下載應用程式
92.85% Story Mo Lang (Leo Madrigal story) / Chapter 13: Chap 11 So anong plano?

章節 13: Chap 11 So anong plano?

Ayun nilalagnat na talaga si Leo kaya naman negative na kaming matuloy nito sa Pangasinan. (Sad reacts only) kinuha ko number nung kasambahay nila Leo para magpadala ng gamot at ng damit dahil sa kalagayan ni Leo delikadong iwan to kasi ang init niya talaga tapos nilalamig raw siya kaya naman pinatay ko na yung aircon at fan. natext ko na yung kasambahay nina Leo. binalikan ko si Leo sa kwarto matapos akong kumuha ng tabo na may tubig at face towel para naman ilagay sa noo niya nakakaless kasi yun ng heat diba po? nilagay ko na sa noo niya nakapikit lang si Leo pero alam ko gising siya.

"Ayan ah Pangasinan ka pang nalalaman ah! paplano plano di naman pala kaya!" hinawakan niya kamay ko habang nagsasalita ako kinuha ko naman phone ko at tinawagan si Mama Malyn at nagring naman agad at sumagot

"Mama nako mukhang negative kami makarating dyan mamaya ni Leo dahil itong magaling na to na nagyaya papunta dyan ay inaapoy na sa lagnat"

"Nako eh bakit kanina para naman masigla pa siya?"

"Yun nga mama eh panggap panggap din to eh nahihilo na pala kanina nung magkausap tayo nageempake na ako eh nung nalaman ko na nilalagnat na pala siya," biglang nagsalita si Leo

"Mama sorry po siguro na excite lang talaga ako" nakaspeaker kasi yung tawag kaya alam ni Leo

"Oh siya sige anak, Leo magpagaling ka. siguro naulanan ka ano kaya ka nagkaganyan?" ay may prediction si mama hahaha tinapat ko sa mukha ni Leo yung phone para magkarinigan sila.

"ay opo mama naulanan nga po ako noong nakaraang araw pero ayus lang po aalagaan naman po ako ni Geo eh" ayun nadamay pa ako kaya nilapit ko na ulit sa akin yung phone ko tinignan ko ng masama si Leo naiinis kasi ako eh.

"Oh siya pano mama sinabi ko lang sa inyo dyan na di kami tuloy pasabi na rin kay papa ah" pang closing ko na

"Sige anak ah alagaan mo yan si Leo ingat kayo dyan pareho bye bye"

"bye mama salamat po" at natapos na ang tawagan binalik ko na phone ko sa side table binaliktad ko na rin yung face towel sa noo ni Leo. init niya teh. hawak kamay pa rin kami ngayon ewan ko ba nakakatulong ba yun? pero wala eh naawa ako sa kalagayan ni Leo.

"Geo pasensya na ah kasi akala ko mawawala to kapag uminom na ako ng tubig kanina sorry Geo" hala nagsasalita siya ng nakapikit delikado na ba toh?

"Wag kana magsorry mabuti na rin na di tayo tumuloy ng ganyan ka dahil baka mapasama pa lalo tayo sa byahe" yan tayo eh kahit miss na miss ko na si mama at papa

"Thanks Geo" sabay nagsmile siya pero may pain eh sa mukha niya. nagring naman ang doorbell nafeel ko na yun na yung kasambahay nina Leo kaya nagpaalam ako kay Leo.

"Leo mukhang andyan na si Manang dala yung gamot mo at damit baba muna ako ah" patayo na ako sa kama pero bigla niya hinila kamay ko kasi nga holding hands pa kami eh (sows)

"Bilisan mo Geo ah please" hala naman o bakit ganun?

"Opo opo" sabay kalas sa kamay niya at bumaba na agad sa gate para salubungin si Manang. nagulat naman ako pagbukas ko ng gate ang daming dala ni Manang buti na lang at di malakas ang ulan si Manang na nasa bandang 50+ na eh may dalang backpack tapos kabilang kamay ay may dalang grocery at yung isa pang payong naman kaya kinuha ko na agad yung grocery ni Manang pinatay ko na rin yung payong niya at pumasok na kami sa loob. tumuloy kami ni Manang sa kwarto para makita rin niya si Leo ayun natouch ako dahil ang sweet ni Manang (wait lang ah Manang manang muna tayo di ko pa kasi talaga alam pangalan ni Manang eh di pa nabangit sa akin ni Leo at bakit ba di ko rin natanong kanina) nilapitan niya agad si Leo at kinamusta.

"Sir Leo kamusta po ang pakiramdam niyo" opening remarks ni Manang

"Ay Manang Rona salamat po nakarating kayo masakit pa po ulo ko eh nilalamig rin po ako (kinapa ni Manang RONA yung noo ni Leo) pero lilipas rin po ito Manang wag po kayo mag alala" o ano alam ko na ngayon pangalan ni Manang, Rona pala! hahaha

"Sir Leo sige po ipaghahanda ko po muna kayo ng sopas" natuwa ako sa sinabi ni Manang Rona, di na umimik si Leo at tumayo na ulit si Manang Rona papunta sa akin

"Sir Geo pwede po ba makiluto po muna ako ng sopas sa kusina niyo?" tanong ni Manang Rona. siempre payag naman ako kasi makikikain din ako eh hinatid ko na si Manang Rona sa baba sa kusina at nagsimula na agad siya maghanda ng sangkap binalikan ko naman si Leo matapos i abot sa akin ni Manang yung gamot at biscuit pansamantala raw muna para makainom si Leo ng gamot pinadala niya na rin sa akin yung backpack ni Leo na may lamang damit. nako di ko alam mangyayari kung wala dito si Manang Rona.

pagbukas ko ng kwarto nakita ko si Leo na nakakumot pa rin. nilapitan ko na at umupo sa tabi niya.

"Leo bangon ka muna oh, may pa biscuit si Manang para sayo at para rin makainom kana ng gamot mo" dumilat naman si Leo at pinilit umupo pero di kinaya kaya inalalayan ko na. ang liit ng katawan ko para alalayan si Leo pero kinaya naman eh haiyst. hindi umiimik si Leo habang kinakain yung biscuit maya maya pa naubos na niya yung biscuit bakit parang di niya nginuya yun? ang bilis eh. inabot ko naman sa kanya yung gamot at tubig. ininom naman niya agad yun ayus naka inom na siya babalik na ako kay Manang Rona sa kusina para naman mapanuod ko pano siya magluto ng sopas at para maturo ko rin mga gamit sa kusina namin. pero

"Geo saglit lang (niyakap ako ni Leo habang nakaupo kami pareho sa kama ang init niya sobra) pwede ba ganito muna tayo kahit saglit lang?" hala wala ako nagawa kundi

"Sige" sagot ko, grabe ang init na ni Leo nakadamit pa rin siya eh na ginamit niya pamasok kanina kaya naman naisip ko na ialok na sa kanya yung mga damit na dala ni Manang Rona. magkayakap pa rin kami

"Leo may damit kana dyan oh sa bag na dala ni Manang magpalit kana kaya muna?" pero wala tahimik lang si Leo nakayakap pa rin sa akin.

"Opo Geo magpapalit ako mamaya promise ko po yan." hala bigla siyang gumalang ah

"tama na yakap Leo (inalis ko na pagkakayakap niya) sige na bihis kana dyan para maiba na pakiramdam mo kahit papano" paalis na ako ng

"Geo.." edi napalingon ako di ba?

"pwede bang ikaw na magbihis sa akin?" galing talaga ni Leo, palabas na ako ng kwarto eh pero sa sinabi niyang to bumalik ako sa kama para abutin yung bag niya akto ko na bubuksan yung bag pero bago yun hinagis ko na sa kanya.

"wag ako Leo! alam kong kaya mo pa yan! or kung gusto mo naman si Manang Rona tatawagin ko para bihisan ka ano game?" hamon ko sa kanya.

"ah eh Geo sige wag na kaya ko na to haha" tawa pa siya eh dami kasing alam eh. sinarado ko na yung kwarto para naman may privacy siya kahit papano at bumaba na ako sa kusina para tumulong kay Manang.

Nagkwentuhan kami ni Manang at naramdaman ko yung pagmamahal niya kay Leo dahil ito si Manang Rona ay Ate Rona pa lang noong Elementary kami siya na nagalaga kay Leo simula noon kaya big wow lang para kay manang. magaan naman loob ko kay Manang sana ganun din siya sa akin. nung medyo naaamoy na namin ni Manang yung sopas para akong bata na di mapakali sa excitement dahil gusto ko na tumikim ng luto ni Manang. at yun naluto na ang sopas pero ang sad lang kasi pagkaluto ni manang umakyat na siya kay Leo para magpaalam may pupuntahan pa kasi siya eh di ko na tinanong kung saan baka kasi magkaiyakan pa kami eh. dinalhan ko naman si Leo sa kwarto ng makakain naming sopas. grabe ang sarap ng luto ni Manang Rona. dito kami ngayon sa kwarto, nagbihis naman na si Leo at medyo bumaba na rin yung lagnat, kain lang kami ng kain ng sopas buti pang karinderia yung dami ng niluto ni Manang.

"Geo ano tara na sa Pangasinan?" sabay tayo lakas lakasan siya dahil may effect na siguro yung ininom niya na gamot.

"magtigil ka Leo at baka kung saan ka pa makarating kapag natuloy tayo at saka alam na nila mama at papa na di tayo tuloy dahil nga di mo kaya" ayun umupo na ulit siya sa kama hilo siya sa ginawa niya eh.

"Salamat Geo ah kasi inaalagaan mo ako." luh yan na naman siya.

"May bayad to Leo wag ka mag alala."

"ibibigay ko naman sayo yung katawan ko eh payag naman ako Geo" sabay ngiti.

"iyo na yang katawan mo uyy" pero kung alam niyo lang nako hahaha. natapos na kaming kumain ng sopas kaya busog na ulit kami di ko namalayan na 6 na pala sabi ko kay Leo nuod muna siya ng tv at huhugasan ko naman mga nagamit sa kusina.

matapos ko maghugas bumalik na ako sa kwarto. patay na yung tv at tulog na si Leo. maaga pa pero inaantok na rin ako kaya tumabi na ako sa kanya. wala akong kumot dahil na kay Leo lahat. ayun maulan sa labas pero ako ito pinagpapawisan dahil nakapatay ang lahat para di lamigin si Leo. maya maya pa naramdaman ko na bumangon si Leo tapos bumalik rin naman agad. magkatabi na ulit kami pero parang binuksan niya ata yung aircon dahil nakakaramdam na ako ng lamig. hinarap ko na siya sa higaan kasi gusto ko kumuha ng isang kumot sa kanya kaso baka siya naman lamigin. ewan ko ba bakit ba binuksan nito yung aircon eh nilalamig nga siya.

"Leo bakit binuksan mo yung aircon di ba nilalamig ka?" humarap na siya sa akin at kinumutan ako, grabe nilalagnat na naman siya kasi yung mata niya parang nangingilid yung luha dahil sa init ng katawan yun.

"binuksan ko aircon kasi ayaw ko naman na pagpawisan ka Geo" sagot niya

"hala eh pano ka naman?" siempre nagaalala ako

"ganito na muna tayo (mas lumapit pa siya sa akin to the point na kaharap ko na yung mukha niya) payakap naman ako Geo" at yun yumakap na siya wala pa ako sinasabi eh. kinikilabutan na ako kasi parang kakaiba na yung nararamdaman ko eh parang may nagigising na something sa akin hahaha (gets niyo ba yun?) titigan lang kami ni Leo tapos panay naman smile niya.

"Geo pakiss naman ako para gumaling na talaga ako" haha ayun kinilig ako pero siempre di ako pumayag di ako nakasagot kaya hinalikan niya ako sa pisngi ko wala ako nagawa (pero promise feeling ko pumunta lahat ng dugo ko sa mukha at yun parang nilalagnat na rin ako dahil umiinit na ako) hala!

"Leo, napakalandi mo!" habang sinasabi ko yan di ko mapigilan na ngumiti naramdaman ko na mas malandi ata ako (tama ba?)

"oh eh bakit parang kinikilig ka naman? sabay smile niya sows natutunaw na ako. hinampas ko yung dibdib niya dahilan para lumayo siya ng saglit loko eh aatakihin ako nito sa puso eh. nagsmile na lang ako kasi naman eh! sabay bangon sa kama para kunin yung gamot ni Leo at tubig sa side table galing ko no? baka kasi kung saan pa mapunta eh. inabot naman agad ni Leo yung gamot at ininom niya na rin. humiga na rin ako kaya tabi na ulit kami.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C13
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄