下載應用程式
70.54% I am a Rebound / Chapter 91: First Word

章節 91: First Word

Mali bang may maramdaman siyang ganoon?

Mali ba na maselos siya. Oo aminado siya dahil alam niya na mahal niya si Jason. Binigay niya ang sarili niya, ang buhay niya. Wala siyang ginawang bagay na mali at inalagaan niya ang reputasyon nito. Kahit pa may araw na gustong gusto na niyang magsumbong sa kung kaninong pwede niyang hingahan ng sama ng loob ay hindi niya ginagawa. Dahil iniisip niya ang sasabihin at magiging tingin ng mga ito sa kanya. Pero tila napaka-unfair ng dinadanas niya dito.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niya pa makipag kita kay Angeline. Hindi niya alam kung bakit ganon nalang ito mag care sa babae. Hindi naman din ito maganda. Kung tutuusin ay may itsura pa nga si Trixie kesa dito. Mas katanggap tanggap na gagawin ni Jason na ipagpalit siya mas maganda at mas bata pero hindi ee. May mga anak ang nauugnay dito. Kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya pa rin maatim ang ginagawa nito. Pakiramdam niya ay wala ito sa kanyang respeto. Hindi siya marunong maglagay ng limitasyon sa mga tao. At kung totoo na wala silang intensiyon, para saan ang secret conversation??

Hindi mahirap ibigay ang tiwala. Subalit pag ito ay nasira. Kahit pa magsasabi ito ng totoo ay hindi na maiiwasang maghinala.

Ang mga babae daw ay tamang hinala. Oo...dahil pag ang babae ay nakaramdam ng iba, sigurado tama sila.

Ilang beses niya napapansin na pag nag cha-chat sa kanya si Angeline ay masungit si Jason pag siya ay umuwi. Sinasabi nito na malisyosa siya at mapaghinala. Minsan naisip niya na tila ba sinasadyang pasamain ni Angeline ang bawat salitang isinasagot niya dito sa pandinig ni Jason para magalit ito sa kanya. Sa madaling salita, sinasadya nito na mag away sila.

Matino bang babae ang magtatanong sa lalaking may asawa kung nagsi-sex pa ba sila? Seryoso? Hanggang sa mga bagay na yon ay open sila? Mga open minded daw sila at hindi malisyoso pero hindi niya makuha ang point ng samahan na meron. May best friend din naman si Yen at one of the boys siya noon dahil electronics engineering ang course pero wala naman silang ganoon. Magkachat at magkatawagan maghapon? Ok lang ba yon? Mas madalas pa nga itong kumustahin ni Jason kaysa sa kanya ok lang ba yon? Susunduin niya sa trabaho si Angeline, kakain sila sa labas silang dalawa lang ok lang yon?? Ihahatid si Angeline sa condo nito at doon magpapahinga tapos anong susunod?? Sumasakit ang ulo ni Yen sa isiping iyon. Hindi niya alam kung totoo ngang madumi ang utak niya subalit tao siya ee. May pandama. Nasasaktan. Sabihin na natin na sa kanilang dalawa ay walang malisya pero sa ibang nakakakita kaya? Kung mali siya, saan ba siya dapat lumugar?? Hindi siya pwedeng tumahimik nalang.

Madaling araw na nang makatulog si Yen. Mabuti nalang at wala siyamg trabaho kinabukasan. Nasa bahay pa rin sila ni Jason. At para makatulog nang husto ay lumipat si Yen sa kwarto ng anak at tinabihan ito. Tatlo sila nina Manang Doray doon.

Tanghali na nang magising si Yen. Si Jesrael ay pagapang gapang na sa sahig na nasasapinan ng malambot na carpet. May foam ang bawat sulok ng kwarto nito at safe si Jesrael kahit na matumba pa ito. Walang matigas na bagay na matatamaan. Walang kahit anong aakyatan. Sinadya niyang gayon ang kwarto nito para hindi ito masasaktan.

Hindi muna lumabas si Yen ng kwarto. Nanatili siya sa silid ng anak at nilaro ito. Nag aaral na itong tumayo. Kaya hindi na ito dapat hinihiwalayan ng tingin.

" mmm-ma...m-ma..."

Napamulagat si Yen at bumunghalit ng tawa nang marinig ang tinig ng anak. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigkas nito ang mama. Ang saya ni Yen ay walang mapaglagyan. Niyakap niya ang anak habang ang maliliit nitong palad ay humahaplos sa kanyang mukha. Dahil kay Jesrael ay napapawi ang kanyang lungkot. At muli nanaman siyang nahulog sa malalim na pag iisip.

Kung isasa-alang alang niya ang kanyang damdamin ay maaari itong mawalan ng ama. Naisip niya na kung pag uusapan ang pagiging ama ni Jason ay wala naman na siyang masasabi pa. Mas malapit nga ito kay Jason kaysa sa kanya. Pero durog durog na siya. Masakit na.

Naputol ang pagmumuni niya ng magbukas ang pinto ng kwarto ni Jesrael. Sumungaw dito si Jason. Tiningnan lang ito ni Yen at hindi binati. Hindi niya ito pinansin. At kung anong tanong nito ay un lang din ang kanyang sagot. Nong araw na iyon ay para ailang ibang tao. Ramdam ang malamig na pakikitungo ni Yen kay Jason.

" anu bang problema mo?" hapon na nang hindi na nakatiis si Jason at kinumpronta si Yen.

" ikaw."

" ako? eh ikaw nga itong umaaktong parang gago. Tama ba naman na ichat mo si Angeline at makealam ka ng cellphone ko."

Parang punyal na itinarak sa dibdib ni Yen ang mga sinabi nito. Bakit ganon? Sa pagkaka alam niya ay asawa siya. Totoong hindi sila kasal pero mah anak sila. Bakit parang ang atensiyon na dapat sa kanya ay kay Angeline napupunta? Nangilid ang luha niya sa naisip. Marahil ay talagang hindi naman ganoon ka-secure ang lugar niya kay Jason kaya ganon ito.

" yon mismo. Bakit parang pinapamukha mo saken na mas importante si Angeline sayo kesa sa akin?"

" anu ka ba? magkaibigan na kame noon pa. Kilala ko na siya bago pa kita makilala."

May pag post pa si Jason sa wall nito. Pero siya ni minsan ay hindi nito ginawan ng ganon. Ni hindi nga ito nag ta-tag sa kanya ng post o kahit man lang iupdate ang status nito na in a relationship. Hindi siya magawang isama sa lakad niya at tila ba malaking kahihiyan para dito na makita siyang kasama si Jason.

Hindi niya alam kung tama pa ba ang inaasal niya pero sadyang hindi niya mapigil ang emosyon niya. Ang gusto niya ay yung secure. Yung malinaw kung saan ba siya dapat lumugar. Kung priority ba siya o option lang. Pero naiisip palang niya na ang mga bagay na iyon ay tila ba paulit-ulit na sumasampal sa kanya na nabuntis lang siya kaya niya ito kasama. Na totoong naging panakip butas siya noon at nadisgrasya kaya magkasama sila ngayon. Hindi ito proud sa kanya. Dahil simple siya. Hindi pwedeng idisplay?

" So ibig sabihin ay mas importante siya kesa saken dahil mas nauna mo siyang nakilala? Bakit hindi nalang siya ang binuntis mo kung ganon? "

" Anu bang pinagsasasabi mo?!"

" Babae din ako at hindi ako tanga. Ikaw tanga ka at tanggap ko yon. Ramdam ko ang motibo ng babae at ang mismong ibig sabihin ng laman ng mga messages niya. Kinukwento ang mga dinanas na masalimoot. Pa-victim! Ikaw na tanga may pa-comfort din. Pero kung willing kang magpalaki ng dalawang batang hindi mo naman anak ok lang. Derechahin mo lang ako. Kase kung magpapatuloy ito, matutorture ako at mauubos. Bigyan mo ng pagkalataon magtira para sa sarili ko. Kailangan ako ng anak ko."

" masyado lang madumi ang isip mo. Wala ka kaseng tiwala saken."

" ipaliwanag mo sa akin kung bakit ka nagagalit saken tuwinang magkukwento siya sayo na nagka usap kame sa chat. Di ba pinalalabas niyang binubully ko siya kahit wala naman talaga akong sinabing masama? Alam ko tanga ka kaya ako na magpapaliwanag saiyo na sinisira niya tayo. Sinisira niya ang pamilya mo. Kung bakit niya ginagawa iyon ay hindi ko alam. " ani Yen

" marahil ay hirap na siya at kailangan niya ng karamay. Pero kung willing kang magpa-uto sige lang. Baka mapilitan kang magpalaki ng hindi mo naman anak." dugtong pa ni Yen dito.

Tinitigan lamang siya ni Jason. Bakas ang inis sa mukha nito. Naiintindihan ni Yen dahil ilang beses niya itong tinawag na tanga. Hindi na niya mapigilan. Sasabog na siya. Kailangan niyang ilabas ang saloobin niya.

------------------------------------------------------

thanks for reading

dont forget to vote

take care

happy sunday


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C91
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄