My Demon [Ch. 64]
Nag-text sa'kin si Demon kanina. Hindi raw siya makakasabay sa'kin pagpasok sa school kasi ihahatid niya pauwi si Jia. Doon daw kasi ito natulog sa bahay nila.
Akala ko magha-happily ever after na kami ni Demon noong birthday niya. Hindi pala. Kasi dumating na ang taong karapat-dapat na kasama ni Demon sa kanyang happily ever after.
Kung ikokompara naman kasi ako kay Jia, walang pag-aalinlangan mas bagay siya kay Demon. Sobrang ganda niya, sexy, mayaman at higit sa lahat, dalagang-dalaga siyang kumilos. Unlike me na napagkakamalang kapatid ni Demon kapag magkasama kaming dalawa.
Masasabihang "walang taste" at "cheap" si Demon kapag ako ang kasama niya. Samantalang marami ang hahanga sakanya at maiinggit kapag katulad ni Jia ang magiging girlfriend niya.
Hindi ako bagay kay Demon. May mas deserving pa para sa kanya, at si Jia iyon. Besides, katulad sa mga movie, extra lang ako sa love story nila habang wala pansamantala ang babaeng bida.
Si Jia ang nauna. Who comes first will lasts.
Nakaupo ako sa bench dito sa quadrangle nang may maramdaman akong bumubunggo sa sapatos ko. Yumuko ako para tingnan ang bagay na iyon.
Kumunot ang noo ko. Isang toy car ang bumubunggo-bunggo sa sapatos ko as if nagpapapansin. Hindi lang basta toy car, ang laruang ito ay ang regalo ko kay Demon.
Ilang sandali lang may makintab na sapatos akong nakita. Tumingila ako para makita ko siya. Nakangiti siya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak ng remote control ng toy car. Kino-control niya pa rin ang laruan kahit na nasa harapan ko na siya kaya patuloy sa pagpapapansin ang laruan sa sapatos ko.
Palihim akong napangiti. Sabi na eh, magugustuhan niya ang regalo ko sa kanya. And I'm happy because of that.
Umupo siya sa tabi ko.
Pinanood ko ang toy car na paikot-ikot. Tuwang-tuwa talaga ang lalaking ito sa mga kotse.
Nang magsawa na siya sa paglalaro kinontrol niya yung laruan papunta sa kanya tapos kinuha na iyon. "The best gift ever," puri niya habang nakatingin sa laruan na binigay ko sa kanya. "Because this came from the best girl ever." He chuckled.
Masaya ako kasi pinupuri na niya ako ngayon, unlike noon na puro pang-iinsulto nalang ang lumalabas sa bibig niya. But then, nandito pa rin ang lungkot.
Tumingin siya sa'kin. "Ba't ang tahimik mo? May singaw ka ba kaya ayaw mong magsalita?" Tumawa siya ngunit tumigil din naman agad nang ma-realize na hindi bumenta ang joke niya sa'kin.
"May problema ka ba?" tanong niya. Nagsimula na siyang maging seryoso at mag-alala. "O baka naman may nang-away na naman sa'yo? Tell me."
Umiling ako. "May nakalimutan pala kong kunin sa locker ko. Sige, Keyr, pupuntahan ko lang para kunin." Tumayo ako at nung dumaan ako sa harap niya, mabilis niyang hinablot ang braso ko using his free hand.
Pagtayo niya saka niya lang ako binitawan. "Anong tinawag mo sa'kin?"
"Keyr," mabilis na sagot ko.
Kung noon binibitawan niya lang ang tanong na iyon ng pagalit kasi tinatawag ko siyang Demon, pero ngayong tinawag ko siyang "Keyr", sa pangalan na sinabi niyang itawag ko sa kanya, galit pa rin siya.
"Diba ayun naman ang gusto mong itawag ko sa'yo?" Noon. But I kept on calling you Demon to tease and annoy you until nakasanayan ko nang itawag sa'yo ang Demon.
"No!" he protested. "Well, honestly yes. But when it is you calling me Demon, I have no idea why it means another way around. It is as if you're calling me an angel."
Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago nagsalita. "Okay." Tinalikuran ko na siya at naglakad paalis.
Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.
Kahit wala naman talaga akong nakalimutan sa locker, nagpunta pa rin ako doon. Hindi ko rin alam kung bakit. Well maybe wala lang kasi akong maisip na mapuntahan, and yet gusto kong libangin ang sarili ko.
Naging SC sexytary pa kasi si Angelo eh. Wala tuloy akong makaramay sa pagdadrama ko. Tsutsu naman oh! Di ako sanay ng ganito katamlay at kalungkot.
Nanlaki ang mga mata ko pagbukas ko ng locker. Puno ito ng sticker na may nakasulat na: I ♥ Soyunique
Halos sakupin pa ng peach leather box ang loob ng locker ko. Kinuha ko iyon (medyo mabigat) tapos binaba sa sahig. Tinanggal ko ang pagkakabuhol ng ribbon then inalis ang takip ng kahon.
Nangunguna ang mga chocolates. Napangiti tuloy ako. Tuwing may natatanggap akong regalo mula kay Demon hinding-hindi nawawala ang chocolates.
Nilabas ko muna yung mga chocolates para makita ko kung ano ang ibang laman ng box─ books. God knows how much I badly want to buy these books pero hindi ko afford. Sa totoo lang ilang buwan ko ng pinag-iipunan na mabili ang mga librong ito kaso dahil sa may biglaang bayarin sa school nagagastos ko ang naiipon ko. Nababawasan.
Lullabies and A love ni Lang Leav at Shiever series ni Maggie Stiefvater.
Paano kaya nalaman ni Demon na gusto ko itong mga libro? I wondered.
***
Halos dalawang linggo na akong umiiwas kay Demon. Alam kong nakakaramdam siya. Salamat kay Jia kasi dahil sa kanya, nagiging busy si Demon hanggang sa nakakalimutan na nito ang pag-iwas ko sakanya.
Ilang beses nang pumunta dito sa Fuentalez High si Jia para makita si Demon. Usap-usapan nga silang dalawa eh. Ang sweet kasi nila. Perfect Couple sabi ng iba.
Ang daming nagtatanong sa'kin kung girlfriend na ba ni Demon ang magandang babaeng nagpupunta sa school namin, si Jia.
Ako naman, "Bakit sa'kin niyo tinatanong?" sabay tawa ng pilit.
And they were like, "Malamang. Ikaw nililigawan eh. Dapat alam mo."
Oo na, nagseselos ako. Lalo na kapag pinapanood ko sila sa malayo. Napagtanto ko pa nga na hindi marunong magalit si Demon pagdating kay Jia. Hindi niya ito nasisigawan, hindi nag-iinit ang ulo niya kapag si Jia ang kaharap niya.
He's cool and gentleman everytime he's with her, very unlikely with me. Partida nililigawan na niya ako pero sinusungitan niya pa rin ako. Iniinsulto. Well, wala naman kasing kainsu-insulto kay Jia.
Hay, eto na naman po ako. Me comparing to a perfect girl.
Paglabas ko ng CR, nagulat ako dahil may biglang nagtakip sa bibig ko at hinila ako papunta sa kung saan. Syempre pumapalag-palag ako. Sigurado akong galing sa katabing CR (sa CR ng boys) ang lalaking humila sa'kin. Alam nyo na, baka kakatapos niya lang magwiwi. Humawak siya sa ano niya tapos ihahawak sa bibig ko? Eww!
Sinipa ko sya sa where-it-hurts-the-most. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ako. My chance to skip. Malapit na akong makatakas nang tawagin niya ko sa pangalan.
Napahinto ako sa pagtakbo. Immaginations ko lang ba o siya talaga yun?
"Soyu. Argh! Fuck ang sakit."
Siya nga! Mabagal akong umikot at sa pagharap ko, lumantad sa'kin ang lalaking namimilipit at panay ang mura dahil sa sakit.
Napatakip ako ng bibig. Uh-oh! Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Haluh, Demon. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na─" pinutol niya ang sasabihin ko.
Umayos siya ng tayo at isinantabi ang sakit na nararamdaman. "Bakit mo ba ko iniiwasan, ha?"
Napayuko ako. Ayokong tingnan siya sa mga mata. Ayoko.
"Atsaka bakit mo pinatanggal yung tarpaulin?"
Nung isang linggo ko pa iyon pinatanggal pero ngayon niya lang ata napansin. Kasi nga madalas magpunta dito si Jia. Baka kasi kung ano ang isipin niya kapag nakita niya ang tarpaulin na pinagawa ni Demon na may picture ko. Baka umalis na naman siya at dahil doon, malulungkot na naman si Demon. Ayoko siyang maging malungkot.
"Kasi..." My eyes wander around thinking for an excuse. Another excuse to skip. "Teka, may nakalimutan ako," palusot ko sabay takbo paalis.
Feeling ko sinundan ako ni Demon pero mukhang hindi naman. Naglalakad na ako papunta sa SC office. Doon nalang ako tatambay habang hinihintay si Angelo.
Pagliko ko, may humatak saakin paatras at niyakap ako ng patalikod.
"Iniiwasan mo ko," aniya. "Bakit?" Ang lungkot ng boses niya.
Gusto kong umikot paharap sa kanya para yakapin siya pabalik pero pinigilan ko ang sarili ko. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako.
You maybe would thank me after this. Dadating ang panahon na pasasalamatan mo ako sa ginawa kong pag-iwas sa'yo. Jia is meant for you. Not me.
"Miss na miss na kita, alam mo ba yun?" Pinatong niya ang chin niya sa ibabaw ng balikat ko.
Miss na miss na rin kita, Demon. Sobra.
Inikot niya ako paharap sa kanya. Sinalubong niya ako ng ngiti pero hindi nakisama ang kanyang mga mata. "May deal tayo, remember? Hindi pa kita nalilibre," paalala niya.
Ang dami mo na ngang nabigay sa'kin, hindi pa ba libre yon? Talagang hindi pa niya nakakalimutan ang deal namin na iyon.
"Let's go mall? Or kahit saan mo gusto." Umaasa pa rin siya kahit alam niyang tatanggihan ko na naman siya gaya ng ginawa ko ng mga nakaraang araw.
"Sorry. Marami pa kasi akong gagawin. Busy," was my always excuse to him.
Ngumiti sya pero parang pilit. "Wag kang mag-sorry. Marami pa namang next time. Sabihan mo nalang ako kapag hindi ka na busy."
Tumango nalang ako.
May tumawag sa kanya. Si Jia. Nakangiti itong naglalakad papunta sa direksyon namin. Nang makalapit na siya kay Demon, kinausap niya ito as if sila lang ang tao sa mundo.
Wala na akong papel dito kaya naman tumalikod na ako at nagsimulang umalis. Pagkarating ko sa edge ng hadgdan pababa sa ground floor, nilingon ko sila. Nakatingin din saakin si Demon habang salita ng salita ang katabi niyang si Jia.