下載應用程式
36.7% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 29: Chapter 28

章節 29: Chapter 28

My Demon [Ch. 28]

 

"Ang dami naman nito. Sabi ko baked mac lang eh," sabi ko habang tinitingnan ang mga pagkain sa table. Halos na-occupy na ang buong space ng lamesa ng mga pagkain.

Pero sa totoo lang, ina-attract ako ng aroma ng pagkain. Busog pa naman ako at parang wala akong ganang kumain. Ganito ako kapag kakatapos lang kumain ng maraming chocolate.

"Kunyare pa 'to. Wag ka na ngang mag-inarte! Kumain ka nalang dyan." Kita mo 'to. Hindi mo alam kung matutuwa ka dahil sa panglilibre niya ng marami at napakasarap na pagkain o maiinis dahil sa pagiging masungit niya.

Okay na yung papakainin niya ko, kaso nagsusungit pa na akala mo lalaking nagme-menopause.

Almost perfect na siya eh, sumablay lang sa ugali. Hmp! Nobody's perfect talaga.

Hindi nalang ako nagsalita kasi kahit anong sabihin ko e hindi rin naman ako mananalo sa lalaking 'to.

Ni-reach ko yung letuce at sinawsaw sa flavored mayonaise. Medyo naiilang akong kumain kasi ramdam kong pinapanood ako ni Demon. Hindi siya kumakain basta tahimik lang siyang nakatingin sa'kin.

Very thanks to my long-curly-pretty hair na nagagawa kong shield para takpan kahit papaano ang gilid ng mukha ko. Ikaw, try to imagine na pinapanood ka ng isang Keyr Demoneir Fuentalez na ubod ng kagwapuhan (yun nga lang punong-puno ng kasungitan), hindi ka ba kikiligin ̶  este maiilang?

"Hoy, sinong nagsabi sa'yong kumuha ka dyan? Kay Soyu lang yan!" Demon snapped at Angelo.

Tumingin ako sa kaibigan ko. Malapit na niyang makuha yung isang spicy chicken sa plate pero para siyang nag-froze habang nakatingin kay Demon.

Natawa ako kasi ngayon ko lang nakitaan ng ganitong ekspresyon si Angelo knowing na palaban siyang beki. Oh well, si Demon naman kasi ang kaharap niya.

"Nagugutom na ko eh." Tumingin sa'kin saglit si Angelo tapos balik na kay Demon. Aba! Ginaya pa nito ang way ko ng pagsasalita pati na rin ang pag-pout.

"Sagwa nito. Bumili ka kung gusto mo. Kulang pa nga 'yang mga yan sa kulot na 'to eh." Halos mabulunan ako sa sinabi ni Demon. Anong tingin niya sa'kin? Pig?! Ha! Cute ako hindi pig!

"Hayaan mo na nga siya! Mukha ba kong baboy, ha?" wika ko sakanya habang pinandidilatan siya ng mata.

"Bakit hindi ba?" balik tanong niya sa'kin.

"Argh! Kainis ka talaga!" sambit ko at pinagpapapalo ang balikat niya.

Todo ilag naman siya at tinutulak palayo ang mga kamay ko. "Ano ba! May sauce yang kamay mo."

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paghampas sakanya hanggang sa napagod na ko.

"Aish! Look what you've done!" singhal niya at pinakita sa'kin ang coat niyang may bakas ng sauce na pinagsawsawan ko ng chicken leg kanina.

Hindi ko na siya pinansin at nagbalik sa pagkain. Tapos nang kumain si Ployj at nagsi-cellphone na siya ngayon. Si Angelo naman kumakain din at paminsan-minsan inaalok si Ployj na subuan, hindi naman kumikibo si lalaki. It's like hindi nag-e-exist si Angelo sa tabi niya.

Nilalantakan ko ang chocolate mousse ice cream nang magtilian ang mga babae. Biglaan yung tili nila at nakakagulat kaya nasamid ako at napaubo.

Inalam ko kung bakit sila nagtitilian at nasaksihan ko ang pagniningning ng mga mata ng mga kababaihan, with matching pagnanasa pa. Napag-alamanan ko rin na sa iisang direksyon lang sila nakatingin: sa direksyon namin ̶  kay Demon.

Dahan-dahan kong nilingon si Demon . . . posteng gala! Kaya naman pala ang likot niya kanina. Kasi naman . . . tinanggal niya yung coat niya pakinteyp! Naka-long sleeve nalang siya na white at nakabukas ang first-three buttons niya. Ano ba 'to. Takte! Bakit parang uminit ang paligid? Pinatay ba nila ang aircon or sadyang hot lang talaga ang katabi ko?

My gee! Another awkward thing: may lalaking handsome and hot akong katabi.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naka-experience ng ganito, seryoso. Bata pa kasi ako, pero ngayon dalaga na ba kong ganap? Tapos . . . waaah! Bakit ba ko nagkakaganito?! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

What to do?! What to do?! Makikisabay ba ko sa mga babaeng tumitili at pinagnanasahan si Demon? Parang gusto ko ring tumili at magwala kaso hindi ko yun gawain kaya wala akong ibang nagawa, kundi ang tumitig lang sakanya na parang kami lang ang tao sa mundo.

How can he be that so attractive? Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito ka-alluring na guy.

"Enjoying the view?" he spoke arrogantly that dragged me out of my reverie. "Appetizer palang yan. Hindi ko pa natatanggal ang damit ko."

Namula ako sa huli niyang sinabi. Appetizer? Patikim palang niya yun? May mas iha-hot pa siya? Waaah! Excited na kooo! Dejk.

"Feeling mo! Nakatingin ako sa'yo kasi naku-curious ako kung bakit ang daming babaeng nahuhumaling sa'yo." Umiwas ako ng tingin kasi may sasabihin akong kasinungalinan. "Eh hindi ka naman kagwapuhan."

Hindi kagwapuhan? Lokohin mo lelang mo, Soyu! Siya na ata ang lalaking madalas mong titigan ng matagal. Mas matagal pa kaysa sa crush mong sent from above.

"Hindi kagwapuhan ha!"

Again, hindi na ko nagsalita.

"Kumain ka pa," utos niya matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang ingay pa rin ng mga babae. Paulit-ulit lang naman ang mga salitang lumalabas sa bibig:

"Gosh! He's so stunning talaga!"

"Three buttons palang ang nakabukas, super duper hot na. What more pa kaya kung topless na diba? KYAAAA!!"

 

"Ayoko. Busog na busog na talaga ko," nakasimangot na sagot ko. Gusto pang kumain ng bibig ko kaso ayaw na ng tummy ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana sa bahay ko nalang kinain yung muffins. Ang kaso, bigay yun ni Johan kaya ayokong patagalin pa.

"Anong busog? Imposible." Aba't ̶  kung hindi lang talaga siya si Demon babatukan ko talaga yan! Ganun ba ko katakaw sa tingin niya? I pout at the thought.

"Ganyan yan kasi inubos niya yung binigay sakanya ni Johan. Ang jakaw-jakaw sa chocolates. Hindi manlang nauumay," sabat ni Angelo sabay subo ng shrimp.

"Johan? Binigyan siya ni Johan?" Alam kong para kay Angelo ang tanong ni Demon na yan pero sa'kin siya nakatingin. Salubong pa ang mga kilay.

Uh, hindi ba makikisali si Ployj sa conversation namin?

"Yup," Angelo answered popping the 'P'. "Chocolate muffins. Thirty ata yun, tapos naubos niya lahat nang hindi nauumay."

Unti-unting sumama ang tingin sa'kin ni Demon kaya nagtaka at natakot ako. Mas nangibabaw ang takot kaya umiwas ako ng tingin.

"Ang sarap eh," sabi ko kay Angelo para libangin ang sarili ko. Dern. Ramdam ko ang electric glare sa'kin ni Demon.

"Masarap!?" Angelo uttered, sounded not convinced. "Baka yung sinasabi mong masarap eh yung yakap ni Johan."

"Yakap?!" Haluh, bakit parang galit si Demon? Para niya kong inaaway sa tono ng pananalita niya.

"Sa sobrang "saya" niya daw, niyakap niya si Johan. If I know, tsinatsansingan niya lang si Johan. Lakas dumamoves ni Sistar," panunukso ni Angelo.

Pinaghalong hiya at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hiya dahil nga sa panunukso ni Angelo, at takot dahil sa nakamamatay na tingin ni Demon. Bakit ba kasi siya gumaganyan? Naman eh.

Tumawa ng sarkastiko si Demon bago nagsalita. "Binigyan ka lang ng pipitsuging pagkain nangyakap ka na?"

Hindi ako nakapagsalita. Alam ko ang pangit tignan sa babae na yumakap sa lalaki na hindi naman niya kaano-ano. Pero friendly and thanks-giving hug yung binigay ko kay Johan at hindi flirty.

Nagtitigan kami ng ilang segundo bago siya tumayo. Sumunod sakanya si Ployj at bago sila umalis, tinapunan niya ako ng tingin at nasulyapan ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Ployj gaya ng kanina.

"Lagot ka, Sistar! Galit yung bebe ko." Talagang "bebe ko" pa rin ang tawag niya kay Demon despite sa pagsusungit nito sakanya kanina ha.

"Ano bang problema nun?" tanong ko habang nakalingon at pinapanood ang dalawang maglakad palabas ng cafeteria. "Sinasapian na naman ata." Ako na ang sumagot sa tanong ko.

"Nagje-jelly lang yun," sabi ni Angelo kasabay ng tunog ng crunchy food.

Humarap ako sakanya. Kaya pala ̶  ngumangata na naman.

"Assuming mo, Angel."

"Anong assuming?" Nilunok niya muna ang kinakain niya bago nagpatuloy. "Ikaw ang assuming."

"Haluh, bakit ako? Ikaw yung nagsabi dyan na nagseselos si Demon eh."

"At sinabi ko bang nagseselos siya kasi crush ka niya?" Shoot. Bakit ko nga ba naisip yun? Ako nga talaga ang assuming. Argh! Kung malaman ni Demon 'to, panigurado pagtatawanan ako nun.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagalit yun kasi niyakap mo si Johan." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ibig mong sabihin bakla si Demon?"

Ngumiti siya ng nakakaloko bago pinuntirya ang lava cake.

"Baliw ka!"

Natawa lang kami pareho. Maya-maya, naglusuban ang mga babae sa kinalulugaran namin. Yung coat kasi ni Demon iniwan niya. Kaya heto, pinagkakaguluhan ng mga babaeng nagkakandarapa sakanya.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C29
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄