下載應用程式
72.15% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 57: Chapter 56

章節 57: Chapter 56

My Demon [Ch. 56]

Soyunique's Point Of View

Kasama ko ngayon sila Irah, Andrea, Nicole at Carla. Pati rin si Cristhia at ang grupo niya. Syempre, hindi mawawala ang aking best of all friends na si Angelo.

Nakapila kami sa ride ng Caterpillar habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Tawa kami ng tawa kila Cristhia at Angelo. Pa'no, naglalaitan silang dalawa.

"Ayee! Kakaganyan niyo baka mamaya kayo na ang magkatuluyan," ani Irah na sinang-ayunan naming lahat except the two.

"Eww! So kadiri!" maarteng tugon ni Angelo.

Natawa kami sa reaksyon niya.

"Ang arte mo! Lugi ka pa?" sarkastik na sabi ni Cristhia sa kanya at itinulak ito.

Nasa likuran ako ni Angelo kaya nabunggo niya ako, dahilan para mabunggo ko rin ang taong nasa likuran ko.

"Sorry," agad na paumanhin ko sa babae.

"Anong sorry?!" sigaw niya.

Napatingin sa'min ang ibang tao. At ang iba na kanina ay nakapila, pinalibutan kami para maki-tsismis.

"Ang harot harot kasi eh! Masyadong nagmamaganda. Mukha namang bruha." Pumaywang pa siya.

Mataba siya, matangkad tapos mataba ulit. Matatawag ba kong laitera kung tatawagin ko siyang bakulaw?

Pawis na pawis ang braso, leeg at kahit ang noo niya. Haggard much. Ako nalalagkitan sa kanya eh.

Pumagitna saamin si Cristhia. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Bakulaw (Oops!) tapos nagsalita, "Nahiya naman ang kaibigan namin para sabihan mong bruha. Try to look at yourself kaya muna!"

Sumunod na naman si Bakulaw (Another Oops!): tiningnan niya ang katawan niya.

"Hindi ka pa tumatakbo pinagpapawisan ka na. Kaderder much!"

Syempre hindi magpapatalo si Angelo kay Cristhia kaya naman pumagitna din siya. Talagang tinulak pa niya si Cristhia para siya ang mismong nasa gitna.

"Correction!" malanding sabi niya. "Hindi siya nagpapawis. Nagsesebo." In-up and down niya rin si Bakulaw nang nakataas ang isang kilay at habang nakahalukipkip. Napakataray talaga ng best friend ko!

"Tama!" Nag-apir si Cristhia at Angelo. Nagkasundo rin.

Nagtawanan ang iba kaya lalong sumama ang aura ni Bakulaw.

Pinanlisikan niya ako ng mata. "May araw ka rin!" banta niya bago nagwalk out hila-hila ang babaeng kasama niya na kabaligtaran ng timbang niya.

May araw ka rin! Narinig ko na ang line na yan. Sa taong hindi ko pa nakikita simula pa kanina. Ano na naman kayang meron dun? Wala naman siya sa apartment niya kagabi. Hindi pa nagtetext. Hay. Umepal ka na naman sa isip ko, Demon!

"Don't mind it, girl. Inggit lang sa'yo yun," wika ni Cristhia.

Tumango nalang ako at nginitian siya.

Pumila na ulit kami.

***

Bumibili ako ng ice cream nang may nagtanong mula sa likuran ko.

"Soyunique, pwede mo ba kong tulungan?"

Nilingon ko ang taong nagsalita. Si Alfred, classmate kong nerd.

"Saan?"

Pagkaabot sa'kin ng ice cream na chocolate ang flavor (syempre naman!), humarap na ko ng tuluyan sa kanya.

"Sa report ko sa Physics."

Nagtaka naman ako. Competetor kasi ang turing niya saakin porket palagi ko siyang nalalamangan when it comes in recitations, projects and everything na related sa grade. Kahit hindi niya sabihin, alam kong may tinatago siyang galit saakin. Napapansin ko kasi yun sa mga tingin niya sa'kin lalo na kapag ako ang nangunguna at pumapangalawa lang siya.

Kaya nga ang hirap paniwalaan na nanghihingi siya sa'kin ng tulong ngayon na never (as in never) pa niyang nagawa kahit sa iba.

"Sigurado ka? Nagpapatulong ka?"

He nodded. "Sa rooftop tayo gawa."

"Bakit dun pa? Bakit hindi sa library? Bawal ang estudyante sa rooftop, diba?"

"Ayoko sa library. Marami akong nakikitang tao─ maraming distractions. And don't you worry, nagpaalam ako kaya hindi tayo papagalitan," he explained.

Distractions daw? Kaya pala suki ka ng library.

"Pero siguradong sigurado ka na sa'kin ka talaga magpapatulong?" Ang weird kasi.

"Why not? Ikaw naman ang palaging magaling, hindi ba?"

Hindi ko alam kung imaginations ko lang o talagang sarcastic ang pagkakasabi niya. But in the end, pumayag na rin ako. Naiisip ko kasi na kapag tinulungan ko nga siya sa report niya, makakapag-bonding kami kahit papaano tapos maaalis na sa isip niya na kalaban niya ako. Hindi naman kasi ako nakikipagpaligsahan sa kanya.

Nauna akong pumunta sa rooftop dahil sabi ni Alfred mauna na daw ako kasi dadaan pa siya sa library para humiram ng libro na gagamitin namin. Sabi ko nga samahan ko na siya pero tumanggi siya. Wag daw akong makulit. Siya na daw ang bahala.

Okay, fine. Para siyang si Demon na ang hirap amuhin. Ang hirap pa naman na may taong sa tingin mo ay may galit sa'yo.

Madilim na pero hindi pa rin dumadating si Alfred. Nilalamok na nga ako dito sa rooftop eh. Niloloko ba ko nun? O baka naman sadyang nahirapan lang siyang hanapin ang librong hinahanap niya. Kaso hindi rin. Kasi sa ganitong oras nagsasara ang library.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto para umalis. Pagpihit ko ng knob kinabahan ako agad dahil hindi ko mabuksan. It's locked!

"Haluh," naiiyak na ako habang pinipihit ng paulit-ulit yung knob ng pinto. "MAY TAO PA PO DITO! PAGBUKSAN NIYO PO AKO, PLEASE!"

Sinimulan ko nang kalampagin ang pinto habang sumisigaw, nagbabakasakali na may magbubukas ng pinto at makakaalis na ako dito.

Sumakit na ang kamay ko sa pagkalampag ng pinto pero wala pa rin. Hindi ko na napigilan ang luha ko.

Napagod na ako kaya bumalik ako sa pwesto ko kanina. Umupo ako at isinandal ang aking likod sa malamig na wall.

Biglang bumuhos ang ulan. Napakamalas ko talaga!

I hugged my knees and let my tears burst.

Nilabas ko ang phone ko to call Demon dahil siya ang unang taong naiisip ko na tutulong sa'kin ngayon, ngunit walang signal.

"Demon, puntahan mo ko dito, please," umiiyak at mahinang sabi ko sa phone kung saan nakikita ang Contact ni Demon sa screen.

Yumuko ako habang nakayakap pa rin sa aking mga tuhod. Basang-basa na ako. Lamig na lamig. Paulit-ulit akong nagdadasal na sana may taong maligaw dito at tulungan akong makalabas. Kahit alam ko naman na imposible.

May narinig akong malakas na kalabog. Inangat ko ang ulo ko, at nabuhayan ako bigla ng pag-asa dahil sa nakikita ko.

Nakatayo si Demon sa pinto na sinira niya. Nakatingin siya sa'kin. Nagtataas-baba pa ang mga balikat niya na halatang hinihingal. May suot siyang jacket at gaya ko basang-basa rin siya.

"Demon," nanginginig na banggit ko sa pangalan niya dahil sa ginaw at iyak. Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon dahil sa sobrang hina.

Tumakbo siya papunta sa'kin at sinunggaban ako ng yakap.

"Sino?" mariing tanong niya. Ramdam ko sa higpit ng yakap niya ang galit na nararamdaman niya.

Umiling lang ako. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya: ang taong may dahilan kung bakit ako nakulong dito.

"SINO SABI!" Sumigaw na siya. Lumayo siya tapos hinawakan ako sa magkabilang braso para tingnan ako.

Umiling ulit ako. "Umalis na tayo dito," nasabi ko nalang. Hindi ko talaga makontrol ang luha ko. Kahit alam kong safe na ako dahil nandito na siya sa tabi ko, iyak pa rin ako ng iyak.

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya kahit na nababasa rin naman uli ang mukha ko dahil sa ulan at panibagong luha.

Hinawakan niya ko sa likod ng ulo tapos muling niyakap. "Nawala lang ako saglit sa tabi mo, napahamak ka na naman. Bakit ba ang lapitin mo sa disgasya?"

Nakakapanatag talaga ng loob kapag nasa tabi ko siya─ ang taong panggulo ng araw ko. At hindi mabubuo ang araw ko kapag wala ang panggulong yun.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C57
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank 200+ 推薦票榜
Stone 0 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄

tip 段落評論

段落註釋功能現已上線!將滑鼠移到任何段落上,然後按下圖示以添加您的評論。

此外,您可以隨時在「設置」 中將其關閉/ 打開。

明白了