[Jillian's POV]
Si Luke at si Elise...
Tahimik akong tumayo at iniwan si Cupid sa sala ng maliit na apartment ko.
Nagtungo ako sa kitchen at binuksan ang ref atsaka ako kumuha ng tubig. Kailangan kong mahimasmasan.
Parang may nakabara sa lalamunan ko. At sa oras na 'to, feeling ko, ako ang tinamaan ng pana ni Cupid...straight trough the heart. Ang sakit. Sobra.
Matagal ko nang alam na imposible talagang maging kami ni Luke. He never treated me as more than friends. Kahit na bigyang meaning ko lahat ng kind gestures niya sa akin, I know at the back of my mind, wala lang ang mga bagay na 'yun sa kanya.
Wala lang ako sa kanya. Pero ang sakit pala na marinig mo mismo kay Kupido na hindi yung taong matagal mo nang gusto ang itinakda niya para sa'yo.
At mas dobleng sakit kasi nalaman ko pa na yung isa sa pinaka close kong kaibigan ang para kay Luke.
Bakit si Elise pa?
Simula college gusto ko na si Luke. Mas nauna kong nakilala si Luke kesa kay Elise. Mas nauna akong nahulog, nag mahal at umasa.
Pero bakit sa kanya itinadhana si Luke samantalang wala naman siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti rito araw-araw kada umaga.
Ni-halos hindi nga sila nagpapansinan dalawa eh. Pero bakit siya? Bakit siya pa?
"Ano, kaya mo ba Jillian?"
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko doon si Cupid na nakatingin sa akin at ang lawak pa nang ngiti niya. Parang tuwang-tuwa siya sa sitwasyon ko.
Huminga ako ng malalim habang nangingilid-ngilid ang luha sa gilid ng mata ko.
"Cupid, ang hilig mo talagang manakit 'no?"
"So it's a no. I hope you do understand na hindi ka pwedeng humindi sa ipapagawa ko sa 'yo,"
Cupid told me while still smirking. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.
Ayokong makita siya na nasisiyahan sa sitwasyon ko ngayon. Ang cold niya. Para siyang walang nararamdaman. Para siyang hindi marunong maawa.
Ganyan ba talaga si Cupid?
"Acceptance is the key, Jillian. Hahayaan muna kita ngayong gabi. Pero bukas nang gabi, babalikan kita. At siguraduhin mong naihanda mo na ang sarili mo sa panahon na 'yun."
Hindi ko siya nilingon pero ramdam ko na umalis na siya.
Ewan kung naglakad siya palabas ng apartment ko o tinamad siya at nag disapparate na lang siya tulad ni Harry Potter, pero wala akong paki. Ang mahalaga, lumayas na siya.
So ang gusto niyang mangyari eh bukas ng gabi, naka move-on na ako, ganun ba? Eh gago naman pala nang isang 'yun!
Sinong tao ang makakapag move-on ng overnight lang ha?! Naranasan niya na bang ma-brokenhearted?! Naranasan niya na ba ang mag mahal sa isang taong hinding-hindi ka mamahalin?!
Palibhasa ang trabaho niya lang ay pumana nang pumana eh! Ni hindi niya alam na minsan yung pag pana niya ay masyadong masakit. Bwiset na Kupido na 'yan!
Hindi ko na nagawang makapagpalit pa ng damit. Nahiga na lang ako sa kama at tinitigan ang kisame ko habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.
I feel so exhausted yet may lakas pa pala ako para umiyak. Pero dahil sa dami ng nangyari at halos hindi rin ako nakatulog nung isang gabi, naramdaman ko na lang ang pagbigat ng mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.
The next day, parang pinagpyestahan ng ipis ang mga mata ko. Parehong namamaga eh. Hindi ko tuloy nai-suot ang contact lense ko at napilitang gamitin ang eyeglass kong may makapal na frame.
Hindi na nga ako kagandahan, mas lalo pa ako nag mukhang manang sa itsura ko. Ngayong sawi ako sa pagibig, paano pa ako makakahanap ng lalaking magkakagusto sa akin sa itsurang 'to?
Merong isa. Si West.
Napakamot na lang ako ng ulo at padabog kong inayos ang gamit ko. Nawalan na rin ako ng ganang kumain. Wala na. Dahil sa naalala ko, sira na agad ang umaga ko.
Pagkarating ko sa office, nadatnan ko agad si Elise at Luke na magkatabi. Nandoon sila sa table ni Luke at mukhang masayang-masaya sila sa kung ano mang bagay ang tinitignan nila sa computer monitor ni Luke.
At kelan pa naging close ang dalawang 'yan? Simula nang sabihin sa akin ni Cupid na sila nakatadhana?
Eh bakit kailangan pa niya ako kung ngayon pa lang, pwede nang magkaroon si Elise at Luke ng connection. Kaya na nila ang sarili nila! Hindi na nila ako kailangan!
Dito na lang ako at pagmamasdan silang mag mahalan hanggang sa mamatay ako sa inggit.
"Uy Jill! Andyan ka na pala!"
Napatayo bigla si Luke at nilapitan niya ako.
"Okay ka na ba talaga ngayon?"
Tumango ako at nginitian siya
"yep! Okay na ako."
"What happened to your eyes?" tanong naman ni Elise habang nakasilip siya sa akin mula sa table ni Luke.
Dahil sa'yo 'to! Dahil nalaman kong ikaw ang nakatadhana kay Luke!
"Ah, napuyat lang," sagot ko naman sa kanya.
Naku po. Nagiging bitter na ako kay Elise. Ayoko namang magalit sa kanya. Wala naman siyang kasalanan eh.
Si Cupid kasi talaga ang may kasalanan nito. Pero kasi hindi ko maiwasan...
"By the way, pinapakita ko kay Elise 'yung book cover na ginawa ko para sa isang librong ire-release natin. Tignan mo naman Jill kung okay lang."
Ibinaba ko ang bag ko sa table ko atsaka ako dumungaw sa table ni Luke para tignan 'yung cover.
"Maganda pero parang may hindi tugma," sabi ni Elise.
"Tingin mo ano, Jillian?"
"Siguro try niyong gawing red yung kulay nung font," suggestion ko naman.
"Oo nga 'no! Thanks Jill! You're the best!" naka-ngiting sabi ni Luke sa akin.
Kung ako ang the best, bakit hindi ako ang naging the one para sa'yo? Ay anak ng tupa! Nagiging madrama na rin ako.
"Uy Elise, Jillian, bumalik na kayo sa pwesto niyo! Andyan na si Sir West!" sigaw nang isa naming ka-trabaho kaya naman pareho kaming nagmamadali ni Elise sa pag-alis sa table ni Luke.
Ibang klase ang dating ni Sir West! Lakas maka-prof na papagalitan kami pag hindi kami nakaupo sa assigned seats namin!
Narinig na namin ang pag-open ng pinto ng opisina. Lahat kami tumingin sa kanya para mag good morning. Pero ni isa, walang nakapag-salita agad.
Lahat natulala kay Sir West... ...at sa kakaibang aurang taglay niya ngayong umaga. H-he is smiling.....brightly.
Tumingin siya sa gawi namin. No. More like, tumingin siya sa akin.
"Good morning!" masiglang bati niya.
"G-good morning, sir!" we said in unison.
Hindi na siya sumagot. Nginitian niya lang ulit kami/ako bago siya tuluyang pumasok sa pinaka office niya.
"Holy sh1t!" bulong sa akin ni Elise.
"Nakita mo 'yun? Ngumiti si Sir West! May himala! Ano kaya nakain niya ano?"
"Ano ka ba Elise! Tao rin naman si Sir West at marunong din maging masaya!" sabi naman ni Luke habang naka-dungaw siya sa amin ni Elise.
"Kaso ngayon ko lang nakitang ngumiti si Sir West! Infairness, ang gwapo pala niya talaga. Aware naman tayong gwapo siya pero madalas nakakalimutan natin 'yun kasi lagi siyang nagsusungit. Pero ngayong nakangiti na siya, naalala ko na ulit kung gaano siya ka-gwapo! 'Di ba Jillian? Ang gwapo ni Sir!"
"H-ha? Ah a-ata.. O-oo."
"Baka may girlfriend na," sabi naman ni Luke.
"O baka may nililigawan kaya good mood."
"Sana wala!" at tuluyan nang bumalik si Elise sa table niya.
"Ikaw Jillian. Tingin mo ba't good mood si Sir West ngayon?" tanong naman ni Luke.
Malamang dahil sa akin! Dahil in love siya! At hindi ako proud. Naiinis ako. In love siya dahil sa kapalpakan ko! Kahapon hindi niya ako pinagalitan. Ngayon naman nakangiti na siya. Ayoko nang isipin ang susunod pa niyang gagawin.
"E-ewan? Siguro dahil..uhmm..baka may bonus sa sahod niya?" sagot ko na lang kay Luke. He shrugged.
"maybe. By the way, showing na pala bukas ang Mockingjay. May kasama ka bang manuod?"
"H-ha? A-ako? Ah wala. Bakit?"
"Tara sabay tayo! Wala kasi akong makakasama eh nakakalungkot naman manuod mag-isa. 'Di ba? "
"Manunuod...tayong dalawa?"
"Oo. Uhmm, kung okay lang sa'yo?"
"S-sige! Game ako!"
"Okay! Bukas ha? Kita tayo."
Mukha na naman akong ewan dito na naka-ngiti.
Oo Cupid. Alam kong mali ito. Pero pwede bang i-delay ko muna ang paghahanda sa gagawin ko kahit isang araw lang?
Last na talaga ito. Last na talaga.
[Cupid's POV]
"Kanina pa kita inaantay."
Hinarap ko ang babaeng kalalabas lang sa isang tagong kweba sa gitna ng kagubatang ito.
Mahigit isang daang taon na ang nakakalipas pero ganyang-ganyan pa rin ang itsura niya mula nang huli ko siyang nakita.
Patunay lang na hanggang ngayon, dala-dala pa rin niya ang sumpa ni Zeus.
"Sabi na at hahanapin mo ako, Cupid," naka-ngiting bati niya sa akin.
"Nandito ako para kunin ang pana ko, Ayesha."
"Ako'y iyong patawarin ngunit hindi ko pwedeng ibigay sa iyo ang pana mo. At siguro naman hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang sarili ko kung bakit." Huminga ako ng malalim.
"Ayesha, hindi ka pa ba napapagod? Hanggang kelan mo ito gagawin? Bakit hindi mo na lang tanggapin ang naging kapalaran mo? Kung humingi ka na lang kaya ng tawad kay Zeus at kay Aphrodite?"
Nawala bigla ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng pagkamuhi.
"Tawad? Bakit ako hihingi ng tawad?! Wala akong ginawang masama! Sapilitan ang ibinigay niyo sa aking katungkulan! Hindi ko hiniling iyon! Tapos binura mo pa ang aking kapalaran?! Hindi. Hindi na ako makakapayag na gawin niyo sa akin ulit ang bagay na 'yon! Nahanap ko na siya! Nabigyan na kami ng pangalawang pagkakataon! Hindi ko na hahayaan na makapang-gulo ka pa ulit!"
Tinignan ko siya ng seryoso.
"ibalik mo na ang pana 'ko."
Umiling siya habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Hindi. Hindi ko hahayaang makuha mo ulit iyon."
At bago ko pa siya mapigilan, bigla-bigla ay nawala na lang siya.