下載應用程式
88.6% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 70: Chapter 70

章節 70: Chapter 70

My Demon [Ch. 70]

 

Nakayuko si Demon habang pinaglalaruan ang alak na nasa shotglass. Nagsimula akong maglakad para lumapit sa kanya. Ngunit hindi pa man ako gaanong nakakalapit kung nasaan siya, biglang nagkagulo ang mga tao.

Nagkaroon ng away. Naiipit at natutulak ako ng mga taong tumatakbo na gustong makisosyo. Tumigil ang malakas na music at napalitan ito ng malalakas na kalabog. Kahit nasisiko na ng iba ang ulo ko, kahit maapak-apakan ang sapatos ko, pinagsiksikan ko pa rin ang sarili ko.

Kinabahan ako nung marinig ko ang malakas at galit na boses ni Demon. Kasunod nun ay tunog ng mga boteng nababasag at mga kalabugan. Nakipagtulakan na ako sa mga tao para lang makarating sa pinangyayarihan ng gulo.

Napatakip ako ng bibig kasabay ng panlalaki ng aking mga mata nang makita ko si Demon na nakahiga sa sahig. Apat na barako ang kalaban niya. Dim ang light pero nakikita ko pa rin na may dugong umaagos sa braso niya. Namimilipit man sa sakit, pinilit niya pa ring bumangon. Ginantihan niya isa-isa ang apat ng malalakas na sipa at suntok.

Samantala, na-corner siya ng tatlo kaya nasaktan siya ng isa dahilan ng muling pagkatumba niya.

"Ano, lalaban ka pa?" may angas na sabi ng lalaking nanakit sa kanya.

Imbes na magmakaawa sa apat, ngumisi pa siya ng palaban na ikinagalit lalo ng isa.

Nilapitan niya si Demon, hinawakan sa kwelyo, tapos sinuntok ng malakas. I bit my lowerlip. Ako ang kinakabahan para kay Demon. Kanina lang nananahimik siyang nakaupo sa stool bar, tapos ngayon bigla nalang siyang may kaaway?

Dumura ng dugo si Demon at sinabing, "You fuckin' hit like a woman."

Ang sarap niyang batukan, swear! Lalo lang niyang pino-provoke ang mga kalaban niya.

Sumugod na naman ang parang leader sa apat. Hindi na ako nakatiis, tumakbo ako palapit sa lalaking yun pagkatapos pinagpapapalo ang likod niya.

"WAG MO SIYANG SASAKTAN! UNGGOY KA! UNGGOY KA!" Patuloy pa rin ako sa paghampas sa kanya.

Nilingon niya ako. "Sino ka ba, ha?"

Nagulat nalang ako nung tinulak niya ko ng malakas. Kung hindi lang sa taong sumalo sa'kin malamang nabagok na ako sa sahig.

"Sinira mo ang plano ko, alam mo yun?" sabi pa ni Demon na hanggang ngayon ay nakaalalay pa rin sa'kin.

Pinwesto niya ko sa likuran niya. "Pikit," utos niya.

Pumikit ako. Nakarinig na naman ako ng malalakas na kalabog at hiyawan ng mga tao. Maya-maya, may narinig akong nag-awat. Pagdilat ko ng isang mata, nalaman kong sila pala yung dalawang bouncer na nagbabantay kanina sa labas.

Nakaharap sa'kin ang likod ni Demon. Base sa pagtaas-baba ng balikat niya, halatang hingal na hingal siya. Yung apat naman namimilipit na sa sahig, hindi na makatayo.

Binitbit ng dalawang bouncer yung apat at sinabihan nila ang mga ito na banned na sila dito sa bar. Nagtaka pa ako nung nanghingi ang dalawang bouncer ng paumanhin kay Demon. Hindi rin ba nila papagalitan si Demon kasi kasama ito sa nakipag-away? Ay, baka tropa sila.

Nung makaalis na ang bouncer hila-hila ang apat, hinawakan ako sa braso ni Demon tapos kinaladkad palabas ng bar. Nakatingin lang ako sa braso niyang may namumuong pasa at may sugat na may tumutulo pang dugo. Aruy. Wala ba siyang sakit na nararamdaman? Ang sakit kaya magkasugat, pero parang wala lang sa kanya.

Tuwing nakikipaglaban talaga siya yung braso niya ang pinakanapupuruhan. Pa'no, ginagawa niya itong shield para hindi matamaan ang mukha niya.

Paglabas namin ng bar, binitawan na niya ako. Mabilis siyang maglakad kaya nag-half-walk half-run na ako.

"Nakita mo na naman ako sa ganitong sitwasyon," aniya nang nasasabayan ko na siya. Binilisan pa niya lalo ang lakad niya. Kinailangan ko pang tumakbo upang masabayan na naman siya.

"Demon," tawag ko sa pangalan niya.

Hindi niya ko pinansin. Patuloy lang siya sa paglalakad ng mabilis. Yung takbo ko, lakad lang niya. Edi siya na may mahabang legs!

Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa maabutan siya. Niyakap ko siya ng patalikod. Natigilan siya, at ramdam ko ang pagbuntong-hininga niya.

Tahimik lang kami pareho habang nasa ganitong posisyon nang magsalita siya.

"Ito yung dahilan kung bakit ayaw mo sa'kin, di ba?" Mahina at malungkot ang boses niya. "Basagulero ako. Tarantado. Hindi katulad ni Johan."

"Hindi totoo yan."

Kahit ano ka pa, Demon, gustong-gusto pa rin kita. Gusto kong sabihin iyan kaso ayaw makisama ng bibig ko. Naiiyak ako. Dahil sa'kin nagkakaganito si Demon.

Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa bandang tiyan niya. Aalisin niya ang mga ito kaya naman lalo ko siyang niyakap ng mahigpit and pressed my cheek against his back.

"Hindi ka basagulero─ medyo lang. Pero hindi ka tarantado. At kahit gaano ka ka-imperfect . . . I . . . I don't hate you." Sheet of paper! I'm almost there na eh!

***

Pinagbuksan ako ni Sam ng pinto sa bahay nila Demon, na siyang nasa likuran ko. Pagdating namin sa living room, nakita ko si Tito Romeo at Tita Juliet na palakad-lakad habang may dini-dial sa phone. Ganun din si Kuya Kyle, except kay Khaisler na nakangiti habang nagtetext.

"Anong oras na naman ba uuwi ang batang 'yon?" They were all looked worried. Well, except nga kay Khaisler na kinikilig sa katext niya.

I glanced up to Demon. Seryoso niyang pinapanood ang mga magulang niya na nag-aalala.

Siniko ko siya ng mahina. Tumingin naman siya sa'kin.

"Kita mo, pinag-aalala mo pamilya mo," pangungunsensya ko sa kanya. Para hindi na niya ulitin.

"Dati pa ko umuuwi ng wala sa tamang oras," sabi niya. Nakatingin siya ulit sa mga magulang niya na alalang-alala sa kanya. "Pero ngayon ko lang nalaman na ganito pala sila kapag wala ako." He flashed a half-warm smile.

Tita Juliet stopped pacing back and forth when she noticed me, then Demon. Nagtaka si Tito Romeo at si Kuya Kyle kung bakit natigilan si Tita kaya tumingin sila kung nasaan nakatulala ang huli. Si Khaisler naman, nakaramdam na tumahimik ang paligid kaya tumingin din siya kung saan nakatingin ang lahat. And there, lahat na sila nakatingin saamin ni Demon.

"Oh my gosh." Lalong nag-alala ang nanay ni Demon nang makita nito na may mga pasa at sugat ang anak niya.

Naluluha siyang tumakbo papunta kay Demon tapos niyakap ito. Lumayo siya, hinawakan ito sa magkabilang pisngi at sinabing, "Diba sabi ng Daddy mo sa'yo kapag makikipaglaban ka huwag mo silang hayaan na saktan ka?"

Bilib din ako kay Tita Juliet. Nagagawa pa niyang magbiro kahit naiiyak na siya.

Ngumiti lang si Demon. Alam kong gusto niyang humingi ng sorry sa magulang niya ngunit hindi niya magawa kasi nahihiya siya.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C70
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄