parang may invisible na kamay na naman na pumipiga sa puso ko.

" What's wrong baby? You look sad. May nagawa ba ako?" nag-aalalang tanong nya.

Huminga ako ng malalim at umiling. Wala naman talaga syang ginawa, gusto lang nyang protektahan ako at linisin ang pangalan nya. Alam ko naman na publicity lang ang lahat pero hindi ko rin kasi maintindihan sa sarili ko kung ano itong nararamdaman ko. I can't explain it though.

" You know bhi, I can't understand why am I feeling this way. Alam ko naman na ginagawa mo lang yan dahil kailangan mong linisin ang pangalan mo at protektahan ako at ang relasyon natin. Kaya lang kasi, may pakiramdam ako na kahit ako hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung takot ba ito, pangamba o nagseselos ba ako. Hindi ko alam. "

" Baby, wala kang dapat ikatakot o ipangamba dahil alam mo kung ano talaga ang totoo. I'm doing this because the management says so. I'm just following orders from them. At ito rin yung naisip ko na maaaring counter attack sa sinabi ni Gwyneth na cheater ako at mang-aagaw ka. Are you jealous? Hindi dapat kasi alam mong hindi totoong espesyal sya sa akin. " paliwanag nya.

" It's not healthy na magselos ako. It's part of your work. I know you are trying to calm your fans because that's the only way for you to stay being good and wholesome actor, to be worthy of their trust. Naiintindihan ko naman lahat bhi pero hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng hindi maganda. "

" Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano baby. Basta ang tandaan mo lang mahal na mahal kita at hindi ko hahayaan na may hindi magandang mangyari sa relasyon natin. Panghawakan mo lang yung katotohanang alam mo at yun ang magpapalaya sa lahat ng negatibong nararamdaman mo. " niyakap nya ako ng mas mahigpit na tinugon ko rin ng kaparehong intensidad. Nanatili kami sa ganoong posisyon nang mag ring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table.

Kumalas ako sa yakap nya at kinuha ang cellphone ko na tumutunog.

Gwyneth calling...

" Bhi si Gwyneth tumatawag. Sasagutin mo ba?" matagal syang tumitig sa akin bago tumango. Inabot ko ang cellphone ko sa kanya at inilagay naman nya sa loudspeaker.

" Hello!"

" Gelo! How dare you! Ano yung mga pinagsasabi mo sa interview? Really? you treat me nice and I'm special to you. How come? Alam ko naman na sinabi mo lang yon just to protect your beloved best friend." sabi ni Gwyneth on the other line sa tonong parang nang-uuyam pa.

" Bakit Gwyneth, sino ba ang nauna? Nananahimik ako pero bigla ka na lang naglabas ng statement sa media na nag-cheat ako sayo. How come din? Paano ako nag-cheat sayo kung wala naman tayong relasyon? You should've thank me dahil kung hindi ko sinabi yung mga nasabi ko sa interview lalabas kang parang nag-iilusyon lang at gumagawa ng kwento. I have to think of some ways na kung saan makikinabang tayo pareho! "

" Talaga lang ha? Do we really need to deceive the masses just to stay on top? " tanong ni Gwyneth.

" Hindi naman dapat sana eh kung hindi mo ginawa yung statement na yon. You tainted my name, ano sa palagay mo ang gagawin ko? Gumawa ka ng ingay at my expense, mabuti nga kahit paano sinalo kita kahit na sinira mo ako sa umpisa. " sagot ni Gelo,halatang nagtitimpi lang sa kausap.

" Okay. Okay I'm sorry. Ginawa ko yun kasi hindi mo ako pinapansin. I bumped with Aira in Ilocos, sabi nya nasa Jerusalem ka tapos mababalitaan ko nasa isang isla kayong dalawa sa Palawan. Nainis ako sa kanya, parang itinatago ka nya sa akin dahil alam nyang gusto kita. "

" Ano ba Gwyneth?! palagi na lang ba na si Aira ang dahilan? Wala talaga ako, umuwi lang ako dito dahil kasal nung mga kaibigan namin. That's the time na pumunta kaming dalawa ng isla, matagal ng plano yun. We used to do that since our younger years. Hindi mo kailangan na akusahan sya na mang-aagaw dahil in the first place wala syang inaagaw sayo. She's my best friend and if there's someone that I can't live without, it's probably her. So please, tigilan mo si Aira. Wala syang kinalaman sa industriyang ito. "

" Okay sorry na. Ang mabuti pa, let's have a deal. Gawin mo yung sinabi mo sa interview. Be nice to me at kapag nasa harap tayo ng mga tao, ipakita natin na maganda ang pagtitinginan natin. " saad ni Gwyneth.

" And ano naman ang kapalit? " tanong ni Gelo.

" Hindi ko na guguluhin si Aira. " sagot ni Gwyneth. Nagkatinginan kami ni Gelo.

" Ok deal! " sang-ayon ni Gelo then he hang up.Hindi na nya hinayaang makapagsalita pa si Gwyneth.

" Ano baby, sang-ayon ka ba dun sa deal namin ni Gwyneth?" tanong ni Gelo sa akin matapos nilang mag-usap ni Gwyneth.

" Okay lang pero may pakiramdam ako na may hindi magandang binabalak yang si Gwyneth. Knowing her, kaya nyang gumawa ng kababalaghan."

" Palagay mo? " tanong nya.

" Yeah. "

" Okay. Let's watch each others back. We're in this together baby."

I nodded. Naisip ko, para kaming iginisa ni Gwyneth sa sarili naming mantika. Gumawa siya ng ingay at our expense. Ngayong nakuha nya na ang gusto nya, ang kahit kunwaring atensyon lang na ibibigay ni Gelo sa kanya, panalo pa rin sya dahil mas magiging madalas ang exposure nilang dalawa ni Gelo sa public dahil may movie ulit silang dalawa.

Lalong tumindi ang apprehensions ko. Ang tanging konsolasyon lang, dalawa kami ni Gelo dito, we've got each others back.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C110
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄