下載應用程式
63.33% Diary Of A Bad Boy / Chapter 19: Chapter Nineteen

章節 19: Chapter Nineteen

Bukas na ang birthday ni Celine. At bukas na din ang engagement namin. A formal engagement party namin dalawa. Pero bakit parang hindi ako masaya. Hindi ako mapanatag. Hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Celine tungkol sa nangyari. Plano ko na sana aminin sa kanya nung araw na yun pero wala sya non sa condo nya dahil nasa designer sya non para sa gown na isusuot nya para bukas. Yung mga sumunod na araw naman ay naging abala kaming pareho sa paghahanda. Sa tuwing susubukan ko naman na sabihin sa kanya ay may dadating o kaya naman ay may tatawag sa kanya. Mas lumalakas ang kaba ko sa tuwing makakatanggap ako ng text mula kay Zia at sinasabing hiwalayan ko na si Celine. Na ipapakita nya kay Celine ang lahat ng picture namin kapag hindi pa din ako nakipaghiwalay. Paano ko naman gagawin ang bagay na yun, engaged na nga kami at wala din akong ibang gugustuhin kundi si Celine lang.

Papunta ako ngayon sa condo ni Zia para pakiusapan sya. Ibaba ko na ang pride ko. Hindi ko kayang mawala sakin si Celine. Hindi ko kayang gawin ang gusto nya. Pero pagpunta ko don ay wala naman si Zia. Sinubukan ko syang tawagan pero wala pa din. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bumalik ako sa unit ko at nakita kong nakabukas ang pinto nito. Pagpasok ko ay nasa kusina si Celine at naghahain ng pagkain. Hindi pa nya ako napapansin na nasa likod nya. Pinagmasdan ko syang mabuti. Habang pinagmamasdan ko sya,ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin pero dapat ko nang sabihin yun sa kanya. Haharapin ko na lang ang galit nya. Ipapaliwanag ang lahat at hihingi ng tawad. Hindi ko kaya ang mawala ang babaeng ito. Sya na ang buhay ko. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag nawala sya sakin. Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likod. Hindi ko na napigilan,tumulo ang isang patak ng luha sa pisngi ko. Hinawakan nya ang braso komg nakayakap sa kanya.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nya sakin. Umiling ako sa kanya habang nakangiti.

"San ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap eh. Maupo ka na, kakain na tayo" maamong sabi nya sakin. Hindi ko kayang saktan sya, pero hindi ko din kayang mawala sya. Hindi ko na talaga alam.

Magkaharap kaming dalawa sa table habang kumakain. Paulit-ulit ko syang pinagmamasdan,tinititigan. Sa paanong paraan ko dapat umpisahan ang pagsasabi ng totoo?

"Babe,I've something to tell you-" umpisa ko. Kinakabahan ako lalo ng tumingin na sya sakin.

"Ako din may sasabihin sayo. I'm sure you'll be happy!" Nakangiti sya sakin. Hindi ko kayang mawala ang mga ngiting to na nakikita ko. Pero kailangan kong magtapat para wala na akong nililihim sa kanya. Ngunit ano kaya ang sasabihin nya na ikakatuwa ko? Lagi na lamang ang nakakapagpasaya sakin ang binibigay nya samantalang ako, lagi ko lang syang nasasaktan.

"Sige,ikaw muna.!"i said.

Tumayo sya at may kinuha sa pouch nya. Isang maliit na box. Hindi naman sya parang gift. Nang buksan ko yun isang maliit na rectangle na para sa medicine. It's a pregnancy test. Napatingin ako sa kanya na nakangiti sakin.

"Kinuha ko yan a week ago. Pero para makasiguro ako, nagpunta ako sa isang Oby. Babe, I'm 5weeks pregnant.!" Masaya sya. Totoo ba ang naririnig ko? She's pregnant? I glanced at her waiting for confirmation.

"Yes Xander. Magiging daddy ka na.!" Tama nga ang narinig ko. She's really pregnant. Soon,I'm going to be a father. Napatayo ako at sa sobrang saya ko ay binuhat ko sya at niyakap ng mahigpit.

"Magiging daddy na ako!?? Babe, magiging daddy na ako!!" Masaya kong sabi habang sya ay patuloy sa pagtango habang nakangiti. Pinasaya nya ako. Halos wala na akong paglagyan ng saya. Pinaghahalikan ko sya sa pisngi,ilong,noo at labi.

"Alam na ba nila mom?" Tanong ko sa kanya pero umiling sya.

"Hindi ko pa nasasabi sa kanila pero plano ko sana bukas sa birthday ko.!"

"For sure matutuwa si mom!!"

"Yes I'm sure. Anyway, ano nga ba ang sasabihin mo sakin???" Natigilan ako ng bigla nya akong tanungin. Paano ko na nga ba aaminin sa kanya ang lahat? Ngayon pa na magkakaanak na kami. Alam kong masasaktan ko sya.

"Ah wala yun. Ang mabuti pa kumain ka na ng marami at magpahinga ka na. Baka mapano pa kayo ng baby natin!" Pinaupo ko na sya ulit. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Hindi pa sa ngayon. Natatakot ako. Baka kung anong mangyari. Baka maapektuhan pa sila ng anak ko. Ayoko. Kakausapin ko si Zia. Kung kailangan kong lumuhod gagawin ko. Hindi ko kayang mawala silang dalawa sakin ng magiging anak ko. Hindi ko kaya.

Kinabukasan,birthday na ng babaeng mahal ko at magiging ina ng anak ko. Maaga pa lang ay nagising na kami para maghanda sa magiging party mamayang gabi. Hindi lang birthday party ito. Engagement party at ngayon namin iaannounce ang tungkol sa magiging baby namin. Sa isang hotel sya tumuloy kasama ang dad nya at ang bestfriend nyang si Carla. Ako naman ay nasa bahay namin. Habang tumatakbo ang oras, mas naeexcite ako sa magiging party mamaya pero sa isang banda ay may takot akong nararamdaman dahil sa plano ni Zia.

"Hijo,are you alright!?" Tanong sakin ni mommy nang mapansin nya akong nagbuntong hininga.

"Yeah,I'm alright mom. I'm just nervous and excited." Hinawakan nya ako sa kamay ko at inilagay ang isang kahon. Binuksan ko yun at may laman itong isang singsing.

"Singsing yan ng Lola mo. Yan ang ibinigay ng lolo mo noong ayain nya itong magpakassal. Gusto kong ibigay mo yan kay Celine. Bagay yan sa kanya!" Napakaganda ng singsing. A 25 karat na diamond. Bagay nga ito sa kanya. Sa nagiisang babaeng mahal ko.

Magkakasabay kaming dumating sa sikat na hotel kung saan gaganapin ang party. Pagdating namin don ay agad kong pinuntahan si Celine. Suot ang pulang gown at ang diamond necklace nya. Para syang isang prinsesa sa ganda nya. Niyakap ko sya at hinalikan sa labi. Wala akong pakialam kahit pa nasa harap namin ang ibang tao. Nandon pa kasi ang designer nya at ang make up artist nya. Pati na din si Carla.

"Ehemmmm!! Hindi makapaghintay???? 5 minutes na lang naman oh, engagement nyo na. Wait nyo na lang. Tiis muna naman!!!" Natatawang sabi ni Carla at nagtawanan naman ang iba. Actually, hindi na talaga ako makapaghintay. Napagusapan na din namin ni Celine na magsasama na kami sa bahay nila sa taguig. I really can't wait now.

"Oh magstart na!! Let's go na!!" Sabi ng organizer. Nakahawak sa braso ko si Celine at sabay kaming lumabas sa hall. Madami na ang tao. Mga Prof at classmates. Mga close friends, family friends. Kamaganak at mga businessman na kakilala ng daddy nya at daddy ko. Nagsayawan na ang mga bisita at kaming dalawa ang nagsimula.

"Napakaganda ng magiging asawa ko. Sana sayo magmana ang baby natin!" Bulong ko sa kanya habang nagsasayaw kaming dalawa.

"Ikaw rin naman eh. Ang gwapo mo ngayon!"

"Ngayon lang ba!????"

"Hahaha hindi. Dati pa naman.!"

"Alam ko kaya nga patay na patay ka sakin eh!"

"Ang kapal mo ha!!"at nagtawanan kaming dalawa.

"But seriously, you look so perfect tonight babe. I love you so much. You and ang magiging baby natin. Mahal na mahal ko kayo.!" Bulong ko sa kanya at hinalikan ko sya sa noo. Niyakap nya ako ng mahigpit at ganoon din ako. Napakasaya ko. Parang buong buo na ang pagkatao ko ng dahil sa kanila ng magiging anak namin.

Pagkatapos ng ilang sayaw at paglapit sa mga bisita ay kumain na kami. Habang kumakain ay may isang babae ang lumapit kay Celine at inaya sya papunta sa hindi naman kalayuan. Naiwan tuloy ako sa table. Nang matapos akong kumain ay napansin kong nawala si Celine. Marahil ay kasama nya ang ilan sa mga kaibigan nya kaya nagpunta muna ako sa labas para magpahangin

"You look so handsome with your suit. Napakaswerte naman ni Celine dahil ang gwapo ng fiancé nya!" Napalingon ako sa likod ko at nandon si Zia. Anong ginagawa nya dito!?


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C19
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄