My Demon [Ch. 73]
Pagdilat ng mga mata ko, nalaman kong nagbago ang posisyon namin. Kung kanina si Demon ang nakasandal sa'kin, ngayon ako na. Ang isa niyang braso ay nakapulupot pa rin sa bewang ko.
Nakatulog pala ako. I mean, kami. Nakapikit siya at mukhang natutulog. Tss. Ganyan din siya kanina e. Inangat ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya at kinaway-kaway. Wala siya reaksyon. Siguro tunay siyang natutulog ngayon. Hindi nagtutulog-tulugan. May awang kasi ang labi niya.
Dahil sa natutulog siyang tunay, may naisip ako. Hindi naman siguro ako magmumukhang manyak sa gagawin ko.
Dahan-dahan kong kinilos ang mga braso ko para hindi siya magising, pagkatapos niyakap ko siya sa bewang. Kyah! Pumikit ako ng mariin at kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang kilig. Gravity, kinikilig ako! Hihihi. Ang sarap talaga yakapin ni Demon. Ang gwapo-gwapo na, ang bango-bango na. Hihi.
Oha? Ang swerte ko, 'no? Nagagawa kong maging malapit ng ganito kay Keyr Demoneir Fuentalez. Hindi lang 'yon, nagagawa ko pa siyang yakapin. Hihi. Ang cute cute ko talaga!
Ngayon lalo kong napatunayan na dapat hindi ko ipinamimigay ang taong gusto ko. Tama si Tito Romeo, malakas ang alas ko kasi parehas kami ng nararamdaman ni Demon. So what's the point na ipamigay ko siya? Akala ko kasi si Jia ang mas matimbang. Hay. Heto na naman ako sa kaka-akala. Higit pa dun, gusto ko si Demon. Gusto ko siyang maging boyfriend. Gusto kong maging akin siya. Parang ang posessive ng dating nung huli ah.
Binigyan talaga ako ni Tito Romeo ng peace of mind. Lalo na doon sa sinabi niyang, "Kung yung iba halos maghabol na mapunta lang sa kanila ang taong gusto nila, ikaw naman parang pinagtatabuyan mo, pinamimigay sa iba."
Hindi ko na iintindihin ang mga nega side comments ng ibang tao. Wala na rin akong pakialam kahit na napagkakamalan akong baby sister lang ni Demon kapag magkasama kami. At wala na akong pakialam sa mga taong eepal. Ang mahalaga, pareho kami ng nararamdaman ni Demon. And that's what matters.
May kumanta. Medyo nagulat ako pero nanatili ako sa pwesto ko (ang sarap nga kasi sa feeling). Yung phone pala ni Demon yung kumakanta. Aalis na sana ako sa posisyon ko kaso huli na. Gising na siya.
Marahan niyang kinukuha ang phone na tumutunog sa bulsa ng pants niya. Lumipat ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko papunta sa balikat ko, inakbayan niya ko.
Ngayon ako naman ang nagkukunwaring nagtutulog-tulugan. Kasi naman nakakahiya kaya! Sabihin niya minamanyakan ko siya. Kaya nagtutulog-tulugan nalang ako dahil pwede kong idahilan na hindi ko alam ang ginagawa ko kasi nga natutulog ako. Hindi naman niya ako mahuhuli kasi nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.
Imagine our position? Para kaming mag-jowa. Hihihi.
"Jia," sabi niya.
Si Jia pala ang tumatawag. Hmp! Di bale, kausap lang siya sa phone. Ako, nakayakap mismo kay Demon. Wahahaha.
"Yes, nandito pa rin ako sa school . . . Hmm-mmm . . . Wala naman . . . Ah, oo. May kasama ako. Eto nga o, minamanyakan ako."
Gusto ko siyang sabunutan kaso umaarte nga pala ako na nagtutulug-tulugan. Manyak daw ako?! E, sino kaya itong nauna?
Tumawa siya. Sobrang bihira niyang tumawa kaya nga ang saya-saya ko kapag napapatawa ko siya lalo na't ganyan kalakas. Nakakaselos lang na may ibang babaeng nakakagawa nun.
"Kilala mo na kung sino." Pinisil ni Demon ang braso ko. "Sa isang babae lang naman ako nagpapamanyak." Tumawa na naman siya. This time, mas malakas. Halos naaalog na yung ulo ko sa paggalaw ng tiyan niya.
Hindi ako shunga para hindi ma-gets ang sinabi niya. Ako yung tinutukoy. Ay . . . ayeee! Hihihi. Demon talaga! Palagi nalang ako pinapakilig. Sa'kin lang naman daw siya nagpapamanyak. Hihihi. Langya siya ha! Mukha ba talaga akong manyak?
Pero teka, si Jia yung kausap niya, right? Hindi ba siya nagseselos?
"Ngayon? Nandyan ka na? . . . Sure. Wait me there."
Naramdaman kong binabalik na niya yung phone sa bulsa ng pants niya.
"Tigilan mo na nga yang pag-iinarte mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Oh noes! Don't tell me alam niyang nagkukunwari lang akong tulog?
"Pwede mo naman akong manyakan nang hindi nagtutulog-tulugan e."
Tutal alam na naman niyang nagtutulug-tulugan lang ako, hinarap ko na siya. Hinampas ko siya sa dibdib, pero gaya ng madalas, parang wala lang sa kanya. Malangya ba ko manghampas?
"Di kita minamanyakan! Epal 'to."
Umayos ako ng upo at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
"Talaga?" He sounded amuse. "So, anong tawag mo dun? Nilalasap mo lang ang katawan ko?"
"Eh! Hindi nga kasi!" pagmamaktol ko.
Tinawanan niya lang ako.
"I have to go," sabi niya matapos kumalma.
Pinat niya ang ulo ko bago tumayo.
"T-teka, saan ka pupunta?" may bahid ng taranta sa boses ko.
"Sa pupuntahan," pilosopong sagot niya. "Pa-kiss nga."
Hindi pa ako nakakapag-react sa sumunod niyang sinabi, nag-bend na siya at hinalikan ako sa pisngi.
"Ikaw ah!" Dinuro ko siya. Hindi ko pa siya boyfriend pero . . . ugh! Siya 'tong manyak e!
"Bakit?" sarcastic na tanong niya. Nakatayo pa rin siya sa tapat ko habang ako nakaupo pa rin at nakatingala sa kanya.
"Umalis ka na nga!"
"OK." At talagang tumalikod na siya. Aba naman! Grr! Nakakainis siya! Hindi ba niya na-gets ang gusto kong ipahiwatig? Pinapaalis ko siya, pero ang totoo ayoko.
Tumayo ako, hinubad ang isang sapatos at binato yun sa kanya. Sakto sumapol sa ulo niya. Sa napakatigas niyang ulo.
"ANO NA NAMAN BA?!" galit na sambit niya pagkapihit paharap sa'kin.
Awww. Na-miss ko yang line niyang yan. Pati din yung masamang tingin na binibigay niya sa'kin. Hihi.
Lalong sumama ang tingin niya nung humagikgik ako. Iniisip niya marahil na pinagtatawanan ko siya.
"Saan ka nga kasi pupunta?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Kapag sinabi ko bang si Jia ang makakasama ko, magseselos ka?" Seryoso na siya ngayon.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Base sa narinig ko kanina habang kausap niya si Jia, alam ko na yun ─ na siya ang pupuntahan niya ─ pero may iba akong nararamdaman.
Pinulot niya ang sapatos ko, nilapitan ako, pagkatapos sinuot sa'kin ang sapatos na iyon. Feeling ko tuloy ako si Cinderella.
Pagtayo niya, tinitigan niya ako ng ilang segundo bago sumagot. "Tapos na ang bakasyon ni Jia dito sa Pinas, babalik na siya sa Paris."
"At . . . kasama ka?" Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kinakabahan ako. Please. Sana mali ang naiisip ko.
Tumango siya dahilan upang bumagsak ang mga balikat ko. "I gave her my promise na samahan siya."
Sa pagkakatanda ko sa kwento sa'kin noon ni Tito Romeo, nag-migrate sa Paris ang family ni Jia including her. They're staying there for good. Ibig ba nitong sabihin pati na rin si Demon?
Hi there! Let's keep on praying for everybody's safetyness knowing that the coronavirus is spreading fast all over the world.
Transitioning to the story, malapit na po ang ending. Please let me know your feedback/thoughts to this story. Here are my accounts:
IG: _callmejenniee
Twitter: @iamgenibabe
Shoutout to Elle! She sent me a long and sweet message on IG which motivated me to update this chapter. Love you!