Zoi's POV
Medyo ginabi na ako ng uwi dahil sa nagpatila pa ako ng ulan. Ano ba yan? Kalagitnaan ng summer pero ang lakas ng ulan kanina, grabe!
"Haaays" buntong hininga ko habang mag-isa akong naglalakad sa madilim na daan. Namimiss ko na ang kapatid ko, asan na naman kaya yun ngayon?
Kung saan saan kasi napapadpad ang kapatid kong yun, uuwi lang siya kapag gusto niya o kapag wala siyang trabaho. Madalas kasama niya ang bestfriend niyang si Micko pero ngayon, pinaiwan niya si Micko sa bahay, hindi ko rin alam kung bakit eh.
Ulila na kami. Namatay ang nanay namin bago pa kami makatapos ng elementary. Bali ang lolo na namin ang nag-alaga samin simula nun. Pero dahil nga galit ang kapatid ko sa tatay namin na mas pinili ang trabaho niya kesa saming pamilya niya, eh umaalis siya para hindi makita si lolo, anak kasi ni lolo ang tatay namin. Minsan lang din naman umuwi si lolo, malayo kasi ang trabaho niya samin.
Pero simula nung mag17 years old ako, madalas ng sinasama ni lolo ang bunso naming si Angelo kapag umaalis siya. Tapos matatagalan na naman ang uwi nila. Kaya ang ending, ako lang sa bahay. Pero sabi ko nga, pinaiwan ng kapatid ko si Micko ngayon.
Masyadong napalipad ang utak ko kaya hindi ko namalayan ang lalaking nasa harap ko kaya nabangga ko siya. Sa laki niya, napaupo pa ako.
"N-nako, s-sorry po!" hinging paumanhin ko bago ko pa man subukang makatayo.
"Oy Miss, sabi ko sayo, baka pwedeng makahingi ng pang inom! Hindi ka na nakikinig, binangga mo pa ako!" galit na sigaw nung kuyang nabangga ko.
"P-po?!" di makapaniwalang tanong ko. "N-nako, w-wala po akong pera eh, p-pasensy--"
"Anong wala?!?! Pang inom lang naman eh!" napabalikwas pa ako nang malakas niya akong sigawan. Para siyang wala sa katinuan? Nakainom siguro siya.
"Pre, kalimutan mo na yung pang inom, may pulutan na tayo oh, ayos na toh *huk" sabi nung kasama niyang lalaki na mukhang lasing din at nakatitig sakin ng malagkit!
Napatingin ako sa paligid, wala akong pwedeng magamit pang self defense. Bumilis ng sobra ang tibok ng puso nang ngumisi yung kuyang nabangga ko. Unti unti silang lumalapit sakin kaya napapaurong ako paatras. Hindi ako makatayo dahil nanghihina ang tuhod ko, jusme natatakot ako!!
"W-wag kayong lalapit!" sinubukan kong takutin sila gamit ang malakas kong boses pero natawa lang sila sakin. "S-sisigaw ako!" banta ko pa.
"*huk Walang makakarinig sayo Miss, walang katao tao dito" sabi nung nabangga ko kanina.
Nang masyado na silang malapit, napayuko nalang ako habang nakatakip ang braso ko sa ulo ko. Hinintay kong may humawak sakin para sisigaw na ako pero ilang segundo na, wala pa rin.
"Hoy g*go ka ah!! Sino ka?!?" rinig kong sigaw nung isang lalaki kaya napatunhay ako sa kanila. Nakita ko ang likod ng isang matangkad na lalaki sa harap ko. Nakatayo siya sa harap nung lalaking nabangga ko na ngayon eh nakahandusay sa semento.
"Zeus?" mahinang banggit ko sa pangalan niya pero laking gulat ko nang lingunin niya ako, hindi siya si Zeus.
Natulala ako sa kanya, yung mga mata niya, sobrang dark na lalong pinaganda ng liwanag ng buwan. Sobrang seryoso ng mukha niya pero at the same time sobrang amo nito. Ang gwapo niya.
"Hoy sumagot ka!!" nabaling ang atensyon niya sa lalaking susuntok sana sa kanya pero nablock niya saka niya sinuntok, bumulagta rin yung lalaki sa semento.
"Oy Miss" napakurap ako nang tawagin niya ako. Nasa harap ko na pala ulit siya. Nilahad niya yung kamay niya sa harap ko at tinulungan akong tumayo. Parang may dumaloy na kuryente sa kamay ko nang mahawakan niya yun! "A lady like you shouldn't be wandering around at a time like this. You should go home, Miss" hindi ko alam kung bakit pero kahit medyo inis yung tono niya, bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko na parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.
"Miss, are you okay? Hey?" nagsnap siya sa harap ko pero nanatiling nakapako ang tingin ko sa kanya. Ano bang nangyayari sakin?!? Bakit hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya??
"Crrrruuuuzzz!" nakita kong nataranta siya nang marinig ang isang boses ng lalaki na sumigaw.
"Ah, as much as I'd like to walk you home, I can't. So I guess, see you around? Be careful next time, 'kay? Bye!" nagmamadaling sabi niya tapos tumakbo na siya papalayo. Dun ko lang naalalang hindi nga pala ako nakapagpasalamat sa kanya sa pagliligtas niya sakin!
"Tek--" hahabulin ko sana siya pero may biglang sumulpot sa harap ko. Isang gwapong lalaki na sobrang nakakatakot ang mga mata! Sobra kasing itim ng paligid ng mata niya, nakaeyeliner ba toh?!? Gwapo sana eh, bakla naman ata??
"Miss, have you seen a guy who wears the same uniform as I do?" mabilis na tanong niya. Tinignan ko ang uniform na suot niya. Shi Academy. Bigla akong napaatras sa nabasa ko. Taga Shi Academy sila?!?! Ganun rin ang suot nung lalaking nagligtas sakin eh.
"Miss! Sabi ko may nakita ka bang lalaking nakauniform ng tulad ng akin?!?" hinawakan pa niya ako sa magkabilang braso. "Halos kasing tangkad ko siya at sobrang nakakatakot ang mga mata niya. Mukha siyang masungit na mayaman" pagdedescribe pa niya.
Nakakatakot ang mga mata?? Mas nakakatakot naman ang mga mata niya kahit na dark ang mata nung nagligtas sakin! Masungit? Eh siya nga tong masungit! Ang gentleman kaya nung nagligtas sakin! Pero pareho silang mukhang mayaman--no, mukha silang mga artista!
"D-dun siya pumunta" wala sa sariling turo ko sa direksyong tinakbuhan nung nagligtas sakin. Kahit naman kasi mukhang masungit tong lalaking nasobrahan sa eyeliner, tingin ko naman kaibigan siya nung nagligtas sakin. Ewan ko, pero pakiramdam ko mapagkakatiwalaan naman siya.
"Thank you!" nakangiting sabi niya tapos mabilis na niyang tinungo yung direksyong pinuntahan nung nagligtas sakin. Nung ngumiti siya, nakasigurado akong hindi nga siya masamang tao. Nagkamali ako kasi hindi naman pala siya nakakatakot, sadyang dahil lang sa eyeliner niya yun, pero kapag ngumiti siya, parang mapapangiti ka nalang din. Pero syempre mas gwapo pa rin yung nagligtas sakin.
"Death Reaper Cruz, you're so dead if anyone caught us!!" rinig ko pang banta niya habang tumatakbo.
Dun ko lang naalalang bawal nga palang lumabas ng academy ang mga students nila. Sobrang higpit ng security ng academy na yun dahil na rin sa mahahalagang tao ang nandun kaya paanong nasa labas sila ng academy nila??
"Ugh--" natauhan ako nang maalala kong nandito pa rin ako malapit sa mga nagtangka sakin kanina!
Nagmadali na akong umalis dun.
Shi Academy.
"Hays" bakit sa dinami rami ng school dito sa bansa dun ka pa sa academy na pinagbabawalan ako?
Bakit ako pinagbabawalan ng kapatid kong mainvolve sa kahit anong konektado sa Shi Academy? Simple lang. Dahil ang school na yun ay delikado para samin. Ang school na yun ay para lang sa mga mayayamang tao, pero hindi basta mayaman, mayaman at may koneksyon sa underground world.
Nasabi ko naman nang galit ang kapatid ko sa tatay namin, diba? At ang school na yun lang ang pwedeng maging paraan para makita namin ang tatay namin. Ayaw ng kapatid kong madamay kami sa kung ano mang trabaho ng tatay namin kaya ganun.
Pero kahit ayaw ng kapatid ko, gusto ko pa ring makapasok dun. Hindi ako galit sa tatay namin. Ang totoo, gusto ko pa ngang malaman kung anong klaseng trabaho yun eh. Gusto kong malaman kung gaano kaimportante yun na mas pinili niyang iwan kami para sa trabahong yun.
Sa kakaisip ko sa school na yun, hindi ko namalayang lumagpas na pala ako sa bahay namin! >_<
Tumakbo ako pabalik dahil sa hiya. Aang tanga tanga Zoi!
Pagkapasok sa bahay, sinalubong agad ako ng sermon ni Micko. Bestfriend lang siya ng kapatid ko pero kung umasta yan parang kuya ko na rin.
"Hoy babae! Saan ka galing at ginabi ka ha?!? Alam mo ba kung anong pwedeng gawin sakin ng kakambal mo kapag may nangyaring masama sayo?!? Takaw disgrasya ka pa man din!" nakapamewang pang sermon niya. Sayang talaga kagwapuhan at height nito eh, parang bakla lang naman. -_-
"Alam mo rin bang muntik na kong marape kanina? Ni hindi mo man lang naisipang sunduin akong kapre ka!" walang ganang sagot ko habang binabagsak ang bag ko sa sofa. Natigilan ako nang pagtunhay ko, may lalaking nakaupo sa sofa.
Napatingin ako kay Micko. Tapos balik tingin dun sa lalaki. Mukhang nasa mid-thirty's na tong lalaki pero gwapo pa rin! Emeged! Si Micko nagdala ng lalaki sa bahay! Lagot ka talaga kay kambal, bakla ka!
"Oy ano yang tingin na yan huh?? Ano na namang iniisip mo??" masungit na sita niya sakin sabay death glare.

gad akong nagpeace sign sa kanya. "Sino siya?" tanong ko.
"Siya ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis ng bahay at hindi kita masundo. Kanina ka pa niya hinihintay" masungit pa ring sagot niya. Iba na yung sungit niya, something's not right. Wala siya sa mood! Pero madalang mawala sa mood si Micko, masiyahin kasi yan eh. "Maiwan ko na muna kayo. Kukuha lang akong maiinom" poker face na sabi niya at aalis na sana papuntang kusina.
"Kanina pa siya nandito pero ngayon mo lang bibigyan ng inumin?" taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Wag mo nga akong tinatarayan babae ka! Parang nakikita ko mukha ng kakambal mong nagtataray, hindi bagay!" wala talaga siya sa mood. -_-
Nagtungo na siya sa kusina kaya naiwan kami nung matandang lalaki dito sa sala. Umupo ako sa harap niya.
"Ahm, ano po... Sino po ba kayo?" magalang na tanong ko. Hindi naman siya mukhang masamang tao pero bakit kaya nawala sa mood si Micko?
Ngumiti siya sakin. "I'm Dr. Stein. Frank N. Stein" mahinahong pagpapakilala niya.
"Zoi Rodriguez po" nakipagshakehands pa ako sa kanya. Medyo awkward ang atmosphere since hindi ako magaling makipag-usap sa mga mas nakakatanda.
"Ito na juice niyo oh" padabog na nilagay ni Micko yung juice sa harap namin tapos umupo siya sa harap ko.
Nagtaka naman ako nang mapansin kong nagbago ang expression ng mukha ni Dr. Stein. Bigla siyang naging seryoso.

"Oh, bat di ka pa magsalita nang makaalis ka na agad Stein?" confirmed, si Dr. Stein nga ang dahilan kung bakit wala sa mood tong negrong higanteng toh!
"I'd like to talk to Zoi alone, if you don't mi--"
"I do! Ang bilin kasi sakin ni Zeus, wag kong iiwan si Zoi especially when a stranger is around" mabilis na sabi ni Micko.
"I'm no stranger to you or to Zeus" seryosong sagot naman ni Dr. Stein.
"But to Zoi, you are" -Micko
Ano ba kasing nangyayari?!? Bakit parang nagkakainitan na sila?
"Ah, Dr. Stein, ano kasi eh, pareho kaming mapapagalitan ni Micko kapag sinuway namin yung utos ni Zeus, kaya kung okay lang po, dito nalang siya. Hindi naman na po siya eepal eh, diba Micko?" siniko ko pa si Micko para wag na siyang paalisin. Ayoko rin kasing maiwan mag-isa dito, ang awkward nga kasi!
"Tss" inis na sabi ni Micko. I'll take that as a yes.
"Very well. Zoi, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, hindi naman na siguro bago sayo na ang kapatid mo ang tagapagmana ng pinakamataas na posisyon sa famiglia?" panimula niya. Napalunok ako bago tumango. "Originally, your brother Zeus is the heir because he's the first son, but since he turned down the position, not just once but five times, we have no other choice but to accept the second son. Ang problema, wala ng 'second son'. And since you and Zeus are twins, it automatically makes you the only heiress besides Zeus" paliwanag niya. Bakit parang kinakabahan ako sa pupuntahan ng usapang toh?!?
"Ano pong ibig niyong sabihin? Na ako po ang magmamana ng posisyon?? Teka lang po! Eh wala naman po akong alam dyan eh!" mahinahong pagtanggi ko. Wala naman kasi akong balak na manahin yung kung ano mang iniwan ng ninuno namin! Oo ninuno, hindi magulang!
Direct descendants daw kasi kami ni Zeus ng founder ng famiglia na yun. Pero hindi naman si Papa ang head ng famiglia kaya bakit ko tatanggapin yun?!?
"Ninth wants you to enter Shi Academy and learn everything there is to learn before he pass down the title to you" seryosong sabi ni Dr. Stein. Natulala ako. Shi Academy? Kung makakapasok ako sa Shi Academy, malaki ang posibilidad na makita ko ang tatay namin, pati na rin si Death!
"K-kelan po ako papasok?" alanganing sabi ko.
"What?!? Zoi, pag-isipan mo munang mabuti toh! Hindi biro ang posisyong tatanggapin mo at mas lalong hindi biro ang lugar na papasukin mo!!" sigaw ni Micko sakin.
Ngumiti ako sa kanya. Isang reassuring smile. "Alam ko Micko. Pero gusto kong subukan"
"Bakit mo gugustuhin subukan?? Ang mundong papasukin mo ang dahilan kung bakit naghihirap kayo ng kapatid mo ngayon!! Zoi, please, pag-isipan mo muna toh" pakiusap ni Micko pero buo na ang desisyon ko. Ngumiti ulit ako sa kanya.
"I want to know how amazing this world is, that our father decided to leave us" sa sinabi kong yun, napabuntong hininga nalang si Micko bago magsalita.
"Magkapatid talaga kayo ni Zeus, hindi lang kayo magkamukha, magkaugali rin kayo. Hindi na talaga nababago isip niyo once na makapagdecide na kayo" malungkot na sabi niya bago humarap kay Dr. Stein. "Kelan ko siya ihahatid sa impyernong yun?"
"Two days from now, the academy will be open for all the new students" sagot ni Dr. Stein. Bumaling siya sakin. "I hope to see you inside the academy Zoi" bakit ganun? Kapag sakin siya nakaharap parang ang bait naman niya. Pero kapag kay Micko, parang nakakatakot siya.
"Ah, o-opo"
"Kapag nalaman kong may nangyaring masama sa kanya at wala kang ginawa para protektahan siya, sinasabi ko sayo Stein, wala akong pakielam kung isang warlord ang may ari ng Shi Academy, pababagsakin ko yun" seryosong banta ni Micko.
"It's not my duty to protect her. Her chosen guardians are the ones who's responsible for her safety. My only duty is to teach her the things she needs to know and to make her worthy of the title boss" seryosong sagot naman ni Dr. Stein.
Boss. Kaya ko ba talagang pamghawakan ang titulong yun? Parang hindi eh. Pero kailangan kong makapasok sa academy, yun lang yun tanging paraan para makilala ko siya.
Micko's POV
Umupo ako sa silya sa tapat ng bahay namin. Kanina pa nakaalis si Stein. Tulog na rin si Zoi, napagod yata.
"So she actually decided to go huh?"
"T*ng*na ka! Papatayin mo ba ko sa gulat?!" sermon ko sa kanya. T*ngna paglingon ko nasa tabi ko na eh!!
Hindi siya sumagot. Mukhang malalim ang iniisip eh.
"Tss, alam mo namang yun ang isasagot ni Zoi diba?? Nagtatanong ka pa!" pagsusungit ko. Nakakaloko naman kasi yung tanong niya. Alam naman niya ang ugali ng kapatid niya eh.
Hindi na naman siya sumagot. Lakas din ng tama nito minsan eh. Ilang minuto ang lumipas na tahimik lang kami hanggang sa di ko na makayanan. Hindi naman kasi kami ganito kaseryoso, sadyang tungkol sa kaligtasan ni Zoi ang topic ngayon kaya ganto kami.
"Zeus" tawag ko sa kanya.
"Hm?"
"What if hindi siya pumayag? Aakuin mo ba yung posisyon? Iyo naman talaga dapat yun eh diba" tanong ko.
"No. Hindi ko masisikmurang matawag na boss ng pamilyang yun. And if she didn't said yes, I don't know. I just knew she'd agree to it kaya hindi na ako nag-isip pa ng plan b" sagot niya.
"Hindi mo masisikmurang matawag na boss ng pamilyang yun? Eh diba ikaw nga ang pumili sa mga guardian na yun??" takang tanong ko.
"Yes. Pero hindi ibig sabihin nun tatanggapin ko na sila bilang pamilya ko. Pinili ko sila dahil naniniwala akong mapoprotektahan nila ang kapatid ko, yun lang yun. Pero kung sa ibang pagkakataon ko sila nakilala, kung hindi ko kailangang maghanap ng mga guardian ng kapatid ko, maybe I'd accpet them in our family" mahabang paliwanag niya.
Natahimik nalang ako dun. Alam ko kasing pareho lang kaming nag-aalala kay Zoi.
Kung may masamang mangyari sa kanya sa loob ng school na yun, alam kong hindi magdadalawang isip si Zeus na pasukin ang academy na yun kahit pa ipinagbabawal at napakadelikadong pasukin yun ng mga tagalabas.
Isa sa walong warlords ang namumuno sa Shi Academy kaya mahirap talagang pasukin yun maliban nalang kung inimbitahan kayo dun.
Ang walong warlords naman na yun ay ang walong makapangyarihang boss ng iba't ibang pamilya na hawak ng government. Sila ang mga boss na nakipagkasundo sa gobyerno, kahit pa kalaban talaga nila ang gobyerno.
"Micko" natigil ako sa pag-iisip nang umimik si Zeus.
"Do you think Zoi can do it?"
Sandali akong natahimik bago makasagot. "Kambal kayo Zeus. Kung kaya mo, sigurado akong kaya rin niya"
"I know" nilingon ko siya at nakita ko ang malungkot niyang ngiti. Nag-aalala talaga siya sa kapatid niya.
"What do you think the old man would do if he'd find out that Zoi ended up just like me?" tanong na naman niya.
Napaisip ako. Ano nga kayang gagawin ng lolo nila kapag nalaman niyang pati si Zoi eh papasok na rin sa mundong pinasok ni Zeus?!?
"Malamang magwawala yun. Galit na galit na nga siya nung malaman niya ang ginawa mo, tapos pati si Zoi gagaya pa? Nako, baka atakihin na yun sa puso. Buti nalang at hindi matutulad sa inyo si Angelo" natatawang sagot ko.
"Isa pa yun, sigurado akong namimiss na ni Zoi si Angelo, lalo pa't papasok siya sa Shi nang di nakakauwi si Angelo"
"Wala tayong magagawa. Hindi natin pwedeng sunduin si Angelo sa lolo niyo dahil unang una, hindi ka pwedeng makita ng lolo mo. Pangalawa, paniguradong iiyak yung si Angelo kay Zoi. Alam mo namang ayaw nun ng iniiwan siya. Tsaka baka pigilan ng lolo mo si Zoi kapag nalaman niya agad, sasama loob ng lolo niyo kapag sinuway siya ni Zoi nang harapan, parang ikaw pa man din yung kapatid mo, once na makapagdecide, hindi na nababago" sagot ko.
"Alam niya tanga!" masungit na sabi niya.
"Huh?"
"Alam niyang one of these days, kailangan ng magdecide ni Zoi. Alam rin niya ang pagtanggi ko sa posisyon na yun eh. Kaya nga sinama niya si Angelo eh, hindi naman niya kukunin si Gelo satin kung alam niyang hindi kailangang magdecide ni Zoi. All he wanted is that we would chose the path we'd want without anything holding us back. Ayaw niyang piliin namin tong landas na pinipili namin ni Zoi pero ayaw niya ring pangunahan kami. Umaasa rin kasi siyang iba ang pipiliing landas ni Zoi"
"Alam naman pala niya eh, bakit umaasa pa siyang magkaiba ang landas na pipiliin niyo ni Zoi? Na hindi siya tutulad sayo?"
"Because he knew that even though we are twins, Zoi and I have different lives. I have the life of my own and so does Zoi. We have our own lives to live. He raise us that way" sagot niya habang nakatulala sa kawalan.
"Ano palang balak mo? Magpapakita ka ba Zoi bago siya pumasok dun?" tanong ko.
"I want to. And I know Zoi needs to see me before she enters hell, so yeah, magpapakita ako bago siya pumasok dun"
Napangiti ako. Dami pang sinasabi nito gusto lang din namang makita kapatid niya.
"What's up with the creepy smile, dude?!?" agad akong umiwas ng tingin at umiling. Tatamaan ako dyan kapag inasar ko yan, brutal pa man din yan.
"Tss" yan lang ang sinabi niya at nanahimik na. Ilang segundo na naman kaming tahimik bago ako magsalita.
"Nga pala dude, tingin mo may magtatangkang manligaw kay Zoi sa loob ng academy na yun??"
"Subukan lang nila. Papatayin ko sila sa oras na malaman kong may magtangka" seryosong sabi ni Zeus.
Napangiti ako habang nakayuko. Buti nalang over protective tong si Zeus sa kapatid niya, walang nanliligaw kay Zoi. Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. Panghugot lang ng lakas ng loob.
"Eh tol, pano kung ako--" natigilan ako nang paglingon ko sa tabi ko, wala na akong katabi. "Zeus? Zeus san ka na naman nagpunta?!? H*yuf ka talaga! Para kang kabute!" walangyang yun! Iniwan na naman ako ng h*yuf!!! -_-
*blag
Napalingon ako nang marinig kong sumara ang pinto ng bahay namin. Langya, pumasok na pala sa loob!
Zoi's POV
"Sis, sigurado ka bang lahat ng kailangan mo nasa bag mo na??" pangsampung tanong ni Zeus sakin ngayong oras na toh!
"Bro, ilang beses ko bang dapat icheck ang bag ko? Nandun na nga lahaaaaat" iritang sigaw ko. Mababaliw ako sa kakambal kong toh. Jusko, OA eh, daig pa ko sa pagiging kabado!
"Hoy Micko, lahat ba ng bag ni Zoi nasa kotse na??" sigaw ni Zeus kay Micko na nakasandal lang sa may pinto at inip na nanonood samin.
"Andun na, langya ka Zeus, bestfriend mo ko, hindi mo ko alipin! Makautos ka huh!" iritang sabi naman ni Micko tapos nagcross arms pa.
"Uy Bro, san mo ba nakuha yung kotse na yun?? Baka ninakaw mo yun ako mismo papatay sayo!" pashneyang toh, nung huling umuwi toh wala naman siyang kotse eh!
"Sa trabaho ko yun tanga! Wag mo ngang ibahin ang usapan! Nagbibilin ako sayo!!" sigaw niya. Ang sakit niya sa tenga, promise!

"Matagal pa ba yan Zeus? Baka malate na yang si Zoi. Magkikita naman kayo kapag nakalabas na siya run eh" -Micko
"Oo pagnakalabas na siya, kelan pa yun?!?! OA security ng academy na yun na kahit cellphone bawal! Kaya manahimik ka na dyan nang matapos na tong binibilin ko!" -Zeus
Napabuntong hininga nalang ako sabay tingala. Bakit ba ko nagkaron ng over protective na kakambal, God?!?!
"Oy Zoi! Nakikinig ka pa ba?!? Sabi ko wag kang makikipag-usap sa mga lalaki dun--"
"Tol, majority ng estudyante dun lalaki--" hindi pinansin ni Zeus ang sinasabi ni Micko at nagpatuloy lang siya.
"At mas lalong hindi ka pwedeng magpaligaw! Intindi mo?!?" -Zeus na pinandidilatan pa ako ng mata
"Oo nga Zoi, bawal yun!" pagsang-ayon naman ni Micko.
"Ah eh, pwede kong magawa yung pangalawa mong sinabi pero yung una? Pano ko naman mapapasalamatan si--" natigilan ako. Hindi nga pala alam ni Zeus yung nangyari nung isang gabi, hindi rin naman naalala ni Micko ung sinabi kong muntik na kong marape.
"Sino?! May kakilala ka sa Shi?!? Pano?! Sumagot ka Zoi!" seryosong sigaw niya.
"W-wala. Si Dr. Stein! Kasi diba siya yung personal na pumunta dito para sabihing papasok ako sa Shi Academy, kaya gusto ko siyang pasalamatan" palusot ko.
"Tss, yun lang ang pwede mong kausapin. Kahit ayokong magkaron ng utang na loob sa lalaking yun, sa kanya ka lang pwedeng magtiwala kung meron mang hindi magandang mangyari" medyo huminahon na yung tono ni Zeus kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Oh and by the way, may anim pang lalaki na pwede mong makausap" napakunot ang noo ko.
"Anim? Sino?"
"Guardians mo. Makikilala mo sila pagpasok mo ng academy. Sa pagkakatanda ko, sa iisang bahay lang kayo tutuloy kaya imposibleng magkamali ka ng makausap. Sila at si Stein lang ang kakausapin mo Zoi, sila lang at wala ng iba, nagkakaintindihan ba tayo?" tumango ako sa kanya. "And Zoi..." tinitigan niya ako sa mata kaya napatitig rin ako sa kanya. "If you happen to see him inside, don't talk to him, please, promise me you won't" his eyes were pleading kaya naman wala na akong nagawa kundi tumango.
Nagulat ako nang niyakap niya ako nang sobrang higpit. "Take care of yourself there Sis. I'm sorry if I'm selfish enough to make you go there by yourself" mahinang bulong niya.
"Ano ka ba Zeus?!? Kambal tayo, ito yung pinili ko kaya wala kang dapat ihingi ng sorry. Hindi ako napilitan dahil sa desisyong ginawa mo. Sarili kong desisyon ang pumasok dun, kaya wag kang magsorry"
Mas humigpit yung yakap niya. "Be careful, okay? I can't protect you inside that academy so you have to protect yourself there" dagdag pa niya sa mga bilin niya. Niyakap ko na rin siya.
"Opo" malambing na sagot ko para tumigil na siya.
"So tara na?" tanong niya. Tumayo na kami at lumabas ng bahay.
"Nga pala, Zoi oh" iniabot sakin ni Micko ang cellphone niya kaya naguluhan ako.
"Anong gagawin ko rito?" takang tanong ko.
"5... 4... 3... 2..." pagbibilang niya habang nakatitig sa cellphone niyang hawak hawak ko. "1!" pagkasabi niya ng 1 biglang tumunog ang cellphone niya kaya napatingin pati si Zeus sa hawak ko.
Naguguluhan man, sinagot ko nalang yung tawag.
"Hello?" alanganing bungad ko.
[Zoi?] biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na yun. Napatakip pa ako sa bibig ko, pinipigilan kong maluha.
Ang tagal ko na siyang hindi nakikita, miss na miss ko na siya. Hindi siya madalas magsalita dahil tahimik lang siyang bata pero ngayon, heto siya at kausap ko!
"Gelo!" mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya.
[I uh... I heard that you'll be gone for a while so I guess we won't be seeing each other longer] gusto kong magbunyi dahil ang haba ng sinabi niya pero mas nalulungkot ako kasi malungkot ang boses niya.
"Babalik agad ako. Kaya promise mo sakin, pagbalik ko rito, andito ka na din" pagdedemand ko.
[I promise. But promise me that you'll take care of yourself huh] sagot naman niya.
"Oo naman! Pareho talaga kayo ni Zeus, yan din paulit ulit niyang sinasabi eh" natatawang sabi ko kahit naiiyak ako.
[You're with him?] gulat na tanong niya.
"Oo"
"Hey Gelo, kuya's here! Ako nalang muna maghahatid kay Zoi sa school huh. Pakabait ka nalng muna dyan" singit namang bigla ni Zeus.
[Take care of her!-- Oh, I gotta go guys, gramps' already looking for me, bye!] sigaw niya tapos naputol na yung tawag.
Naglakad na kami papuntang kotse ni Zeus.
"How did you manage to get him on the phone Micko?" takang tanong ni Zeus.
"Lahat gagawin ko para kay Zoi-- aray ah!!" binatukan kasi siya ni Zeus. Haha.
"Ano nga? Tsaka mukhang alam niya na di pwedeng malaman ni tanda yung nangyayari?" -Zeus
"Pinapunta ko si Marco dun, pinaexplain ko rin kay Angelo yung sitwasyon kaya alam talaga niya lahat" paliwanag ni Micko.
Natigilan si Zeus sa paglakad kaya napatingin kami ni Micko sa kanya.
"Zeu--"
"Michael Angelo Martinez!! You did what?!?! Alam mong delikado magpakita kay tanda!! Pwedeng mapahamak si Marco kapag nakita siya ni tanda!!" galit na sigaw ni Zeus kay Micko.
"Chill dude! Sinabihan ko naman si Marco na mag-ingat. Tsaka hindi naman siya kilala ng lolo niyo tulad ng pagkakakilala niya satin" taas kamay na sabi ni Micko, syempre galit na si Zeus kaya dapat maingat na sa mga sasabihin at mga kilos noh.
"Bro, kalma. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kaibigan niyo. OA ka, tsaka di naman ganun kasama magpakita kay grandpa" pagpapakalma ko sa kanya.
"Kung alam mo lang Zoi--" natigil yung sasabihin ni Micko kasi inambahan siya ni Zeus. Kulit nitong dalawang toh.
Napailing nalang ako at pumasok na sa kotse. Bahala silang dalawa dyan.
~~~
After ng halos isang oras na pagdadrive nakarating rin kami sa entrance ng Shi Academy. Lumabas ako ng kotse, kasunod sila Micko at Zeus.
"Whoa" nasabi ko nalang habang nakatingala sa mataas na pader na nagsisilbing harang sa outside world at sa loob ng academy.
Napapalibutan ang buong academy ng sobrang taas na pader. Sabi sa inyo OA security ng school na toh eh. Yan rin ang dahilan kung bakit natawag ang Shi Academy na City within a City. Kompleto na kasi sa loob yan, may mga apartment, mall, park, etc., at sa pinakagitna ng pabilog na pader ay ang mismong Shi Academy.
"Kita mo yan? Hindi ako magdadalawang isip akyatin yan makapasok lang ng school niyo, once na malaman kong may nanliligaw sayo" seryosong sabi ni Zeus sa tabi ko. Natawa tuloy ako. "Wag kang tumawa, seryoso ako. Kaya wag mo ng tangkaing pahirapan ako Zoi Rodriguez!" pananakot niya sakin. I clinged on his arm and rested my head on his shoulder.
"Seloso ka talaga eh noh Zeus?" malambing na pang-aasar ko sa kanya.
"Loko! Ayoko lang na iiyak ka nang wala ako sa tabi mo" ginagalaw niya ang balikat niya para sabihing tanggalin ko na ang ulo ko pero nanatili ako sa pwestong yun.
"Awww, ang sweet mo talaga Bro!" malakas na sabi ko.
"Tss" yan lang ang sagot niya tapos tumalikod na siya sakin kaya natanggal niya ako sa kanya.
Tumingala ulit ako sa mataas na pader na nakapalibot sa mundong papasukin ko. My life is about to change. Kinakabahan ako, pero excited at the same time.
"Zoi" napalingon ako at nakita ko si Zeus na bitbit ang bag ko.
"Hm?"
"You never told me why you agreed to enter this hell. I mean, besides wanting to know what our useless father did for a living" kunot noong tanong ni Zeus.
"I wanna be the boss of the famiglia" nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Zeus pati na rin kay Micko.
"Why?" nagtaka ako nang maging dark ang mga mata ni Zeus habang tinatanong yan.
"Akala ko ba ayos lang sayo ang simpleng buhay? Na kahit hindi kayo mayaman okay lang sayo?? Gusto mong maging boss?? Bakit Zoi? Para hindi na kayo maghirap ulit??" mapanghusgang tanong ni Micko pero nginitian ko siya.
"Wala akong pakielam sa pera. Simpleng buhay lang naman talaga ang gusto ko eh. I wanna be the boss, simply because by becoming one, I'll have all the freedom in the world! Hindi na natin kailangang umiwas sa nakaraang tinakasan natin--"
"The past we escaped from is exactly the future you're about to accept Zoi" seryosong sabi ni Zeus.
"Kung yun ang kailangan para maging malaya ka, tayo, tatanggapin ko yun ng buong buo Zeus. Ayoko ng mamuhay nang lagi kang wala sa tabi ko. Gusto ko lagi na tayong magkakasama nila Angelo. Nang wala ng bawal! Wala ng kinatatakutan. Wala ng iniiwasan" nakangiti pa ring paliwanag ko.
"Even if you become the boss, iiwasan pa rin natin ang lalaking yun Zoi. Hindi na magbabago yun--"
"Babaguhin ko, Zeus" natigilan siya sa mabilis kong pagsasalita. "Mababago ko yun dahil kapag nagkaron tayo ng kalayaan, hindi mo na kailangang matakot kung babalik siya sa buhay natin"
Napabuntong hininga nalang siya dun. "I never seem to win against you Zoi" pagsuko niya.
Iniabot niya sakin ang mga bag ko. Kinuha ko naman ang backpack ko pati na rin ang medyo maliit na maleta sa kanya.
"I beeter get going" malungkot na sabi ko pero pinilit ko pa ring ngumiti.
Nagulat ako when Zeus lean down and kissed me on my forehead. "Take care of your self Zoi. We're twins, if something bad happens to you, I'll know it" mahinang sabi niya.
"Aye sir" sagot ko naman.
"See yah when I see yah" pilit ang ngiting sabi ni Micko. Ngumiti ako sa kanya bago tumalikod sa kanilang dalawa.
Once again, tumingala ulit ako sa malaking pader sa harap ko saka ako huminga ng malalim.
Get ready Zoi, the moment you set foot inside this school, is the moment you'll be into a new world.
— 新章節待更 — 寫檢討