下載應用程式
56.25% Who Stole Cupid Arrows / Chapter 9: Chapter 8

章節 9: Chapter 8

[Jillian's POV]

"Jillian, una na kami ha?" sabi sa akin ni Elise habang pinapatay niya ang desktop niya.

"Sige. Ingat kayo and enjoy."

"Sayang hindi ka makakasama," sabi naman ni Luke.

Nginitian ko siya, "okay lang 'yun. Marami pang next time."

Sabay na umalis si Luke at Elise. Maya-maya lang din, isa-isa nang nagpapaalam sa akin ang mg aka-opisina ko hanggang sa ako na lang ang nag-iisang natitira dito---at si Sir West na nandoon pa rin sa loob ng opisina niya.

Napakamot ako ng ulo. Paano ko magagawang tapusin ang 80K word count na manuscript na ito kung nasa 40K pa lang ang nababasa ko? Naduduling na talaga ako. At pagod na rin ang mata ko.

Napatingin ako sa orasan. 7:30pm na. Hanggang 5pm lang ang pasok ko eh. Pero nandito pa rin ako sa opisina at nag t-trabaho.

Kung pakiusapan ko na lang kaya si Sir West na bukas ko na lang tatapusin 'to? O kaya iuuwi ko sa bahay at hindi ako matutulog para lang matapos 'to. Kesa naman gabihin ako dito sa opisina!

Kaso may pagka-strikto pa rin siya eh. Paano kung bulyawan ako?

Eh kung magpa-cute na lang ako sa harap niya? Mag b-beautiful eyes ako! Ha! Hindi siya makaka-resist sa charm ko!

"Tsk, tsk, tsk. Bad 'yan."

Bigla akong kinilabutan nang may nag salita. Anak ng tokwa naman oh! Mag isa na lang ako dito! May multo pa naman sa opisina namin!

"Ang gwapo kong multo."

Napalingon ako bigla sa desk ni Luke at nakita ko doon si Cupid na naka de-quatro habang iniinom ang kape ko.

"Huy! Ano ang ginagawa mo rito ha? Mamaya makita ka ni Sir West eh! Tsaka pwede ba, tanggalin mo nga yang shades mo! Wala nang araw 'no!"

Ibinaba niya ang tasa ng kape sa desk ni Luke. Sinunod naman niya ako at tinanggal ang shades niya atsaka niya isinabit ito sa polo na suot niya.

"Masama kang mortal ka!" naka-ngisi niyang sabi sa akin. "Mapag-samantala ka ng damdamin ng ibang tao!"

"Ano na naman 'yang pinaparatang mo ha?"

"Balak mo pang mag take advantage sa nararamdaman ni West sa'yo. Tsk tsk. Bad."

Bigla ako napaiwas ng tingin sa kanya.

"Isang beses lang naman..." I murmured.

"Kahit na! Masama pa rin 'yun!"

"Oo na! Oo na! Lumayas ka nga rito kasi na-di-distract ako sa trabaho ko. Ang dami-dami ko pang gagawin. Hindi ko na alam paano pa tatapusin 'to!"

"S-sorry.."

Natigilan ako bigla dahil ibang boses na ang narinig ko. Nilingon ko ang desk ni Luke. Wala na si Cupid doon.

Lumingon ako sa kabilang side, at ayun, nakita kong naka-tayo si Sir West habang parang nagi-guilty na nakatingin sa akin.

"S-Sir West! Hindi ikaw yung sinasabihan ko na lumayas! Eh kasi po.. ano kasi... ah.. yung ano po...kasi ano.."

Oh my god! Hindi ako makaisip ng dahilan! Nakakainis ka Cupid!

"It's okay, Jillian. Sorry for being so harsh to you," malungkot na sabi niya.

Ay anak ng---! Oo nga harsh talaga siya sa akin pero bakit nagu-guilty ako?!

Maybe because alam ko sa sarili ko na hindi rin ako naging mabuting empleyado at ang tamad-tamad ko pa?

"S-Sir West, hindi po talaga 'yun 'yon..."

He gave me a sad smile, "naiintindihan ko naman kung inis na inis ka sa akin. Okay lang 'yun."

Ay ano ba naman 'yan! Nagi-guilty naman tuloy ako bigla!

"Anyway, bumili ako ng dinner. Baka kasi gutom ka na. Kumain ka muna bago ka umuwi. Pwedeng bukas mo na ituloy yan dahil gumagabi na rin."

Inilapag ni Sir West ang supot ng pagkain na dala niya doon sa table ni Elise na nasa tabi ko lang din. Kinuha niya yung isang Styrofoam food container doon at isang drink atsaka siya naglakad papunta sa office niya.

Huminga ako ng malalim.

Hay naku!

"T-teka po Sir West!"

Napatigil siya at nilingon ako. Nginitian ko naman siya.

"Sabay na po tayong kumain. Mas ganado po kasi ako kapag may kasabay eh."

"O-okay lang sa'yo na kasabay ako kumain?"

"Oo naman po! Bakit naman hindi?"

Napayuko si Sir West pero kitang-kita ko ang maliit na ngiting gumuhit sa labi niya.

Sheet. May killer smile naman pala itong si Sir West eh. Bakit hindi niya gawin palagi? Hindi niya ba alam na yung mga ganyang klaseng ngiti ay nakakahawa ng good vibes?!

"Sige, sabay na tayong kumain," mahinahon niyang sabi at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.

Doon kami pumwesto sa mini table sa gilid ng office namin.

"Wow Jollibee!" sabi ko habang inilalabas sa supot ang pagkain.

"Sorry 'yan lang ah? Hindi ko kasi alam ang gusto mo."

In-open ko yung food container at halos mag ningning ang mata ko nang makita kong one piece chicken at palabok ang in-order niya.

"Favorite ko! Stress reliever ko!" masayang-masaya kong sabi.

Mas lumawak ang ngiti ni Sir West at nakita ko na naman ang pamumula ng tenga niya.

"Really? Thank God..." at bumuntong hininga siya.

Napangiti naman ako. Naiimagine ko kasi si Sir West na nasa loob ng Jollibee at napapakamot na ng ulo kasi hindi niya ma-figure out kung anong pagkain ang magugustuhan ko.

Nakaka-amuse lang. Sanay kasi akong seryoso at masungit siya. Then all of a sudden, masusulyapan ko ang side niya na 'to.

Which is wrong. Kasi wala kang karapatan makita ang side niya na 'yan. Pero dahil sa pagkakamali mo, look what you've done to him.

Napailing ako at sinubukan kong alisin sa isip ko ang bagay na 'yun.

Ayoko nang isipin ang pagkakamali na nagawa ko. Kasi ginagawa ko na naman ang tama ngayon 'di ba? Inaayos ko na ang lahat.

"Siguro ang daming lalaking nagkakagusto sa'yo."

Napa-angat ang tingin ko kay Sir West at nakita kong naka-tingin siya doon sa bouquet ng flowers at chocolate na nasa desk ko.

"Imposible po 'yan sir! Hindi naman ako kagandahan 'no. Alam ko naman na karamihan ng lalaki, unang na-attract talaga sa mukha at katawan ng isang babae," unless panain na sila ni Cupid.

Tumingin siya sa akin at nginitian ako, "hindi lahat, Jillian."

Kung alam mo lang sana ang dahilan ng pagka-attract mo sa akin.

Nginitian ko rin siya, "siguro nga po."

"P-pero maganda ka naman eh! Kaya sure akong maraming nagkakagusto sa'yo," and again, namula na naman ang mukha niya.

One thing I learned about Sir West---ang transparent niyang tao. Kita agad sa expression niya kung masaya siya, galit, o nahihiya.

"Thank you po pala sa dinner ah?" pag-iiba ko nang usapan. "Nakaka-dalawang treat ka na sa akin. Kanina yung pandesal. Ngayon naman po yung dinner. Ba-bawi po ako sa'yo next time!"

"W-wala 'yun. P-pero kung gusto mo talagang bumawi, may request sana ako.."

Napalunok ako bigla.

Patay! May request daw! Paano kung yayain ako nito makipag-date? Hindi ako pwedeng um-oo! Ayoko mag take advantage sa kanya. Magagalit si Cupid!

"A-ano po 'yun?"

"Uhmm," iniwas niya ang tingin niya sa akin at mukhang nag-aalangan siya sa sasabihin niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. "Uhm, pag tayong dalawa lang ang magkasama, w-wag mo na akong i-po or tawaging sir. Pakiramdam ko kasi ang tanda ko na eh hindi naman nagkakalayo ang age gap natin. You're 22 and I'm only 24 years old."

Bigla akong naka-hinga ng mulwag. Akala ko kung ano na eh!

"Yun lang naman po-este yun lang naman pala West! No problem!"

Nginitian niya ako ng malawak, "thanks, Jillian."

Halos mag e-eight thirty na rin kami natapos ni West kumain. May kasama kasing kwentuhan. Naka-ilang sorry rin siya sa mga panahong nag su-sungit siya sa akin. Naintindihan ko naman. Pressured din siya at may hinahabol na trabaho. At oo na, kasalanan ko naman talaga kasi lagi akong late mag-pasa. Dahil tuloy dito, bigla akong ginanahan mag trabaho. Na-guilty rin kasi ako.

"Jillian, baka mahirapan ka umuwi kasi punuan na sa jeep. Ihahatid na kita," sabi niya sa akin habang pababa kami ng building.

"Naku wag na. Okay lang talaga ako."

"Pero kasi..."

"Don't worry about me! Ako pa? Sanay na sanay akong bumyahe promise!"

"O-okay. Sige. Mag-i-ingat ka ha?"

"Ikaw rin! Promise bukas, hindi na ako male-late!"

Nginitian niya ako, "see you tomorrow."

Nauna akong bumaba ng elevator. Sa lobby kasi ang daan ko palabas habang siya naman ay dumiretso sa ground floor kung saan nandoon ang parking lot.

Rush hour na. Punuan na ang mga jeep. Buti na lang talaga at sanay ako makipag gitgitan kaya naman nang may dumaang jeep na hindi puno, nakipag-unahan na ako. Pa-sampa na sana ako kaya lang may isang lalaking sumagi sa akin kaya nahulog ako at natumba sa kalsada. Ang magaling na lalaki, ni-hindi man lang nag sorry.

Ang bastos! Nakakainis!

Naka-skirt pa naman ako ngayon! Ayan, nagkasugat tuloy ako sa tuhod!

Naramdaman kong may dalawang kamay na humawak sa magkabila kong braso at inaalalayan akong tumayo.

"Sabi na kaya hindi ako mapakali eh."

Napalingon ako sa taong 'to at nakita ko si Sir West na nag-aalalang naka-tingin sa akin.

"Ihahatid na kita please?" his eyes is pleading. My gosh! Ano ba 'to? Bakit niya ako tinitignan ng ganyan?

Nakakatunaw ng puso.

"Mag pahatid ka na sa kanya. Hindi pag t-take advantage 'yun," dinig kong sabi ng isang boses sa utak ko.

Boses ni Cupid.

Tumango ako kay Sir West at nginitian ko siya.

"S-sige na nga. Salamat ah?"

"Okay lang 'yun. Basta wag kang ma-l-late bukas ah?"

Napatawa ako ng mahina.

"Promise!"

At inalalayan niya ako pasakay sa kotse niya.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C9
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄