My Demon [Ch. 29]
"Girls, siya yung babaeng lumalandi kay Keyr."
May apat na babae ang lumapit sa'kin. Nasa mini park ako ng Fuentalez High at nagrereview ng notes. Maaga kasi kaming dinismiss ng teacher namin kanina sa last subject kasi may important meeting daw siyang pupuntahan. May one hour pa naman so naisipan kong dito muna magpalipas ng oras habang inaantay ang uwian nila Demon.
Ako lang ang mag-isa, hindi ko kasama si Angel. Nalalapit na kasi ang school fair kaya marami siyang inaasikaso, sila ng mga SC officers.
"Ang kapal ng mukha! Akala mo naman kagandahan," sabi ng isa at pinalibutan na nila ako.
Nakaupo ako at lahat sila nakatayo at nakayuko sa'kin. Lahat din sila mga nakataas ang isang kilay. Naamoy ko ang iisang brand at flavor ng pabango nila: Strawberry. Sila yung isa sa mga The Clique dito sa Fuentalez High. Ang grupo ng magkakaibigan na walang pakialam sa ibang tao na hindi kabilang sa grupo nila. Hindi sila nakikipag-friend sa iba. Basta ang prioritize lang nila ay ang grupo nila. Being cliquey is not good, didn't they know that?
Nagulat ako nang ihagis ng isa sakanila ang mga notes ko na nagkalat sa stoned-round table.
"Ikaw, huh! Wala kang karapatang landiin ang Prince Charming namin!"
"Hindi ko siya nilalandi---"
"Ni wala ka pa nga sa talampakan namin eh! You're nothing like a trash!"
Galit na galit ang mga mukha nila, at hindi na nila ako inantay na makapagsalita pa sinabunutan na ko ng isa. Tumulong ang isa hanggang sa silang apat na ang sumasabunot sa'kin.
Ang lakas ng pinagsama-sama nilang pwersa. Nahulog ako sa batong bench na kinauupuan ko, pero hindi pa rin sila nagpaawat. Sige pa rin sila sa pagsabunot sa'kin. Hindi ako makalaban. Apat sila at isa lang ako.
Talagang tyinempo nila ang chance na hindi ko kasama si Angel, na wala akong ibang kasama kundi ako lang para mapuruhan nila ako.
May kumalmot sa bandang leeg ko.
Ang hapdi.
Hindi ko na napigilan ang umiyak.
"Hey! Stop pulling my hair, you bitch!"
Medyo blur ang paningin ko dahil sa luha kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Basta samu't-saring reklamo at bad words ang naririnig ko mula sa apat na nang-away sa'kin.
"Miss, panyo." May babaeng lumuhod sa tabi ko at inabutan ako ng panyo. Nag-thank you ako sakanya at tinanggap yun.
Matapos kong punasan ang mga luha ko, nakita ko na ng malinaw at maayos kung ano ang nangyayari. Yung apat na sumabunot sa'kin kanina, pinagpipiyestahan ng iba kong classmates na babae. Yung iba hindi ko kilala basta inaaway din nila yung apat na babae.
Ang gulo. Ang daming umaawat pero walang nagpapaawat.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa'kin ng babaeng inabutan ako ng panyo. Di ko alam ang pangalan niya pero familiar na familiar ang mukha niya sa'kin kasi madalas ko siyang nakikita dito sa school. And besides, siya yung nakaupo malapit sa pwesto ko together with her barkadas. Inalok pa nga nila ako ng fries and pizza kanina eh. Hindi ko lang tinanggap kasi nahihiya ako. Di ko naman kasi sila kilala at lalong hindi ko sila close.
"Thank you ulit," I mumbled.
Ngumiti lang siya at hinaplos ang buhok ko. Thank you po, Lord, kasi ang bait-bait Mo sa'kin. Akala ko talaga katapusan ko na kanina. Pero heto, may nagtatanggol sa'kin.
Prrrt! May tatlong guard ang tumatakbo papunta kung saan may nagkakagulo: sa tapat lang kung saan nakaupo pa rin ako sa lupa.
Yung ibang nakikitsismis ay nagsialisan. Natatakot siguro na baka madamay sila.
Pumito uli ang dalawang guards at doon na naglayo ang mga babaeng nagkakagulo. . . dahil sa'kin. Gulo dahil sa may nang-away at may nagtanggol sa'kin.
Wasted na wasted ang itsura ng apat. Gusot-gusot ang mga uniform at nag-smudge yung red lipstick nila. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila kasi sabay-sabay sila kung magsalita. At habang nagpapaliwanag sila (ang mga nang-away at nagtanggol sa'kin), tumitingin-tingin sila sa'kin. Nagtatanggol na tingin ang binibigay sa'kin nung karamihan at masamang tingin naman ang sa apat.
Ilang minuto pang pagtatalo, umalis na ang dalawang guard na bitbit ang apat na babae. Nilapitan naman ako ng mga babaeng nagtanggol sa'kin.
Tinulungan akong makatayo ni Cristhia at pinagpagan nila yung skirt ko. May nag-abot pa sa'kin ng mineral bottled-water at pinainom ako.
"Hampaslupa yung mga yun! Kapal ng mukha na sabunutan ka."
"Pag nalaman 'to ni Keyr baka ma-kick out sila ng wala sa oras."
"Sana nga mangyari yan."
"Okay ka na ba, Soyu?"
Tumango ako. Panay ang reklamo at rants nila ng sabay-sabay. Panay din ang tanong nila ng sabay-sabay like:
"Kilala mo ba yung mga yun?"
"May masakit ba sa'yo?"
"Gusto mo banatan namin?"
And so on. Nakakatuwa kasi halatang nag-aalala sila sa'kin. At ito ang mga salitang nagpabuhay sa katawan ko:
"Ang hirap talagang may sobrang pogi na boyfriend. Ang daming mang-aaway sa'yo."
"Ha?! Haluh, hindi ko siya boyf---" Cristhia cut me off.
"It's okay, Soyu. Pagsubok lang yan."
"Oo nga. Magpakatatag ka."
"Wag mong hihiwalayan si Keyr."
"Tama! Yung mga nang-aaway sa'yo, lilipas din."
"Laking kawalan kapag si Keyr pa ang nawala sa'yo."
Anong boyfriend? Di ko naman boyfriend si Demon eh. What made them think na boyfriend ko yung nilalang na yun?
"Teka lang," awat ko sakanila. Pa'no, sabay-sabay na namang magsalita. "Hindi ko boyfriend si Demon--- este si Keyr."
"Sus!" Binunggo ni Margaret, one of my classmates, ang hips ko gamit ang kanya. "Super sweet niyo nga kanina sa caf eh."
WTH. Anong sweet dun? Narinig ba nila ang bangayan namin kanina, ha? Yung pagiging masungit sa'kin ng lalaking yun? Malamang hindi.
"May love life na rin sa wakas ang baby namin! Yehey!" sabi ni Cristhia habang nakataas ang dalawang kamay.
"Wag kang mag-alala, Soyu, susuportahan ka namin sa love life mo. Cute cute mo eh."
At sinunggaban na nila ako ng yakap. Ack! Di ako makahinga.
***
"Naku! Naku talaga! Naku, naku!" nanggigigil na sabi ni Angelo habang naglalakad kami papunta sa back gate ng school.
Hinatid kasi ako nila Cristhia kanina sa SC office para si Angelo na raw ang bahala sa'kin. Matapang kasi yan kaya walang mang-aaway sa'kin na babae. Tapos, sinasamahan niya ko ngayon papunta sa antayan namin ni Demon kasi daw baka may babaeng haliparot (sabi niya) na naman daw na rumesbak sa'kin.
"Ituro mo sa'kin yung mga yun, ha! Ituro mo! Anaka ng pepi! Nanggigigil ako sakanila! Grr! Gusto ko silang kalbuhin ASAP."
Gigil na gigil talaga siya habang naglalakad kami. At panay rin ang dakdak niya. Oo nga pala, nagkabati sila ni Cristhia kanina nung nalaman niyang sila ang tumulong sa'kin. Siya na mismo ang nag-sorry sa pagiging mean niya raw dito at nagpasalamat siya sa mga tumulon sa'kin. Oha? Nanay na nanay ang dating ng best friend ko. Kaya ko siya love na love eh!
"Ayun na ang lalaking reincarnation ni Adonis na puno't-dulo ng lahat. Hmpk! Kung lalaki lang talaga ako sasapakin ko yan eh. May mga nang-aaway sa'yo dahil sakanya."
"Hindi naman niya kasalanan yun eh. Atsaka, pwede mo naman siyang sapakin kahit ganyan ka."
"Ayoko, talo ako dyan."
Natawa ako sa sinabi ni Angelo.
Paglapit namin kay Demon, salubong na naman ang kilay niya. What's new? And like the usual, nakaupo siya sa motor niya na parang model.
"Napa'no yan?" tanong niya nang nakatingin sa leeg kong may band-aid. Oy wag kayo! Hindi basta-basta ang band-aid ko. May cartoon design pa. Hihi! Binigay 'to nung babae kanina na hindi ko kilala pero isa sya sa mga tumulong sa'kin. Ang sweet nila!
"Dahil sa'yo," bulong ni Angelo habang tumitingin-tingin sa mga puno. Siniko ko nga ng mahina. Mamaya marinig siya ni Demon eh.
"Wala 'to. Sya nga pala, Demon, si Angel. Siya yung kasama natin kaninang kumain sa cafeteria. Baka di mo pa kilala."
Ngayon ko lang napagtanto na isang Demon at Angel ang kasama ko. Haha!
"The hell I care," respond niya. Ba yan eh! Di ako nakaligtas sa pag-iiba ko ng topic. Bakit ba big deal sakanya yung sugat ko? Wala naman siyang pakialam sa ibang bagay bukod sa sarili niya ah. "Napa'no nga yan? Wala naman yan kanina. Don't tell me may nang-away sa'yo."
I gulped. Naramdaman ko rin na nag-stiff si Angelo.
Nag-shift ang tingin ni Demon mula sa'kin papunta kay Angelo. "Inaway mo ba siya?!" tonong naghahamon na tanong niya.
"Ha?!" exagge na reaksyon ni Angelo. "Hindi ah!" Todo iling na sagot niya. "Baliw ka ba? Bakit ko naman aawayin ang sistar ko?"
"Anong sinabi mo?!" Bumaba si Demon sa motor. Hala ka, Angel! Tinawag mong baliw si Demon.
"Ah, w-wala. Sige, Sistar! Ingat sa mga war freak!" nagmamadaling paalam niya at kumaripas ng takbo.