下載應用程式
81.81% HELL.O / Chapter 9: Chapter 9

章節 9: Chapter 9

Chapter Nine

Naglalaro lang sa dining table ang tatlong magkakapatid na pulubi kasama sina Joeceline at Yuri. Masayang nagbabaraha ang lima at nagagalingan ang magkasintahan sa galing ng magkakapatid sa larong 'tong-its'. "Wow! Ang babata niyo pa'nag tatlo pero ang gagaling niyo na sa larong'to!" sabi ni Joeceline sa magkakapatid. "I guess, kung nagto-tong-its lang kayo sa kalsada siguro mayaman na kayo!" sabi pa ni Yuri. Tinitigan siya ng nobya at nayuro lang at napangiti ang pulis. "Sa katunayan po si ate Roxanne po talaga ang gusto naming makalaro dito pero mukhang wala siya 'ata sa mood?" sabi ni Mickey. Napatitig lahat sa itaas kung saan namumuni-muni si Roxie sa isang kuwarto.

Sa loob ng guest room kung saan si Roxie nag-iisip, napapatanong, at nagtataka, panay ang dalaga sa pagtitig ng cellphone nito. Mukhang naeengganyo at natutukso na siya na tawagan si Fercilu. Nang magulat ang dilag nang tumunog ang tinititigan nitong cellphone at may paparating pala siya na tawag. Nang nasa kamay na nito ang cellphone niya at nakita nito sa phone screen niya na ang incoming call ay mula number ng kuya nito. Agad namang sinagot ni Roxanne ang tawag. "Hello? Kuya?" tanong ng dilag. Nagulat ang babae nang marinig nito ang boses ni Fercilu sa kabilang linya at ang sinabi nito ay, "Not exactly." Sambit ng demonyo. Natakot na ang dalaga at napatakbo papalabas ng kuwarto at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa diyablo hanggang sa umabot na ito kina Joeceline sa may dining room. "Anong ginawa mo sa kuya ko?" galit at lumuluha na tanong ni Roxie. Napalakad papunta kay Roxanne ang pulis at ang charity manager. Napapatawa lang demonyo sa kabilang linya at nagalit lalo si Roxie. "Buwiset kang diyablo ka! Sumagot ka!! Ba't nasa iyo ang cellphone ng kuya ko?! Anong ginawa mo sa kanya!?!" tanong ulit ni Roxanne. Nagtitigan ang magkasintahan dahil sa gulat sa narinig mula kay Roxie. "O.A. mo naman. Sa katunayan napatawag ako dahil, I want to inform you that your brother and close friend Stella were both murdered here... dito sa bahay ninyo ng kuya mo!." Sabi ng demonyo. Napahagulgol sa iyak si Roxie sa narinig. "Well, none of these never would've happened if your brother-priest simply joined my organization the time I asked him to sign the contract, the '666' press three times on his cellphone, remember?..." sabi pa ni Fercilu. "Asan na sila ngayon?" maalinlaang pagtanong ni Roxanne. "Andito pa rin sila sa house mo. Together with detectives and cops. Investigating everything what happened here... better to come here right now because the police are inspecting your priest-bro was the one who killed Stella because of such pleasure and delight to the girl the cops said the 'pari' raped her and eventually father de Vina killed himself because of such guilt..." nang marinig ni Roxanne ang sinabi ng demonyo, pinutol nito agad ang linya at lumabas ng bahay nina Joecel, napatakbo sa garahe at pumasok sa saksakyan nito, pinaandar ang kotse at bumyahe papunta sa bahay nito. Dahil gustong makatulong, napatakbo rin sina Joeceline at Yuri palabas ng bahay para habulin si Roxanne. "'Wag kayong lalabas ha! Isarado lahat ng bintana at pinto!!" sigaw ni Joecel sa tatlong plubing bata na nakahawak lang sa baraha habang tumatakbo papunta sa garahe kasama ang nobyong pulis. Pumasok ng deputy car ang mgkasintahan at bumyahe papunta sa bahay ng pari. Naiwan ang tatlong pulubi na nakatunganga, medyo galit na si Mickey at napunit na ang hawak nitong mga baraha. "Shall we go there na ba?" tanong nito sa dalawang kapatid at sa ama nito na nakahiga sa sofa at mukhang nagdadarasal. "Not yet bro." sagot nina Raffy at Gabby. Napahinga na lamang ng malalim si Mickey at napahawak sa laruan nitong espada...

Naabot din ni Roxie ang bahay nito at napalabas siya agad ng kanyang sasakyan at lumakad ng mabilisan papasok sa bukas na gate. Napakaraming pulis, nurse at doctors sa loob ng bahay nito at ini-investigate ang krimen na nangyari. Ayaw pa siya sanang papasukin ng isang pulis sa front door ngunit nagalit si Roxanne at sinabihan nito ang pulis ng, "Bahay ko 'to! Umalis ka sa daanan ko!" galit na banat ni Roxie sa pulis. Natakot din ang pulis sa dilag at hinayaan nitong makapasok sa bahay si Roxie. Nang itong si Roxanne ay nasa salas na, nakita nito sa sahig ang kuya nitong pari, at ang kaibigan nitong si Stella, wala ng mga buhay at binabalot na ng mga nurses at binibitbit na papalabas ng bahay niya. Gulat at napapaluha lang si Roxanne habang nakikita ang kuya niya at kaibigan na patay na habang binibitbit ng mga pulis at mga nurse papasok ng ambyulansiya. Napadating na din ang sasakyan ni deputy Yuri sa labas ng gate ng bahay ni Roxie. Mabilisang lumabas ng sasakyan sina Joeceline at Yuri dahil nakita nakita ang dalawang patay katawan habang ipinapasok ng mga nurse sa loob ng ambulance. Alam na nina Joecel at Yuri na sina father de Vina at Stella ang mga iyon. Napatitig sina Joeceline at Yuri kay Roxie na nakatayo sa front door ng bahay nito, tumutulo ang luha habang nakatingin sa mga wala ng buhay na sina Stella at kuya nitong pari na si father de Vina. Biglang umiba ang mukha ni Roxanne. Nagalit ang hitsura nito at pinahiran ang sariling mga mata at pumasok ulit sa loob ng salas at hinarap ang mga pulis at doctor at matapang na kinausap. Agad na tumakbo sina Joeceline at Yuri papasok ng sa bahay ni Roxanne para tulungan at bantayan si Roxie. "What was the cause of death of my brother?" tanong ni Roxanne sa mga pulis, matapang at makisig. Napapasok na din sina Joecel at Yuri sa salas at agad na banayad na niyakap ni Joecel si Roxie sabay sabi ng, "Bes, calm down... hinay lang..." sabi ng charity mistress.

Napasagot naman ang 'sunglass' sheriff ng pulisya na si Von Tingson. "Based on our final investigation, your dirty priest-brother raped the poor lady Stella." sagot ng pulis. Nagalit si Roxie sa sinagot ni Von at lalapitan niya sana ito para hampasin ng dust pan na nasa gilid ngunit pinigilan lang siya nina Joeceline at Yuri na makalapit sa sheriff. "Ang lakas naman ng loob mong pagsabihan ang kuya ko ng ganyan! Porke pulis ka!" galit na banat ni Roxie, na gustong tumakbo sa sheriff ngunit may mga kamay na pumipigil sa kanya na makalapit kay Tingson. "Sir, baka mali lang po ang pag-iimbestiga niyo. Hindi naman po rapist si father de Vina sa pagkakaalam ko." Sabi ni deputy Yuri sa sheriff sabay hawak sa mga braso ni Roxie para hindi makalapit ang dilag sa amo nitong pulis. "Puwede ba, our final investigaton is real answer to this crime.'Wag ka ng sumali dito Hanzo baka mawalan ka pa ng trabaho." Sabi ni Von. Umusbong pa lalo ang galit ni Roxanne dahil sa inasal ng sheriff. "Ang kapal ng mukha mo!!" sigaw ni Roxanne at gusto sanang sipain ang kalabang pulis ngunit pinipigilan lang siya ng magkasintahan na kasama niya. "Gusto mo talagang malaman ang resulta aming inbestigasyon ha, okay fine." Sabi ni Von, sabay na tinawag ang mga kasama nitong mga pulis at inagaw ang isang folder na may mga papel at pictures ng krimen. "Ang mabait mong kapatid na si father de Vina ay hinalay si Stella at nang matapos na niya ang kahalayang ginawa, para hindi siya masuspektahan, binaril niya ang dilag. And because of such guilt and repentance he killed himself by shooting his head, how's that for an investigation?" sabi ni Tingson na para bang nagbabasa lang ng libro. Gusto pang bumanat ni Roxie ngunit parang totoo ang resulta ng inbestigasiyon. Nang mapansin ni Joeceline ang picture ng pari sa folder na hawak ni sheriff Tingson ang larawan ni father de Vina na may tama ng baril ang pari sa tiyan. Napasabi agad si Joeceline ng, "May tama ba ng baril si father sa tiyan?" tanong ni Joecel kay Von. Napatitig si sheriff sa hawak na folder at tinitigan ang mga photos sa folder. "Oo, bakit mo naman natanong 'yan?" sabi ni sheriff. Nabigla so joecel at napasagot ito agad ng, "So, somebody did this crime at hindi si father dahil may tama siya sa tiyan. Kung si father man ang humalay kay Stella at nagsisi ito sa kanyang ginawa at binaril nito ang sariling ulo, ba't may tama pa siya tiyan? Binaril na niya ang ulo niya, wala na siyang buhay no'n, ba't niya pa babarilin ang tiyan niya? Para ano? Design?" sabi ni Joeceline. Sumaang-ayon ang mga mukha nina Yuri at Roxie at nagalit naman ang hitsura ng sheriff at parang mababasag pa ang sot nitong sunglass. "Sinasabi mo ba'ng mali ang resulta ng inbestigasiyon namin?" tanong ng galit na pulis. "Sort of." Sambit ni Joecel. "Yabang mong babae ka ah!--" Lalakad pa ito sana para saktan ang charity lady ngunit pumagitna si deputy Yuri para hindi ito makalapit sa nobya. Binigyan pa ni deputy Hanzo si sheriff ng matapang na mukha. "Subukan mong saktan ang aking nobya, baka makalimutan kong sheriff ka." sabi ni Yuri kay Von. Nadaplisan ng takot ang mukha ng sheriff sa tapang ng diputadong nobyo ni Joeceline. Napaatras na lamang ito at napasabi ng umalis na lamang kayo dito at baka madagdagan lang ang mamamatay dito." Sabi ni sheriff Von sabay lakad pabalik sa mga kasamang mga pulis. Walang magawa sina Roxanne, Yuri at Joeceline, dahil sa tapang ng sheriff at sa takot baka totohanin ng nasabing pulis ang sinabi. "Alis na!! Ano pa'ng tinatayo niyo diyan!?" sigaw bigla ni Von sa tatlong kalaban. Nabigla si Roxie, Yuri at Joecel sa sigaw ng sheriff. "Nasa morge na si Stella at ang rapist na pari!!" sigaw pa ni tingson. Napaluha lang si Roxie at pinili na lang na umalis sa bahay at sumunod na lang din sina Yuri at Joecel sa kawawang kaibigan. Malungkot at tumutulo lang ang luha ni Roxanne habang lumalakad papunta sa sasakyan, at hinahayaan lang nina Yuri at Joecel na tumulo ang mga ito. Nag lakas ng loob si Joeceline na tanungin si Roxanne. "Dideretso ka ba sa morge bes?" tanong nito sa kaibigan. Pumasok ng sasakyan Roxanne niya napasagot ng, "Hindi, baka umiyak lang ako lalo pag nakita ko ang kuya ko do'n na tigok na." sagot ni Roxie sabay tulo ng luha. Nagtitigan ang magkasintahan sa sagot ni Roxie. "Sa'n ka ngayon pupunta?" tanong pa ni Yuri. Napaisip bigla si Roxanne at napaiyak na. Nang biglang tumunog ang cellphone ng dalaga at nalaman ni Roxie na may incoming call ito at galing kay Fercilu ang paparating na tawag. Nakita nina Joecel at deputy Hanzo ang pangalang 'Fercilu' sa cellphone screen ni Roxanne. Nagtitigan ang tatlo. Napaisip si Roxie kung sasagutin nito ang tumatawag na demonyo. Napahinga ng malalim si Roxanne at matapang na sinagot ang tawag. "Hello." Sagot ni Roxie na medyo takot. Masayang napatanong si Fercilu sa kabilang linya, "Nagustuhan mo ba'ng masterpiece ko?" tanong nito. Nagalit si Roxie sa sinabi ng diyablo. "Demonyo ka nga talaga." Sambit ni Roxanne. Napatawa lang si Fercilu at napasabi ng, "I know right?". Walang magawa sina Yuri at Joeceline dahil hindi alam at hindi nila marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa sa cellphone. "So, sa'n ka ngayon dideretso just like what the cop asked you? Sa bahay ng charity friend mo? At anong gagawin mo sa bahay niya? Katulong? O baka magpapatulong? Dahil wala ka ng pera at kayamanan, edi hihingi ng tulong sa kaibigan, hingi ng pera, foods, shelter, etcetera... Am I right?" sabi ng diyablo. At napatitig si Roxanne sa magkasintahan. Mukhang tama naman si Fercilu. Naisipan ni Roxanne na magpapadagdag lang siya ng sikip sa maligayang buhay ng kaibigan niyang charity lady at ng pulis. At napasabi ulit si Fercilu ng, "What do you think? Tama ba 'ko? May isang araw ka pa para mag-isip girl. Tatawagan kita, the day after tomorrow, 3 am, just go to the church and wait for my call and I will also wait for your final decision." Sabi ni Tanza at napuutol ang linya. Takot, malungkot at galit, mga pakiramdam nagsa-scamble sa puso ng kawawang so Roxie. "Anong sabi niya sa'yo bes?" tanong ni Joeceline kay Roxie, "please tell us, gusto rin naman naming makatulong sa'yo." Dugtong nito. Napapahid ng mga luha si Roxanne at pekeng ngumiti sabay sagot kay Joecel ng, "Okay lang ako, tara uwi na ta'yo. Do'n lang ako muna sa inyo. Seek lang ako ng care and comfort. Let's go." Sagot ni Roxie, bumigay ng pekeng ngiti at agad na pinaandar ang sasakyan at bumyahe papalayo sa sariling bahay. Walang naisagot ang magkasintahan at hinayaan na lamang si Roxanne. Pumasok sina Joeceline at Yuri sa deputy car napasabi agad si Joecel sa nobyo ng, "Binibilog na ng demonyong 'yon ang utak ni Roxie. Dapat na nating bantayan siya." Sabi ni Joecel kay Yuri. Sumang-ayon ang mukha ng pulis, pnaandar ang sasakyan at bumyahe pauwi para sundan si Roxanne.

Sa loob ng bahay ulit nina Joecel ay Yuri, ang kaibigang si Roxanne ay nasa guess room lang, nakasara ang pintuan at ayaw yatang maisturbo. Sa kusina habang nagluluto si Joecel ng hapunan, nagsimula ng mag-usap ang magkasintahan at ang topiko ng kanilang pinag-uusapan ay Roxanne. "Love, do you think, gagaling pa si Roxanne? Mukhang nawawalan na siya ng pag-asa eh." Sabi ng pulis sa nobya. "Basta, ang nasa isip, puso at kaluluwa mo ay ang Panginoon, hinding hindi ka mawawalan ng pag-asa." Sagot ng dilag sa nobyo. Nakikinig lang magkakapatid na pulubi mula sa salas sa pag-uusap ng magkasintahan, seryoso at matapang. Nang napatitig sina Yuri at Joeceline sa kanila, biglang napangiti ang tatlong pobre. "Gutom na ba kayo? Luto na ang hapunan." Tanong ni Joeceline sa magkakapatid mula sa kusina. "Mamaya lang po, sabay lang po tayo." Sagot ni Mickey sabay ngiti. Napangiti rin si Joecel sa kanila at napatitig ito kay Yuri sabay dinugtungan ang sinasabi ng, "Ewan ko kung gutom na rin 'yong kasama natin sa taas." Sabi niyo ng mababang tono. Napatitig ang magkasintahan sa 2nd floor kung saan nandoon si Roxanne.

Sa nasabing guest room, malungkot na iniisip ang kapatid na pari at si Stella. Iniisip din nito ang mga sinabi ng demonyo kanina sa kanya. Napaisip din ito sa sarili ng linyang, 'Mukhang magiging pulubi na rin ako at nakakahiyang sina Joeceline at Yuri na ang bubuhay sa akin.' Habang nakaupo sa kama, agad inisip din ng dilag ang Diyos. Lumuluha ang mga mata nito habang nagagalit sa Panginoon. ''Asan Ka. bakit hindi mo kami tinulungan. Bakit di mo sinagip si Stella at si kuya?'. Galit na iniisip ni Roxanne sabay na pinipisil at kinukurot ang hawak na unan. Pinasahan ni Fercilu ng mga pictures si Roxie sa kanyang cellphone. Nakita ng dalaga ang mga pictures na ipinasa sa kanya ng diyablo at ang mga litrato na tumanbad sa kanyang mga mata ay si Zenaida na sumasayaw sa bar kasama ang mga bagong ka-tropa, masaya na parang wala lang sakit, mga pictures ni Carlo na may kahalikang lalaki at may may hawak na papel na may nakasulat na, 'Gays deserve to be Gay (Happy)'. Dahil sa mga ipinasa ni Tanza kay Roxanne, mukhang naeengganyo na itong sumama sa grupo ni Fercilu. 'Two days' sabi nito sa sarili. May dalawang araw pa si Roxanne para mag-isip kung sasali ba siya o hindi sa grupo ni Fercilu.

Kumakain na ng hapunan sa dining room ang magkasintahan kasama ang tatlong batang pulubi at ang kanilang ama. Habang si Joeceline ay hindi mapalagay na huwag tawagin si Roxanne para kumain ng hapunan kasama siya. "Gutom na 'yon for sure." Sambit ni Joecel sa nobyo. "Love," sambit ng kasintahan, "kumain ka muna, kung gusto mo man siyang pakainin, try to bring her evening meal sa doon mismo sa guest room. Ayoko namang magutom o mapagod ka tulad niya dahil concern ka lang sa kanya. Kumain ka muna." Dugtong pa ni Yuri. Sumang-ayon ang dilag sa sinabi ng kasintahan at ipinagpatuloy na lamang ang hapunan.

Hindi alam ng pulis at ng nobya nito na dinig na dinig ni Roxanne mula sa guest room ang pinag-uusapan nila. Nahihiya na itong lumabas ng kuwarto dahil ayaw na niyang makita ang magkasintahan na nakikiramay at tinutulungan siya at ngayon ay hapunan na, at nararamdaman na ni Roxanne na parang galit na si Yuri sa kanya dahil mukhang mapili pa yata siya pagkain dahil gusto pa yata nito na dalhan siya ni Joeceline ng kanyang makakain sa guest room. Naaawa na ito sa sarili at mukhang wala na siyang pag-asa na mabuhay pa.

Kinaumagahan, napalakad si Joeceline sa nakasiradong guest room. Nakita nito ang meal tray ni Roxanne noong gabi sa may doormat, walang bawas ang kanin at ulam. Hindi kinain ni Roxie ang hapunan nito at may iniwan pa itong mensahe na naksulat sa isang papel, nakapatong sa plato at ang mensahe ay para kay Joeceline. Kinuha ni Joecel ang tray at binasa ang message ni Roxanne para sa kanya, 'Please, bes, wag na kayong mag-abala pa. Wag niyo na akong dalhan ng makakain. I just need time, some space para mag-isip. Thank you.' Sabi ng sulat mula kay Roxie. Dahil sa nabasa nito, hinayaan na lamang ni Joeceline si Roxanne at sinunod ang gustong mangyari ng kaibigan. Bumaba na lamang si Joecel dala ang meal tray at lumakad papunta sa kusina.

Hindi alam ng charity lady at ng nobyo nitong pulis na panay lang ang pag-iyak ni Roxanne sa loob ng guest room habang hinahagkan ang unan nito sa kama.

Nang si Joeceline ay nasa kusina na, nilapitan siya ng kasintahan at ipinakita sa kanya ang cellphone nito sa dilag. "Love, nakita mo na ba 'to?" tanong ng pulis sabay na ipinakita sa nobya ang pictures nina Zenaida at Carlo na masaya na sumanib-puwersa na kay Fercilu. Hindi na nagulat si Joeceline, sa halip napasagot na lang ito sa nobyo ng, "Nakita ko na 'yan. Pinasahan din ako ng demonyong 'yan eh." Sabi ng dalaga. Napaupo si Joecel sa dining chair at napaisip, sabay sabi ng may malakas na tono, "Sana, 'wag ng madagdagan pa ang miyembro niya." Halatang gusto niyang marinig kay Roxanne ang sinabi nito. "Sana nga." Sambit pa ng pulis. Seryosong napatitig ang tatlong pulubi sa magkasintahan mula sa salas. Nang mapansin sila ng nina Joecel at Yuri, agad namang napangiti ang tatlong pobre ipinagpatuloy ang paglalaro ng kanilang mga laruang espada. Nagtataka na si Joecel kung bakit naiiba ang tatlong magkakapatid ng pulubi sa mga pulubing bata sa charity nito. Agad na nilapitan ni Joeceline ang tatlong bata at tinanong, "Ba't di kayo maglaro sa labas sa charity building sa mini playground natin, marami kayong makikilalang mga bagong kaibigan doon." Sabi ni Joeceline. Napangiti lang si Mickey at napasagot ng, "Masaya na po kami kahit wala na pong playground. Kilala naman po naming lhat ng mga co-paupers ang beggars namin." Sabi ni Raffy. "Masaya na po kami basa masaya rin po kayo." Sabi ng panganay na si Mickey. "We'll stay na lang here po." Sabi din ni Gabby. Hinayaan na lamang ni Joeceline at napatitig sa nobyo na gulat din at walang masabi.

Bumilis ang takbo ng oras, at alas singko na sa hapon at magsasaing na naman si Joeceline. Napaisip ito kung dadadamihan ang bigas na isasaing dahil halata namang hindi naman kakain ng hapunan si Roxanne. Nagtataka si Joeceline na parang hindi nito nakikita si Lenni. Napaisip pa ito na si Lenni ang magsasaing. Tinanong ni Joeceline si Yuri na nag-iigib ng tubig sa banyo. "Love, nakita mo ba si Lenni?" tanong ni Joeceline. "Hindi eh. Oo nga ano. Kahapon wala rin siya. Malamang nakipag-meet 'yon sa textmate niya." Sabi ni Yuri at ipinagpatuloy ang mag-igib. Natakot bigla si Joeceline sa sinabi ng nobyo at napasabi ng, "'Wag naman sana..." sabi ng dilag dahil marami ng mga tao sa paligid na miyembro na ni Fercilu at huwag naman sana na pati ang textmate ni Lenni ay kasapi na rin nito.

Kinagabihan, dinig na dinig nina Joeceline, Yuri at Roxanne ang mensahe na nais ipaalam ni Fercilu gamit ang sound system mula sa town's gym para sa bayan. 'Hell.O! my dear members of my company! Tomorrow is the grandest night! Mag-pa party tayo hanggang umaga! Dahil kaunting tulog na lang! Magiging akin at atin na rin ang tinatamasa nating kalayaan at kasarinlan dito sa sanlibutan!.' Nanginginig sa takot sina Joeceline, Yuri at Roxanne sa narinig mula sa gym mismo ng kanilang bayan. Malamang ay inaayos na ng mga miyembro kasama si Fercilu ang gymnasium para sa company-party ng demonyo bukas. Ngunit habang natatakot na ang magkasintahan habang nakaupo sa sofa ay napapangiti lang ang pulis at pati ang nobya niya kahit may dinadamdam na kaba dahil nakikita nila ang naglalarong magkakapatid na mga pulubi sa salas na kasa-kasama nila.

Kinaumagahan, sina Joecel at Yuri ay sumisilip sa bintana ng salas. Nakikita nila ang mga taong namumula ang mga mata at nakangiti, naglalakaran na papunta sa town's gym para maki-party na mamayang gabi. "Ang aga pa pero papunta na ang mga kaanib ng buwiset na demonyo para magsaya mamayang gabi!" sabi ni Joeceline, gulat at galit. Medyo takot man, hinawakan lang ni Yuri ang kamay ng nobya at napasabi ng, "Don't be scared love. Andito lang ako katabi mo." Sagot ng nobyo.

Alas otso emedya na ng gabi at dinig na dinig na ng charity lady na si Joeceline at ng nobyo nitong pulis ang ingay ng dance craze songs mula sa town's gymnasium. Nakahawak kamay lang ang magkasintahan sa sofa at hindi pa nila nakakain ang hapunan nila na nakapatong lang sa center table dahil sa kaba at takot sa kalabang diyablo at sa kung ano pa ang mangyari makalipas ang mga ilan pang mga oras, minutos at segundos. Biglang bumukas ang front door ng bahay, at nagulat ang magkasintahan. Si Lenni lamang pala ang pumasok, masaya, hawak-hawak ang cellphone niya. "God! Lenni! Ikaw lang pala!" sabi ng pulis. "Hindi ka manlang kumatok!" sabi pa ni Joeceline. "Sorry guys," sambit ng dilag, sabay kuha ng flashlight na nakasabit sa dingding, "bumalik lang ako kasi inanyaya ako ng txtmate ko na sumama sa kanya na maki-party sa gym!" sabi pa ni Lenni. Laking gulat ng mag-nobyo at napatayo ang dalawa sa kinauupuan nila at napalakad papalapit kay Lenni. "What! No! huwag kang pupunta do'n! please!" nagmamakaawang pagsabi ni Joeceline sa kaibigan. Nagulat si Lenni. "At bakit hindi? Aber?" tanong ni Lenni. Inagaw bigla ni Joeceline ang hawak na cellphone ng dalaga at nakita agad ni Joecel ang pangalang Fercilu sa phonescreen ng c.p. ng dilag. "Akin 'yang cellphone ko!" sabi ni Lenni sabay agaw ng c.p. niya sa kaibigan. "Fercilu... Fercilu ang pangalan ng textmate mo?!" tanong ni Joeceline, gulat at takot. "Oo, cute nga ng name. orig." sabi ni Lenni sabay ngiti. Napalakad na ang dalaga papalabas ng bahay ngunit pinipigilan siya ng magkasintahan na huwag lumabas. "Lenni! 'wag kag pupunta do'n! parang-awa mo na!" sabi ni Joeceline. "Eh bakit nga!! Dahil ba sa pangalan niya!? Ang labo niyo ha!" sabi ng dalaga. "Sasabihin din naman namin sa'yo basta 'wag ka nalang pupunta doon sa party." Sabi ni Yuri. Naiinis na si Lenni at tumalikod at handa na talagang lumabas ng bahay. "Ewan ko sa inyo." Sambit nito sabay lakad at bukas ng front door. Hinawakan ni Joeceline ang braso ng kaibigan at hinila pabalik. "Lenni!! Please!--" sambit ng charity lady. Ngunit inagaw ng dalaga ang braso nito at napasigaw na sa galit. "Ano ba!!!" sigaw nito at namula ang mga mata at nagulat sina Yuri at Joeceline. "Isang pigil niyo pa sa akin, magiging masama talaga ang party ko!!" sabi dalaga sabay labas ng bahay sumakay ng tricycle, bumyahe papunta sa gym. Ngayon lang nalaman nina Joecel at ng nobyo nito na miyembro na pala ni Fercilu si Lenni dahil namula kanina ang mga mata ng dalaga. Napatayo lang sa gulat ang magkasintahan. Nang biglang lumakas ang tunog ng music sa gym at agad na isinara nina Yuri at Joeceline ang front door sabay na ini-lock ang pintuan.

Sa town's gym, nagtataka ang mga inosenteng mga tao na napapadaan kung ano ang nangyayari sa loob ng gym at kung ano ang selebrasiyong nagaganap sa loob. Napatanong ang isang matandang babae kasama ang dalawa nitong apo sa security guard sa front gate ng gymnasium. "Iho, anong programang nangyayari sa loob?" tanong ng matanda. "Ah... party po para sa bagong mangyayari sa mundo maya-maya lamang." Sagot ng binatang guard. Nagtaka ang matanda. Napangiti ang guwardiya at napasabi lang ng, "It's okay lang po lola. Eventually, makakasali din po kayo sa party." Sagot pa ng security guard. Umalis na lamang ang matandang babae dala ang dalawang paslit na mga apo nito at ipinagpatuloy ang paglakad pauwi ng bahay. Ngiti lang sa tuwa ang guwardiya at namula ang mga mata.

Alas dose na ng umaga at patuloy ang disco sa gym. Umakyat ng stage si Fercilu at nagsalita sa entablado hawak ang mikropono. "To my dearest members!!" masayang sigaw ng diyablo. "Kaunting hintay na lang at magaganap na ang pagbabagong-anyo ng mundo!! At dahil 'yon sa inyo!! Dahil sinunod niyo ako, bilang diyos niyo!! Kayo ang magiging new gadgets ko!! My new devices for changing the world into a productive, dynamic and demonic world through mobiles!! Kung baga, kayong lahat ang magiging bugaw ko para makengganyo at humikayat ng mga musmos at walang muwang na mga tao na sumapi sa aking malaya at walang utos at panuntunan mula sa isang di umano'y Panginoon daw kuno!!!" sigaw pa nito. At nagtilian at naghiyawan sina Zenaida, Carlo, Lenni at lahat ng mga miyembro ni Fercilu na patuloy lang sa pagpaparty sa dance floor. "Ipagpatuloy lang ang sayawan at salu-salo!! Party-party tayo dito!!!" sigaw ng demonyo ng malakasan at lumakas pa lalo ang music mula sa sound system at ipinagpatuloy lang ng lahat ng kasapi ng partido ang salu-salo. Sayawan at inuman ay kanilang tinanggap at sumaya pa lalo ang pagdiriwang.

Alas dos ememdya na sa umaga at gising na gising pa si Roxanne sa loob ng guest room habang ang magkasintahan ay nadilat din ang mga mata at nakabantay lang sa kanya sa salas. Napakalakas pa rin ng tunog ng mga awiting pangsayaw mula sa town's gym. Nang biglang tumunog ulit ang cellphone ni Roxanne. Nagulat ang dilag at kahit natatakot ay sinagot nito ang tumatawag sa kanya at iyon ay si Fercilu Tanza. "What?" galit at kabadong pagsabi ng dalaga sa cellphone nito. Natatawa lang si Fercilu kay Roxanne sa kabilang linya. "Oh ano? Change mind na ba? o maya-maya pa? thirty minutes left na lang, three a.m. na." sabi ni Fercilu. Naiinis at nagagalit saby tulo ang mga luha ni Roxanne sa pakikinig sa boses ng demonyo. "Andito lang ako sa church, don't worry, I'll help you na lang para mapa 'oo' ka. para sumali sa aking liga." Sabi ng diyablo sabay na pinutol ang linya. Kinakabahan si Roxanne kung ano ang gagawin ng kalaban nito para mapasali siya sa kapisanan. Kaunting segundos ang nagdaan, nakatanggap si Roxanne ng mga photos at naghalo ang gulat, takot, kaba, lungkot at pighati sa puso ni Roxanne nang makita nito ang mga litaratong ipinasa sa kanya mula sa demonyo... mga pictures mula sa crime scene ng kanyang kuya de Vina at sa kaibigang si Stella. Duguan, pasa at saksak sa katawan ang dalawa at ang pinakamalala ay ang tama ng mga bala sa ulo nila. Umiyak na ni Roxanne sa hindi maipaliwanag na hinanakit na kanyang dinadamdam habang pinapanuod ang mga litrato na ipinasa sa kanya ni Tanza. May incoming call ulit ang dilag at hinay-hinay niya itong sinagot. "Hello." Sambit niya. "Oh ano. Ayos ba?" sabi ni Fercilu. "Ganyan lang ka simple pumatay, hindi naman kasi umaaksiyon ang Diyos daw doon sa itaas kung totoo man na Siya ay nakabantay." Sabi ng diyablo sabay tawa at pinutol ang linya. Nagalit na si Roxanne at lumabas ng guest room at bumaba ng second floor.

Nakita nina Joeceline at Yuri na tumatakbo si Roxanne pababa ng hagdan at mukhang dideretso ito palabas ng bahay. "Roxie!! Teka! Sa'n ka pupunta!?!" sigaw ni Joeceline sabay habol sa kaibigan kasama si Yuri. Bubuksan na sana ni Roxanne ang front door para lumabas ng bahay ngunit nadakip pa ng magkasintahan ang braso ng dilag at hinila siya ng pulis at charity lady pabalik sa loob ng salas. "Ano ba'ng iniisip mo Roxanne! Nasisiraan ka na ba?!" sabi ni Joecel. Isinara ulit ni Yuri ang front door at napasigaw sa galit kay Roxanne ng salitang, "Gaga!!" Nagulat ang dalawang dalaga sa sigaw ng binata. "Kung gusto mong sumama sa brotherhood ng gagong 'yon, puwes 'wag mo kaming idamay sa kabaliwan mo!!" galit na dugtong ng pulis. At nagkaroon ng limang segundong katahimikan at umiyak lang sa lungkot, galit, kaba at takot itong si Roxanne. Napasabi na lamang itong dilag ng, "Kaya nga gusto ko ng lumabas..." sabi ni Roxanne, "Ayoko ng madamay pa kayo sa mga nangyayari ngayon. Lahat ng ito ay dahil sa akin. Gusto na niya akong kunin para mas lumakas at tumibay pa ang kompanya niya." Dugtong pa ni Roxanne. Humarap si Joeceline kay Roxanne at sinabihan ng, "Listen, hindi tayo masasaktan o matatalo ng demonyong 'yon, hangga't hindi tayo sumasali sa buwesit na fraternity niya, kaya dito ka lang kasama namin, walang mangyayaring masama sa'yo. Mahal tayo ng Diyos. Hindi niya tayo pababayaan." Sabi ng charity lady. Nagalit bigla ang mukha ni Roxanne nang marinig nito ang sinabi ng kaibigan. "Mahal!?!" sigaw ni Roxanne, "Mahal!?! Hinayaan niyang lapastanganin ng gagong demonyong 'yon si Stella at at si kuya!! Mahal!?!" galit na sigaw ni Roxanne sa Panginoon sabay na hinampas ang door knob ng front door gamit ang sariling kanang kamao at agad itong nagiba. Nagulat ang mag-nobyo sa ginawa ni Roxanne. Sa sobrang galit, nasira niya ang door knob gamit ang sariling kamay lamang. "Naglingkod ang kuya ko bilang pari at ibinigay ang buhay sa simbahan!! Tapos, hinayaan niyang patayin ng demonyo ang kuya ko!! kasama pati si Stella?! Anong klaseng Diyos siya!?!" sigaw ng dalaga. Biglang sinipa ni Roxanne ang front door at tumakbo palabas ng bahay. "Roxanne!!" sigaw ng pulis at charity lady. Tumakbo Roxie papunta sa parking lot. Tumakbo ito papunta sa kanyang sasakyan at binuksan ang pintuan ng driver's seat nito at pumasok. Hinabol siya ng mga kaibigan ngunit hindi na naagapan. Nakasara na ang sasakyan ni Roxanne at inihahanda ng paandarin ang BMW nito habang umiiyak. "Roxannne!! 'wag kang pupunta do'n!!" sigaw ng pulis sabay na pinagsunsuntok ang pintuan ng sasakyan. "Roxie!! Please!! Don't loose faith!! Parang awa mo na!!" sigaw naman ni Joecel sabay hila ng knob. "Sana mamahalin pa rin Niya ko kahit gagawin ko 'to sa kanyang palasiyo..." iyak ni Roxanne at agad na niyang pinaandar ang sasakyan niya. Umikot na ang mga gulong ng sasakyan ng dilag at bumyahe na ito papunta sa simbahan. Nag-panic ang magkasintahan at agad silang tumakbo sa loob ng bahay. "Mga anak, aalis muna kami ng tito niyo Yuri. Ila-lock namin ang pintuan. 'Wag kayong lalabas ha. Huwag niyong bubuksan ang pintuan kung hindi niyo kilala ang taong kumakatok lalo na kung Fercilu ang pangalan. Naiintindihan?" Sabi ni Joeceline sa magkakapatid na pulubi. Tumango lang sabay ngiti sina Mickey, Gabby at Raffy kay Joecel. "Love, dali!!" sigaw ni Yuri sa nobya. Nasa loob na ng deputy car ang pulis, nakaupo na sa driver's seat. "Alis na kami. Close niyo ang door ha. Bye." Sabi ng dalaga sa mga bata sabay na isinara ang front door ng bahay. Nagtitigan ang magakakapatid ng hinay-hinay. Napatakbo na si Joecel papasok ng deputy car ng kasintahan at umupo sa passenger's seat. Isinara ng mag-nobyo ang mga pintuan ng sasakyan, pinaandar na ni Yuri ang sasakyan at hinabol na nila ang BMW ni Roxanne. "Hindi pa ba tayo aaksiyon?" tanong ni Mickey sa mga kapatid. "Hindi pa. Atat ka naman tol eh." Sabi ni Raffy sa kapatid. "Relax lang bro. Everything will be okay." Sabi pa ni Gabby.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C9
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄