下載應用程式
13.92% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 11: Chapter 10

章節 11: Chapter 10

My Demon [Ch. 10]

Keyr Demoneir's Point Of View

"Tigilan mo nga ang pangingialam sa mga files dyan!" pagsaway sa'kin ni ninang Aura.

Hindi ko naman sya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi naman ako nangingialam eh. Tinitignan ko lang ang bawat title na nakasulat sa bawat folder na makuha ko.

"Kapag may nawala dyan makikick-out ka talaga," pagbabanta nya as if matatakot naman ako.

Binalik ko ang folder na kakakuha ko palang at umikot para harapin sya.

"Ako? Makikick-out ang gwapong 'to?" tanong ko sakanya habang tinuturo ang sarili ko gamit ang hintuturo ko. "Imposible," dagdag ko atsaka naglakad patungo sa couch at humiga.

"Wag ka nga, Keyr! Tatay mo na ang nagsabi na ituring kang normal student dito. Kahit nga anak ka ng may-ari ng paaralang ito, nasa second to last section ka pa rin at madalas kang nadedentent blah blah blah."

Kaya ayokong kinakausap si ninang Aura dahil dyan. Bibigyan ko sya ng words, babalingan nya naman ako ng napakaraming sentences.

Gaya ng madalas, hindi ko nalang sya pinansin. Ginawa kong unan ang braso ko at pinatong ang mga paa ko sa arm rest ng couch. Si ninang naman, tumigil na sa pagdada. Pinagpapatuloy na nya ang kung ano mang ginagawa nya sa laptop.

"Ang liit naman ng couch mo dito, ninang," sabi ko habang nakatingin sa kisame.

Bakit nga ba ko nandito? Blame dad. Pinapunta nya ko dito sa office ni ninang dahil ipapakilala nya daw ako sa "magiging-kawawang" tutor ko. Kung hindi lang talaga ako tinakot ni daddy na puputulin nya ang allowance ko, hindi talaga ako pupunta dito. Tch. Nasasayang ang oras ko.

"Ang tagal naman nila dun," sabi ko matapos mag-isip isip. "Ano ba kasing naisipan ni dad para ikuha nya ko ng tutor?"

"Makapagsalita ka parang ang tataas ng grades mo ah," sagot sa'kin ni ninang. Tinignan ko sya, nakatingin lang sya sa screen ng laptop nya habang nagta-type. "Ang dapat na tanong ay; ano ba kasing naisipan ng dad mo para ngayon ka lang ikuha ng tutor."

Whatever. Di na nga lang ako magsasalita. Nilabas ko ang phone mula sa bulsa ng pants ko. Maglalaro nalang ako ng android games para malibang. Ang alam ko kasi, nasa conference room pa si dad with my magiging-kawawang tutor dito mismo sa office ni ninang.

Matapos kong maglaro ng car racing, tekken naman ang sinunod ko.

"Keyr." Napatingin ako saglit sa right side nang marinig ko ang ma-authority na boses ni Dad tapos sa phone ko na ulit.

But wait... agad akong napatayo nang ma-realize na may katabing unano si daddy.

"Ikaw na namang kulot ka?" Nilapitan ko sya at aambahan na susuntukin, pero mabilis syang nakapagtago sa likod ni daddy.

"Tito, oh!" sumbong pa nya habang nakakapit sa likuran ng business suit ni daddy.

"Tito? Kamag-anak ba kita, ha? Wala akong kamag-anak na unanong kulot!"

"At wala rin akong kamag-anak na demonyo!"

"Anong sinabi mo?" Humakbang ako para bugbugin sya kahit na nasa likuran sya ni dad, pero hinarang ni daddy ang braso nya para pigilan ako.

"Tumigil na nga muna sa away. Magkakilala ba kayo?" tanong ni dad at magkasunod kaming tinignan nung babaeng kulot. Kinailangan pa nyang yumuko para makita si Kulot. Tss. Napakaliit naman kasi eh.

"Hindi kami magkakilala pero ang daming atraso sa'kin nyan!" tinuro ko yung babaeng kulot at sinamaan ng tingin.

Lalo syang nagtago sa likuran ni dad. Bata talaga.

"Anong atraso?" curious na tanong ulit ni dad.

"Napakarami," Sagot ko habang pinandidilatan ng mata yung babaeng kulot. "unang-una, dahil sa kanya kaya ako napadpad sa police station. Pangalawa..." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na si dad.

"Ah, sya ba yung tinutukoy mo na niligtas mo? Very good. Tadhana nga naman," tuwang tugon nya. Kung anu-ano na namang lumalabas sa bibig ng tatay ko.

Lumabas ang babaeng maliit na kulot sa likuran ni dad. "Anong niligtas?" Huminto sya saglit at nilagay ang dalawa nyang kamay sa hips nya. "Hindi mo naman ako niligtas, diba? Binugbog mo lang yung mga lasing kasi sabi mo--mrmph."

Hindi ko na inantay pa na makatapos syang magsalita, tinakpan ko na agad ang bibig nya gamit ang kamay ko. Sa bibig ko ba mismo nanggaling na niligtas ko sya? Hindi naman ah! Wala akong sinabing ganun. Yung mga tarantadong lasing ang nagsabi nun at hindi ako.

"Tumahimik ka! Tatanggalin ko yang dila mo!" pagbabanta ko sa kanya. Kawag kasi ng kawag.

Inawat ako ni daddy sa pamamagitan ng paghila sa'kin palayo sa babaeng kulot.

"Can you please be nice even to her?" Nag-eenglish na si daddy. Isa lang ibig sabihin nyan, nagagalit na sya. Tumingin sya sa kinaroroonan ni ninang Aura.

Kami naman ng babaeng kulot, nag-aaway ng bulungan. Kakaiba sya. Nakikipagsagutan talaga sya sa'kin. Sasapakin ko na talaga 'to.

"Hindi mo ba ko tutulungang awatin ang dalawang 'to??" rinig kong tanong ni dad. Nagpapatayan pa kasi kami sa tingin ng unano eh.

"Kaya mo na yan. Busy ako dito," sagot sa kanya ni ninang.

Dad clears his throat that catch our attention.

"Keyr, look," mahinahong sabi niya. "Kailangan mo sya para tumaas-taas naman ang grades mo kahit papa'no, so please treat her nice."

"Pero bakit sa kanya pa? Bakit sa isang freshman student pa?"

"Freshman pinagsasasabi mo dyan! Senior na rin kaya ako," pagdepensa nya sa sarili nya.

"Talaga?" Tinignan ko sya mula paa pataas sa mukha nya. "Di halata."

"Keyr," saway sa'kin ni dad. "Nag-offer na kami sa iba pang geeks na maging tutor mo pero lahat sila nagrefuse. Mga natatakot sa'yo."

"Nakakatakot kasi mukha mo," pakikisabat ng bata at sinundan nya ng nakakalokong tawa.

"Anong sinabi mo?" Susugurin ko na sana sya kaso agad na humarang si dad.

"Keyr!" Ako na naman ang sinaway nya. Sino kaya ang nag-umpisa, ha? "Bukas na bukas, start na ng tutorial session nyo. Sa bahay, sa study room, after class. Monday to saturday. And Keyr." Tinitigan nya ko na parang pinapagalitan sa tingin. "Once na tumakas ka sa tutorial session nyo o may gawin kang kalokohan kay Soyu,"

Soyu pala name ng kakawawain ko.

"putol ang allowance mo," he added. Ganyan naman palagi ang panakot nya sa'kin. Sa bagay, takot din naman talaga ako na maputulan ng allowance. Hindi ako tinatakot ng grounded dahil kayang-kaya kong makatakas sa bahay kahit punuin pa nya ng security ang buong bahay.

"Ang bait ng daddy mo. Binigyan nya ko ng ganito," pinakita nya sa'kin ang touch screen phone at winave wave. Yabang. Walang wala pa rin ang phone nya sa iPhone 6 ko.

"I-touch ko lang daw ang number 1, matatawagan ko na sya at yari ka na!" Yari mo mukha mo! Tignan lang natin kung sinong mayayari during our tutorial session. Wag mo sabihing babae ka makakaligtas ka na sa pangbubully ko.

"Tito, salamat sa pagturo kung paano 'to gamitin." Nag-usap na sila. Tss.

"Walang anuman. Kahit ang hirap mong turuan," todo ngiting sagot sa kanya ni dad. Kaya siguro ang tagal nilang lumabas ng conference room dahil dun. Slow naman ata ang babaeng yan, tapos ayan pa ang pinili ni dad na maging tutor ko. What a life!


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C11
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄