下載應用程式
98.73% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 78: EPILOGUE

章節 78: EPILOGUE

My Demon [EPILOGUE]

 

"Congratulations, graduates!"

Nagtayuan ang lahat pagkatapos ng anunsyong iyon at nagpalakpakan. Hindi maipinta ang mga ngiti ng mga taong narito. Mapa-estudyante man, mga guro, mga magulang at maging ng mga bisita.

Nilapitan ako ni Johan at cinongratulate ako. Sakto nasa tabi ko si Mama kaya kinunan niya kaming dalawa.

"Pahingi ako ng copy, ah?" nakangiting sabi ni Johan.

"Oo naman."

Si Angelo naman ang sumunod na sumugod. Ginawa pa niyang photographer ang nanay ko, na tatawa-tawa lang. Nagpa-picture siya kasama si Johan. Nakayakap pa siya dito. Pagkatapos, kaming tatlo. Si Johan ang ginitna ni Angelo kasi siya lang daw ang naiiba. Siya lang daw ang lalaki sa'ming tatlo.

"Picturan ko kayo, Tita," suhestyon ni Johan.

Binigay sa kanya ni Mama ang camera. Paglapit sa'kin ni Mama, sinabit ko sa leeg niya ang pinakamalaking medalya sa limang natanggap ko. Niyakap ako ni Mama saka kami pinicturan ni Johan. Hindi natinag si Angelo, nag-request pa siya ng isang shot na kaming tatlo nila Mama ang magkakasama. Nakayakap kaming dalawa ni Angelo kay Mama.

Nagsilapitan ang mga classmates ko at binati rin ako. Nagpasalamat ako sa kanila at nag-excuse dahil may pupuntahan ako. Iniwan ko sila doon na masayang nagkwekwentuhan. Naglakad-lakad ako at hinahanap si Demon. Ang boyfriend ko. Hihihi. Hindi ko talaga maiwasang kiligin everytime na nababanggit kong boyfriend ko na siya. Mentally man o spokable.

Patingin-tingin ako sa paligid kaya hindi ko napansin na may nakasalubong akong tao. Nabunggo ko ang balikat niya.

"Darn. Ang liit mo talaga. Ang hirap mong hanapin," insulto pa niya.

Hindi ko na pala kailangan pang hanapin ang taong hinahanap ko. Dahil kusa siyang dumating.

"Congrats, Demon!" Niyakap ko siya. May narinig akong tunog ng flash kaya napatingin ako sa gilid.

Si Khaisler, may dalang camera. Naka-poker face pa siya na halatang napipilitan lang sa ginagawang pagkuha saamin ng litrato.

Tumingala ako kay Demon. Nakangisi lang siya habang mahinang natatawa dahil sa itsura ng kapatid niya.

"Nasaan si Mama? Kanina pa siya hinahanap ni Mommy."

Ayeee! Mama na din ang tawag niya sa mama ko. Hihi. Ano ba 'to. Sobrang saya lang. Oo nga pala, doon kami magce-celebrate sa mansyon nila. Gusto pa nga ni Tito Romeo sa labas mag-celebrate, kaso dahil likas na mapamahiin ang parehong nanay namin ni Demon, tumutol ang mga ito. Delikado daw kasi kaka-graduate palang namin. Lapitin daw sa disgrasya. Magulang ni Demon ang nagplano tungkol dito: na pag-isahin nalang ang graduation celebration naming dalawa ni Demon . . . since kami na daw. Hihihi. Ano ba! Nag-iinit ang pisngi ko ha.

"Ako na maghahanap," walang ganang pagprisinti ni Khaisler. Tinapunan kasi siya ng kakaibang tingin ni Demon. Napipilitan lang ang batang 'yan. Lumapit siya sa'kin at sinabit sa leeg ko ang tali ng DSLR along with my medals. "Picturan niyo sarili niyo," bagot na sabi niya at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. Lahat ng mga babaeng nadadaanan niya ay napapalingon sa kanya. Gwapo naman kasi si Khaisler. Parang yung mga kuya niya. Yun nga lang, suplado atsaka bata pa.

"Twelve palang yung kapatid ko pero magkasinglaki na kayo."

Bumalik ang atensyon ko kay Demon. As usual, nakangisi pa rin siya. Nag-pout ako.

Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos sabay kaming naglakad. Pero bago ang lahat...

"Demon, may tanong ako sa'yo."

"Ano yun, kulot?" Hindi niya ako nilingon. Patuloy lang siya sa paghila sa'kin, na nagpapatinaod naman sa kanya.

"Demonyo ka ba?"

There. He stopped dead on his tracks. Marahan niya akong nilingon na may nakamamatay na tingin. Ang dilim ng titig niya at nasaksihan ko kung paano mag-clench ang mga panga niya.

"WHAT DID YOU JUST SAY?!"

Hinablot niya ang graduation cap ko at binato sa kung saan. May narinig pa akong nag-outch sa likuran ko.

"Ask hindi say," pagkokorek ko sa kanya.

Hinawakan niya ko sa balikat at hinila palapit sa kanya. "Want me to punch your lips for slipping that words?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. My knees trembled. Ang bago niya. LOL. Anong konek?

"With my lips?" he continued. Kuminang ang mga mata niya. Natulala ako sa ganda ng mga ito. Bumaba ang tingin niya sa labi ko, napakagat labi siya. Ang . . . ang sexy niya talaga! Rawr!

Tinulak ko siya. Ang PDA e. "Tanong mo kasi kung bakit."

"Hindi ako utu-uto."

"Demon, naman eh! Sige na." Nag-pout ako at nag-sparkle eyes.

Natulala siya at nasaksihan ko kung paano siya napalunok. Nag-iwas siya ng tingin. "B-bakit?"

Waaah! Yahoo! Yahoo! Ngayon ko lang nakitang nag-stutter si Demon! Ang saya-saya! Sana pala na-videohan ko. Kaso, hindi ako maalam gumamit ng DSLR e. Hehehe.

Hinawakan ko siya sa pingi para iyuko ng kaunti paharap sa'kin. Nilapit ko ang mukha niyang medyo namumula sa mukha ko. Jeeeez! Ang gwapo gwapo ng boyfriend ko. Lalo na ngayong nagba-blush siya. Ang sarap pupugin ng kiss.

"Demonyo ka ba?" muling tanong ko.

Agad nagbago ang ekspresyon niya. Bumalik ang dilim ng mukha niya.

Lalayo siya kaya diniinan ko ang pagkakahawak sa mga pisngi niya. Kanina sabi ko ang PDA niya, pero ngayon heto, ako ang nagp-PDA.

"Because you trapped me with your spell, and made me fall in love deeper than hell. I love you, my Demon!" Kiniss ko siya sa cheek.

Sandali siyang namutla pagkatapos nag-red yung mukha niya lalo na yung mga tenga niya. Wahahaha. Ang kyut kyut.

Inalis niya ang mga kamay ko sa mukha niya saka umayos ng tayo. "Si Soyu ka ba?"

Aba, pumipick-up din. Go. Game ako dyan. "Bakit?" Kumurap-kurap ko, yung nagpapa-cute. Ganito din ang pagkakabigkas ko noong tinanong niya kung roller coaster ba ako.

"Ang liit mo kasi e," asar niya na sinundan ng malakas na tawa.

Napangiwi ako. Ang ganda ng pick-up ko sa kanya tapos ayan ang kapalit? Ayos!

Wala e. Siya si Demon. I wouldn't expect him to be sweet and all just like the ordinary perfect boyfriend. My Demon's extra-ordinary. Hindi ko pa siya boyfriend, sweet na siya, caring, at protective in his own. Tinatago niya ang mga iyon sa mapang-asar at mapang-insultong paraan. He's not a showy person at all.

Kinuha niya ang kamay ko at tinaas. "Naabot ko na ang pangarap ko," masayang sabi niya habang nakatingin sa mga kamay namin.

Kahit iba ang treatment sa'kin ni Demon, kahit ibang klaseng way ang pagiging boyfriend niya sa'kin, at kahit mas maganda ang treatment niya kay Jia na talaga namang pinagselosan ko noon, I would never trade his treatment with me to Jia's if I would be given a chance. Weird pero masaya ako sa pangbubully niya sa'kin, sa pang-aasar and all the annoying moments we shared.

I don't and would never expect him to treat me like a princess, and him acted like a prince. He is him. My Demon. I love him with all his flaws and all the bad things about him.

END


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C78
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄