下載應用程式
11.39% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 9: Chapter 8

章節 9: Chapter 8

My Demon [Ch. 08]

 

Keyr Demoneir's Point Of View

 

"Trigonometry- 73, English- 85, Physics- 76, Filipino- 74," pagbanggit ni Ninang Aura (school principal) sa grades ko. "Grabe ka naman, Mr. Fuentalez! Out of four major subjects, dalawa lang ang pinasa mo? Yung isa pasang awa pa."

Nasa office nya ako at kasalukuyang sinisermonan. Sanay na ako sa bunganga nyan dahil ever since na sya ang naging principal dito, una nyang inaalam ang grades ko bago pa man ang distribution ng report cards.

Nakaupo lang ako sa upuan na nasa tapat ng desk nya habang naglalaro ng car racing sa phone ko. Woot! Muntikan pa kong mabangga.

"Graduating ka na, Keyr! Kailangan mo ng magandang grade background para makapasok ka sa magandang paaralan. Oo, kilala ang pamilya mo pero blah blah blah." Ang dami nyang sinabi pero hindi ko nalang iniintindi. Paulit-ulit lang naman eh. Rinding rindi na ang tenga ko sa sermon nya.

"Aish! Nabunggo na. Highscore na sana eh."

"Keyr, are you listening? Tigilan mo nga muna yang kaka-cellphone mo," utos nya.

"Tigilan nyo din muna ang kakasermon nyo," utos ko rin sakanya para quits habang naglalaro.

"Hay! Ano na bang gagawin ko sa'yong bata ka?" With the corner of my eye, I saw her massaging her temples. "Bakit ba ang hirap mong pagsabihan? As a principal, it is my duty na pagsabihan ka na mag-aral ng mabuti. And besides, concern ninang din ako."

"Argh! Game over na naman. Kaasar." Tinigilan ko na ang paglalaro at tumingin kay ninang Aura. "Easy ka lang, ninang. Lalo kang tatanda," sabi ko at kinindatan sya.

Napailing nalang sya at halata sa mukha nya na nakukunsume na sya. "Your parents will surely disppointed about this. Again."

"I know," I murmured. Ano pa bang bago? Tuwing makikita ng parents ko ang grades ko, paulit-ulit nalang ang nangyayari. I always receive a sentence from my mom while an essay from my dad. Eh, sa hanggang dito lang talaga ang kaya ko, may magagawa pa ba sila? I-enroll nila ko sa boxing or judo school, baka maging best in class pa ko.

"Hindi ka ba nagsasawa na palaging ganito kababa ang grades mo? Sa english ka lang nag-e-excel. How about the others?"

Hinila ko ang upuan sa harap ko at pinatungan ng paa. Ang boring talaga dito. Hinawakan ko ang kamay ko at pinatunog. Parang gusto ko na naman ng sakit ng katawan. Nangangati na naman ang kamay ko. Gusto ko na naman makipag-sparing.

"Bakit hindi ka gumaya sa kuya mo?" Natigilan ako sa sumunod na sinabi ni Ninang. Here we go again. Comparing me again over my brother. How I hate being compared. Palagi nalang akong kinukompara sa kuya ko. Mas mabait, mas responsable, mas masipag, mas matalino . . . lahat na! Lahat na ng MAS nasa kanya na. Tsk. Kahit nasa kanya ang lahat ng MAS at kahit baliktarin man ang mundo, ako pa rin ang MAS gwapo at MAS hot sakanya.

But even if I am always compared with my brother, hindi ako nagalit sakanya. Best buddy kami kung tawagin, pareho sa bunso namin.

"Is it clear, Keyr?" Tanong nya matapos ang kanyang sona. Kahit hindi ko naman naintindihan, tumango nalang ako at pinayagan na nya akong makaalis.

Habang naglalakad ako, lahat ng mga nakaharang sa daan ko ay nag-gi-give way. Dapat lang! Subukan nilang wag tumabi at makakausap nila ang kamao ko. Kating-kati pa naman ang muscles ko. Pakshet! Hinahanap hanap talaga ng katawan ko ang makipagbugbugan. Nasanay na kasi ako eh. I considered my fight as an exercise kaya siguro hinahanap-hanap ko.

Nag-vibrate yung phone ko. Tumatawag si Ployj, ang kaibigan kong limited ang saliva kaya nagtitipid magsalita.

I hit the answer button then pressed my phone against my ear. " Problema mo?"

"Yung bag mo," sabi nya mula sa kabilang linya.

"Oh, ano ngayon?" Nung pinatawag kasi ako ni Ninang, may klase pa pero 15 minutes nalang naman dismissal na. Sabi nung teacher ko sa last subject, pwede ko na daw dalhin yung bag ko kaso tinatamad ako kaya iniwan ko nalang. Katabi ko naman si Ployj at sigurado akong walang gagalaw ng anumang pag-aari ko. Alam kasi ng lahat na ginagawa kong punching bag ang sinumang makialam ng mga gamit ko.

"Umalis na ko." Inang yan! Napakaganda talagang kausap ng unggoy na 'to. Pa'no ko ba 'to naging kaibigan, ha?

"Nasaan na yung bag ko? Wag mo sabihing iniwan mo? HOY! WAG MO SABIHING KAIBIGAN KITA---"

"Bye." At sumunod na narinig ko ay ang toot toot toot.

PUT-- Hinila ko sa kwelyo yung lalaking kadadaan palang.

"B-bakit po?"

"Alam mo kung anong section ko, diba?" tanong ko sakanya at sinamaan ng tingin. Hindi ko sya kilala pero hindi malabong mangyari na kilala nya ko.

"O-opo."

"Kunin mo yung bag ko."

"P-pero hindi ko po al---"

"Alamin mo wag kang tanga!" Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa kwelyo nya at hinila sya paangat hanggang sa malapit na ang mukha nya sa mukha ko.

"Magbibilang ako ng isa hanggang sampu at kapag wala ka pa dito . . ." hindi pa ko tapos magsalita, nagsalita na sya.

"O-opo. B-bibilisan ko po."

"Good." Binitawan ko na sya at tinitigan. Nakatingin din sya sa'kin at parang nanginginig. Hindi pala, wala ng parang. Bakit ba sila ganyan? Bakit halos lahat ng tinititigan ko ay parang natatakot? Maganda naman ang mga mata ko para katakutan nila.

"Isa," sabi ko na naging dahilan para matauhan sya.

"Kukunin ko na po," natatarantang sabi nya at kumaripas ng takbo. Pinanood ko sya hanggang sa makalayo na sya. Sa kinilos nyang yun, naalala ko yung batang maliit at kulot ang buhok. Psh. Cursed me for thinking about that kid.

"Ay, sorry." Napatingin ako sa babaeng kadadaan lang tapos sa sapatos ko naman na nadumihan dahil inapakan nya. Sigurado akong inapakan nya ang sapatos ko para magpapansin gaya ng ibang babae.

"Anong sorry?" naiirita kong tanong sakanya. Mabagal lang ang paglalakad nya at napansin kong may hawak syang ice cream na nasa cone. Alam kong binabagalan nya ang lakad nya para mapansin ko sya. Heto na, pinansin ko na sya pero humanda sya sa'kin!

Nakalagpas na sya sa'kin kaya naman umikot ako patalikod para harapin sya.

"Sorry is paumanhin sa tagalog," sagot nya habang nakatalikod sa'kin. Aba bastos 'to ah!

"Sorry mo mukha mo! Humarap ka nga sa'kin!" Hinila ko sya paharap sa'kin.

"Haluh, yung ice cream ko," nakayuko nyang sabi habang nakatingin sa ice cream na nalaglag sa lupa dahil sa paghila ko sakanya kanina.

Hawak pa nya yung cone na may tirang kaunting ice cream. Yumuko ako para makita yung mukha nya. Nahirapan pa ako kasi ang baba ng height nya at natatakpan ng buhok nya ang mukha nya. Teka . . . blonde plus curly hair . . . sya ba yung . . .

Soyunique's Point Of View

After ng araw na niloko at tinakot ako ni Demon na ibebenta ako at laman loob ko ang gagawing toppings ng pizza, pinagod, binilad sa araw at pinagbitbit, tinantanan na nya ako. Means, hindi na nya ako inabangan o kung ano pa yan. Back to normal na ulit ang pamumuhay ko. Hihi! Madalas ko ngang nakakasama si Johan. Si Angelo, ayun! Panggulo pa rin sa daily life ko. Haha! At si Demon? Hindi na ulit nagsalubong ang landas namin. At sana magtuloy-tuloy na.

"Bye, Soyu."

"B-bye din, Johan," wala sa wisyong sagot ko sakanya. OMG! He bid a goodbye to me!

He smiled that made my heart melt. Aww. The next thing I knew, naglalakad na sya palabas ng classroom namin pero bago pa sya tuluyang makaalis, nilingon nya ako at kinindatan.

"Hay." Napabuntong hininga nalang ako habang nakahawak sa chest ko malapit sa puso at nakatingin sa pinto ng classroom namin na pinaglabasan ni Johan.

"Huy!"

"Ay bakla!" Napatalon ako sa gulat.

"OA mo, Sistarets!"

Tumawa nalang ako ng pilit at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. Grabe, di ko mapigilang hindi mapangiti dahil na-i-imagine ko ang itsura ni Johan habang nakangiti sa'kin.

"Oy, Sistar nakita ko yung kanina. Ayee! Keleg pepi ka, noh?" pang-aasar ni Angelo habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

Ni-behlatan ko lang sya at sinara ang zipper ng bag ko.

***

Kasalukuyan akong naglilibot-libot sa Fuentalez High. Nagpunta kasi si Angelo sa SC office dahil may meeting daw silang mga officers pero hindi naman daw matagal. Aabutin lang naman daw ng isang oras. Hanep, isang oras din akong mag-aantay. Gusto nya kasi sabay kaming umuwi kaya nagmakaawa sya sa'kin na antayin ko sya. Oo, nagmakaawa at para pumayag ako, nagpalibre ako sakanya ng ice cream. Hihi! At dahil nga sa uto-uto sya, binilihan nya ko.

Nilalatak ko nga habang naglalakad eh. Tsalap tsalap!

Habang nili-lick ko ang ice cream, aksidente akong nakaapak ng paa.

"Ay, sorry," sabi ko sa sapatos na naapakan. May tutulong ice cream kaya ni-lick ko agad.

"Anong sorry?" Ay, hindi marunong mag-english? But wait, familiar yung nakakakilabot na boses na yun ah! Kaninong boses nga ba yun? Never mind na nga lang.

"Sorry is paumanhin sa tagalog," sagot ko.

"Sorry mo mukha mo! Humarap ka nga sa'kin!" Nagulat nalang ako ng hilahin nya ko paharap sakanya.

"Haluh, yung ice cream ko," nasabi ko nalang habang pinagmamasdan ang ice cream na nalaglag sa lupa. Potek! Mas madami pa ang natapon kaysa sa natira sa cone. Argh! Pagbabayaran nya 'to!

Buong tapang akong tumingala at sinabing, "Eto'ng sa'yo!" Dinikit ko ang cone na may tirang ice cream sa uniform nya. And it was too late to realize na si Demon ang kaharap ko. Waaaah! Mama ko!

"FCK!" galit na mura nya at tinignan ako ng masama. Haluh, pasama ng pasama ang tingin nya. Waaah! Nakakatakot.

"WHY THE HELL DID YOU DO THAT?!" Pulang-pula na sya sa galit at halos pumutok na ang mga veins nya.

Napaatras nalang ako at walang ibang nagawa kundi ang sumigaw ng, "MAMA KO!" at kumaripas ng takbo palayo sa lugar kung nasaan may galit na galit na demonyo.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C9
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄