下載應用程式
88.73% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 189: Nadamay Lang?

章節 189: Nadamay Lang?

"Congressman Sanchez!"

Boses iyon ni Miguel.

"Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko!

Akala ko hindi mo pa sasagutin e, pasasabugin ko na ang bahay mo!"

Congressman: "Pasensya na Capt. Miguel, nasa gitna kasi ako ng meeting ngayon kaya hindi kita agad nasagot!

Ano bang maipaglilingkod ko sa'yo! Hehe!"

Kinakabahang tanong ni Congressman. Halata sa boses ng kausap nya na galit ito at parang sa kanya.

Miguel: "Sa pagkakaalam ko, wala akong atraso sa'yo! At sa pagkakaalala ko, isa ako sa mga hiningan mo ng tulong nung huling eleksyon, tama ba ako Congressman?"

Hindi mainitindihan ni Congressman kung saan patungo ang usapan nila at anong naging atraso nya dito, pero nahahalata nya sa tono ng kausap na galit ito sa kanya.

Congressman: "Oo naman Capt, katunayan nagpapasalamat ako at ang buong pamilya ko sa tulong na ibinigay nyo!"

Miguel: "Kung ganun, bakit mo ako tinatraydor? Gusto mo bang subukan kung paano ako magalit?"

Nataranta si Congressman. Alam nya kung paano magalit ito. Balita nga nya, mismong ama nya ay hindi nakaligtas sa galit nito.

Congressman: "Te...teka Capt.! Hindi kita maintindihan, ano bang naging atraso ko sa'yo?"

Miguel: "Hindi mo maintindihan? Pwes ipapaliwanag ko sa'yo!"

"I.S.A.B.E.L !!!"

Namulta si Congressman ng dahan dahan binanggit ni Miguel ng may diin ang pangalan ni Issay sa kanya.

'Anak ng....'

'Anong kaugnayang ng taong ito kay Isabel?'

Sumisigaw ang isip ni Congressman ng BAKIT???

Congressman: "E... Capt. si.. sinong Isabel ang tinutukoy mo?"

Miguel: "Yung ipinadukot mo ngayon lang sa isang restaurant sa Zurgau!

Lalong namutla si Congressman. Hindi sya makapagsalita sa sinabi ni Miguel. Paano nya agad nalaman ang nangyari? At Sino si Isabel sa buhay nya?

'Sabi ko na, hindi ko dapat ginalaw itong babaeng ito!'

Miguel: "Ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit mo pinadinukot si Isabel?! Anong naging atraso nya sa'yo?!"

Natataranta sya sa bawat binibitiwang salita ni Miguel. Pati mga tauhan nya na hindi naman naiintindihan ang pinaguusan nila, natataranta na rin ng mapansin nila ang mukha ni Congressman na tila nauubusan ng kulay.

Ramdam nilang may problema.

Congressman: "Pa.. pasensya na Capt., nadamay lang sya. Hindi talaga sya ang target ko, maniwala kayo!"

Miguel: "Nadamay lang?"

"Tsk, tsk, tsk, tsk!"

Congressman, ano bang klaseng dahilan yan? Gusto mo bang huwag ng sikatan ng araw?"

Hindi na nakapagsalita si Congressman dahil sisingsisi sya kung bakit nya naisipan na ipadukot si Isabel. Nagbago man ang isip nya sa huli, nagsisi pa rin sya bakit hindi nya inimbestigahang mabuti si Isabel.

Miguel: "Tandaan mo ito Congressman, pag may ginawa kang masama kay Isabel, ililibing kita ng buhay kasama ang buong pamilya mo!"

At ibinaba na nito ang phone.

Ayaw ni Congressman ng binabantaan sya, naiinis ito pero mahal nya ang pamilya nya at ayaw nyang madamay sila sa ginawa nyang ito.

Kaya pagkababa ng phone hinarap nito ang mga tauhan nya.

Congressman: "Ihiwalay nyo si Isabel kay Yasmin!

"Dalhin ninyo si Isabel malapit sa ospital at iwan nyo doon!

Ingatan nyo sya at huwag na huwag nyong sasaktan! Maliwanag!"

Nagtataka man ang mga tauhan sa utos nya, sumunod na rin sila.

Congressman: "At kayo! ( Sabay turo sa apat na bodyguard nya)

Dalhin nyo si Yasmin sa kabilang hideout! Mahirap na baka masundan tayo dito!"

Sakay ng magkaibang sasakyan,

naunang umalis si Congressman kasama si Yasmin sa convoy nito.

Pagalis nila, saka lang sumunod ang sasakyan kung saan lulan si Issay na magdadala sa kanya sana sa ospital pero hindi pa ito nakaka layo ay may humarang na.

Ang mga shadow guard ni Issay sa di kalayuan ay handa na rin para sundan ang sasakyan kung saan sya lulan.

Nasabi na ni Miguel sa kanila ang paguusap nila ni Congressman at may posibilidad na pakawalan nya ito pero...

Nagulat din sila dahil pag dating ng gate, biglang huminto ang sasakyan dahil may humarang na isang babae.

Naalarma sila at naghanda.

"Saan nyo dadalhin yan?"

Tanong ng babae sa driver.

Kilala ito ng driver, dahil minsan isinama ito ni Leroy sa pagpaplano.

Driver: "Boss Mam, inutusan kami ni Congressman na dalhin si Isabel sa isang ospital at iwan doon!"

"Bakit naman nya iniutos yon? May plano ba syang pakawalan si Isabel? Bakit? e sya nga ang kailangan natin?!"

"Ibalik nyo yan!"

Nagkatinginan ang dalawang inutusan.

Driver: "Pero Boss Mam baka po magalit si Congressman saka ang sabi din nya kailangan na din natin umalis dito at baka nasundan tayo!"

"Pwes, umalis na tayo dito at doon tayo sa isa pang hideout magpunta!"

Saka lumapit na ito sa sasakyan at sumakay sa likod at saka walang tanong tanong ng pinaandar ng driver.

Ayaw nila parehong mapahamak.

"Hello Isabel! Naalala mo pa ba ako?"

Hindi sya nakikita ni Isabel dahil may talukbong ang ulo nito, kaya umiling ito.

"Oonga pala may talukbong ka, papaano mo nga pala ako makikilala!"

Tinanggal nya ang talukbong sa ulo nito.

"Ngayon, nakikilala mo na ba ako?"

Umiling pa rin si Issay dahil hindi nya talaga ito matandaan pero aminado syang medyo pamilyar ang mukha nito.

"Ang hina naman ng memorya mo!"

Issay: "Hindi ako madaling makaalala sa mga taong walang halaga sa akin!"

Napikon na ang babae.

"Sinasabi mo ba na wala akong halaga? Ganun ba?!"

At sinampal nito si Issay ng dalawang beses sa mag kabilang pisngi.

"Alam mo bang matagal ko ng gustong gawin sa'yo yan!"

"Siguro naman nakikilala mo na ako?"

Issay: "Bakit ba hindi mo na lang sabihin kung sino ka?! E sa hindi nga talaga kita kilala!!!"

Naiiritang nyang sagot

Yun din ang nasa isip ng dalawang goons na nasa harapan pero nagkatinginan na lang sila at hinayaan na lang ang nasa likod.

"Kung sabagay, gurang ka na nga pala kaya siguro mahina na ang memorya mo!"

"Bibigyan kita ng clue para maalala mo!"

"Boracay, pinagtangkaan din kitang ipadukot nun pero hindi ako nagtagumpay!"

Kumunot ang noo ni Issay ng maalala ang nangyari iyon.

Issay: "Winnie?"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C189
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄