Malakas na katok mula sa labas ang pumukaw sa akin, pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako sa pagbingi-bingihan. Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang patuloy kong naririnig ang katok at pagtawag sa akin ni Daddy.
Antok na antok kasi talaga ako! Paano ba naman kasi ay gabi-gabi akong hindi nakakatulog nang maayos! Simula nang itanong ko kay Charmagne kung pwede bang ako na lang ang 'pumuno' sa nararamdaman niyang 'kulang' pa rin ay hindi ko na siya nakausap pa. Palaging hindi tugma ang schedule namin. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o talagang sinadya niyang busy ako sa tuwing may free time siya at busy siya sa tuwing ako naman ang walang ginagawa!
Oo, feeler na kung feeler, pero pakiramdam ko talaga ay iniiwasan niya ako! Bakit kaya ganoon, ano? Sa tuwing gusto mo nang itodo ang pag-amin mo ay saka ka niya iiwasan. Nakakainis lang talaga!
"Ara, sweetie!" bumangon na ako at binuksan na ang pinto dahil baka ma-good game ako kapag pinagod ko si Daddy.
"Bakit po? Wala po 'kong pasok ngayon, Dad, gusto ko pang matulog," nakapikit kong sabi. Anong oras na ba kasi akong nakatulog? 2 AM or 3 AM? Ewan, basta hindi na iyon gabi kung hindi madaling araw na.
"May naghihintay sa'yo sa baba," sagot niya.
"Si Charmagne?" pakiramdam ko ay nabuhayan talaga ako! Siguro kaya niya ako iniiwasan ay dahil gusto niya akong i-surprise!
"Ooh, I didn't know you were expecting for him," mapanuksong sabi niya. Tss! Bahala na nga sila riyan, itukso pa nila kami, sige! "But, he's not your visitor, it's. . .I forgot his name, but he's Mrs. Chua's youngest son," dagdag niya.
Mrs. Chua? Youngest son? Probably it's not JD kasi eldest siya, so. . .si John Jervin? What? Ano namang ginagawa niya rito?
"Maligo ka na at bumaba ka agad. Don't let your visitor wait too long," aalis na sana si Daddy, pero muli ko siyang tinawag.
"W-Why is he here?" nagtataka talaga ako, sobra!
"He asked us if he can go out with you."
"At pumayag kayo?"
"Why not? He said he wants to get to know you, and besides, Ara, he's the son of our new shareholder, tama lang na maging kaibigan mo siya."
"But, Dad, actually, we got nothing to do with your business. Pero, bakit kayo pumayag? Ano ito? Ako ang bitag ni'yo para maging close 'yong family natin sa family nila? Come on, Dad, tell me, is there something wrong with the business? Hindi mo na ba kayang i-handle or are we losing money kaya we need their help?" sorry naman, naguguluhan lang talaga ako! Imagine, hindi ko kilala si John Jervin, tapos okay lang sa kanila na lumabas kami. Akala ko ba don't trust a stranger, bakit ang dali lang sa kanilang payagan ang lalaking iyon na ilabas ako? Tsk!
"It's not like that, sweetie. Bakit ka ba nagagalit? Kaibigan lang naman ang gusto nang binata, hindi niya naman sinabing gusto ka niyang ilabas dahil jojowain ka niya."
Napanganga ako sa sagot ni Daddy! Hindi ako makapaniwala na alam niya ang salitang 'jowa', ibang klase!
"Huwag kang magulat, Ara, I am using social media, too, kaya alam ko ang mga ganiyang terms ni'yong Generation Z," nabasa yata ni Daddy sa mga mata ko ang gulat kaya nasabi niya iyan. HAHAHA! "Sige na, maligo ka na at bumaba agad. Don't be too overreacting, kaibigan lang 'yan not marriage," aniya saka niya ako tuluyang iniwan.
Wow! Grabe si Daddy! Ano pa bang magagawa ko? Payag na payag sila, eh. Ewan ko ba kung bakit hindi sila strict sa akin, I mean kapag may lalaking gusto akong kilalanin ay go na go lang sila basta kapag nasaktan ako ay they always got my back at sila na raw ang bahala sa mananakit sa akin.
Napangiti na lang ako bigla. I am so blessed that God gave me the best family in the entire world. May freedom ako and at the same time, I am placed in an easement dahil alam kong they will never leave me in times of my downfall.
Okay, enough with that. Maliligo na ako dahil nakakahiya naman sa 'bisita' kong hindi ko naman sinabing bumisita sa akin. Tss!
Napatigil ako sa may hagdanan nang makita sa couch ang isang lalaki. Sigurado akong ito si John Jervin dahil siya lang naman kasi ang 'bisita' ko. Pero, wow ha, ang gwapo nga niya!
Kaya lang ay naalala ko iyong sinabi ni Charmagne na. . .
"Naghahanap siya ng babaeng magiging katapat ng anak niya, pero anong ginagawa ni Jervin? Sinasaktan niya lang 'yong mga babaeng siniset-up ng Mommy niya. Nakakashuta, 'di ba?"
Paano kung sasaktan ako nito?
Ay! Ano ba! Bakit ko ba iyan iniisip, eh hindi pa nga kami nag-uusap. Tsk!
Pero, kamusta na kaya si Charmagne? Ano ba iyan, nakamiss ang Juding!
"Hi," tumayo pa si John Jervin nang tuluyan akong makarating sa living area. "Pasensya na kung nagpunta ako rito without informing you," aniya.
"Okay lang," pilit ang ngiting ipinakita ko. Malay natin baka gusto niya akong i-surprise kaya hindi niya ako ininform. Tss!! "Sa'n kayo?" tanong ko kay Daddy at sa mga Kuya ko nang akmang iiwan nila kami.
"We have a game, Ara," nakangiting sagot ni Kuya Aaren at saka silang tuluyang umalis. Game daw, eh hindi naman sila nakasuot ng jersey!! Mukha nila, gusto lang talaga nilang i-solo ako nitong lalaking hindi ko kilala!!
"Ara, right?" muling usal ni John Jervin at tumango naman ako. "John Jervin Chua," inilahad niya ang kamay niya.
"Ara Cee," sabi ko naman sabay abot ng kamay niya. First impression mo talaga sa kaniya ay mabait at magalang! Ang friendly ng ngiti niya kaya parang nabubura na sa isip ko ang mga sinabi ni Charmagne.
"I know you're very confused why I'm here, pero kasi my Mom has been telling me to meet you kaya kinapalan ko na 'yong mukha ko at pumunta ako ngayon dito," napatango na lang ako. Ewan, nawala bigla iyong pagkamadaldal ko. "Actually, magkakilala kami ng mga Kuya mo, magkaklase kami ni Arnold," oy, hindi ko iyan inaasahan.
"So, ibig sabihin 20 years old ka na rin?" tumango naman siya, "kuya kita? Tatawagin kitang Kuya?" malakas ang tawang ibinigay niya. Mukhang mali yatang i-judge ko agad ang taong ito. Masiyahin kasi siya masyado kaya feel ko puno naman siya ng positivity sa life.
"It's all up to you, you can call me whatever you want kung saan ka komportable," nakangiting aniya. "Can we continue getting to know each other in the car while traveling? Para makarating tayo nang maaga sa pupuntahan natin."
"Saan tayo pupunta?" kailangan niya munang sabihin kung saan dahil baka mamaya ay sindikato pala ang lalaking ito at bigla akong kidnappin—charot!
"Mall."
Mall? Magshashopping ba kami? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi dahil seryoso siya nang sabihin iyon.
"Bakit sa mall?" natatawang tanong ko.
"I'll open the first branch of my resto and I want you to be part of it," sagot niya.
Nabura ang ngiti sa labi ko at saka ko itinanong ang, "nagkakilala na ba tayo?" May bigla kasi akong naalala dahil sa sinabi niya.
"Let's go?" imbis na sagutin ang tanong ko ay niyaya niya na ako, pero hindi ako kumibo. Kailangan ko ng sagot dahil baka hindi ako makatulog. "Okay. . ." muli siyang ngumiti, "I'm Journey Reyes," aniya at napaawang naman ang bibig ko!
"Totoo?!" gulat kong tanong na agad niyang tinanguan.
Journey, that kiddo, crush na crush niya ako noong mga bata pa kami, pero hindi ko siya pinapansin dahil head over heels talaga ako kay Marcus noon. Kaya ko natanong kung nagkakilala na ba kami kasi naaalala kong may nagsabi sa akin niyan noon, na kapag may resto na siya ay isa ako sa makakawitness ng opening nito at si Journey iyon.
"Paanong. . .Chua ka na ngayon?" tanong ko na naman.
"Tita ko si Jeannie Chua, kinikilala ko nang Mommy ngayon, kapatid siya ng tunay kong Mama kaya lang. . ." bigla siyang napayuko at mukhang naging malungkot siya, "my parents died in a car accident 14 years ago."
Nakagat ko iyong labi ko. "S-sorry, na-open pa," sabi ko. Mabuti na lang dahil okay lang daw naman siya.
"Tapos si Mommy Jean, she adopted me at iniba na rin 'yong pangalan ko. Actually, nagbago talaga ang lahat nang tumira ako sa mga Chua," hindi ko alam kung natutuwa ba siya o hindi dahil wala namang ekspresyon sa mukha niya.
"Should I call you Journey or Jervin?" tanong ko.
"Depende sa'yo. I owned both of that name, after all."
"Okay, sige, Journey! Mas kilala kita kapag Journey ang itawag ko sa'yo kaysa Jervin."
Pakiramdam ko talaga ay nagbago ang paningin ko kay John Jervin nang malaman kong siya ay si Journey. Mabait kasi talaga si Journey at sobang haba ng pasensya at pagkamaintindihin niya! Dati kahit ilang beses kong sabihin sa kaniya na si Marcus ang gusto ko ay lagi niyang sinasabi na 'okay lang, hihintayin pa rin kita'.
Haynako, Journey. Pero, mga bata pa naman kami noon at iba na ngayon.
***
Hala, ang daming tao rito sa labas ng resto niya! Ang daming mga babae! Mukhang sikat nga talaga sa girls si Journey.
"Halika na, Ara," hinawakan niya ako sa kamay at dumaan kami sa nagkukumpulang mga babae. Kaliwa't kanan naman ang flash galing sa mga kamera nila kaya todo yuko ako. Tss, hindi ko naman inaasahang artista pala si Journey!
"Ara?" sabay talagang tanong ni JD at Clara. Ngumiti lang ako sa kanila na hindi yata makapaniwalang nandito ako.
"Ara, stay here, tatawagin ko lang ang mga kasamahan ko for the ribbon-cutting," umalis naman agad si Journey matapos sabihin iyon.
"Arabells," siniko pa ako ni Clara kaya nakuha niya ang atensyon ko. "Close kayo ni JJ?" tanong niya.
"Hindi naman masyado," sagot ko.
"Grabe! Hindi ko ini-expect na magkakilala kayo."
"Ako rin naman."
"Ha?"
Hindi ko na siya nasagot nang magkatitigan kami ng taong gusto ko na talagang makita!!
Kakaway sana ako nang biglang may humila sa kaniyang lalaki at naupo sila sa kabilang mesa. Tsk!
Nakatitig lang ako sa kaniya na mukhang masayang nakikipag-usap sa grupo ng mga kalalakihan. Natinag ako nang makatanggap ako ng mensahe galing kay—
CHARMAGNE!!
From: Juding
Ba't ka nandito?
Tiningnan ko siya, pero busy siya sa pakikipag-usap ngayon. Nagreply na lang ako ng. . .
To: Juding
Jervin invited me.
Matapos basahin iyong reply ko ay bigla niya akong nilingon. "Let's talk," hindi ko man narinig iyon ay na-gets ko naman ang sinabi niya.
Lumipat siya sa ibang mesa at sumunod naman ako. Sh*t! Ngayon ko lang ulit siya nakita nang ganito kalapit!!
"Ba't ka nga nandito?" tanong na naman niya. "Huwag ka ngang ngiti nang ngiti, Kilatra, parang aning 'to," kunot-noong aniya, pero hindi ko siya pinakinggan! Nakangiti pa rin ako. HAHAHA!
"Kasi nga inimbitahan ako ni Jo—Jervin," sagot ko naman. Kapag binaggit ko ang pangalang Journey ay malamang hindi niya iyon makikilala at baka maintriga lang ang Juding.
"You shouldn't have come here," aniya.
"Bakit naman?"
"Bakit ka ba ngiti nang ngiti?" badtrip na talaga siya sa akin! HAHAHA! Pero, bahala siya riyan, manigas siya! Ilang araw niya akong hindi pinapansin kaya malamang abot langit ang saya ko ngayong nagkausap kami ulit.
"Ba't mo 'ko iniiwasan, ha?" nakangising tanong ko, pero pinaningkitan niya lang ako ng mga mata. "Bakit nga?" tanong ulit.
"Am I avoiding you ba, ha?"
"Ba't 'di ka makatingin sa'kin?"
"Sige na, oo na!" ayan, sumabog din ang Juding. "I feel so awkward, Kilatra, alam mo ba 'yon?"
"At bakit naman?"
"Hindi ko alam."
"Pwede ba 'yon?"
"Oo, kaya pwede ba, bumalik na lang tayo sa dati."
Napatigil ako at napatitig sa kaniya nang ilang segundo. "May nagbago ba sa atin?" takang tanong ko.
"May nagbago sa'yo."
"Ha? Si Ara pa rin naman 'to, ha."
"Let's be frank here, Kilatra, ayokong magustuhan mo 'ko."
So, alam niya? Ang lakas naman ng radar nito!
"Bakit naman?" malungkot kong tanong. Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya, pero ayan na siya at mukhang papatigilan ako sa nararamdaman ko.
"Look, I'm Juding and you're Kilatra, we're not compatible."
"Bakit? Sinabi ko bang gusto kitang jowain? Gusto lang naman kita, pero wala pa ako sa stage na gugustuhin kong ligawan ka, baliw," waaah! Nasabi ko na! Nasabi ko na! Akala ko ay mahihiya ako, pero hindi pala. Actually, I feel so relieved!
"Gusto mo na 'ko?" gulat niya pang tanong at nakangiti naman akong tumango. Gusto ko si Charmagne kasi siya si Charmagne Fuentes, no any other reason.
"I like you, Juding," todo ngiti ako ngayon mga, Mare, kahit siya ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko! Ah, basta bahala siya, hindi niya ako mapipigilan.
"Ara, Cha, let's go, everyone's ready," hinila na ako ni Journey, pero si Charmagne ay nagpa-iwan sa mesa.
Nilingon ko siya at muli kong sinabi ang 'I like you, Juding' nang walang boses at siya naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang titigan lang ako.
HAHAHA! ANG SAYA KO, PROMISE!!