下載應用程式
57.14% Workplace Romantic [Tagalog] / Chapter 2: Escape

章節 2: Escape

Kinuha ni Karissa ang mahahalagang gamit at inilagay sa isang bag. Hindi niya alam kung paano niya iyon itatakas.

Habang nag-aayos nakatanggap siya ng sagot na mensahe mula sa kaibigan. Kaklase niya si Cathy ng isang taon sa kolehiyo. Dahil matalino ang kaibigan niya, agad na pinalad ito na makapagtrabaho sa Maynila.

Samantalang siya, dahil sumabay ang kapatid na si Mandy sa kolehiyo kinailangan niyang huminto sa huling anim na buwan.

Nag-beep ang cellphone niya na ibig sabihin ay may mensahe siya.

[Cathy: Meron. Gusto mong mag-apply? Irerekumenda kita sa Boss ko]

[Karissa: Thank you Mars, tatakas lang ako dito sa bahay kaya huwag kang maingay ha.]

Naisip niya na ilagay sa garbage bag ang mga gamit.

Wait lang ha! Hindi ito yung tipo ng garbage bag na kulay itim na lagyanan ng basurahan ng mga 'Yayamanin'. Plastic bag na supot ng Puregold ang tinutukoy dito.

Karamihan ng gamit niya ay galing sa damuho niyang ex-boyfriend. Magaganda ang mga bigay nito dahil may kaya sa buhay ang lalaki.

Okay naman ang samahan nila. Isa lang ang hindi niya matanggap, ayaw nitong makipaghiwalay sa dati nitong girlfriend.

Nagpakamatay na kasi ito nang bago-bago pa lang sila na magsyota. Sinisi ito ng mga kasama sa barkada kaya walang nagawa ang mokong kung hindi ang makipag-balikan sa babae.

Iniwas at binura niya na sa isip ang ex niya at inayos ang gamit para makatakas.

Nilabas niya ang mga supot ng plastic bag ng Puregold.

"Ano yan?" usisa ng Madrasta niya.

Tila lumundag ang puso ni Karissa ng marinig ang matinis na boses ng tiyahin niya sa likuran.

"I-Ibebenta ko sa kaklase ko na si Joana, Ante. para may pang parlor ako mamaya" sabi niya dito.

Tila satisfied naman ang luka-luka sa sagot niya kaya pinaalis na siya nito agad.

"Basta bumalik ka agad ha!" pahabol pa nito.

Nang makatalikod ay inikutan niya ito ng mata. Ano siya hilo? Babalik siya doon? no way! E'di pwede na siyang maihalintulad sa talangka na excited na lulutuin ng chef sa kusina.

Sumakay ng tricycle si Karissa nagpahatid siya sa sakayan ng jeep para makapunta sa bayan at doon siya sasakay ng Bus papuntang Maynila.

Samantala sa bahay nila…

Dumating ang kapatid niya kay Tiya Pusit na si Mandy. Sa sobrang ikli ng pekpek shorts nito mapagkakamalan na itong naka-panty ng maong. Tinernuhan pa nito ng blusang pula. Pulang-pula ang labi at naka-pusod ang buhok na sobrang taas. Mas mataas pa sa Eiffel Tower, chos!

Matanda lang si Karissa kay Mandy ng tatlong buwan.

O di ba ang landi ng tatay niya? Sa loob ng tatlong buwan may nabuo agad sa ibang babae. Iba na ang Fakboy!

"Ma, ano na? May pera na ba tayo para makapunta ako sa Japan? Kailangan ko nang bumili ng ticket!"

"Huwag kang mag-alala, ihahatid natin si Karissa mamaya kay Don Facundo. Babayaran niya tayo ng isang milyon" Natutuwa na balita nito. Nagniningning ang mata na tila nanalo ng jackpot sa jueteng.

Hindi naman makapaniwala si Mandy. Hindi niya matanggap na may bibili sa kapatid niya na isang milyon.

Kahit pa na isang matandang hukluban ang bibili dito, hindi niya matanggap na may tao na handang bumili kay Karissa ng isang milyon. Samantalang siya ay sa kanto-kanto lang nalilibre.

Sa buong buhay kasi ni Mandy, kahati niya sa lahat si Karissa. Kaya inis siya sa kapatid at hindi sila close. Bukod pa doon, mas nagagandahan ang lahat kay Karissa kaysa sa kanya.

Lagi siyang hinahalintulad sa kapatid, kaya noon pa man ay hindi niya gusto ang kapatid sa ama.

"Nasaan siya?"

"Nagpunta daw kay… Joana ata iyon"

"Joana? Wala dito yung klasmeyt namin na Joana. nasa Japan na at nauna sa akin umalis. Malamang tumakas ang babaeng iyon kaya good luck sa isang milyon mo" sabi saka tumalikod si Mandy.

Naiwan na natulala ang Mama niya.

====

Nagpahatid si Karissa sa tricycle hanggang sa sakayan ng Jeep. Nilabas niya ang mga gamit at saka inilagay sa magandang bag na nasa loob din ng garbage bag na dala-dala habang nasa loob ng tricycle.

'Oh ayan bongga!' sabi niya sa sarili matapos ma-secure ang mga gamit.

Ilang saglit lang, sakay na siya ng jeep. Inisip niya ang lahat ng nangyari sa kanya. It's so unfortunate na nagkaroon siya ng panget na pamilya.

Siguro dahil sanay na siya kaya hindi niya magawang umiyak. Hindi na bale darating din ang araw at bukas luluhod ang mga tala, sabi nga ni Sharon Cuneta!

=====

Mahaba-haba ang biyahe ni Karissa na inabot ng walong oras, madaling araw na siyang nakarating sa bus station sa Cubao, Quezon City.

Mabuti na lang at nagkaroon siya ng mabait na kaibigan sa katauhan ni Cathy. Binuksan niya ang cellphone na ilang oras na nakapatay. Pagkabukas ng telepono, ilang mensahe ang nagsipasukan mula sa madrasta niya, kay Mandy at sa Papa niya. They are all cursing her.

Binelatan niya ang telepono na tila iyon ang tatlong taong tinik sa pagkatao niya.

'Bahala kayo sa buhay niyo! Hmp!'

Kasalanan ba niya kung hindi niya feel na magpakasal sa Don Facundo na malaki ang tiyan, mataba, mukhang manyakis at mukhang hindi naliligo ng sampung araw.? Kasalanan ba niya kung maganda siya? Yeees???

Hinanap na lang niya ang pangalan ni Cathy at nagtext siya sa kaibigan na naroon na siya sa bus station. Ilang saglit lang nakatanggap naman agad siya ng sagot mula dito na hintayin siya saglit.

Nakaramdam ng lamig si Karissa dahil BER months na at alas dos na ng madaling araw. Umorder muna siya ng kape na tig-sasampung piso sa tindera na nasa gilid ng bus station habang hinihintay ang kaibigan.

Habang naghihintay, nagmuni-muni muna si Karissa. Sa ngayon, dadalawang libo na lang ang natitira sa pera niya na kinita niya sa pagbenta-benta ng mga bag, pag-demo ng kung anu-ano at pagtutor sa anak ng kaibigan ng ex-boyfriend niya.

Ang napanalunan niya sa Mutya ng Baranggay Pilapil o kung ano man ang contest na iyon, ay napunta sa madrasta niya at walang napunta sa kanya kahit piso.

Matapos niyang makuha ang sobre ng napanalunan, agad iyong napunta sa bulsa ni Tiya Pusit. Nakaramdam siya ng inis.

Ilang saglit lang, isang kotse ang huminto sa tapat ng bus station at lumabas mula doon si Cathy. Nabigla siya na makita na nakasakay sa isang magarang kotse ang kaibigan niya. Halata ang pagtataka sa mukha ni Karissa.

Hindi niya akalain na bigtime na ang babae.

"Karissa!" masayang bati nito na nagpagising sa lumilipad niyang kaisipan.

"Cathy!" lumapit siya dito saka niyakap ang kaibigan.

"Hindi ko akalain na bigtime ka na ha!" puna niya.

"Ah.. it's a long story. Nandito ang Boyfriend ko." sabi nito. Halata niya na hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. Nilingon niya ang sasakyan. Sigurado siya na mahal ang sasakyan na iyon.

"Ahh... pasok na tayo." aya nito.

Pinasakay siya sa likod ng sasakyan at sa passenger seat naman ang kaibigan niyang si Cathy. Doon niya lang napuna mula sa rearview mirror na nasa edad kwarenta pataas na ang edad ng boyfriend nito.

Kumunot ang noo niya pero hindi siya nagsalita. Saka na niya uusisain ang kaibigan kapag silang dalawa na lang.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C2
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄