My Demon [Ch. 75]
Nagpunta si Jia sa school kanina. Nagulat pa ako nung nalaman kong ako ang hinahanap niya. Humingi siya sa'kin ng paumanhin. Sabi ko naman hindi siya dapat mag-sorry kasi dahil sa ginawa niya, natauhan ako. Dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya e.
Mabait talaga siya. Siguro nagawa niya lang akong patirin noon ay dahil sa emosyon niya. Pagkatapos, nagkwentuhan kami tungkol sa anu-ano. Ramdam kong iniiwasan niyang mapag-usapan namin si Demon. Mabuti na iyon. Ayokong mapag-usapan ang pag-alis ni Demon kasama siya.
Seryoso, naiinis ako kay Demon. Kasi naman nagtapat na ko sa kanya, kung kailan pwede nang maging OK ang lahat, saka pa siya aalis. At isa pa sa nakakainis ay yung hindi siya nagpapakita sa'kin. Ni hindi manlang nagpaparamdam. Nakakainis, diba? Masyadong nagpapa-miss.
Kinabukasan, hindi ako pumasok. Wala na naman kasing ginagawa sa school. Tapos ko na naman ang mga requirements ko. Karamihan nga sa mga kaklase ko including Angelo hindi rin pumasok. Mga nagre-ready daw sila para sa graduation ball na gaganapin next week sa isang elite hotel. Speaking of that event, hindi ko alam kung makakapunta ako. May magandang gown akong maisusuot na matagal ng pinaghandaan ni Mama. Para kasing tinatamad ako. Walang gana. Wala naman kasi ang taong gusto kong makita doon.
Pero may part rin naman sa'kin na gustong pumunta. Syempre, bihira lang ang ganitong moment. Atsaka, pinaghandaan kasi ni Mama yung susuotin ko. Pinag-ipunan niya talaga ito kaya nakaka-guilty kung hindi ko gagamitin.
Kanina ko pa hawak itong phone ko. Nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba si Demon o hindi. Ngayon na kasi ang flight ni Jia, nila, papuntang Paris.
Bahala na nga. Gusto ko siyang makausap. At pigilan na rin.
Pagkatapos ng isang ring, sinagot niya agad. Ang lakas siguro ng pakiramdam niya na tatawagan ko siya. Na hindi ko siya matitiis.
"Yes, baby?" sabi ng kabilang linya. And I imagined him grinning from ear to ear.
"Baby mo mukha mo!"
Nag-chuckle siya. Biglang nawala ang inis ko sa kanya. Nakakainis lang!
"Nasa'n ka?" Humina ang boses ko.
"Airport."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.
"Hindi ka na ba mapipigilan?" malungkot ngunit may halong pag-asang tanong ko sa kanya.
"Di na. Nandito na ko e."
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Sige, mag-iingat ka."
"Ikaw ang mag-ingat," aniya. "Kapag nagkita tayo ulit, ayokong may makikita ako sa katawan mo kahit simpleng galos lang. You take care of yourself."
"Wag ka na kasing umalis," medyo garalgal na wika ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang luhang kanina lang ay namumuo sa gilid ng aking mga mata.
"Umiiyak ka ba?" Bakas sa tono nito ang pag-aalala.
"Hindi," pagsisinungaling ko. Epic pa dahil nag-sniff ako. Hinila ko ang kumot na nasa gilid ko at pinangpunas iyon sa luha ko.
"D*mn. Wag ka ngang umiyak." May binulong siya kaso hindi ko maintindihan. "Where are you, by the way?"
"Sa bahay. Bakit?" Pinilit kong makasagot ng maayos. Puntahan mo ko dito. Wag ka ng umalis, please.
"Just wanna make sure Johan's not around. Baka yakapin na naman niya ang mundo ko." Mahina ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap pero vivid sa pandinig ko.
Umiiyak man, napangiti ako. "Wag ka na kasing umalis, Demon."
"Nandito na ko," katwiran niya. Nasa airport na siya, wala ng atrasan.
"Bahala ka dyan! Pagbalik mo may boyfriend na ko."
"And then?" Nakikita ko ang ngisi niya.
"Mas gwapo pa sa'yo. Sinisiguro ko sa'yo yan!"
"Really?" Tumawa siya. Ano ba yan. Hindi ba siya naapektuhan? Magselos ka naman! "Well, good luck nalang sa'yo kung makahanap ka ng mas gwapo sa'kin." I heard his smirk.
Napakahambog mo talaga! Kaya kita mahal e. Asarrr.
"Si Johan." Pagkasabi ko nun, tumigil ang pagtawa niya. Tumahimik ang kabilang linya ng sa tingin ko ay tatlong segundo.
"What?!" Galit. Hihi. Wala talaga siyang ibang pinagseselosan kundi si Johan.
Now, it's time for me para ngumisi. Kala niya, huh! Ayaw pa kasing hindi umalis.
"Si Johan," ulit ko sa tonong casual. Pero sa loob loob, natatawa ako kasi naiimagine ko ang kilay niyang magkasalubong. "Pwede ko siyang maging boyfriend."
"You dare!" Nakikita ko ang mga mata niyang nanlilisik. Napahagikgik ako. "Sinabi mong ako ang gusto mo, diba? So what kind of shit you were talking about?!"
"Ikaw nga ang gusto ko. Pero. . ." Bumalik ang lungkot sa sistema ko. ". . . aalis ka naman."
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Do what makes you happy. It'll make me happy, too."
Na-disappoint ako sa sinabi niya. Parang nanghina ang buong katawan ko. They say pinaglalaban ang love. Pero bakit ganito siya? At ano ang dahilan niya para sumama kay Jia? Siguro naman hindi siya basta-basta sasama dito nang walang malalim na dahilan, hindi ba?
"Demon," tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"I'll miss you," pagtatapat ko sa kanya.
Ilang sandali bago siya sumagot. "I already miss you now."
Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Nakakainis naman e.
Narinig ko ang boses ni Jia. Tinatawag na daw ang flight nila.
"Kailangan ko ng ibaba ang tawag. Bye, Soyunique Sarmiento. I love you."
"I─" Hindi ko na nasabi ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya.
"Makaalis na nga. Di na ko nakaalis-alis." Ginulo niya ang buhok ko para lalo akong inisin. Pagkatapos, tuluyan na siyang umalis.