My Demon [Ch. 59]
Nanliligaw sa'kin si Demon. Ibig sabihin gusto niya rin ako.
Gusto ako ni Demon. Kyaah!
Di ko mapigilan ang kilig kaya inub-ob ko nalang ang mukha ko sa desk. Kanina pa ko parang lutang. Walang ibang pumapasok sa isip ko dahil occupied ng mga salitang "Nanliligaw" at "May gusto sa'kin si Demon" ang utak ko. Nakakapraning na!
"Kinikilig ang bruha."
Inangat ko ang ulo ko. Si Angelo, nakaupo na sa tabi ko.
"Di ah! Inaantok lang ako," katwiran ko sa kanya.
"Inaantok your face! Kala mo naman hindi kita pinagmamasdan kanina pa. Hello? Kanina pa kaya kita nahuhuling nakangiti mag-isa! Grabe ka, Sistar! Crazy in love ka na."
Nag-pout nalang ako. Kasalanan mo 'to, Demon! Nakita mo na ang dinulot mo sa'kin? Lutang. Hindi ako nagdi-daydream kapag may time katulad ng ginagawa ko kay Johan. Kusa ka nalang pumapasok sa utak ko kahit time ng klase.
Ang hirap ng ganito. Hindi ako masyadong makapag-focus. But on the second thought, masaya na nakakakilig.
"Kitams. Ngumingiti ka na naman," puna ni Angelo.
"Kasi naman eh! Dun ka nga, Angel!" pagtataboy ko sa kanya. "Maghanap ka ng pogi tapos yun ang titigan mo. Wag ako."
"Sauce. Nahiya pa ang bruha. Okay lang yan. Normal lang yan sa taong inlababo." He stood up. Akala ko lalayuan niya na ako. Ayun pala yayakapin ako. "I'm so happy for you, Sistar! Susuportahan ko yang first love life mo. I swear!"
"Sarmiento, may naghahanap sa'yo!" tawag ng classmate kong lalaki.
Lumayo si Angelo para makatayo ako at puntahan ang taong naghahanap sa'kin. Sinamahan pa niya ako na lumabas ng classroom.
Nanlaki ang mga mata ko habang si Angelo ay napatili. Kaya naman pala may tilian at landian akong naririnig kanina nung nasa loob pa kami ng classroom kasi nandito lang naman si Ployj.
May hawak siyang boquet ng bulaklak at isang basket ng chocolates. Halos magningning ang mga mata ko pagkakita ng mga chocolates.
Ngumiti si Ployj pagkakita sa'kin kaya lalong lumakas ang tilian ng mga kababaihan pati na rin ng mga bakla. Nakakabingi. Lalo na yung tili ni Angelo na nangingibabaw sa lahat.
Lumapit si Ployj sa'kin at binigay ang mga dala niya.
Tinanggap ko naman yun. Napansin ko ang note na nakadikit sa basket ng chocolates. Sigurado akong hand written ito ni Demon. Parang kinayod ng manok eh.
Magpapasalamat pa sana ako kay Ployj kaso nung pagtingin ko sa kanya, naglalakad na siya palayo. Hands on his pockets. Grabe! Kakaiba ugali nun ah. Pareho sa kaibigan niya.
Hindi ko na pinansin ang tilian at mga tanong na ibinabato sa'kin. Binasa ko ulit ang note:
I'm giving you one minute para pumunta sa oval.
One minute?! Nakalimutan ba niyang sa third floor ang classroom ko at medyo malayo ang tatakbuhin ko papunta sa field?!
Pinahawak ko kay Angelo yung mga bigay ni Demon.
"Akin nalang 'to?"
"Tirahan mo ko ng chocolates!" mabilis na sabi ko sakanya tapos tumakbo na.
One minute naman kasi eh. Pout.
***
"Ang sabi ko one minute hindi ten minutes!"
"Ang layo kaya nitong oval sa classroom ko! Mabuti ba kung kaya kong mag-teleport eh!"
"Ang liit-liit mo na nga ang bagal-bagal mo pa rin tumakbo."
Aba─ sinapak ko nga sa braso. "Ano bang gagawin ko dito?"
Tinuro niya yung center ng oval. "Go there and stay there."
"Ano?!" bulalas ko. "Pagbibiladin mo ko sa araw?"
Langya! Papupuntahin niya ko dun habang tirik na tirik ang araw? Gusto ba niya kong ma-heat stroke ha?
"Ayaw mo?"
"Naman! Ang init init dun mamaya mamatay ako sa heat stroke."
"Sige, wag nalang. Kiss mo muna ako." Nilapit niya yung pisngi niya sa'kin.
"Demon naman eh!" Tinulak ko siya. "Seryoso ako. Bakit ba ko nandito?"
Lumipat ang tingin niya sa likuran ko at kitang-kita ko kung paano mapalitan ang ngiti niya ng pagkainis. Umayos siya ng tayo tapos seryosong tumingin sa harapan.
I opened my mouth to talk, but someone called my name. I looked back and saw Alfred heading our way. Okay na nga nung hindi siya pumasok sa klase kanina, nagpakita naman siya ngayon. Yan tuloy, nakaramdam ako ng galit at inis nang maalala ang ginawa niya sa'kin.
Naglaho na parang bula ang galit at inis na nararamdaman ko nang bumagsak ang tuhod niya sa lupa, sa harap ko. Napatakip ako ng bibig. Nakaluhod sa harapan ko si Alfred.
"Soyunique, I'm so sorry." Rinig na rinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. Kahit nakayuko siya, nakikita ko pa rin na may luhang tumutulo sa mga mata niya.
"Alfred."
"Sobra kasi akong naiinis sa'yo. Nakakainis ka dahil palagi mo nalang akong nahihigitan. At sobrang nakakainis ka dahil kahit anong masama ang sinasabi at ginagawa ko sa'yo, hindi mo ko ginagantihan."
"Alfred, tumayo ka na."
"Hindi ako tatayo dito hangga't di mo ko napapatawad," he declared.
"Tigilan mo na nga yang kadramahan mo. Tumayo ka na. Pinapatawad ka na niya." Si Demon ang sumagot kaya siniko ko siya.
"Wala pa kaya akong sinasabi." Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ganun din naman ang sasabihin mo, diba? Kaya palayasin mo na yan. Baka hindi ako makapagpigil."
Napa-tss nalang ako tapos humarap na ulit kay Alfred. "Pinapatawad na kita, Alfred. Tumayo ka na."
Tumingala siya para makita ako. Boom! Like what I've said, umiiyak siya. Pulang-pula ang mga mata niya at basang-basa ang mukha niya dahil sa luha.
"Talaga, Soyunique?" full of hope na paninigurado niya.
I nodded.
Yayakapin niya sana ako sa bewang habang nakaluhod siya, kaso hinila ako ni Demon papunta sa likod niya palayo kay Alfred.
"Forgiving you was enough. No need to hug, okay, freak?"
Siniko ko ulit si Demon kasi sinabihan niyang "freak" si Alfred.
He glared at me over his shoulder.
Tumayo na si Alfred then pinagpagan ang tuhod niya. Habang nagpapasalamat at nagsosorry siya sa'kin ng paulit-ulit, may napansin ako sa mukha niya.
"Ginulpi mo si Alfred, ano?" tanong ko kay Demon pagkaalis ni Alfred.
"Nope. Patikim ko lang yun sa kanya," casual na sagot niya. Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad.
Hinabol ko siya. "Bakit mo ginawa kay Alfred yun?! Sabi na eh! Ganun ang gagawin mo kaya ayokong malaman mo."
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Bahagya pa akong napaatras kasi salubong ang mga kilay niya tapos nanlilisik pa ang mga mata niya. Hindi na naman bago saakin ang aura niyang iyon at sanay na ako dun pero bakit feeling ko palaging first time? Ganun pa rin ang epekto ng aura niyang 'yon sa'kin.
"Why do I have this feeling you are siding that freak? May gusto ka ba sa kanya?" Humakbang siya na parang susugurin at sasapakin ako kaya napaatras ako lalo.
"Hindi ah!" todo tanggi ko. "Naaawa lang ako sa kanya."
"Sa kabila ng ginawa niya sa'yo?"
Natameme ako. Nakatingin lang ako sa kanya, ganun din siya sa'kin.
"Demon, seryoso ka ba?" I asked out of nowhere.
"Sa panliligaw ko sa'yo?" Na-gets niya agad ang ibig kong sabihin.
Tumango ako.
Matagal bago siya sumagot. "Damn! Mukha bang hindi?!"
"Ba't ang init ng ulo mo? Nagtatanong lang ako."
"Kasi naman ngayon na nga lang ako nanliligaw ng babae pinagdududahan pa," galit na sabi niya.
I smiled mentally hearing him said ako ang unang babaeng niligawan niya. Ako palang.
"Dyan ka na nga." Tumalikod na siya at nagsimulang magkalad paalis.
Ayos ah! Sa lahat ng manliligaw siya ang pinakamasungit!
"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sa kanya. Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad palayo.
Nakakailang hakbang palang ako, bigla nalang may yumakap sa'kin mula sa likuran.
"Joke lang," sabi pa niya malapit sa tenga ko. Shocks! Pati ba naman boses niya ang gwapo. "Hindi pa nga tayo, nag-e-LQ na tayo."
At sa lahat din ng manliligaw, siya ang pinaka-sweet!