Chapter 3
Nang magpakilala sila sa akin lahat medyo ang awkward lang kasi hindi ako sanay tapos ang weird pa ng mga name nila.
"So ngayon kilala niyo na ung bestfriend ng kapatid. Kailangan niyo na din siyang protektahan." Seryosong sabi ni kuya Red.
"So dalawa na ung babantayan natin?" Nagtatakang tanong ni Yellow.
"Naku wag na po. Kaya ko sari--"
"Nasuntok nga niya ako dati na walang katakot takot" singit ni feeling gangster na si blue.
"Weh?!!" Sabay sabay nilang sigaw.
"Oo nung sinundo ko si Sora. Alam niyo naman ung kapatid ko na yun napaka-scandalosa. Eh biglang naki-epal tong babaeng to. Tapos sinuntok pa ako" nagtawanan naman ung mga kaibigan niya.
"Oh my gosh! Really Gabbie you did that? Grabe ka talaga" tawang tawa naman si Irene akala mo hindi ko kaibigan. Hindi naman kaya nakakatawa. Saka nakakaproud yun kasi may natulungan ako.
"Kakaiba ka Gabbie kaming lahat ni hindi nga namin makurot tong si blue tapos ikaw na sapak mo! Hmm...siguro dapat maging magkaibigan tayo" tumabi naman sa akin si Orange.
Napairap na lang ako sa sinabi niya. Sobrang big deal pala sa kanila ung ganun bagay mukha naman weak yung blue na yun. Tumunog na ung phone ko hudyat na nanjan na si kuya at sinusundo na ako.
"Kuya Red happy birthday again. I need to go nandiyan na si kuya. Tinext ko na kasi siya kanina. Bye and nice meeting you all" tumayo na ako at hinila si Irene papuntang sa gate nila.
"Hoy babae ikaw madami kang kasalanan sa akin ah. Humanda ka bukas. Ge alis na ako bye" lumabas na ako saka pumasok sa kotse ni kuya.
"How's the party? Nagenjoy ka ba?" Pinaandar na niya ang kotse.
"Hmmm i don't know. But i think no" tumingin na lang ako sa labas. Tumahimik na din si kuya hanggang sa makarating kami sa bahay.
♦
Masyadong boring ang class ngayon gusto kong matulog pero baka makita ako ng prof. ko kinalabit ko si Irene.
"Pssst!" Sitsit ko kay Irene.
"What?!" Iritadong bulong ni Irene.
Napataas ako ng kilay dahil sa pagsagot niya wala pa naman ako sa mood dahil inaantok ako. Mukhang nakaramdam siya kaya nagsorry siya.
"Nevermind" inirapan ko siya at lumabas ako ng room.
I need to eat para magising ako. Saglit lang naman ako di naman siguro mapapansin ng prof. ko yun.
"Miss one egg pie, cheesecake, turon, and siopao pakisamahan na din ng water. Thanks" inabot ko na ung pambayad tapos sinuklian pagka-abot ng mga order ko naghanap ako ng pwedeng upuan. Hindi pa ako nangangalahati sa cheesecake ko ay may umupo sa table ko.
"Dito ka pala nagaaral. What a small world alam mo ba junior na kami. Ikaw?" Inubos ko muna ung cheesecake ko bago ko siya sagutin.
"Yup. I know. Sophamore naman ako. Sorry i don't wanna be rude but can't you see i'm eating?" tinaasa ko pa siyang kilay ayoko pa naman sa lahat yung ginugulo ako habang kumakain. Napa-oh na lang siya.
"Masungit ka pala kapag gutom" napahagikhik na naman siya. ano kayang nakakatawa?.
"No. I'm sleepy that's why i'm eating" nagulat naman siya sa sagot ko. Sunubo ko na ung turon ko.
"Kakaiba ka talaga!" Amaze na amaze niyang sabi.
Bigla naman dumating ung mga kaibigan niya including kuya Red.
"Hey! Dito! nandito din si Gab" patuloy lang ako sa pagkain. nagtungo naman si kuya Red at mga kaibigan niya sa table ko.
"Gabbie? Wala kang pasok? Diba classmate kayo ni Irene?" Nagtatakang tanong ni kuya Red.
"Inaantok kasi ako kuya Red. And ang boring ng prof. namin so ito kumakain ako para mawala ang antok ko" napatango tango na lang si kuya Red.
"Sayo lahat to?" Gulat na tanong ni Yellow.
"Yup? Kulang pa nga yan eh" lahat sila na gulat except kay feeling gangster.
"Matakaw" bulong na sabi nung feeling gangster.
"Kung bubulong ka sisiguraduhin mong walang makakarinig ah" inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Meron ka ba?" Tanong ni Orange.
Nabatukan ko tuloy siya. Muntik na kasi akong masamid eh.
"SHUT UP!" namumula ata ako kasi naman tama siya.
"Aray ko ah! Mapanakit ka" nagpout pa siya.
"Ingay mo kasi eh" inis kong sabi.
"Kamo baka tama siya" bulong ulit ni feeling gangster.
Nasamid naman ako sa narinig ko kaya naman tumayo na ako.
"Pakialam mo kung meron ako ngayon. Pabulong bulong bulong ka pa jan eh. Sapakin kita eh. Jan na nga kayo. Bye kuya Red" inirapan ko silang lahat except kuya Red.
Grabe talaga ung lalaking yun mapapatay ko yun eh napaka-epal hindi naman kinakausap sabat ng sabat.
"Gabbie saan ka galing?" Tanong ni Irene.
"Sa pinanggalingan" inirapan ko siya at umupo na ulit sa upuan ko next subject na.
"Uy sorry na" malambing na sabi ni Irene.
Humarap ako kay Irene. "May problema ba ung" naparoll eyes ako dahil sa inis ko dun sa feeling gangster na Blue. "Blue sa akin at napaka-epal niya?"
"Well...baka kasi may ginawa ka sa kanya?" Napaisip naman ako. ang childish naman niya
"Ang childish naman ng taong yun nakakaasar siya ah" napairap na lang ako kasi sobrang childish niya kasi talaga di bagay sa image niyang mukhang and nagfefeeling gangster.
"Ano ba kasing pinagawayan niyo ni kuya blue?" Nagtatakang tanong ni Irene.
"Aba ewan ko dun sa gangster na blue na yun" tumayo na ako at aalis na lang ako dito sa room tagal ng prof namin eh.
"Wait sama ako!" Sigaw ni Irene. "baka naman masama pa din ung loob niya dun sa pagkakasapak mo sa kanya kasi to be honest ikaw pa lang nakakasuntok dun madaming takot dun eh tapos ikaw walang kahirap hirap na nasuntok mo siya" pahabol na sabi ni Irene.
"Aray!" Napahawak na lang ako sa balikat ko ang sakit kasi eh. Tiningnan ko kung sinong pangahas ang bumangga sa akin
"Ikaw!/you!" Sabay namin sigaw. Napairap kaagad ako nung makita ko pa lang mukha niya.
"Pwede ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ko sa kanya. Napakunot naman siya ng noo.
"Nakakarami ka na ah!" Sigaw naman niya pabalik.
"Wala akong pake sa nararamdaman mo! Tabi! dadaan ako" tinulak ko na siya at dumaan na ako.
"Oh no..." Pabulong kong sabi nakita ko kasi ung stalker ko since...basta kailangan ko muna makaalis dito.
Bumalik ako tapos hinila ko si Blue. Niyakap ko siya nagulat naman ata siya sa ginawa ko.
"Sumakay ka na lang muna. Kundi patay ka sa akin" mas hinigpitan ko ung yakap ko.
Sinilip ko kung nandun pa ung stalker ko buti umalis na siya. At mukhang nasarapan na din ung isang to sa pagyakap tinanggal ko na nga ung pagkakayakap ko pero siya nakayakap pa din.
"Ehem!" Nagulat naman siya at tinulak pa ako.
Napakunot siya ng noo. "Bakit mo ko niyakap?"