下載應用程式
63.88% Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi / Chapter 23: Chapter 23 Test

章節 23: Chapter 23 Test

"Baby Seven momma's gonna take good care of you. No one's gonna touch you and take you away from me!" Sobrang saya ni Wei sa bagong kotse at sa dami ng kotse niya ito ang pangpito sa prize collection niya. Walang pwedeng humiram ng mga collection niya na ito. 'Magkamatayan man walang makakahawak sa mga kotse ko. Kunin man nila ang iba wag lang ang pito kong kotse!' Gusto niya subukan kung tama ang bago niyang kotse isama sa mga collection kaya nag-drive siya papunta sa private race track na pagmamay-ari ng isang kakilala. Kaya naisipan niya itong tawagan.

"Hello dude, buhi ka pa ba? Anong nakaon mo at bulahan napatawag ka?" sabi ng sumagot sa tawag niya. Medyo nahihirapan magsalita ang sa kabilang linya.

"Hahaha buang ayusin mo nga pagsasalita mo Tonyang!"

"Ikaw ang buang! matawag ka lang sa akon kun may kinahanglan kaw!"

'Kita mo wala akong naintindihan sa pinagsasabi niya! Tanging yung buang lang ang naalala ko na ang ibig sabihin ay baliw. Siya kaya to ang baliw! Paano kaya siya nakatagal dito gayong hindi naman siya marunong magsalita ng mabuti. Paano ba kami naging magkaibigan ng babaeng to.' Di niya lubusang maunawaan kung paano kaya sila nagkakaintindihan ng kaibigan niyang probinsyana. 'Ah tama! Ganoon dapat!'

"Mag english ka na lang Tonyang ng maintindihan naman kita! Pupunta pala ako jan sa track mo nasaan ka ba ngayon?" malapit na siyang makarating sa track dahil sa bilis ng pagmamaneho niya.

Tumawa naman ang sakabilang linya sa isip pa neto. 'Tinuturuan kaya kita ng salita ko.'

"Segi ka Tonyang pag di mo sinabi ang ibig sabihin ng sinabi mo kanina hindi na kita bibiyan ng mga stolen shots ni Shim... ni Kuya Johnny!" 'Muntik na ako madulas dun a... ako pa lang naman ang nakakaalam na bakla yong pinsan kong iyon.'

"No! Please don't do that! What I said is that you're the crazy one and you just call me when you need something. There I said it, you're going to continue giving me those pictures of him!" mabilis na sagot nito sa kaibigan. Alam niya na may lihim ang taong minamahal pero hindi niya parin mapigilan ang sarili na magkagusto rito.

Sa malayo pa lang at sa isang tingin niya lang alam niya na agad na bakla ang lalaking bumihag sa kanyang puso. Pero ano ang magagawa niya hindi naman pwede turuan ang puso.

"Buti naman! Akala ko patago mo na akong minumura. Asan ka pala Tonyang? Andito na ako sa labas ng gate ng track mo! Paghindi mo ito binuksan papasabugin ko ito!"

"Sorry Wei! You didn't tell me beforehand! I've been in our province since last week. I'm just preparing to go back there now, but I'll arrive there tommorow afternoon." sincere apology ni Tonyang sa kaibigan.

Five minutes ang nakalipas na katahimikan bago makasagot si Wei. "Hmmm... kung ganon di mo na kailangan magmadali. Take your time, pasasabugin ko na lang muna ang gate. Pa repair ko na lang agad bago ka dumating bukas." sabi ni Wei at parang ang bagay na gagawin ang normal at natural lang.

"Hahaha, just do whatever you want to do. As if you have things to make a huge explosion to destroy my gate." itinawa lang ni Tonyang ang sinabi ni Wei dahil sa tingin niya nagbibiro lang ito. Nang binaba niya na ang phone bago mawala ang sa kabilang linya ay may narinig siya na sumabog. 'Hindi naman siguro... guni guni ko lang iyon. Ay teka may nakalimutan ako, ma message na nga lang siya.'

Dahil mukang wala ang kaibigan sa track ay naisipan ni Wei na sirain na lang talaga ang gate. 'Nandito na ako! Kaya itutuloy ko ang pinunta ko dito!'

"Dear fellow warriors, some of us may not make it out alive but I assure you that I will be able to make it!" 'Sugod mga kapatid!!!' lumabas siya ng sasakyan dala ang mga manikang bomba at nilagay sa gate tapos tumakbo ulit pabalik ng sasakyan.

Sa isang puno sa di kalayuan nakatayo at nagmamasid si Sinco. "Buti naabutan ko si Lady Wei kung hindi baka mahirapan na naman ako hanapin siya."

'Master, ibalik mo na lang po ang dati kong trabaho. Pangako mamahalin ko na ang mga paperwork.'

Mapait mang isipin na mas mahirap ang ginagawa niya ngayon kaysa dati. Mas lumapit siya sa kinaruruonan ni Wei para mabantayan ito ng maigi. Nagulat siya ng makita ito na lumabas ng kotse at may dala dalang manika. Mas nagulat siya ng bigla itong sumabog. Kinabahan naman siya ng matindi sa nakita.

Ng masira ang gate ay agad-agad nag drive si Wei papasok. 'Ano pa kayang nakakagulat at nakakatakot na bagay ang gagawin ni Lady Wei? Saan niya ba nakuha ang mga ganyang bagay? Dapat nga talaga na bantayan ko siya.'

"Hello? I need you to fix something for me. No, no I'll transfer you right away the payment. Yes, it's Ton Track. You know the address right? Good. Thanks." Tumawag agad si Wei ng mag aayos ng sinira niyang gate. Ayaw niya naman na magalit ang kaibigan sa kanya.

Sino ba naman ang hindi nakakaalam ng Ton Track isang sikat na private race track. Taon taon maraming pumupunta sa lugar na ito para manuod ng racing ng mga sikat na individual. Pero syempre hindi lahat pwede makapasok kaya minsan hinahayaan nila na makapasok ang media para makapanuod naman ang ibang mga tao.

'Mabuti talaga at advance ako mag isip. Napakinabangan ko ang kinuha ko sa nakatagong kwarto sa bahay ni Kuya Rhino. Para saan kaya ang iba pang mga bagay doon? Next time e explore ko ulit ang lugar na iyon.' sobrang proud at sumisipol pa siya sa loob ng sasakyan ini enjoy ang pagmamaneho palibot ng race track.

"Baby Seven, this is the best day ever!"

Hindi niya alam na birthday niya sa araw na iyon. Halos maugat na ang mga kaibigan at pamilya sa kahihintay para sa surprise sa kanya. "Hindi kaya napa sobra ang pagtatampo niya sa atin Maj?" tanong ni Graesia.

"Ano ba ang nangyari?" tanong naman ni Gerardo.

"Ganon pa rin naman, matapos ang class iniwan namin siyang mag-isa para maenjoy ang gift ni Johnny. Kung alam ko lang na Aston Martin yun baka sinamahan ko pa siya." si Maj na di parin maka move on sa kotse. "Tsaka mukang nakalimutan niya na birthday niya ngayon."

Sa isang tabi tahimik lang si Maximo dahil alam niya kung saan si Wei. Merong gps ang sasakyan ni Wei kaya alam niya na nasa Ton Track ito, kaya hindi siya nag alala kung ano na ang nangyari sa pinsan.

Ng mapagod si Wei sa kaka-drive ay naisipan niya ding magpahinga. "Happy birthday Wei! When I come back I will send you key's so that you can enter Ton Track anytime you want." yan ang nabasa ni Wei sa unang message sa phone niya. 'Ay birthday ko pala? haha nakalimutan ko! Sino pa kaya nag-greet sa akin?'

"Wei saan kana? Ayaw mo na bang umuwi?" Majirica

"Wei!!! Umuwi ka na, kukunin ko yung chocolate na gatas mo!!!" Graesia. 'Ubos na yung chocolate na gatas ko sa fridge di mo ako maloloko!' Meron pa na ibang message galing sa mga pinsan at ang huling message ay galing sa hindi niya kilalang numero.

"Happy birthday! Go to the tallest building near you. I have a surprise for you. ASAP"


創作者的想法
TanzKaizen24 TanzKaizen24

Thanks po sa pagbasa ng book ko. Nagpa practice po ako mag english kaya halos tag-lish po ang ginagamit ko dito. Salamat po ulit. ^_^

buhi - buhay

buang - baliw

nakaon - nakain

bulahan - himala, iba ang paggamit ng term ng himala dito like (himala napatawag ka.)

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C23
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄