下載應用程式
6.32% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 5: Chapter 4

章節 5: Chapter 4

My Demon [Ch. 04]

"Gaga ka, Sistar! Ang agaw eksena mo kanina sa cafeteria, ha!"

Nagpout nalang ako. Saka ko lang na-realize na sobrang nakakahiya ng ginawa ko kanina nung nakapasok na ko sa classroom namin. Hiyang-hiya ako lalo na kay Johan.

Di pa tapos ang lunch break at kami lang ni Angelo ang nandito sa classroom namin. Nasa caf din pala sya kanina at nasaksihan nya ang kahiya-hiya kong eksena. After ko daw magwala doon, sinundan nya daw ako para basbasan. Ano ko nasasapian?

"At alam mo bang matapos mong ma-exorcist, lahat ng tao nagtinginan kay Johan. Obviously, they were thinking na sya ang sinasabihan mong demonyo kasi sya ang kasama mo. Tsk. Tsk. Tsk." Umiling-iling sya.

Haluh, nakakahiya talaga para kay Johan. Nilibre pa naman nya ako ng maraming pagkain. Kasalanan 'to ni Keyr eh! Kapag sinabing "demonyo" dapat alam na nila kung sino yun. Nagbubulag-bulagan pa eh.

"Dinamay mo pa talaga si Fafa Johan sa kabaliwan mo."

Gusto kong sapakin si Angelo dahil ang dami nyang sinasabi na talaga namang idinadagdag ng kahihiyan ko sa katawan.

"Mabuti nalang at sobrang angelic face ni Fafa Johan kaya nawala ang kutob ng madlang people na sya ang sinasabihan mo. Nahihiya ka ba?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Tanungin daw ba ang obvious.

Ilang minuto ang lumipas, nagsisidatingan na ang mga classmates ko na kapag napapatingin sa'kin, kusa silang natatawa. Huhu! Pwedeng mawala nalang dito sa lugar na 'to in just one snap?

Kasi naman yung Keyr na yun eh! Nakakatakot tumingin. Para kong nasa horror movie kapag tumitingin ako sa mga mata nya.

Pagdating ni Johan, inub-ob ko agad ang ulo ko sa desk ko para di nya ko makita. Hiyang-hiya kasi talaga ako sa kanya. Wala na kong mukhang ihaharap sa pagkakasala ko sakanya-- de joke. Ang OA ko na naman.

"Soyu, okay ka lang?" Boses ni Johan yan. Nararamdaman ko din na nasa harapan ko sya.

I bit my lower lip. Hindi ba sya galit dahil bigla ko nalang syang nilayasan? Besides, I guess napahiya ko sya. Tama ba? O ako ang napahiya ng tunay? Wenks. Tinanong ko pa eh noh? Sino kaya 'tong nagsisisigaw habang tumatakbo? Kase naman eh.

"Nagluluksa sya dahil sa kahihiyan na kanyang ginawa," naring kong sabi ni Angelo. Naglungkot-lungkutan pa sya. Hmp!

"Okay lang yan, Soyu." Naramdaman kong tinapik nya yung likod ko ng mahina.

Inangat ko yung ulo ko. Nakaluhod sya sa harapan ko at nakangiti, a comforting smile. Napaka-smiling face naman nito.

"Johan, sorry." I looked down at his shoes. Napaka-shiny. Magkano kaya bili nya dyan? Ehem. Bakit kaya ang bilis mag-iba ang takbo ng isip ko? Ang dali kong ma-distract. Nagdadrama pa naman ako ngayon.

"Bakit ka nagsosorry?" Ang malumanay naman nyang magsalita. Para syang kumakausap sa three year old kid na humihingi ng sorry.

"Kasi," I paused. Nag-iisip ako kung sasabihin ko pa. Bakit nga ba kasi ako nagsosorry? Eh hindi naman sya napahiya.

"Kasi?"

"Kasi iniwan kita tapos napahiya pa ata." Tinignan ko sya at nagpout. Nakasanayan ko ng magpout simula bata pa ko kaya utang na loob, wag kayong magreklamo. Bagay naman sa'kin eh. Hihi.

He laughed softly that made my heart melt. Ayt? Puro ganyan.

"Bakit naman ako napahiya?"

Umiwas ako ng tingin at naghahanap ng tamang dahilan hanggang sa masalubong ko ng tingin si Angelo na nakaupo sa designated seat nya for our next subject.

Tinignan ko sya ng parang may sinasabi, mukhang na-gets naman nya yun kasi umiwas sya ng tingin. Langya!

"Atsaka okay lang kung iniwan mo ko. May third eye ka ba?"

Gusto kong matawa sa tinanong ni Johan. Third eye? Kung may third eye na nga talaga ako dahil sa nakikita ko ang Keyr na yun na mukhang kamag-anak ni Lucifer, ibig sabihin may third eye din lahat ng tao dito.

Tinignan ko lang si Johan at hindi sumagot. Nagpout lang ako tapos kunyari malungkot pero ang totoo, ineenjoy ko ang napakaganda nyang mukha. Hihi!

Pinangaralan kasi ako ni Angelo dati na wag daw ako puro aral. Baka daw kasi ma-stress ako. Pwede naman daw kasing pagsabayin ang aral at landi nang hindi nasisira ang buhay mo eh. See? Napaka-good influence ng bespren ko.

Bago pa matunaw si Johan, kinuha ko yung bag ko na kanina ko pa sinasandalan nang hindi inaalis ang tingin kay Johan. Nagtitigan kami. Ayee! Para kong nasa heaven.

Pinatong ko sa desk ko yung bag ko atsaka binuksan. Nilabas ko yung nova, chuckie at maging yung turon na pinabaon sa'kin ni Mama.

Inabot ko yun kay Johan. "Johan, sa'yo nalang. Bayad sa panglilibre at pang-iiwan ko sa'yo."

Kanina pa sya nakaluhod. Hindi ba sya nangangalay?

Tinignan nya lang yung mga pagkain na inaalok ko sakanya then tumingin sa'kin ulit. "Hindi naman ako humihingi ng bayad."

"Kahit na. Sige na, please!"

"Pero---"

"Magagalit ako kapag di mo kinuha." Ang FC ko, I know.

"Hmm. Sige na nga. Malakas ka sa'kin eh." Pinisil nya ulit ang pisngi ko bago tinanggap ang binibigay ko sakanya. Hihi! Ang FC din nya kaya bagay kami.

Dumating na yung teacher namin kaya tumayo na sya at bumalik sa harapan, sa upuan nya. Bago sya umupo, he mouthed a "thank you".

Again, he smiled that made my heart melt.

Nung dismissal na, hindi kami agad nakauwi ni Angelo. Bakit? Kasi naman po, may DEMONYONG nag-aabang sa tapat ng school gate dun sa exit.

Nagulat nga si Angelo nung bigla ko syang hinila palayo kaya kinwento ko sakanya ang lahat. Pati na rin na si Keyr ang sinasabihan kong Demonyo nung nagsisisigaw ako sa caf kanina.

At ayun! Nakatanggap na naman ako ng isang batok sakanya nung nalamang si Keyr Demoneir Fuentalez I had messed with. He was like, "Of all people, bakit sya pa, ha?!"

Hindi ko naman alam eh. Malay ko ba? Malay ko bang Fuentalez ang family name ng bully king na yun na anak ng owner ng paaralang ito na kaninu-ninuan nya ang founder Fuentalez High. At isa pa, hindi ko naman sinasadya lahat ng nangyari eh.

Hindi ko sinasadya na masuntok sya. At lalong hindi ko sinasadya ang nangyari kanina sa cafeteria. Sino ba namang gustong mapahiya eh.

Nasa hallway kami which is malayo sa gate para makaiwas sa sakuna.

"My gosh! Tama ka nga, girl! Nandun nga sya! Kyaaaah! Tara na't ating lusubin." May mga babaeng natatarantang tumatakbo na halatang papunta sa gate kung nasaan yung demonyo. Tss.

"Ano nga ulit pangalan nun? Keyr . . ."

"Keyr Demoneir Fuentalez. Ang aking pantasya magmula pa noon." Tinignan ko si Angelo. Nabatukan ko sya nang makita ang reaksyon nya. Nakahawak kasi sya sa chest nya where his heart is located habang pinapakinang ang mga mata.

"Ang sagwa! Sige, ipagpatuloy mo lang yan. Di na kita tatawaging Angel," pananakot ko sakanya.

"Tse! Panira 'to ng aura. Hmp!" Inirapan nya ko ng pabiro tapos tumingin-tingin nalang sa mga dumadaan at mga babaeng halos madapa na sa kamamadali makapunta lang agad kung nasaan si Keyr.

Keyr Demoneir.

"Pft---HAHAHAHAHAHA!" Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa biglang sumagi sa isip ko.

Hinila naman ni Bakla ang buhok ko pababa sabay sabing, "Nababaliw ka na naman."

"Eh kasi . . . Hahahaha . . . May Demoneir sa pangalan nya."

"So?"

"May DEMON! WHAHAHAHA! Bagay na bagay sakanya." At natawa na po ako na parang walang bukas.

Tawa ako nang tawa habang ang sama ng tingin sa'kin ni Angelo. Tawagin ko ba namang Demon ang lalaking pantasya daw nya simula pa noon. Pweh!

Late na kami nakauwi kasi anong oras na umalis yung demonyo sa gate. Pati tuloy si Angelo anong oras na nakauwi. Sabay kasi kami pumapasok ni bespreng at umuwi dahil sabay kaming umuwi at makikikain pa daw sya sa bahay. Mas gusto pa daw nya kasi ang luto ng mama ko kaysa sa luto ng katulong nila.

Hay, ang daming nangyari ngayong araw na 'to. Inabot tayo ng first up to fourth chapter.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄