下載應用程式
45.56% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 36: Chapter 35

章節 36: Chapter 35

My Demon [Ch. 35]

*Angel and Demon's Talk*

Keyr Demoneir's Point Of View

Nasa oval ako at nakaupo mag-isa sa red bleacher. Ako lang ang taong nakaupo sa buong red bleachers dahil pinalayas ko ang mga taong nakaupo rin dito kanina. Class hour ngayon pero heto ako at nakatambay. Nakakaantok naman kasing magturo yung teacher namin. Si Ployj nga harap-harapan siyang tinutulugan eh. Papanoorin ko nalang si Soyu na maglaro kaysa samahan matulog si Ployj sa harap ng teacher namin.

Nagso-soccer sila ngayon. Hindi naman siya marunong. Takbo lang ng takbo, ang bagal pa. At habang tumatakbo, panay ang tawa niya. Pinagtatawanan pa ata ang kakupagan niya.

Sinipa sa kanya ng ka-team niya ang bola. Nilapitan niya yun at bumwelo ng sipa kaso bago pa man matamaan ng paa niya ang bola, may sumipa na nito palayo sa kanya.

"Haluh, bakit mo sinipa?" reklamo niya at parang bata na nagtatampu-tampuhan. Tinawanan lang siya nung lalaki.

I don't know why but everytime I see her tittering, I always found myself smiling like a fool. Hindi naman siya kagandahan pero ang sarap niyang panoorin, hindi nakakasawa. She isn't that attractive, but she's like a magnet that keep on pulling me towards her leaving me no choice but be pulled.

I smiled at the thought. I wasn't really expecting I would like a girl whose definitely an oppose of my type.

Napunta na naman sa kanya ang bola. Sisipain na sana niya ito kaso may mga kalaban na papalapit sakanya. Kaya ang ginawa niya, binuhat niya ang bola at tumakbo malapit sa net. Binaba na niya ang bola at tuluyan nang sinipa ang bola ng walang sumasagabal.

"SHOOT! YEY!" sigaw niya habang nakataas ang dalawang kamay. Nilinlang niya yung goal keeper kanina kaya na-shoot.

Alam nang lahat na foul ang ginawa niya pero wala ang nainis at naglabas ng hinanakit na "MADAYA!", lahat pa sila mga nagtatawanan at nagkakasiyahan. Wala sa paligid yung PE teacher nila kaya ganyan.

At gaya nalang sa mga pelikula, sa gitna ng kagandahan ng palabas saka sisingit ang epal kaya pumapanget ang palabas. Lumapit yung Johan kay Soyu at nakipag-apir. Ayun namang kulot na yun, ngiting-ngiti pa. Psh! Bakit kapag sa lalaking yan palagi siyang masaya at nakangiti? Sa'kin madalas siyang nakasimangot o kaya naman naka-pout. Malungkot ba kong kasama? Mas gwapo naman ako dyan ah! Sapakan nalang kaya kami nang magkaalaman?

"Pag-ibig na kaya? Pareho ng nadarama ito ba ang simula..." May kutong-lupa ang naglakas loob na lapitan ako at kumakanta pa. Feeling maganda boses.

"Di na mapipigilan pag-ibig nga ito..." kumakanta siya habang nakatingin kila Soyu at Johan. Inabutan ni Johan si Soyu ng bottled water. At matapos uminom, nag-usap sila at nagtawanan. Nakapag-usap na ba kami na may halong tawanan? Wala. Puro away.

"Sana'y di matapos ang nadaramang ito. . . pag-ibig na kaya pag-ibig na kaya ito oooh oooh─"

Hindi na ko nakatiis kaya binalingan ko na siya. "Tumigil ka dyan sa pag-ngawa mo kung ayaw mong mamatay," I threat.

Kung hindi lang talaga 'to kaibigan ni Soyu kanina ko pa sinapak mukha nito.

"Echosero 'to! Kumakanta ako di ngumangawa! Kinakantahan ko lang naman sila Soyu at Johan eh."

"Di sila bagay."

"Why not? Ang sweet nga nila eh. Di mo ba alam crush siya ni Soyu."

"What?"

"Uh-huh. Last year pa."

Hindi ako kumibo. Tumingin na lang uli ako sa direksyon nung babaeng kulot na napaka-cheap ng tastebud. Mas angat naman ako sa lalaking yun pero hindi ako ang nagustuhan niya. Matalino nga, hindi naman marunong pumili. Kung ngumiti pa siya habang nakatingin sa Johan na yun parang wala ng bukas. Nakakayamot ampucha! Ang sarap niyang itali sa sarili ko para hindi na siya makalapit sa panget niyang crush. Magkaka-crush nalang hindi pa sa'kin. Badtrip!

"Gusto mo yung sistar ko, am I right?"

Hindi ako sumagot. Pa'no niya nalaman? Am I that obvious? Mukhang hindi naman. Kasi kung oo, malalaman yun ni Soyu. Pero hindi eh. O baka naman saksakan siya ng pagkamanhid? Nevertheless, I haven't done anything yet to show my admiration to her. Man, that isn't really my thing. I find it too cheap and corny. Mukhang kakainin ko na ang mga sinabi ko kay kuya sa mga kakornihan niya sa GF niya.

"Cm'on! Don't deny it."

"Had I denied it?" I corrected him. Silence means yes, right? Pareho sila ng kaibigan niya. Slow.

Nag-glow ang itsura niya as if nakakuha ng price or something.

"Well, kawawa si Soyu sa'yo."

"The hell are you saying?!" I belted out and grabbed his collar.

"Kalma ka lang, dude. I'm also a female," sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko sa collar niya. I released him.

"Hindi naman sa pinagbabawalan kitang lumapit sa sistar ko─" I cut him off.

"As If you can."

"Whatever. Ganito nalang, hindi naman sa ayaw ko sa'yo para kay Soyu, but you know, you have a lot of rivals. Yung ibang hindi makalaban sa'yo malamang si Soyu ang mapagbubuntunan lalo na kapag nalaman nilang special sa'yo ang best friend ko."

Sa mga taong nakapalitan ko na ng conversation, dito sa mga salitang ito lang ako napaisip ng ganito. He has a point.

"And have you remember the first time na sinamahan ko si Soyu sa antayan niyo? You even notice the band aid plastered on her neck."

Hindi ako nagsalita kahit na naalala ko ang pangyayaring iyon. It was like my mouth want only to keep shut and let my ears listen carefully.

"May mga babaeng nang-away sa kanya. You know Chesca and her friends? Yung mga pilingerang cliquey mean girls?"

"I don't fuckin' care 'bout that bitches."

"Inaway nila si Soyu nung siya lang ang mag-isa. Nasa meeting kasi ako nun sa SC office."

"And their damn reason?" Naiirita ako sa pagmumukha ng taong kaharap ko pero masyadong seryoso ang usapan namin kaya hindi ko siya mapalayas sa harapan ko.

"Nilalandi daw kasi ni Soyu ikaw."

"What?!" I startled, mad. How dare that stupid bitches!

Gaya ng kanina, tumingin ulit ako kay Soyu at binalewala si Johan na kausap niya maski ang kaibigan niya na katabi ko. That innocent face, smile and gestures of hers─ a flirt? That is one of many reasons why I was annoyed at girls. They love judging and insulting other people though they don't know what the real story behind those people.

"Pero infairness dyan kay Soyu hindi ka niya nilalayuan kahit na marami siyang threats na natatanggap at kahit may mismong nang-away at nanakit na sakanya."

True. Hindi nagsabi sa'kin si Soyu about this stuff. At hindi rin nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Hindi siya natatakot na lumapit at pumunta sa'kin everytime I told her to do so kahit na alam niyang may pwedeng manakit sa kanya anumang oras na nakatalikod ako.

"And I guess, it might be better kung ikaw nalang ang lalayo sa kanya."

I stared at him with disbelief. "Are you serious? You are telling me to keep myself away to a person I like? Damn you! I haven't pursuing her yet."

"Namura pa," he murmured. "Kaysa naman sa napapahamak siya, diba? Alam mo piece of advice lang naman ang sinabi ko eh. Ayoko lang na nasasaktan ang kaibigan ko."

He then left, leaving me at the dept of thinking.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C36
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄